"Aries," tawag ko sa kasama ko habang nag lalakad kami. Nauuna siya sa akin mag lakad, habang ako ay nakasunod lamang sa kanya.
Nandito na naman kasi kami ngayon sa gubat, at kasalukuyan kaming nag hahanap ng mga kahoy na gagamitin namin ulit para makagawa ng apoy.
Nilingon niya lang ako saglit, "What is it again, Raven?"
"Anong talents mo?" Tanong ko sa kanya at nginitian siya.
Napatigil siya sa pag lalakad, at nilingon ako ng nakakunot ang noo, "Really? Iyan ang tanong mo?"
"Oh bakit?" Nag lakad ako palapit sa kanya ng dahan dahan, sinisigurado na hindi ako tatamaan ng mga sanga, "Ano bang masam---Shuta!"
Huli na nang mapagtanto ko na may insekto na papalapit sa akin, at basta nalamang na pumasok sa mata ko. Agad akong napapikit sa sakit, at napaupo, hindi alintana ang dumi, basta isa lang ang nasa isip ko ngayon.
Masakit.
"Hey, Raven," agad kong naramdaman na lumapit sa pwesto ko si Aries, "Let me see," inaba niyang tatanggalin ang mga palad na nasa mata ko, pero nanlaban ako.
"A-ayoko.....m-masakit," naiiyak kong sambit.
Narinig ko ang malakas niyang pag buntong hininga, "Raven, let me see, para may magawa ako," malumanay na sabi ni Aries sa akin at dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakatakip ng kamay ko sa mata.
"A-aray! Masakit!" Singhal ko, nang pwersahin niyang idinilat ang mata ko.
"Shh, it will be alright," rinig kong sabi niya.
Nang tuluyan niyang maidilat ng sapilitan ang mata ko, agad kong naramdaman ang pag init ng mga mata ko. Mahigpit akong napahawak sa mga braso niya kaya nag aalala niya akong tinignan. Ramdam ko ang pag tulo ng luha ko, dahil sa hapdi.
"Nakikita ko kung nasaan yung insekto," sabi niya habang pinagmamasdan ang mata ko, "Ang kailangan natin gawin is, tanggalin iyan sa mata mo para hindi lumala."
Agad akong napatingin sa kanya, "Huh? E-eh paano?" Nanginginig kong sabi.
Binitawan niya saglit ang mukha ko, para hawakan ang laylayan ng damit niya. Marahas siyang pumunit ng tela doon, na parang ang dali dali lang gawin. Pagkatapos non, ay inikot niya ang tela sa kamao niya, pero nag tira siya ng ibang tela sa dulo, para siguro panungkit.
"Stay still okay?" Sabi niya at hinawakan ang mata ko para maidilat siya ng todo, gamit ang isang kamay.
Dahan dahan niyang nilapit ang tela sa mata ko. Nang maramdaman ko ang pag lapat ng dulo ng tela sa mismong mata ko, agad akong napahawak ng mahigpit sa braso niya. Ramdam ko rin ang pag muo at tulo ng luha ko.
"M-masakit," umiiyak kong sabi habang pilit na inilalayo ang ulo sa kanya.
"Tsk, stay still," asik niya at mas diniinan ang pag kakahawak sa ulo ko.
Napa angat ako sa inuupuan ko habang hawak mahigpit na hinahawakan ang braso niya, "A-aries, tama na. Nasasaktan na ako," umiiyak kong daing.
Maya maya lang ay nilayo na niya sa mata ko ang tela at basta nalang iyon tinapon sa gilid. Nakahinga naman ako ng maluwag, at unti-unti na dumausdos ang kamay ko sa lapag.
"You're lucky at hindi pumasok mismo sa loob ng mata mo ang insekto, kaya nasungkit ko," sabi niya habang pinapagpag ang kamay niya, "Kung hindi, baka kailangan pang iopera mata mo para makuha iyon," sabi niya na naging dahilan kung bakit agad akong nag angat ng tingin sa kanya.
"P-pero, ang sakit pa rin," hinawakan ko ang mata ko na napasukan ng insekto, "Ramdam ko pa rin yung init ng mata ko sa hapdi. Maski ramdam ko nga na may mga luha na nabubuo sa mata ko eh."
Bumuntong hininga siya, at pumunit ulit ng tela sa kanyang damit. Taka ko iyon sinundan ng tingin ng ifold niya iyon.
"A-ano iyan?" Taka kong tanong ng dumukwang siya palapit sa akin.
Sinenyasan niya ako na lumapit pa lalo, "Pantakip sa mata mo, para hindi ka masaktan. Kapag kasi nanatiling nakabukas ang mata mo, may posibilidad na magkaroon ng infection iyan lalo, kaya suotin mo na ito," seryoso niyang sabi.
Sa huli ay tinali niya ang tela sa likod ng ulo ko. Tuloy, mukha akong pirate dahil sa itsura ko. Nakatakip ang isang mata ko, iyon nga kang, kulay puti ang tela na iyon.
"Malapit na iyan?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo dito sa malaking kahoy paharap sa mga tinatago niyang mga sanga para sa pag gawa ng apoy.
Nag angat siya ng tingin sa akin, at pinunasan niya ang noo niya gamit ang braso, "Malapit na."
Hindi na niya kasi ako pinatulong na mag ayos, dahil sa kalagayan ko. Sinabi niya na maupo nalang ako sa isang pwesto, at siya nalang ang gagawa ng lahat mag isa.
"So," ipinatong ko ang dalawang siko ko sa hita, saka nangalumbaba, "Ano ang hilig mong gawin?"
Nag angat siya sa akin ng tingin, at nasilayan ko ang tipid na ngiti na nabuo sa kanyang labi, "Well," binaba niya ang tingin niya sa mga sanga na nakuha niya, "I know how to play the guitar, piano, ukelele, and even drums."
Automatiko na umawang ang bibig ko, "Seryoso?! Ano, mucially inclined ka talaga?"
Agad naman siyang umiling. Pinagpag niya ang dalawang kamay niya, bago siya naupo sa kahoy na nasa harap ko lamang, "My dad forced me to study them all."
"Ahh," napatango naman ako, so hindi talaga siya mahilig sa mga instruments na iyon, napwersa lang siya na pag aralan ang mga iyon.
"How about you?" Tanong naman niya sa akin.
"Hmm," ngumuso ako habang nakatingin sa itaas, "Well, mahilig ako sa mga arts. Like, drawing, tapos paintings."
Ngumiti siya sa akin, "That's nice."
Sandali kaming tumahimik pareha, nang maisipan kong basagin iyon.
"May guitara akong nakita kanina," panimula ko at agad na kumunot ang noo niya, "Baka pwedeng, katahan mo ako kahit isang kanta lang," nakangiwi kong sabi at pinakita ang isang daliri ko.
Matagal niyang pinagmasdan ang mukha ko, bago siya bumuntong hininga, "Fine," tumayo siya, "Nasaan?" Tanong niya kaya nakangiti akong tumayo.
Hinawakan ko siya sa braso niya, "Tara, dito ko tinago eh."
Dinala ko siya sa may malapit sa entrance ng gubat, kung saan ko nakita yung guitara na sinasabi ko.
"Ayon oh," turo ko sa guitara na gawa sa kahoy na nasa lapag lamang.
Agad niyang kinuha iyon, at pinagmsadan ang buong guitara, bago siya nag aya na bumalik sa may tabing dagat. Sinindihan na muna ni Aries ang mga sanga, para magkaroon kami ng ilaw dahil malamok na ngayon, bago siya naupo.
Tinipa tipa niya muna ang bawat string ng guitara, habang ako ay nakapalumbaba lamang at pinagmamasdan siya.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Tumigil siya sa pag tugtog ng guitara, at pareha kaming napatitig sa isat isa ng matagal. Ako ang naunang mag iwas ng tingin sa amin dalawa, at tumingin nalang sa itaas, para pag masdan ang mga bituin at buwan.
Posible ba? Hindi ba, masyadong mabilis? Para kasing, ang tagal na namin magkakilala. Ganon yung pakiramdam sa akin. Sabihin na natin mabilis, pero noong unang pagkikita palang namin, alam ko na.......alam ko na simula pa noong una.
"Aries," tawag sa akon ni Raven kaya nilingon ko siya.Kumunot agad ang noo ko sa kanya, "What is again?"Ngumuso siya at lumapit sa akin. Natigilan ako at hindi agad ako nakagalaw agad. Mula sa gilid ng mga mata ko, ay tinignan ko siya.Parehas na kasi kami ngayon na nakahiga sa buhangin, habang naka tingin sa kalangitan. No choice kami kung hindi, dito pumwesto. Wala naman kasing cloth or mga tent na makikita dito sa isla na ito."Hindi ako makatulog," tumagilid siya ng higa para tignan ako. Agad akong nailang, kaya umiwas agad ako ng tingin.Maya maya pa ay kinuha niya ang isang braso ko na nakalagay sa iallaim ng ulo ko, at dinala iyon sa may batok niya."What are---" hindi ko naituloy ang sinasabi ko, nang basta nalang siya humiga. Ginawa niyang unan ang isang braso ko.Ngmuso siya, "Wala akong unan eh. Paunan nalang ah," nahihiyang
Isang buwan na ang nakalipas simula noong idala ni Ligaya ang kapatid niya dito sa ospital. Sa loob ng isang buwan na iyon, wala siyang nakitang kahit na anong pag babago sa kalagayan ng kapatid.Patulot pa rin sa pag bigay ng pero ang kanilang tita, yung kapit bahay na tumulong sa pinansyal (financial) nila dito sa ospital. Paminsan minsan itong binibisita ang magkapatid, dahil ang kanilang ina ay hindi naman na nagpapakita pa, at tuluyan ng umalis.Tumigip din sa pag aaral muna si Ligaya ng isang taon, para maalagaan niya ang kapatid."Doc, kumusta naman po sng kalagayan ng kapatid ko? Magigising na po ba siya? Malapit na po ba?" Sunod sunod na tanong ni Ligaya pagkapasok ang doktro sa inuukyupa nilang. kwarto.Sandali siyang tinignan ng doktor, bago ito sinenyasan ang nurse na katabi niya para asikasuhin si Raven na nakaratay pa rin hanggang ngagon sa kama.
"Ilang araw na ba tayo nandito, Aries? Naaalala mo ba?" Tanong ko kay Aries habang iniikoy niya ang isdang nahuli niya kanina para may makain kami ngayong agahan.Tinignan niya ako saglit, "One week.""Ano?!" Napatayo ako sa gulat, kaya agad siyang nag angat ng tingin sa akin, "Isang linggo na tayo dito? Bakit, parang ilang araw pa lang ang nakakalipas? Parang kahapon lang nang mapunta tayo dito eh."Nagkibit balikat siya, "I don't know either."Lumapit ako sa tabi niya at nag squat. Sinigurado ko naman na na hindi ako makikitaan sa suot kong bistida na puti. Agad siyang tumingin sa akin saglit, bago naiiling na tinignan muli ang isda.Tinapik ko siya sa braso niya, "Ilan taon ka na pala?"Nakita ko ang pag kunot ng noo niya, "Alam mo ikaw," hinarap niya ako at dinuro sa noo, "Ang daldal mo.""Eh sorry na, interesado lang ako," naka
"Aries," nilingkis niya ang mga braso sa braso ko, "Tabi tayo," nakanguso niyang aniya.Nandidiri ko siyang tinignan, "Raven, ano ba," tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko, "Tsk, para kang bata eh," irita kong sabi.Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong humalukip,ip siya habang nakanguso pero nakakunot naman ang noo, "Bad ka!" Sigaw niya at nag mamartsa na umalis.Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin at napailing nalang. Ano na naman ba nangyari doon? Tinotopak na naman eh.Nanatili ang tingin ko sa dagat na nasa harapan ko, habang pinaglalaruan ko sa kamay ang buhangin. Paminsan minsan ay nag susulat ako sa buhangin gamit ang daliri ko. Tinignan ko ang gawi kung nasaan si Raven, at naabutan ko siyang nakapalumbaba sa tuhod niya habang nakatingin sa dagat.Napabuntong hininga ako, bago ko pinagpag ang dalawang kamay ko at tumayo. Namulsa ako, saka nag lakad p
Payapa lamang na natutulog si Ligaya habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng kapatid. Naalimpungatan lang siya, ng bigla noyang narinig ang pag bukas ng pinto.Agad siyang tumayo para lingunin kung sinp ang pumasok, "Sino ho sila?" Tanong niya. Ang mga mata niya ay maliit dahil hindi pa niya ito tuluyan naididilat."Ikaw ba si Ligaya?"Agad naman na nagising ang diwa ni Ligaya, at naidilt niya ng tuluyan ang mga mata. Gulat siyang nakatingin ngayon sa babae at lalaking nasa harapan niya ngayon."T-tita," gulat niyang sambit at agad na nag mano sa ina ni Raven.Ngumiti ang kanyang tiyahin sa kanya, "Kaawaan ka ng Diyos."Agad na nadako ang tingin niya sa lalaki na nasa tabi ng kanyang tiyahin. Halata na agad sa itsura ng lalaki na hindi ito Pilipino, dahil sa kulay at tindig niya.Takang nilingon ni Ligaya an
Ilang linggo na rin ang nakaraan simula noong mapunta kaming dalawa ni Aries dito sa isla na ito. Ilang beses na rin namin sinubukan na umuwi sa lugar namin, pero sadyang imposible mangyari iyon. Pwedeng sa gitna ng paglalakbay namin, ay maliligaw kami, kaya mapipilitan kaming bumalik sa tabing dagat.Hindi na rin namin sinubukan na tawirin ang dagat dahil natatakot kami na baka sa gitna ng paglalakbay namin, ay baka lumubog ang kawayan namin. Edi, imbes na umuwi kami ng buhay, eh mamatay pa kami.Ang pinagpapasalamat ko na nga lang, ay iyon hindi umuulan dito ng malakas, at hindi nagkakaroon ng tsunami.Knock on wood"Raven," tiningala ko si Aries na ngayaon ay nakatayo sa tabi ko. Nakaupo kasi ako dito sa buhangin, habang nakatingin sa dagat.Tumayo ako at pinagpag ang kamay, "Mhm? Ano iyon?"Mag sasalita pa sana siya, nang biglang kumulog ng
2 days. 2 days na simula noong lagnatin si Raven. Dalawang araw na rin ang nakalipas simula noong mag siksikan kami ni Raven dito sa kawayan na bahay na hinawa ko. Hindi ko naituloy ang pag gawa nito, dahil nagkasakit bigla si Raven kaya kinailangan kong isantabi muna ang pag hahanap ng mga kawayan para sa bahay, at alagaan si Raven.Mabuti nga at ngayon ay maayos na ang lagay niya. Nandoon siya sa dagat at nag tatamplisaw dahil mainit na raw. Habang ako, ay gumagawa ng kahoy habang tinitignan siya paminsan minsan, baka kasi malunod, masagip ko agad."Aries!" Napalingon ako kay Raven at naningkit pa ang parehang mata ko para makita siya sa malayuan, "Tara na dito oh!" Aya niya at tinuturo niya ang dagat.Umiling ako sa kanya at nag tinuro ang ginagawa kong bahay, "Hindi pa ako tapos dito! Ikaw nalang!" Sigaw ko pabalik at nakita ko naman ang pag tango niya.Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang na
"Mr and Mrs De Leon, I'm happy to announce to the both of you that you can transfer your daughter, Raven Cleophas De Leon, to Dallas, Texas," nakangiting sambit ng doktor ni Raven sa mag asawa.Napayakap naman ng mahigpit si mrs De Leon sa kanyang asawa dahil sa sobrang tuwa, "That's good doc," kinamayan niya ang doktor, "Thank you.""Aell then," tumango tango yung doktor bago yumuko para mag bigay galang, "Excuse me for a while," paalam nito at tumango naman ang mag asawang De Leon.Hinarap ni Mrs De Leon ang kanyang asawa, at hinimas pa ang pisngi nito, "Hon, we fan ho back to the states," tumingin siya kay Raven na nakahiga sa kama, at kayL Ligaya, na ngayon ay Hiraya na, na nakaupo habang nakasandal ang ulo sa pader at natuulog, "Together with our children," matamis na ngumiti ito sa kanyang asawa.Hinawi ng kanyang asawa ang kanyang nakaharang na buhok, at nilagay iyon sa likod ng kanyang tainga