Share

Impression

"Ang kapal ng mukha ni KD na ikaw ang gusto niyang umalis. Eh isa pa lang naman siyang estudyante at wala ring trabaho," nanggigigil na sabi ni Maddy.

"Alex hindi ba sa iyo nakapangalan ang bahay na iyon. Ikaw ang nagbabayad sa monthly expense at maintenance ng bahay. Kaya siya ang dapat umalis hindi ba Maddy," wika naman ni Abby.

Inayang lumabas ni Alex ang mga kaibigan niyang sina Maddy at Abby para may mapagsabihan at  makausap tungkol sa kaniyang problema. Sina Maddy at Abby ay mga matatalik na kaibigan ni Alex simula pa noong highschool. Sa Manila na rin nagtatrabaho ang mga ito. Si Maddy ay isang Supervisor sa isang Advertising Company. Samantalang si Abby naman ay Manager sa isang Fashion Boutique.

"Hmm hindi sa akin nakapangalan ang bahay kung hindi kay KD," malungkot na wika ni Alex.

"Ha? Hindi ba ikaw ang nagbayad ng bahay na iyon. Nagloan ka pa nga para mabayaran agad iyong bahay na iyon, hindi ba?" nagulat na sabi Maddy.

"Naku Maddy parang hindi mo pa rin kilala ang Papa ni Alex. Hindi na ako nagulat na ipinangalan kay KD iyong bahay, dahil sa makalumang paniniwala ng Papa nila na dapat ng property dapat nakapangalan sa anak na lalaki dahil ito ang magdadala ng apelyido nila habang buhay. At dahil ang babae kasi mag-aasa iyan at magpapalit ng apelyido," mahabang pagpapaliwanag ni Abby.

"Paano ngayon iyan, anong gagawin mo Alex? Gusto mo tumira ka muna sa amin," tanong ni Maddy.

"Naku ano ka ba hindi na Maddy, kasama mo ang mga kapatid mo sa bahay tapos si Abby naman ay kasama niya sa apartment ang boyfriend niya. Ok lang ako magagawan ko rin ng paraan ito," pagtanggi ni Alex sa offer ni Maddy.

"So ano uuwi ka sa bahay ng Mama at Papa mo?" tanong ni Abby.

"Naku hindi ayokong umuwi doon. Siguro hahanap ako ng apartment o kwarto basta may matuluyan ako dito sa Manila," sagot ni Alex.

"Halika Alex tumayo ka diyan, pumunta tayo sa bar. Maghanap tayo ng mapapangasawa mo na may bahay haha," pag-aaya ni Maddy na may halong biro.

No boyfriend since Birth si Alexa. Ang priority niya sa buhay ay matupad ang pangarap niya. Siya lamang ang hindi pa nagka boyfriend sa kanilang magkakaibigan. Hindi katulad nila Maddy na kilalang playgirl noon pa dahil lapitin ito ng mga lalaki. Dahil ito sa taglay niyang ganda at perpektong hubog ng katawan. Si Abby naman ay may long time boyfriend na si Mike, highschool pa lamang ay magnobyo  na ang mga ito at ngayon ay nagsasama na.

Nagpunta sila sa isang resto bar. Doon nila ipinagpatuloy ang kanilang kwentuhan. Habang nagkukwentuhan ang tatlo ay may narinig silang nag-aaway sa kabilang table.

 "Anong sinasabi mo? Pinaaalis mo ako sa bahay mo? Akala ko parang magkapatid na ang turingan natin?" galit na tanong ng lalaki sa kabilang table sa kasama nitong naka black.

"Bago ka lumipat sa bahay ko ay may napagkasunduan tayong rules. Unang rule hindi mo nasunod, pangalawa hindi mo rin nasunod at pangatlo hindi mo rin nasunod ang rule," walang emosyon na sabi ni Sam.

Si Sam ang naka black na kausap ng lalaking galit. Isa siyang System Developer sa isang kilalang kumpanya. Matangkad, gwapo at matipuno. Ideal type ng marami. Ngunit strikto, walang pakialam sa ibang tao at kuripot. Kausap niya ang kanyang tenant o housemate na si Mark, ang lalaking galit.

"Umuwi ka noong isang gabi na lasing na lasing, nakalimutan mo ang susi mo kaya sinipa mo iyong pintuan ng bahay. Pagkatapos noon inihian mo ang harapan ng pinto ko. Sapat na dahilan para iterminate ko ang contract natin. Kaya kailangan mo ng umalis ng bahay ko bago ako umuwi kung hindi ay tatawag ako ng pulis," walang pa ring emosyon na sabi ni Sam.

Wala na lang nasabi si Mark sa mga narinig niya mula kay Sam. Alam niyang ganoon talaga ang ugali nito at hindi na siya pakikinggan kahit ano pa ang sabihin niya rito.

Sa table naman nila Alex habang nakatingin sa table nila Sam ay napasabi na lamamg siya ng "Grabe naman ito, wala man lang konting consideration sa kasama niya. Sana hindi ako makatagpo ng taong katulad niya.

Umalis na si Sam sa resto bar at dumiretso sa office nila para kunin ang laptop niya. Pagkarating niya sa office ay sinalubong siya ni Carlos. Siya ang CEO sa company kung saan nagtatrabaho si Sam. Si Carlos din ang nag-iisang kaibigan ni Sam na kayang magtiis at umintindi sa ugali nito.

" Bakit mo naman papalisin agad si Mark? Tapos pinagbantaan mo pa na tatawag ka ng pulis kapag hindi siya umalis," sunod-sunod na tanong ni Carlos habang sinusundan si Sam papunta sa office nito.

"Hindi mo ba alam ang salitang pagiging makatao?" Sana man lang binigyan mo iyong tao ng konting panahon para makahanap man lang ng lilipatan niya," pagpapatuloy ni Carlos.

"Nilabag niya ang mga rules na nasa contract namin at higit sa lahat sinira niya ang bahay ko. Tabi d'yan!" pagkakuha ng laptop niya ang palabas na rin agad siya ng kanyang office.

"Teka saan ka pupunta?" tanong ni Carlos.

"Sa bahay ko, uuwi na.

"Ha? Bakit ka uuwi kailangan mo iupdate ang bagong version ng system ng client natin. Deadline na noon next week.

"Tabi kailangan ko ng umuwi papakainin ko pa si Snow at kailangan ko din mag segregate ng mga basura dahil schedule ng bahay ko ngayon. Kung hindi mo ako binigyan ng housemate na sakit sa ulo, pwede sana ako mag overtime," wika ni Sam habang naglalakad papuntang elevator.

"Hay nakakainis ka talaga Sam, hindi ko alam bakit ba naging kaibigan kita," naiinis na sabi ni Carlos habang walang nagawa sa pag alis ni Sam.

Kinaumagahan nagpasya si Alex na kausapin ang Papa niya. Ipaglalaban niya na siya ang mas may karapatan tumira doon kasya kila KD, dahil siya ang nagbayad sa bahay na iyon at halos siya ang lahat na gumastos sa mga gamit sa bahay. Lumapit siya sa Papa niya na nag-aalmusal sa lamesa.

"Papa may sasabihin ako.

"Ano iyon?" tanong ng Papa niya habang nagkakape.

"Tungkol sa bahay hindi ako," naputol ang sasabihin ni Alex ng tawagin ni KD ang kanilang Papa.

"May good news ako Papa," excited na sabi ni KD.

"Papa ako muna ang pakinggan mo. Importante'yung sasabihin ko," singit ni Alex. Ngunit nagpatuloy pa rin si kD sa sinasabi.

"Papa galing kami ni Dana sa Doctor noong isang araw at good news, lalaki ang magiging apo mo haha," tuwang-tuwang kwento ni KD.

Tuwang-tuwang nagtatalon ang Papa nila at si KD. Nagyakapan pa ang mga ito.

"Wala na game over na, lalaki na naman. Kahit anong sabihin ko kay Papa hindi na niya ako pakikinggan," sa isip-isip ni Alex.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status