“Ang rude mo,” reklamo ni Lucky nang pareho na silang nasa sasakyan ni Genesis, ang matalik niyang kabigan. Nakasalubong kasi nila sa grocery si Adriane, ang ex-fling ng lalaki, at ang asawa nitong si Mark. Nag-uusap pa si Lucky at Mark nang bigla na lamang siyang hinila ni Genesis palabas ng grocery store.
"Rude? Saan naman ang rude doon?"
"Nag-uusap pa kami ni Mark. May sinasabi siya tungkol sa love letters, isa raw siya sa mga nagbibigay ng love letters sa ‘kin noon. May alam ka ba tungkol sa sinasabi niya?"
"Baka binobola ka lang ang isang 'yon?" Kibit-balikat na sagot ni Genesis at minaniobra ang sasakyan paalis ng parking lot.
Sumimangot si Lucky. Talaga bang binobola lang siya ni Mark? Mukha kasing seryoso ang lalaki nang sabihin iyon sa kanya. Pero impossible rin ang sinasabi nito, she's not pretty like those famous girls in their university. Ngunit hindi niya talaga maiwasang ma-curious, base sa sinabi ni Mark, isa raw ito sa mga nagbibigay sa kanya ng mga love letters noon. Ibig sabihin maraming lalaki ang nagpapadala? Pero wala naman siyang natatanggap kahit isa.
"Ang cute ni Belle, nakita mo ang baby nila?" Pagbubukas ni Lucky ng bagong paksa. Wala naman siyang mapapala kung pag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa sinabi ni Mark. Mukhang hindi naman totoo at mukhang hindi rin interesado ang kaibigan niya na pag-usapan ang tungkol doon.
"Yeah, cute."
Sumimangot si Lucky sa malamig na sagot ng kaibigan. "Bakit ba ganyan ka sa tuwing nagkukwento ako tungkol sa mga baby?"
"Alam ko na kasi ang kasunod n'yan. I want one," Genesis mimicked her voice.
"Hindi ako ganyan magsalita, Gin!"
Genesis tsked. "Ano pa ang silbi na gusto mong magka-anak kung takot ka naman sa sex?"
"Nakakainis ka talaga! Wala namang masama kung mangarap akong magka-anak."
"Wala, kung normal ka."
"G*go ka ba?" Binato ni Lucky ang wet tissue na hawak kay Genesis. Naglilinis kasi siya ng kamay gamit iyon habang nag-uusap sila.
"Kadiri ka! Huwag mo ngang gawing basurahan ang sasakyan ko!"
“Kasalanan mo. Pinalalabas mong abnormal ako."
"Ikaw ang may sabi n'yan, hindi ako."
Lalo siyang naasar sa lalaki. "Hoy! Umayos ka r'yan kung ayaw mong sungal-ngalin kita," banta niyang pinakita pa ang kamao. Akala siguro nito hindi niya kayang bumasag ng bungo.
"Hindi mo pa rin ba sinasabi kina Tita at Tito ang tungkol sa kondisyon ko?" Bigla ay seryosong tanong ni Genesis sa kanya, ang tingin ay nasa daan lang. Hindi nakasagot si Lucky kaya isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Genesis. "Sampung taon mo nang nililihim sa kanila ang kondisyon mo. Kailan mo balak ipa-alam?"
"Hindi ko alam..." Kuyom ang mga kamao na sagot ni Lucky.
"You need to tell them, Luck. Kinukulit ka na ng parents mong mag-asawa, right? Paano ka ikakasal kung takot ka naman sa sex? Iyan pa naman ang unang ginagawa ng mag-asawa pagkatapos ng kasal."
"Hindi ikaw ang magde-decide para sa akin, Gin. Huwag mong intindihin ang problema ko. Ikaw? Hindi ba't gusto na rin ng parents mong mag-settle down ka?"
"Yeah..."
"Anong balak mo? Masyado kang babaero para mag-stick sa isang babae." Sinamaan siya ng tingin ni Genesis, ngunit agad din nitong binalik ang mata sa daan. "Bakit? Totoo naman, 'di ba? Hindi ka makuntento sa isa, gusto mo iyong kaliwaan ang babae mo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kaibigan ko ang salawahan na tulad mo."
"Excuse me?"
"Sabi ko, salawahan ka."
"Hey! That's so mean of you. I'm innocent. Sila ang lumalapit sa akin at ino-offer ang sarili nila. 'Di ko sila pinipilit. Although, I admit it. Kahinaan ko ang mga babae, hindi ko sila matiis," emosyonal pa kunwari nitong sabi.
"Ang sabihin mo f*ck boy ka lang talaga. Paano na lang kung makabuntis ka?"
"Imposible. Maingat ako pagdating sa sex. I never f*ck without protection. Isa pa, alam mong ayoko sa mga bata. I'm not fond of kids."
Umikot ang mata ni Lucky. Alam naman niyang hindi mahilig sa mga bata si Genesis, pero hindi niya lubos akalain na sa edad nito ngayon, 'di talaga kinonsidera ng lalaki na mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya. Mukhang kuntento na talaga ito sa pagiging salawahan.
"Kahit pa, Gin. May posibilidad pa rin na makabuntis ka lalo na't active ang sex life mo. Bibilib talaga ako kapag may babaeng mag-settle down sa lalaking tulad mo, siya na siguro ang pinaka tangang babae sa buong mundo."
"Hey! Stop it, will you? Hindi dahil babaero ako ay wala na akong karapatan para magkaroon ng maayos at normal na relasyon." Salubong ang kilay ni Genesis. Mukhang nagtampo talaga sa mga sinabi niya. Natawa si Lucky at tinusok ang tagiliran ni Genesis.
"Lucky! I'm driving!"
"Para namang hindi ka gumagawa ng extracurricular activities habang nagmamaneho." Tukoy ni Lucky sa na i-kwento ni Genesis sa kanya noong bigyan ito ng bl*wjob ng isang fling nito habang nagmamaneho.
"Shut up!"
Humagikhik si Lucky, ngunit hindi na kinulit pa ang kaibigan. Umayos siya ng upo at nagbuga ng malalim na buntong-hininga. "Gusto ko talaga ng anak, Gin."
"Then find a man that will marry you and give you a child, and please..." Nilingon siya ni Genesis ngunit agad din binalik sa daan ang mata. "Stop giving me that look. Walang ibang paraan, Luck. Hindi ka magkaka-anak kong hindi ka makikipag-sex."
"Actually, may nasabi sa akin si Maya." Tumagilid siya ng upo para harapin ang kaibigan. "Alam mo ba iyong IUI?"
"Yeah, why?"
"Gusto kong subukan..."
"Tsh."
"Gin, naman! Gusto ko kasi talaga ng baby."
"Kung hindi malalagay sa peligro ang buhay mo, sure. Gawin mo ang gusto mo, buhay mo naman 'yan. Wala naman akong magagawa kundi suportahan ka."
Nakagat ni Lucky ang ibabang labi. Last week niya pa ito gustong banggitin kay Genesis, kaso hirap siyang isingit ang topic. Ito na ang pagkakataon niya. "Gin, alam kung ayaw mong magkaroon ng sabit. Pero gusto ko talagang magka-anak, I decided to undergo IUI procedure but..." Huminga siya ng malalim. "Can you be my sperm donor?-Ouch!" d*ing ni Lucky nang mapasubsob sa dashboard ng sasakyan nang bigla na lang inapakan ni Gineses ang preno.
"G-gin," bulalas niya nang natulala sa unahan ang kaibigan na dilat na dilat ang mata. "Ayos ka lang ba, Gin?"
"No."
"Huh?"
Hinarap siya ni Genesis. "Ayoko…."
"What?"
"I don't want to be your sperm donor."
***
"It’s possible. Sperm can survive in a suitable environment for up to 15 to 30 minutes, but it will die as soon as it dries up. So, yes! Using the ejaculated sperm from a used condom is possible. However, it is preferable to store the sperm in a cool container to preserve it," paliwanag ni Dr. Caladieae, isang reproductive endocrinologists. Ang doktora ang kaibigan ng assistant niya, ito ang magsasagawa ng IUI procedure kung matapos niya ang lahat ng test ng walang problema.
"I see..." Kung ganun posible niyang isagawa ang plano niya. Ang dapat lang niyang gawin ay magnakaw ng gamit na condom ni Genesis. Nakakadiri pero kailangan niya iyong gawin kung gusto niyang maging-successful ang pagbubuntis niya.
"Could you tell me why we're not going to use donor sperm specimens in the labs?"
"I'm uncomfortable injecting sperm from a man I've never met, Doctor."
"Are you sure about?" Nakataas ang isang kilay na tanong ng doktora sa kanya. "Maybe you just don't feel comfortable if that man isn't going to be the father of your child?"
"Of course, not! He is not the father of my future child. It just happened that, galing sa kanya ang sperm na kailangan ko. Hindi niya kailangan malaman ang tungkol sa anak ko. Once I get myself pregnant… Tapos na rin ang connection niya sa ipagbubuntis ko."
"All right, Miss Etheswyth. Don't take it too seriously. You're far too defensive, you know?" biro ng doktora sa kanya. Napapahiyang hinawakan ni Lucky ang magkabilang pisngi, ramdam niya ang pamumula n’yon. "Honestly, okay lang naman kung iyon ang dahilan mo. It's not that I have a problem in your decision, I'm just curious. By the way, who is this unlucky man? Baka naman kilala ko ang taong ito?"
"Nah... I doubt that doctor. You're too good to be with this type of man unless you have a little dirty secret, Doctor Caladieae." Mahinang tumawa ang doktora sa biro niya. Mukhang may natumbok nga siya. Geez! May dirty little secret nga yata ang sikat na RE Doctor.
"Drop the name, Miss Etheswyth. Malay natin..."
Napailing si Lucky sa sagot ng doktora. Tahasan talaga nitong inamin sa kanya na may tinatago ito sa likod ng marangal at magandang pangalan. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao kung pagbabasehan lang ang mga pinapakita nito sa mata ng marami. Sabagay, kahit naman siya ay may nililihim sa mga taong nakapaligid sa kanya. Malapit na ring dumating ang panahon na kahit ang matalik niyang kaibigan ay paglilihiman niya, sana lang talaga ay umayon ang lahat sa plano niya. Dahil kung hindi, magkakaron sila ng malaking problema ni Genesis.
"The name is, Genesis Gevorgian."
"This is interesting..." Napukaw ng sinabi ng doktora ang atensyon ni Lucky. "So that man will have a secret child. Mhmm... I'm excited to see what will happen next," bulalas ng doktora at bumungisngis pa.
"Excuse me? May sinabi ka ba, Dr. Caladiaea" Kunot ang noo na tanong ni Lucky nang hindi ma-gets ang sinabi ng doktora.
"Oh, it's nothing! I'm just talking to myself."
***
"Are you sure about this, Miss Lucky?" tanong ni Maya sa kabilang linya. "Kapag nagawa mo na ang plano mo, wala na talagang atrasan."
"I know, but don't worry. Wala akong balak umatras, narito na 'ko at wala ng makakapigil pa sa plano ko Maya."
"Okay, fine. Handa na ba ang mga gamit mo?" Kahit hindi nakikita ni Lucky ang kausap, alam niyang sobrang ninenerbiyos na ito sa gagawin niya.
"Maya, relax. Mas kabado ka pa sa akin, eh! At oo, handa na. Ano lang ba ang mga kailangan ko? Isang maliit na cooler at plastic gloves. Si Genesis na lang ang hinihintay ko kaya ayusin mo ang trabaho mo ah? Sabihin mo agad kung nasa harap na siya ng bahay," paalala ni Lucky sa assistant.
Nasa bahay siya ngayon ni Genesis. Syempre dahil may sarili siyang kwarto rito, may sarili rin siyang duplicate ng susi ng bahay. Ang plano nila ni Maya ay hihintayin niya ang lalaki at kung sino mang babae ang iuuwi nito. Pagkatapos ng session ng mga ito ay pasekreto niyang kukunin ang used condom ng binata habang mainit-init pa ang gatas—este katas!
Paano niya nalaman na may pagatas si Genesis ngayon? Well, syempre tinanong niya ang lalaki at sinabi naman nitong may session nga ito ngayong gabi kasama ng bago nitong flavor of the month. At para maging matagumpay ang plano niya at hindi siya mahuli ng binata, ginawa niyang look out si Maya para naman malaman niya kung parating na ang mga ito upang makapagtago siya.
Kailangan niya magtago dahil kapag nalaman ni Genesis na nasa bahay siya nito ay paalisin nito ang ka-fling at hindi matutuloy ang pagatas, masisisira ang plano niya. Hindi pwede!
"Miss Lucky, I think you need to hide now! Hindi ako sigurado pero mukhang si Sir Genesis ang nakasakay sa pulang SUV na huminto sa harap ng bahay."
"What? Pulang SUV? Wala naman akong natandaan na may ganyang sasakyan ang lalaking iyon," ungot niya at bumangon sa kanyang kama. Sumilip si Lucky sa bintana.
"No! Wait, si Sir Genesis nga! Kasama ng isang babae. Go hide now!" nataranta na sabi ni Maya sa kabilang linya, kasabay nun ang paglaki ng mata ni Lucky nang actual niyang nakita ang lalaki sa ibaba kasama ng isang sexyng babae.
"Holysh*t!!"
Pinatay ni Lucky ang phone at itinapon sa ibabaw ng kama niya. Mabilis niyang kinuha ang cooler at lumabas ng kanyang kwarto. Natataranta na tinakbo niya ang silid ni Genesis at parang timang na naghanap ng matataguan. Sh*t! Bakit hindi niya naisip maghanap ng matataguan kanina habang wala pa ang mga ito? Siguradong mahuhuli siya ng mga ito kapag hindi siya nagmadali!
"What are you doing?" Nagsalubong ang kilay ni Genesis nang itulak siya ni Talia pahiga ng kama. The woman is his newly hired secretary; she was not supposed to be his date tonight, but circumstances forced him to bring her home. Talia does not appear to be a typical submissive woman, and Genesis is itching to get a taste of her. "Let me take the lead, sir." Landi nito sa kanya na nagustuhan naman ni Genesis. Damn those big t*ts! Hindi pa nga sila nag-iinit bakat na bakat na ang n*pple ng secretary niya sa manipis nitong sando. Well, hindi niya napigilan ang sarili kanina nang nasa loob sila ng sasakyan, they made out at mukhang naiwan nito sa sasakyan ang bra. "Show me what you got," hamon ni Genesis sa sekretary. Inayos niya ang pagkakahiga at ginawang unan ang sariling mga braso. He can now freely watch her as she give him a head. "My pleasure, sir..." Gumapang paibaba ang sekretarya niya. Pinagpantay nito ang mukha sa kanyang ibabang katawan at nagmamadaling binuksan ang zippe
"What is that?" Sinubukang hablutin ni Genesis mula sa likod ni Lucky ang cooler ngunit maagap na umiwas ang dalaga."No!" Tinapangan ni Lucky ang boses."Don't you dare touch my things without my permission, Genesis!" Pagtataas ni Lucky ng boses sa kaibigan. Pinaningkitan niya pa ito ng mata sabay duro sa pagmumukha nito upang bigyan ng babala. Hinding-hindi niya ibibigay ang sperm, tinapon na ito ni Genes at natagpuan niya, so basically speaking, sa kanya na ito.Nagulat si Genesis sa mabangis na dalaga. Ano naman ang ginawa niya? He's just curious. Lucky even called him by his given name, isa lang ang ibig nitong sabihin, she's seriously not joking."Whoa, whoa, whoa..." Itinaas ni Genesis ang dalawang kamay bilang pagsuko, hawak pa rin nito ang baso ng tubig. "Chill! I'm not gonna touch it, okay? Ano ba kasi yan?" pag-uusisa pa rin ng binata. Curious kasi talaga siya sa dala ni Lucky, smell something fishy!"Not your f*cking business, Genesis."Napangiwi si Genesis. Given name pa
"Genesis, we heard that you bedded your secretary. Anong kalokohan na naman itong pumasok sa isip mo't ginalaw mo ang sarili mong sekretarya? Umamin ka nga, totoo ba itong mga naririnig kong, kung sino-sinong babae na lang ang dinadala mo sa iyong bahay?" sermon ng ina ni Genesis pag-upo niya sa visitors chair. Nasa opisina siya ngayon ng kanyang ama, at minalas siyang narito pala ang kanyang ina."Ma, rumors lang 'yan para sirain ang image ko. Alam niyo naman, marami akong mga kalaban sa loob at labas ng negosyo natin."Nagpakawala ng buntong-hininga ang ina niya."Seriously, iho? Kailan mo balak mag-asawa? Maniniwala lang akong chismis lang ang lahat ng mga naririnig ko kung kasal ka na at mayroon ng pamilya.""Your mother is right, Genesis. Tumatanda ka na, kailangan mong masiguro na magpapatuloy ang legacy ng pamilya natin. Sino na lang ang makakasama mo kapag wala na kami ng mommy mo? Sino ang magmamana ng-""Dad, I'll settle down when the time comes.""At kailan naman ang time n
"I said, wear the f*cking ring, Lucky!" "Pero Genesis..." "Listen to me, Luck." Umiling siya. Hindi ito tama. Hindi ito ang intesyon niya. "Lucky..." "Gin, please not this." "Lucky!" galit na galit na sigaw ni Genesis. Paulit-ulit na umiling si Lucky. Hindi ito pwede. Hindi ganito ang plano niya. Maling magpakasal sila ni Genesis dahil sa ginawa niya. "Hey, Miss Lucky... Miss Lucky..." Napabalikwas ng bangon si Lucky. Nanginginig ang mga kamay na niyakap niya ang puting kumot at hinanap sa silid ang kaibigan ngunit hindi niya ito natagpuan. A dream... A f*cking dream-damn it! "Ayos ka lang ba? Kanina pa kita ginigising dahil binabangungot ka. Paulit-ulit mong tinatawag ang pangalan ni Sir Genesis," worried na tanong ni Maya sa kanya. "I-" Walang salita na lumabas sa bibig niya. "Nakatulog ka habang nanonood ng interview ni Genesis kanina. Tubig gusto mo?" Tinanguan ni Lucky ang assistant. Agad na tumalima si Maya para ipagsalin siya ng tubig sa pitcher na nakapatong sa ibab
"Enes, tulad ba ng dati?" tanong ni Nathaniel. Ang kanyang kanang kamay. Kababata ito ni Genesis at para na niyang nakababatang kapatid. Sa mansion kasi ng magulang niya ito lumaki.Tumango si Genesis bilang tugon."A-anong gagawin niyo?" natatakot na tanong ng lalaking nakapiring na ang mga mata. "Pakawalan niyo ko!""At sa tingin mo susunod kami sayo?" kutya ni Nathaniel.Naupo si Genesis sa isang maroon na single couch. Ang lalaking nakatali ay nasa harap lang niya tatlong dipa ang layo mula sa kanya. Kinumpas ni Genesis ang kamay at agad na lumapit ang tauhan na nakatayo sa likod niya. Inabot nito ang isang stick ng mamahaling brand ng sigarlyo at sinindihan para sa kanya. Pagkatapos ay bumalik din ito sa pwesto nito.Sumandal si Genesis sa couch na naka-dekwatro ang mga paa, nagbuga siya ng makapal na usok ng sigarilyo."Ano pa ang hinihintay niyo? Simulan niyo na ang palabas."Sa isang salita ni Genesis. Walang awa na binugbog n
"Congratulations! It's positive." Nanlaki ang matang nilingon ni Lucky si Maya na nakatayo sa kanyang tabi. Malaki ang ngiti ng assistant, katulad niya masaya rin ito sa narinig na balita. "Did you hear that? Magkakaroon na 'ko ng baby, Maya!" "Yes! Malabo lang ang paningin ko pero hindi ako bingi. By the way, congrats Miss Lucky! Magiging Mommy ka na tulad ng matagal mo ng hinihiling." Hinarap ni Lucky si Dra. Caladieae ng may napakalaking ngiti sa labi. "Thank you, so much Doctor! Maraming salamat sa lahat-lahat ng ginawa mo!" halos maiyak na pasasalamat ni Lucky. "Come on! Nagsisimula pa lang tayo Miss Etheswyth. Hindi pa natatapos ang trabaho ko dito. Saka mo na ako pasalamatan kung nailuwal mo na si Baby ng ligtas at healthy." "Yes, Doctor! Sobrang saya ko talaga kahit three weeks pa lang si baby. Ngayon pa lang excited na akong lumabas siya at mahagkan." Hindi talaga mapigilan ni Lucky ang sarili. Talagang umaapaw ang saya sa puso niya na halos hindi na niya kayang ma-cont
Inilapag ni Lucky sa kama ang papel at naghanap ng pamalit sa closet, nang makapili ng damit, pumasok na siya ng bathroom para maligo. Mabilis lang din siyang naglinis ng katawan. Nakasuot na ng damit si Lucky nang lumabas ng bathroom, ngunit gulat siyang natigilan nang makita si Genesis sa loob ng kanyang silid. Hawak ng kaibigan niya ang papel na kanina lang ay binalak niyang itapon. "Genesis, w-what are you doing here?" "What is this?" tanong nito sa kanyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa papel. Tinambol ng kaba ang d*bdib ni Lucky. Nanlamig ang mga kamay niya at bigla na lang nagdilim ang paningin niya, ngunit bago pa siya matumba ng tuluyan, nagawa niyang hawakan ang hamba ng pinto upang alalayan ang sarili. "Gin, bakit basta ka nalang pumapasok sa kwarto ko?" Galit na hinablot ni Lucky ang papel sa kamay ng kaibigan at itinago sa kanyang likod. D*mn it! Nasanay siyang hindi nag-la-lock ng pinto, nakalimutan niyang labas-masok si Genesis sa kwarto niya. Samantala, si Gen
"Genesis..." Pang-apat na beses na itong pagtawag ng kanyang ina kay Genesis. Isang linggo na mula noong malaman niya ang tungkol sa pinagbubuntis ni Lucky. Umuwi siya sa mansion ng mga magulang para ikulong ang sarili at magpakalasing. "Genesis, hindi ka pa nag-agahan. Inuuna mo pa ang uminom ng alak. Nakita ka ni Manang na bumaba ng kusina-" "Get away, ma. Please... Leave me alone." Beth sighed. Tumigil ito sa pagkatok sa pinto ng anak. "Ano ba ang problema mo? Nag-away ba kayo ni Lucky? Bumisita ako sa kanila nitong linggo lang, mukhang may problema din siya. Nag-away ba kayo?" "Ma, just stop asking questions. Leave me alone! Gusto ko munang mag-isip." Hindi na niya narinig ang ina sa labas ng kanyang pinto. Tumingala si Genesis sa kisame ng kanyang silid, ang likod ay nakasandal sa gilid ng kanyang kama. Hawak niya ang isang can ng beer, naglalasing na nakaupo sa sahig. Pumikit siya at ang magandang mukha agad ni Lucky ang kanyang nakita. "Abort that child or else..." Na