Share

Chapter 1

Jehiel's P. O. V

"SCARLET!" sigaw ko.

"Je-jehiel" nauutal na sabi ni Scarlet.

Nakita ko lang naman ang girlfriend kong si Scarlet sa sarili kong kama na mayroong kasamang lalake.

"LABAS!" sigaw ko at niyukom ang kamao ko.

Pumikit ako dahil ayokong makapatay ng tao.

"JEHIEL! I'M SORRY!" sigaw ni Scarlet at naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko.

Dinilat ko ang mga mata ko, kitang kita ko ang hubad niyang katawan.

"Pinatira kita dito! Pinakain kita! Binihisan kita! Pero eto?" galit kong sabi at tinuro ang lalakeng nakaupo sa kama. "ETONG PUTANGINANG TO ANG IGAGANTI MO SAKIN?! PUTA KANG BABAE KA!" sigaw ko at tinulak si Scarlet.

"Please! Babe! Please wag!" pagmamakaawa ni Scarlet.

"Alis, LUMAYAS KAYO!" Sigaw ko.

"JEHIEL!" sigaw ni Scarlet at lumuhod sa harap ko.

"PUTANGINA TAMA NA! LUMAYAS KA NA!" sigaw ko.

Tumayo si Scarlet at sinamaan ako ng tingin.

"You’ll come back to me! Katawan ko parin ang hahanap hanapin ng kalamnan mo!" galit na sabi ni Scarlet at kinuha ang mga damit niya.

Hinila na niya palabas ang lalakeng katalik niya.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko, sinuntok ko ang pader ng ilang beses hanggang sa magmanhid ito at makita ko ang mga dugo sa pader.

Napahagulgol ako at napaupo sa sahig dahil sa sakit, matagal ko nang girlfriend si Scarlet. Tatlong taon at apat na buwan na kaming mag kasintahan halos asawa na ang turing ko sakanya hindi ko akalain na magagawa niya akong lokohin ulit.

"Tangina, bakit ba minahal kita?" bulong ko at pinunasan ang dumudugong kamao ko.

Masyado akong nabulag kay Scarlet, sa tuwing mag nagagawa siyang kasalanan o may kailangan siya palagi niyang binibigay ang katawan niya sakin. Siya na ang nagtutulak sakin na makipag sex. Hindi naman ako makatanggi, lalake ako.

Naka receive ako ng message mula kay Fred.

Pre? Samahan mo ako.

Agad ko siyang nireplayan.

Saan nanaman?

Mabilis namang sumagot si Fred.

Bar pre, sama mo girlfriend mo. May ka blind date ako.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa 'girlfriend'

Nagbreak na kami ulit, niloko niya ako ulit, sama ako sayo kailangan ko ng walwal. Reply ko.

***************

Nilinis ko ang buong bahay at tinapon lahat ng gamit ni Scarlet. Pagdating gabi ay naligo na ako, tumingin ako sa malaking salamin ng banyo at tinignan ang matipuno kong katawan, kumuha ako ng twalya at unang pinunasan ko ang buhok ko sumunod ang katawan ko.

Habang nagbibihis ako ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Fred.

"Oh? Bakit? Papunta na ako" sabi ko.

"Nakita ko sila Arnold sa daan kaya sinama ko na sila. Nandito na kami ngayon! Ang daming chics!" Sigaw ni Fred dahil rinig na rinig ko ang malakas na tugtog na nangingibabaw.

"Sige sige, eto na aalis na ako" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Kinuha ko ang susi ng motor ko at helmet. Nag drive ako papunta sa bar na madalas naming tambayan ng tropa.

Pagdating ko sa bar ay agad akong dumiretso sa isang sulok na may malaking table, doon kami palagi tumatambay at suki kami rito dahil unang bukas palang ng bar na 'to noong college kami ay dito na kami nakatambay kaya naging ka-close na namin ang may ari ng bar na ito.

"Eto na si Boss Jehiel!" sigaw nila Max.

May mga katabi na silang babae at mayroon pang mga nag po-pole dancing na halos wala nang damit.

"Baso" sabi ko at inabutan ako ni Fred ng baso.

Umupo ako sa tabi ni Fred at tinagayan nila ako.

"Wala bang mamahaling alak? Puro kayo timpla" reklamo ko.

Tumawa naman sila at halatang may tama na.

"Pre! Mura na matapang pa! Legend to!" sigaw ni Max at tinaas ang baso niya.

Nag toast kaming lahat at inistraight ang alak na nasa baso namin.

"Nasan ka blind date mo?" tanong ko kay Fred.

"Wala pa nga tol, tagal. Sabi niya nagbibihis pa siya, magbibihis pa huhubaran ko rin naman" sabi ni Fred at tumawa.

"Gago" sambit ko at uminom ng alak.

Tumagal ang pag inom namin.

Ilang sandali ay nagulat ako nang sumulpot sa harapan ko si Scarlet.

"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" sigaw ko sakanya.

"Pre! Pre! Sorry nag message kase sakin si Scarlet. Hinahanap ka kaya sinabi kong nandito ka kasama ko. Nakalimutan kong break na kayo" sabi ni Fred. Hindi ko siya pinansin.

Umiiyak si Scarlet at hinawakan ang kamay ko. Tumayo naman ako at hinarap si Scarlet.

Wala na akong balak na patulan at magpa uto ulit kay Scarlet, tama na ang ilang taon niya akong ginamit.

"Jehiel! Wala na akong matutuluyan! Alam mong mahal na mahal kita at nagawa ko lang yon dahil nahihirapan na ako sa relasyon natin! Hindi mo na ako pinapansin kaya gumawa ako ng paraan para--" hindi ko na siya pinatapos dahil sinampal ko siya.

"LUMAYAS KA NA! AYOKONG MAKITA ULIT ANG PAGMUMUKHA MO! MALANDI KANG BABAE KA!" sigaw ko.

Hinawakan ni Scarlet ang batok ko at akmang hahalikan ako.

Alam kong gagamitin nanaman niya ang pang aakit para manalo ulit sakin pero hindi ko na siya hahayaan pa.

"TANGINA NAMAN SCARLET!" sigaw ko at tinulak siya.

"DAMN YOU JEHIEL!" sigaw ni Scarlet at lumakad palayo.

***************
Zahra's P. O. V

Inihagis ko ang bangkay sa malalim na lupang hinukay ko, pagkatapos kong tabunan ay muli akong naghukay para sa panibagong tao.

"Fuck all of you" madiin kong sabi at dinuraan ang lupang puno ng mga bangkay.

"Inaapakan ko nalang kayo ngayon, walang sino man sainyo ang pwedeng manakit sakin" bulong ko habang nakatingin sa lupa.

Malakas akong tumawa dahil sobrang satisfied ng nangyari.

Bumalik ako sa bahay at tinignan ang magulong bahay.

"Dirty dirty dirty" himig ko at kumuha ng walis at basahan.

Nagsimula akong magpunas at magwalis ng mga alikabok at mga kalat.

"Blood" bulong ko at pinunasan ang dugo sa gilid ng kama ko.

Nakaligtaan ko itong punasan, nilinis ko itong mabuti. Walang bakas ng kahit na ano.

Tumunog ang cellphone mula sa bulsa ko. Agad ko itong sinagot.

"Nasan ka na baby ko? Nandito na kami"

"Nagbibihis na ako" sagot ko ata agad na pinatay ang tawag.

Napangiti ako at tinignan ang malalim na hukay sa lupa.

"Who's fucking next?" natatawa kong sabi.

Naligo na ako at nagbihis, sinuot ko ang halter dress na kulay red at heels na kulay red din. Nagsuot rin ako ng mapulang lipstick.

Ngumiti ako sa salamin at inikot ikot ang buhok ko.

Dala ko ang kotse ko na nagtungo sa bar, madaming lalake ang humarang saakin at hiningi ang number ko pero walang dahilan para sila ang targetin ko.

Tinignan ko ang table na sinabi ng misteryosong lalake na ka blind date ko.

Agaw pansin naman ang babae at lalake na nag aaway.

"Oww, mother fuck" bulong ko nang sampalin ng lalake ang babae.

Hindi ko sila naririnig dahil sa ingay ng bar.

"Look who's next" bulong ko habang nakatingin sa lalakeng nakikipag away sa babae.

********************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status