Share

Kabanata 13

Hinang-hina akong bumangon sa kama, I know I am now late for my first class, pero tila ba naubos ang lahat ng lakas ko. Naging mabagal ang pagkilos ko at para bang gusto kong dumito na lang maghapon.

Pagkaligo ko ay nagsuot lamang ako ng itim na ripped jeans at maluwag na gray t-shirt, I put my bonet on and my black hoodie jacket as I wear my white rubber shoes. Marahan kong isinara ang kurtina at lumabas ng kwarto sakbit ang bag ko at kapit kapit ang susi ngunit inis akong napabalik ng maalalang naiwan ko sa ilalim ng unan ang cellphone ko.

Nang makuha ko na iyon ay nagmadali na akong bumaba sa kabila ng nanghihina kong katawan.

Tahimik na ang buong bahay, panigurado akong nauna na si Katelyn sa cafe para magbukas, marahil ay alam niyang hindi ko na magagawa iyon dahil buong gabi akong nagkulong sa kwarto.

Dumaan ako sa kusina at nakitang may sandwich at juice sa lamesa. May note sa gilid noon na pinasadahan ko lamang nang tingin at mabilis na ininom ang juice at kinagat ang sandwich
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status