Third Person P.O.V
Isang middle age na instik na pasyente ang nagpupumilit bumangon sa kaniyang higaan dahil naiihi na siya, ngunit dahil namamaga ang kaniyang mga paa dulot ng sakit na dyabetis, ay nahihirapan siyang timbangin ang sarili paupo sa wheelchair. Wala ang kaniyang tagabantay sa kadahilanang bumaba ito para bumili ng pagkain. Tulog siya kanina nang iwan siya ng kaniyang anak. Sa kaniyang pagpupumilit ay nasagi niya sa mesang katabi niya ang mga insenso at nahulog. Sa kamalasmalasan ay nahulog pa ito malapit sa nakalaylay na puting manipis na kurtina. Maya-maya'y biglang nagliyab ang kurtina at nahulog ang babae sa kaniyang hospital bed. Mabilis na kumalat ang apoy lalo na nang gumapang ito sa kawad ng kuryente. Sa takot ng babae ay nagmadali siyang gumapang patungong pinto at sinikap ang sariling tumayo sa tulong ng kinapitan niyang haligi.
Ava’s P.O.VI'm was busy fixing myself. Tinabingan ko ng pulang lipstick ang kulay rosas ko ng labi matapos kong lagyan ng light make up ang aking mukha. Hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang tao dahil sa simpleng ayos lang ay napapansin na naman ako. I have my own natural beauty. Nang matapos ay pumunta ako sa malaking tokador at binuksan ito para mamili ng susuotin sa araw na ito. Kailangan kong ma-impress ang client para maging proud sa akin ang boss namin. I chose the white sleeve dress that was above the knee and paired it with a yellow fitted blazer. Pagkatapos kong isuot ito ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin.After five years of hardship and being anxious, now I have recovered and become a brave and resilient woman. Natapos ko na ang kurso at propesyong inaasam-asam ko noon pa man. If I stay with yesterday I wi
“Mom, you said I have a sister. Will I ever meet my twin here in the Philippines?” Herald asked as we got into the car that had been waiting for us outside the airport.Napatingin kami ni Jemuel sa isa’t isa. Alam ni Herald na may kakambal siya, ngunit hindi ko sinabi na nasa kamay ito ng walang puso nilang ama. Hindi ko ipinagdamot sa anak ko ang impormasyon tungkol sa kaniyang kakambal. Ngunit kailangan ko lang baguhin ang kuwento. Sinabi ko lang sa kaniya noon na may kakambal siya pero nasa malayong lugar. Makikita lamang namin siya once na makapunta kami roon. Hindi ko naman aakalain na maiisip ito ngayon ni Herald.“Not yet, Son. But soon,” naging sagot ko na lamang.Natahimik si Herald nang sabihin ko iyon na ipinagtaka ko. He’s the kind of kid who has a lot of questions and
“What?” bulalas ni Jemuel nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko para makuha si Hera sa walang puso niyang ama. “Are you insane?” habol pa niya.Narito kami ngayon sa balkonahe. Inaya ko siya uminom ng beer para kausapin. He’s my friend. Sa sobrang dami ng naitulong niya sa amin at sa tagal na rin naming magkasama ay parang naging kapareha at kasama ko na siya sa lahat ng bagay. Ayaw kong maglihim sa kaniya na ikasisira ng aming pagkakaibigan lalo na sa plano kong ito na paglapit sa taong pumatay sa mga magulang ko at dahilan ng pagiging miserable ko sa buhay.“Ito na lamang ang paraang naisip ko at sana maintindihan mo ’yon,” katuwiran ko.Umiling siya na tila nadismaya sa akin. Tumayo siya at tumungo sa barandilya. Mula sa kaitaasan na aming kinaroonan ay mga kumikis
Hanggang kailan ba tayo matatakot? Hanggang kailan natin ikukulong ang sarili natin sa takot? Minsan tinuturuan natin ang ating sarili na maging matapang, ngunit isang katok lang sa atin ng mga bagay na ating kinatatakutan ay babalik na naman tayo sa pagiging mahina.Minsan din kapag magapi natin ang takot lalo na sa isang taong nakagawa ng bagay na ikinatatakot natin ay napapalitan din ng galit at pagkamuhi. Bakit? Dahil ginawa nilang miserable ang buhay natin. Namuhay tayo sa takot nang dahil sa kanila. Itong galit na ito o pagkamuhi ay magdadala rin sa atin sa kapahamakan kung tayo man ay naging padalos-dalos sa desisyon natin sa buhay.Kaya saan tayo lulugar? Ano ang dapat nating gawin?Basta ang alam ko lang ay ang harapin ang takot at isantabi ang galit para maisakatuparan lamang ang hinahangad ng puso.
Third Person P.O.V “Tito Jemuel, when are you going to visit us?” Herald asked him on the other line. Ilang araw na ba siyang hindi nakapupunta sa condo unit ng mag-ina? Two? Three? Four days? Hindi niya na alam. At wala siyang plano dahil maliban sa abala siya para sa papalapit na pagbubukas ng klinika niya ay hindi pa niya kayang harapin si Ava. He already did everything, but why does it seem to be not enough to her? He was upset because of the woman's decision. Hindi man lang siya sinama sa naging plano ng babae. Tila wala siyang naitulong at basta na lamang itinapon. Kausap niya ngayon ang inaanak niya sa kabilang linya. Kinonekta lamang niya sa aparatong nilalagay sa tainga ang tawag sa selpon dahil nagmamaneho siya ngayon ng kaniyang sasakyan. “I can't sa
Kabababa ko lamang sa tricycle na sinakyan ko papasok sa subdivision kung saan matatagpuan ang malaking tahanan ng mga Fonteverde. Nang ibigay sa drayber ang pamasahe ay kaagad akong dumako sa maliit na gate para mag-doorbell. Hindi ko pa nadiin ang kamay ko sa pulang bilog na pindutan ay bigla nalang bumukas ang malaking gate sa gilid nito. Lumabas ang isang itim at tinted na SUV. Dahil sa pagkabigla ay napatalikod ako. Hindi ko alam kung nakita ako ng kung sinong tao na nasa loob ng sasakyan, pero kahit naka-tinted ang salamin ay sigurado akong si Alas Fonteverde ang nasa loob nito. Nang makalayo na ay saka lang ako humarap at tinanaw ang sasakyan hanggang sa lumiit ito sa aking paningin. Hindi ko akalaing maaabutan ko siyang paalis ng kanilang bahay. Sabado ngayon kaya kahit sabado ay hindi ito nawawalan ng trabaho. Mga kawawang nilalang. Masyadong ginugugol ang sarili sa pagpapayaman. “Astrid, and’yan
Ava’s P.O.V Kumawala ako mula sa pagkakayakap ko kay Hera. “Do you want to go outside?” I ask her. Gusto ko lang subukang yayain siya ulit kahit alam ko na ang isasagot niya. Napayuko siya. “Do you think daddy will get mad at me when I go outside without his permission?” she asked. Hinawakan ko ang dulo ng kaniyang baba at itinaas ito upang magkasalubong ang aming paningin. Tumingin siya sa akin at nagkatinginan kami. Nagawa nga rin niyang ngumiti sa akin, ngunit kababakasan naman ng kalungkutan. Ramdam ng bawat ina kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan ng kanilang mga anak kahit hindi ito sinasabi sa kanila. Malinaw sa kilos at sa matang hindi marunong magsinunga
Third Person P.O.V “Kids, excuse me for a while. The principal called me on the faculty. I know I can trust you all. Please be quiet and you are free to do what you want on your chairs,” the kindergarten’s teacher announced to the kids. Hawak-hawak niya ang cellphone kung saan ay nabasa niya ang mensahe ng kanilang Principal “Yes, Teacher!” kids chorus. Nang umalis ang guro ay nagsiingay ang mga bata. Samantalang si Hera ay kinuha ang dalang sketch pad at lapis sa kaniyang bag. Nagsimula na siyang gumihit nang may tatlong batang babae ang lumapit sa kaniya. Napatingala si Hera sa mga ito. Nakahalukipkip ang mga kamay ng mga bata at taas kilay na nakatitig kay Hera. Kahit na ganoon ay nginitian ni Hera ang kaniyang mga kaklase. Alam niyang aawayin na naman