Share

CHAPTER 4

NANGATOG ang mga tuhod ni Althea nang pagkapasok na pagkapasok nila sa restaurant ay matanawan niya sa isang mesa si Griff kasama ang childhood sweetheart nitong si Britanny at napakasweet pa ng dalawa habang kumakain.  Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kalamnan.  Paano siyang napaniwala nuon ng lalaking ito?  Minsan ba sa buhay nito ay totoong minahal siya nito? Or palabas lang ang lahat ng iyon?  Gustong-gusto na niyang tumakbo sa harapan ng mga ito at pag-umpugin ang ulo ng mga ito ngunit alam niyang pagagalitan siya ni Rigor kapag hindi niya pinigilan ang bugso ng kanyang damdamin.

                “Give your best smile, as if proud na proud ka dahil kasama mo ako,” narinig niyang bulong ni Rigor sa kanya, “And why not? Dapat ka talagang maging proud, imagine, kasama mo ang pinakaguwapong lalaki ngayong gabi,” dagdag pa nito sa kanya.  Bahagya lamang niya itong inirapan saka pilit na pilit na ngumiti.

                Totoo naman ang sinabi nito.  Isa si Rigor sa pinakaguwapong mukha na nakita niya kaya malakas ang loob nitong magyabang sa kanya.  Ngunit para sa kanya ay pangalawa lamang ang panlabas na anyo ng isang tao.  Mas mahalaga ay kung ano ang nasa kalooban mo.  Hindi nga ba at kaya siya nahulog ng husto nuon kay Griff?  Pinakitaan siya nito ng kabutihan, respect at care.  Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagparamdam sa kanya na maganda siya.  Na karapat-dapat siyang mahalin.  But obviously, planado ang lahat ng iyon. 

                Isang patibong para mahulog ng husto ang loob niya rito.  Napakagaling nitong magkunwari para mapaniwala siya nito.  Pati mga magulang niya ay nabola pa nito ng husto.

                “At pwede ba, huwag kang pahalatang apektado sa nakikita mo ngayon.  Please be reminded na sa ngayon, nasa ibang katauhan ka.  You are not Althea anymore.  Ikaw na ngayon si Sophia.  At hindi nag-eexists sa buhay mo si Griff, maliwanag ba,” Pasimpleng sabi pa sa kanya ni Rigor habang naglalakad sila patungo sa mesa na pina-reserve nito.

                Napalunok siya.  Paano ba hindi mag-eexists sa buhay niya si Griff gayong heto at naghuhumiyaw sa bawat parte ng katawan niya ang galit na nararamdaman niya ngayon para sa lalaking hanggang ngayon ay mahal pa rin niya?

                Sira ulo nga yata siya dahil kahit alam na niyang pinagtangkaan na nito ang buhay niya ay may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para ditto.  Ano bang klaseng babae ang magmamahal sa lalaking walang ibang gusto kundi ang kayamanan lang niya?

                Nag-iisa lang siguro ang babaeng kasing tanga niya.  Hinawakan ni Rigor ang siko niya at iginiya paupo.  “Thank you,” pilit na pilit ang ngiting sabi niya rito, bahagya pang tumalim ang mga mata niya nang panandaliang magtama ang kanilang mga paningin.  Hindi niya alam kung ano plano ni Rigor at dinala siya ditto?  Kung gusto lamang siya nitong inisin ay nagtagumpay siyang gawin iyon dahil sa ngayon ay kumukulo talaga ang loob niya sa inis na nararamdaman para kay Griff at sa kerengkeng na kalaguyo ng kanyang asawa!

                Nakangising naupo si Rigor, waring enjoy na enjoy makita siyang nasasaktan.  Mas lalo naman siyang napipikon.  “Masaya ka na ba?” Tanong niya rito habang binabasa ang menu, “Siandya mo bang dalhin ako rito para makita ko silang naghaharutan?”

                “Dinala kita rito para marealize mo kung anong klaseng lalaki ang pinakasalan mo!” Sagot nito sa kanya, “At kung bakit kailangan mong maghiganti!”

                Tumiim ang kanyang mga bagang habang palihim na pinagmamasdan sina Griff at ang babae nito na ni sa utak niya ay ayaw niyang banggitin ang pangalan.  Nakaririmarim.  Gusto ng bumaligtad ng sikmura niya lalo na nang makita niyang hinalikan ito ni Griff sa labi as if wala itong pakialam sa ibang taong nakakakita sa mga ito.  Nagpapanting ang tenga niya dahil kahit na kalian ay hindi siya hinalikan ni Griff sa publiko.

                “Relax,” dinig niyang sabi ni Rigor sa kanya, nakita pa niyang bahagya itong nakangiti.

                Inirapan niya ito, “Enjoy na enjoy ka ano?  Tuwang-tuwa kang makitang may isang babaeng nasasaktan?”

                “Sa akala mo ba nag-eenjoy akong makakita ng babaeng ginagago ng mga asawa nila? Kaya nga kita tinutulungan dahil sa lahat ng pinaka-ayoko, iyong mga gagong kagaya ng asawa mo!  Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil pinarerealize ko saiyo ngayon kung anong klaseng lalaki yang pinakasalan mo!”

                “And what do you achieve from that?” Tanong niya kay Rigor saka umayos ng upo, “Magkalinawan nga tayo, bakit mo ba talaga ako tinutulungan?”

                Ngunit sa halip na sumagot ay tinawag nito ang waiter at um-order ng mga pagkain.  Napilitan na rin siyang um-order.  Nagulat pa si Rigor nan gang dami niyang in-order.  Tiningnan siya nito na parang nagtatanong ang mga mata:  Kaya mo bang ubusin ang lahat ng ‘yan?

                “Stress ako kaya ‘wag mo na lang akong pakialaman, pwede?” may kasungitang sabi niya rito.  Stress talaga siya at kapag stress siya ay gusto niyang kumain ng marami dahil pagkain lang ang stress reliever niya.

                Napailing na lamang si Rigor sa kanya.

               

NAPAPAILING SI RIGOR habang pinapanuod si Althea na kumakain.  Hindi niya alam kung saan nito inilalagay ang lahat nitong kinakain.  Ito lang ang tanging babaeng nakilala niya na harap-harapan ng niloloko ng asawa eh may gana pang kumain!

                Napasulyap siya sa kanyang target.  Alam niyang sobrang affected si Althea sa mga ito.  Gusto niyang mapaibig ni Althea ang asawa nito.  Gusto niyang paikutin ni Althea ang lalaking iyon kung paano nito pinaikot si Althea.

                Lihim siyang napangiti.  Mukhang mag-eenjoy siya sa palabas na ito.  Hindi na siya makapaghintay pang masaksihan ang pagbagsak sa mga kamay niya ng lalaking ito.  Nangangati na ang mga palad niya.  Nangunot ang nuo niya nang mapansing umiiyak si Althea habang kumakain.  Bigla na namang naantig ang damdamin niya.  Ayaw na ayaw niyang makakakita ng babaeng umiiyak.  Inabot niya ang tissue ditto saka paismid itong tiningnan.

                “Pinag-aaksayahan mo ng luha ang walang kwentang asawa mo?” Pabulong na singhal niya rito, “Pwede ba, umayos ka. Punasan mo ‘yang mga luha mo.  Ayoko ng makita kang iniiyakan ang walang kakwenta-kwentang lalaki na ‘yan.  Ni hindi nga kagandahang lalaki ang kumag na ‘yan eh. Look at you now.  Ang ganda-ganda mo na.  Kung tutuusin sa ganda mong ‘yan ngayon, kahit sinong lalaking gustuhin mo, paniguradong makukuha mo!”

                “Kung magsalita ka, parang wala lang saiyong magpalit ng girlfriend!” sagot nito sa kanya, “Hindi naman kasi basta-basta iyon.  Minahal ko siya at hanggang ngayon mahal ko pa rin sya. . .”

                “Anak ng teteng, isinilid ka na nga sa sako ng lalaking ‘yan at tinapon sa bangin!” Hindi makapaniwalang sabi niya rito.

                Napahikbi ito.  “Hindi mo ko maiintindihan kasi hindi mo pa nararanasang mainlab!”

                “At sino namang me sabi saiyong di ko pa nararanasang mainlab?” Matiim na tanong niya rito saka muling naalala si Sophia.  “Nagmahal na rin ako at patuloy na nagmamahal,” paanas lang na sabi niya rito.

PAGPASOK SA RESTROOM ay inabutan ni Althea si Britanny na nagreretouch ng make up nito.  Lumapit siya rito at humarap sa salamin.  Gusto niyang ipangalandakan ditto na walang wala ito sa kalingkingan niya ngayon. Ni hindi na nga niya kailangang maglagay ng make-up para gumanda!  Itinaas niya ang kanyang mukha at bahagya itong inirapan saka tumitig sa kanyang reflection sa salamin.

                Kung ito kaya ang tinataglay niyang mukha nang pakasalan siya ni Griff, pagtatangkaan pa rin kaya siya nitong patayin?  Marahil ay hindi.  Para siyang isang Holywood actress sa taglay niyang kagandahan ngayon.  Sinong mag-aakala na retoke lang ang lahat ng ito?

                Inayos niya ang kanyang buhok.

                “Excuse me, you look familiar, nagkita na ba tayo?” Narinig niyang tanong ni Britanny sa kanya.

                Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa saka napangisi, “I don’t think so. But yeah, you look familiar to me too.  Kamukha mo kasi iyong dati kong kasambahay,” aniya rito saka lumabas na ng banyo.  Gusto niyang mapahagikhik habang iniisip ang mga sinabi.

                Iyon ang eksaktong salita na ginamit sa kanya ni Britanny nang magkasalubong sila nito nuon sa grocery two years ago, at hinding-hindi niya makakalimutan ang nakita niya sa mga mata ni Griff ng mga sandaling iyon.  Tandang-tanda pa niya iyon pero binalewala lamang niya ang tagpong iyon.  Ni hindi pumasok sa isip niya na may affair pa rin pala ang asawa niya sa babaeng iyon.

                Naalala pa nga niya ang sinagot ni Griff nang tanungin niya ito tungkol ditto, “Yeah, we had an affair pero sandali lang.  At wala kang dapat ipagselos sa kanya, pkay?  Nakaraan ko na sya.  Ikaw ang present ko, at ang future ko, okay?” Malambing pang wika nito. That time ay magkasintahan pa lang sila nito kaya siguro binobola pa siya.

                Napatiim ang kanyang mga bagang.  Ang laki talaga niyang tanga. 

                Habang pabalik sa mesa ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Griff at kitang-kita niya na bahagya itong natigilan nang mapansin siya.  Hindi maipagkakaila ang paghanga sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya.  Seneksihan niya ang paglalakad at nagpakawala ng ubod tamis na mga ngiti rito.  Ang sabi kasi sa kanya ni Rigor, sa tuwing makakahanap siya ng pagkakataon ay kailangan niya itong iseduce sa paraan na banayad lang.  Iyong hindi obvious na nang-aakit siya.  Pasasabikin lamang niya ito kumbaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status