Share

Chapter 10


Halos maluha siya nang ilapag siya nito sa picnic blanket na ngayon ay gitna ng bakuran at napapalibutan ng iba't ibang klaseng bulaklak. May punpon ng pulang rosas roon at isang cake na may nakaukit na Happy Birthday at pangalan niya.

Nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata nang iabut nito sa kaniya ang boquet of roses sabay greet ulit sa kaniya ng maligayang kaarawan. Ang iyak ay napalitan ng hikbi. Paano na ang puso niya? Ano ba ang ibig sabihin ng bawat galaw nito? Masayang masaya siya pero nasasaktan siya sa kabilang banda. Nag-aaway ang kaniyang utak at puso.

Mabilis siya nitong niyakap at sa dibdib nito siya hinayaang umiyak nang umiyak. Kaya lang ba ito naging mabait ng araw na ito dahil birthday niya?

"May kulang ba? Cake, roses, gift..." naputol ang anuman sasabihin nito at tumingin sa kaniya, "What gift do you want? Hindi ko alam ang gusto mo kaya hindi ako makapagpasya." 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Sheiyah Zutra
nnbbhhhhhh
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status