Sa Tagkawayan Quezon ay nakatira ng tahimik ang mga Fabian. Mayroon silang limang anak. Ngunit ang pangalawa nilang si Jade ang bukod tangi sa lahat. Kakaiba kasi ang itsura ng dalaga sa mga kapatid niya. Maputi, tuwid ang buhok at matangkad siya. Hindi katulad ng mga magulang nila na kapwa kayumanggi, maliit at kulot ng kaunti ang buhok. Ang mga kapatid niya ay hawig lahat sa mga magulang nila .
Tampulan ng tukso ang dalaga. Madalas ay sinasabi ng mga kapitbahay nila na ampon lang siya ngunit pinabulaanan iyon ng kaniyang mga magulang. Ang paliwanag ng mga ito ay nagmana ang dalaga sa mga lolo at lola niya. Dahil sa pagmamahal ng mag-asawa at ng mga kapatid kaya hindi na ni Jade pinapansin ang mga bulong-bulungan sa paligid.
Isang araw ay nakaabang na agad ang dalaga sa may gate na kahoy ng bahay nila. Ayaw kasi niyang umalis ang ama at ang lalaking kapatid na hindi siya kasama.
"Tara na sa niyogan, magkokopra na tayo!" malakas na sigaw ni Samuel, ang panganay sa magkakapatid. Tinutukso niya si Jade dahil hindi pinapayagan ang huli na sumama sa niyogan.
"Kuya, sama ako. Gusto ko talagang tumulong sa pagkokopra," ungot ni Jade sa kapatid niya.
"Tulungan mo na lang si Nanay. May pasok pa mga kapatid natin kaya wala siyang makakasama rito sa bahay," sagot ng kuya ng dalaga.
Nakangusong humarap si Jade sa mga magulang niya. Ang tatay niya ay nakasuot na ng bota at nakatali na rin ang itak sa bewang. Sa balikat nito ay nakapatong ang mahabang kawayan na sa duko ay may matalas na bagay. Ang tawag doon ay kawit. Ginagamit iyon para maabot at makuha ang mga bunga ng niyog kahit mataas ang puno nito.
"Lagi na lang akong naiiwan dito sa bahay," nagtatampong sabi ng dalaga.
Ginulo ni Mang Liloy ang magandang buhok ng kaniyang dalaga. Nakangiti namang umakbay si Aling Tipen sa anak na sambakol ang mukha.
"Baka mangitim ka kapag pumunta ka sa niyogan. Dito ka na lang sa bahay," wika ng mabait na ginang.
"Sige, hindi ako sasama ngayon pero kapag paghihiwalayin na ang niyog sa bao, tutulong ako. Ayoko talagang naiiwan dito sa bahay. Mabubulok ako rito," sabi ng dalaga.
"Oo na. Papayag na po," pang-aasar ng kuya niya.
Walang nagawa si Jade kun'di ang sumunod sa kagustuhan ng pamilya na maiwan siya ng araw na iyon. Pinalaki kasi siya ng mga magulang na masunurin na anak. Masaya niyang hinalikan ang ama sa pisngi at saka kunwaring inirapan ang kuya niya pero yumakap naman siya rito bago tumuloy ang mag-ama sa lakad nila.
"Huwag kang mag-alala, ate, para sa mga pangit lang kasi ang pagkokopra," bulong ng bunso nilang kapatid kay Jade. Pitong taong gulang lamang ito.
Napahalakhak ang dalaga at saka pinupog ng halik ang pilyong bata. Palagi kasi itong may mga hirit na linya lalo na kapag hindi naibibigay ang gusto. Pagkatapos ay hinawakan ni Jade ang kapatid sa balikat saka itinulak palapit sa bombahan. Nagpupumiglas naman ang batang takot maligo.
"Fabian ka at hindi galing sa pamilya ng mga kambing kaya maligo ka na makulit na Putotoy," malambing na sabi ni Jade. "Kasing baho mo na ang baboy sa kural."
Walang nagawa ang kapatid ni Jade kun'di sundin ang ate n'ya. Kahit nilalamig dahil mag-i-ika-anim pa lang ng umaga ay nagsimula na itong magbuhos habang nagbobomba naman ng poso ang dalaga.
Subalit hindi payag ang pilyong bata na siya lang ang mabasa. Sinabuyan niya ang kaniyang ate at tumawa siya ng malakas. Napatili naman sa gulat ang dalaga lalo at dumampi sa makinis niyang balat ang malamig na hangin na isinayaw ng kaunti ang mga puno sa paligid ng bahay nila.
"Bilisan n'yo ng magkapatid diyan!" sigaw ng nanay nila mula sa kusina. Naghahanda ito ng pagkain at baon ng mga estudyante.
Iwanan na iyan si Putotoy. Ang tagal kumilos," wika ng sumunod kay Jade.
Mabilis na inasikaso ng dalaga ang bunsong kapatid. Dahil nanginginig na rin siya sa lamig kaya agad din siyang nagbihis. May susundo na tricycle sa mga kapatid niya kaya dapat bago ito dumating ay nakahanda na ang mga ito.
Saktong tapos nang ayusin ni Jade ang lahat ng kailangan ng mga kapatid nang dumating ang sundo ng mga ito. Pagkatapos kumain ay agad na sinimulan ni Jade ang gawaing bahay habang ang ina nila ay pumunta sa taniman ng gulay upang magbunot ng mga damo.
Nang matapos maglinis at maglaba ay naupo ang dalaga sa kanilang balkonahe. Doon niya gustong magpahinga dahil malamig ang simoy ng hangin na tumatagos sa kawayan nitong dingding. Dumating ang kababata niyang galing sa Maynila at natanaw iyon ni Jade. Kumaway siya sa dating kaklase at may inggit sa mga matang gumanti siya ng ngiti rito.
"Hoy, bruha! Bakit hindi ka umaalis rito? May pinag-aralan ka naman at matalino," wika ni Nicolette. "Tingnan mo nga ako, ang ganda ko na at ang puti pa. Mapera din ang lola mo."
"Mabuti ka pa," naiinggit na wika ni Jade.
"Babalik ako ulit ng Maynila sa katapusan. Kung gusto mo, sumama ka. Maraming gwapong lalaki roon. Karamihan pa may datung. Buhay na buhay ang pamilya mo kapag nagkataon."
"Hindi ako papayagan, Nicolette. Sa bayan nga lang ay hindi ako pwedeng magtrabaho, sa Maynila pa kaya."
"Pag-isipan mo, bruha. Matandang dalaga ka na pero nakaburo ka pa rin dito sa bulok n'yong bahay," pagtatapos ni Nicolette.
Nang makaalis na ang kaibigan ay saktong dumating naman ang ina ng dalaga. Dahil alas-onse na kaya naghanda na ng tanghalian si Jade. Ginamos ang kanilang ulam na mag-ina. Para kay Jade ay iyon na ang pinakamasarap na ulam kaya ganado siyang kumain.
Bago sumubo muli ay biglang may naalala ang dalaga. Humarap siya sa kan'yang ina at saka nagsalita pagkatapos uminom ng kaunting tubig.
"Nanay, napanaginipan ko na naman kagabi iyong babaeng madalas kong nakikita sa aking panaginip. Nakangiti siya ulit at inaabot daw ang mga kamay ko."
Biglang nabitawan ni Aling Tipen ang hawak niyang kutsara. Bigla siyang tumayo at lumakad palayo sa mesa kahit hindi pa umiinom.
"'Nay! Nanay!" tawag ng dalaga sa kaniyang ina.
"Sandali, may nakalimutan ako sa gulayan. Mamaya tayo mag-usap," sabi ng ginang.
Nagtataka na naiwan si Jade. Napatingin siya sa plato ng kaniyang ina. Hindi pa man lang nangngalahati ang kanin na sinandok nito.
Mabilis na kumain ang dalaga at naghugas na rin ng pinggan. Tinakpan niya na lang ang naiwang pagkain ng ina na hindi pa rin bumabalik.
"Hmmm, bakit kaya ganoon? Palagi ko na lang napapanaginipan ang babaeng iyon. Totoo kaya ang sinabi ni tatay noon na isa lang siyang ligaw na kaluluwa?" tanong ng isip ni Jade.
Dahil sa isiping iyon ay pumunta ang dalaga sa kaniyang Manang Helen. Wala pa rin ang nanay niya kaya hindi na siya nagpaalam pa. Isinarado niya na lang ang bahay nila at binaybay ang masukal na daan.
Sa dulo ng talahiban ay makikita ang isang bahay-kubo. Gawa iyon sa maliliit na sanga ng kahoy at sa palapa ng niyog. Maliit lang iyon ngunit sapat para sa dalawang taong nagmamahalan. Agad na bumakas ang saya sa mukha ng mabait na ginang nang ikaway ni Jade ang kaniyang mga kamay.
"Jade, mabuti at naisipan mong dalawin ang mahirap," bungad ni Manang Helen.
Palaging ganoon ang bati ng ginang sa dalaga kaya madalas ay hindi sila nagkikibuan ni Aling Tipen. Nagagalit kasi ang ina ni Jade sa mga sinasabi ni Manang Helen kahit na magpinsan ang dalawa.
Agad nagmano si Jade sa babaeng halos ay nasa singkwenta anyos na. Umupo siya sa lusong kung saan nagbabayo ng palay ang mag-asawa. Si Manag Helen naman ay agad na sinigawan ang kaniyang asawa upang ipagtimpla ng kape ang kanilang bisita.
"Manang Helen, huwag na po. Katatapos ko pa lang po mananghalian," tanggi ng dalaga.
"Oh, ay ano ang iyong sadya at napadalaw ka kahit katanghalian na tapat?"
"Hihingi po sana ako ng dasal para sa isang babae na palagi kong napapanaginipan."
"Jade, hindi dasal ang kailangan niya. Ang gusto niya ay umuwi ka na."
"Ho? Saan po ako uuwi?"
"Alalahanin mo ang iyong nakaraan. Doon mo lamang matatagpuan ang katahimikan," makahulugang wika ni Manang Helen.
Buong pagtataka na napatingin si Jade sa mukha ang babaeng kaharap. Gusto niyang mabatid ang ibig sabihin ng pinsan ng kaniyang ina ngunit pinagtabuyan na siya nito pauwi dahil tiyak daw na susugurin na naman ang ginang ni Aling Tipen kapag nalaman nito ang pagpunta roon ni Jade.
Labag man sa kaniyang loob ay nagpaalam ang dalaga sa mga kamag-anak nila. Sa daan ay namulot na rin siya ng mga panggatong para hindi siya mahirapan magluto lalo at kahoy ang gamit nila sa pagluluto.
Malayo pa ang dalaga ay tanaw na agad ni Jade na naghihintay ang kaniyang nanay sa may pintuan. Nang nakita siya nito ay pumasok na rin ito sa loob ng bahay. Nang maibaba ang mga kahoy ay nakita ni Jade na nakahiga na ang kaniyang ina kaya hindi na siya nagkwento pa o nagtanong man lang tungkol sa babaeng nasa panaginip niya.
Hapon, nagdatingan na ang mga kapatid ni Jade. Sakay sila ng kanilang service na tricycle. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang kan'yang ama at kuya. Ipinaghanda sila ni Jade ng pagkain. Ngunit kahit naghaharutan ang magkakapatid ay abala naman ang isip ni Jade sa mga sinabi ni Manang Helen.
Habang naghahapunan ay biglang nagsalita ang dalaga. Siya man ay hindi niya inaasahan na biglang maitanong sa mga magulang kung ampon lang ba siya. Nagkatinginan ang mag-asawa at tuluyang nawalan ng kibo ang mga ito hanggang sa natapos silang kumain.
"Ano bang pumasok sa kokote mo at naisip mo ang bagay na iyon?" pabulong na tanong ng kuya ng dalaga.
"Hindi ko alam. Masaya naman tayo pero may bahagi kasi ng puso ko ang nalulungkot sa tuwing naalala ko ang babae sa panaginip ko," sagot ng dalaga.
Lingid sa kaalaman ng magkapatid, habang nag-uusap sila sa kusina ay masinsinan ding nag-uusap ang mga magulang nila. Kapwa sila nakadarama ng takot sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw.
Maagang gumising si Jade. Excited siyang sumama sa tatay at kuya niya na bumaba ng bundok. Maghahatid kasi sila ng kopra sa komprada. Bibili rin sila ng mga kailangan nila sa loob ng ilang linggo.Isang maong na short at lumang pink na blouse ang suot ng dalaga. Hinayaan niya ang kan'yang maganda at itim na buhok nang nakalugay lang. Nagsuot lamang siya ng isang itim na sombrero para may proteksyon siya sa init.Walang make-up o lipstick ang dalaga ngunit litaw na litaw ang gandang sinasamba ng anak ng kanilang mayor. Dating magkaklase ang dalawa at matagal nang nanligaw si Sean Komeron kay Jade. Matangkad at medyo kulot ang buhok ng dalawampu't-anim na lalaki. Ang kaniyang maitim na mata ay parang nangungusap sa tuwing nakatingin siya sa anak ni Mang Liloy at Aling Tipen."Ganda! Magkikita ba kayo ni Sean?" tukso ng ng kuya ng dalaga.
Masayang-masaya si Jade habang hawak ang mga papeles. Halos isang buwan na rin siya sa trabaho. Graduate siya ng Accounting kaya mabilis siyang natanggap sa munisipyo sa tulong na rin ni Sean. Pinayagan na siya sa wakas ng kaniyang mga magulang. Nagsawa na ang mga ito sa kakulitan niya.Isa lang ang tanging hiling nina Mang Liloy at Aling Tipen. Kailangan ni Jade na sa bundok pa rin umuwi araw-araw. Kahit pitong kilometro ang layo ng barangay nila at ng bayan ay balewala iyon sa dalagang hatid-sundo ni Sean.Kinikilig na ibinaba at ipinatong niya ang mga hawak na papel sa ibabaw ng lamesa. Inayos niya ang mga ledger na katabi ng computer. Yumuko siya at inamoy ang mga bulaklak na nakapatong sa lamesa. Walang pangalan iyon kung kanino galing ngunit tiyak n'yang padala iyon ni Sean."Jade, bahagian mo naman kami ng ganda!" tudyo ni Fatima. Dati siyang kaklase ng d
Gener Torquero ang pakilala ng lalaki sa grupo ng mga empleyado. Matangkad ito at maputi. Ang mga mata nito at ang kay Jade ay malaki ang pagkakahawig. Hindi mukhang masamang tao ang lalaki kaya hinarap siya ng mayor. Si Jade na nasindak ay kinakausap ni Sean. Hindi man umiyak ang dalaga ay batid naman sa kilos niya ang sobrang takot habang nakatanaw sa lalaking kausap ng mayor. Ilang saglit pa ay ipinatawag siya ng ama ng kasintahan. Hawak ni Sean ang kamay ni Jade kaya nakokontrol ng dalaga ang panginginig noon. Sinulyapan niya rin ang mga katrabaho na sa sobrang gulat ay nanatili lang na nakatayo at tila mga estatwa na itinulos sa kinatatayuan. "Do you know him, Jade?" tanong ng mayabang na mayor ngunit parang ama na nakatingin sa dalagang nakayuko. "Hindi po," sagot ni Jade habang sinusulyapan ang lalaking nagpa
Subalit biglang naglaho ang babaeng ilang linggo nang sinusubaybayan ni Kaizer. Mula Bulacan ay tumungo pa siya ng Quezon Province para sa babae na sa pagkakaalam niya ay nagngangalang Jade Fabian. Dahil sa pagkawala ni Jade sa Quezon Province kaya lalong naging mapanganib ang mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization. Wala siyang sinasantong mga tauhan. Ang sinumang pumalag sa kaniya ay tiyak buhay ang katapat. Si Elmer o Mer na matagal nang kanang kamay ng binata ay hindi makakibo sa tuwing ipinapatawag siya ng malupit na pinuno . "Bakit ang tatanga n'yo? Ang mga tauhan na nagbabantay sa babae, ano ang nangyari sa kanila? Ang sabi ko sa inyo ay dukutin n'yo si Jade, 'di ba? Nakatunog ba siya?" galit na galit na tanong ng binata. "B-boss, hindi po namin alam kung saan nagkulang ang grupo. Hindi na kasi siya pumapasok sa munisipyo," sagot ni
Isang invitation ang natanggap ni Kaizer mula kay Don Matias Torquero. May grand welcome party na gaganapin sa mansion ng mga Torquero at bilang kaibigan ay gusto ni Don Matias ang presensya ng gwapong mafia boss. Iiling-iling na inilapag ni Kaizer ang invitation. Ang party ay gaganapin sa loob ng dalawang linggo. Kahit malapit ang binata sa mayaman na negosyante ay hindi siya sigurado kung pupunta sapagkat ang isip niya ay ginugulo pa rin ni Jade Fabian. "Kumusta ang lakad mo, Mer?" tanong ni Kaizer sa kadarating pa lang na kanang kamay niya. "Negative, boss. Kinaibigan ko na ang kuya ni Jade pero wala silang idea kung nasaan ang kapatid niya," sabi ni Mer. Galit na umupo si Kaizer sa isang mamahaling upuan. Sa kamay n'ya ay ang isang kopeta ng alak. Isang linggo pa lang siya sa Bulacan pero gusto na niyang b
Natapos ang party na hindi na nakita ni Kryzell ang kaniyang daddy. Si Don Matias kasi ay abala sa opisina niya kaharap ang kaniyang mga abogado. Pinag-uusapan nila ang mga pagbabago sa last will and testament ng ama ng dalaga. Lahat ng sinasabi ng don ay maayos na nire-record ng mga abogado. Mabilis ang kilos ng dalawang abogado na para bang naghahabol sila ng panahon. "Sigurado po ba kayo na kapag namatay ang inyong anak ay sa charity institutions n'yo ipamimigay ang yaman n'yo. Paano kayo, sir? Paano po si Miss Hilda?" "One hundred percent sure ako. Wala kaming conjugal property ni Hilda dahil wala kaming nabiling ari-arian sa mga panahong mag-asawa na kami. Ang lahat ng yaman na meron kami ay galing sa mga Torquero kaya kami lang ni Gener at si Kryzell ang may karapatan. Kung sakaling dumating ang panahon na kailangan n'yong ipagtanggol ang anak ko, gawin n'yo sa abot ng inyong makakaya."
Halos himatayin sa kaiiyak si Hilda habang kalong-kalong ang duguan na si Don Matias. Si Kryzell na pupungas-pungas ay hindi halos makaalis sa pwesto niya at natulala na lang habang nakatingin sa kaniyang duguang ama na nakahandusay sa may puno ng hagdan, sa ground floor ng mansion."Faster! Call an ambulance!" lumuluhang sabi ni Hila. "Matias, hold on. You have to fight!""D-da-ddy… Dad!" sigaw ni Kryzell nang mapansin niyang pilit siyang inaabot ng ama.Malalaki ang mga hakbang na lumapit ang dalaga sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod at hilam sa luha ang mga mata, yumuko si Kryzell para halikan ang agaw-buhay na ama.Kinabig ni Don Matias ang ulo ni Kryzell at pilit siyang bumubulong sa dalaga. Hindi naman maunawaan ng babae ang nais iparating ng kaniyang ama. Nang makita ni Hil
Simula nang mawala si Don Matias ay napakaraming nagbago sa buhay ni Kryzell. Ang dalaga na dating prinsesa sa bahay ng mga Torquero ay biglang nawalan ng halaga. At dahil hindi niya alam ang mga kailangan gawin kaya naging sunod-sunuran lang siya kay Hilda.Si Sean ay hindi pa rin umuuwi ng Quezon Province kahit ipinagtutulakan na siya ni Kryzell. Ang pakikitungo nito sa dalaga ay mas lalong lumala. Parang sinasakal si Kryzell sa tuwing nakikita n'ya ang lantaran na paglalampungan ng kaniyang nobyo at stepmother."Napakawalang-hiya mo, Sean. Minahal kita para lang pala sa huli ay sasaktan mo ako. Bakit kailangan mo akong lokohin ng harap-harapan?" umiiyak na sabi ni Kryzell habang nakatayo at pinagmamasdan ang paghahalikan nina Sean at Hilda."Kasi you're so stupid. Katulad ka rin ng daddy mo. Puso ang pinaiiral n'yo," nakangising turan ni Hilda.