Share

Chapter 28 (Part 1/2)

Naging mabilis ang mga araw. Walang humpay ang trabaho mapa-araw man o gabi. Naging magaan ang trabaho ko sa Fonteverde Corporation dahil sa tulong ng mga katrabaho ko. Mahirap ngunit sobrang 'laking bagay talaga ang naitulong nila para sa akin.

Sa gabi naman, walang humpay na paroroon at parito sa loob ng club at sabayan pa ng mga toxic na mga customer. Aaminin ko, mahirap gawin. Hindi lang masakit sa paa at katawan maging sa ulo dahil sa mga pasaway na customers. Habang tumatagal din ay maraming nagpapapansin sa akin. Karamihan pa ay puro matatanda. Nanginginig na lang ako sa sobrang inis at minsan ay hindi ko mapigilan ang sariling mapairap sa hangin.

Sa kabila noon, naging madalas na rin ang pagkikita namin ni Mr. Fonteverde. Minsan ay napapadaan siya sa departamento namin o hindi kaya ay naabutan ko ang likod niyang papaalis na. Minsan ko rin siyang nahu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status