Share

Chapter 9.2 - Suspicious

Nang marinig ang sinabi ni Theo ay nagkatinginan kami ni Vernon bago nagmadaling bumaba para labasin sila.

Mapanganib at delikado. 

Patuloy pa rin sa pagkulo ang likido, palakas ito ng palakas habang palapit kami ng palapit sa labas. Nang mabuksan ang pinto ay natanaw agad namin ang dalawa sa labas. Maayos ang itsura nito at wala ni isang galos gaya ng inaasahan ko. 

"Ano 'yan, Icay?" tanong ni Theodore nang mapansin ang kwintas na hawak ko. Patuloy pa rin ito sa pagkulo. 

Gaya ni Theo ay napatingin din si Maeve sa kwintas na suot ko. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na 'ko ni Vernon. 

"Kwintas na bigay ni Lolo, nakulo daw yan tuwing may bampira sa paligid. Nakulo siya ngayon kaya baka nasundan kayo ng mga tauhan ni Sheriff, baka nandyan lang sila sa paligid, pumasok na muna tayo," nangangambang saad ni Vern bago tumalikod para maunang pumasok sa loob. 

Ngunit hindi maalis
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status