Share

Chapter 17

Third Person’s P.O.V

Masayang sinalubong ng nanny ni Hera na si Manang Olivia, na noon din ay ang nag-alaga kay Alas, nang makita niya ang mag-amang pumasok sa malaking bahay. Hindi niya akalain na magkasama ang mag-ama sa pag-uwi dahil hindi talaga ito nangyayari noon pa man nang magsimulang pumasok sa paaralan ang bata. Ngunit kaagad din itong kumupas nang makita ang kalagayan ng bata. Punong-puno ito ng luha at ngayon ay tahimik na umiiyak. Doon na lamang niya napansin ang seryosong mukha ni Alas na hindi niya napansin.

“Ano ang nangyari?” buong pag-aalala niyang tanong.

Hindi siya sinagot ni Alas at dirediretso itong tumungo sa hagdanan patungong ikalawang palapag.

“Nanny,” pagmamakaawa ni Hera sa kaniyang tagapag-alaga na tulungan siya at kunin sa kamay ng kaniyang ama na ngayon ay tila kinakaladkad siya paitaas.

“Ace, ang bata. Bitawan mo! Ace, nasasaktan ang anak mo!” halos magmakaawa na rin si Manang Olivia. Nagsisigaw na rin siya dahi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status