Share

CHAPTER 06

Napatigil na ako sa pag inom ko para sa kaniya ko ituon ang buong atensyon ko.

"Pa-paano mo nasasabi 'yan?" I asked again.

"Okay. Kumapit ka nang mabuti diyan sa pinagkakaupuan mo dahil mapapasabi ka na lang sa isip mo kung 'bakit ko pinakawalan ang lalaking to' matapos mong marinig ang mga sasabihin ko. " Wika niya.

"Ang O.A huh," panlalaban na sagot ko.

"'Wag kang basher! So let's start, unang-una ay nag top siya sa bar exam niya. After no'n, pumasok siya sa isang law firm sa Manila bilang Criminal Lawyer. Naipanalo niya ang unang apat na kaso na hinawakan niya at ang dalawa pa do'n ay mabibigat na kaso. Sumunod ay ang dalawang kaso pa na hinawakan niya bilang isang Trial Lawyer.  At kahit isa ay wala pa siyang talo. Matapos niyang makuha ang tiwala ng mga tao ay doon siya nagsimula na mag patayo ng sarili niyang Law Firm reason why kung bakit siya umalis doon sa dati niyang Law Firm na pinagtatrabahuhan. Dahil doon kaya mas lalong humanga sa kaniya ang lahat kasi baguhan ka pa lang na abogado pero nakapagpatayo ka na agad ng sarili mong Firm, nakakahanga talaga 'yun." Mahabang kwento niya pero alam kong nagsisimula pa lang siya. "Pagkatapos non, mas marami pa siyang kaso na nahawakan and believe it or not, no failed cases pa talaga si'ya. Dahil din sa mga achievements niya kaya nag boom 'yung Law Firm na pinagawa niya kaya nga halos lahat ng mga bagong abogado na kakapasa pa lang ng bar ay sa firm niya na agad nag a-apply. Oh di ba? Nakakahanga talaga 'yun. Idagdag pa 'yung milyon na kinikita niya sa isang kaso pa lang na nahahawakan niya. Bigatin na talaga 'yang ex mo Leigh. "

Napalunok na lang ako ng laway sa mga narinig ko. Wala naman akong pakialam sa kung gaano kalaki ang kinikita niya. I'm proud of him sa mga bagay na na-achieve niya at doon ako natutuwa. Hindi ko rin akalain na mas magiging mataas na personalidad siya kesa sa inaasahan ko.

Ngayon ko lang nalaman ang ilan sa mga nangyari sa kaniya makalipas ang halos limang taon.

"Paano mo naman nalaman ang mga bagay na 'yan?" tanong ko sa kaniya at muling uminom na lang ulit ng alak.

Buti pa siya ay may nasasabi tungkol sa lalaking 'yun samantalang ako- wala akong ideya tungkol kay Wayne simula nang maghiwalay kami.

"Laman kaya siya ng mga digital magazines and digital news papers sa internet. Try mong mag basa at halos lahat ng articles ay tungkol sa kaniya at sa mga napapanalo niyang kaso." sagot niya sa akin. "Hahanga ka day. "Dagdag na saad pa niya.

Matagal ko naman na talagang hinahanggan si Wayne.

"Pero, ano bang sinabi niya sa'yo nu'ng nagkita kayo? Tutulungan ka ba niya sa kaso mo? Dahil kung ako ang tatanungin... DAPAT LANG! May pinagsamahan pa rin naman kayo after all right? Gaya nang sinabi ko Leigh, kapag siya ang humawak sa kaso mo, 100% sure ako na talagang panalo ka. Sisiw lang sa kaniya na ipagtanggol ka sa korte dahil tungkol lang naman ito sa lupa." mahabang wika pa niya.

Napalunok na lang ulit ako ng laway at muling uminom bago ako sumagot sa kaniya.

"Well, n-nag offer naman siya na tutulungan niya ako," paunang wika ko at parang nagliwanag ang mukha ni Catleya dahil doon.

"'Yun na naman pala ehh. Kaya lang, kung handa ka nga niyang tulungan gaya nang sinabi mo--- hindi malabong mahal ang singilin niya sa'yo. Alam mo bang ang isang pirma ng magaling na abogado na tulad niya ay umaabot ng milyon? 'Yun pa kayang ipag tanggol ka niya sa korte?" sabi niya.

Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yun pero--

"Tutulungan daw niya ako ng libre," mahinang wika ko kasi 'yun naman talaga ang sinabi ni Wayne kanina.

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What? Nagpapatawa ka ba? NAGPAPATAWA BA SIYA? Libre my ass." wika niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko at napa rolled eyes pa siya.

Kung sa bagay, hindi naman talaga libre di ba? Alam niyo naman siguro kung anong sinabi niya sa akin kanina nu'ng naka usap ko siya at walang libre du'n.

Mas malaking bagay nga ang hinihingi niyang kapalit sa akin eh. Pero gaya nang sinabi ko, hindi ko babanggitin kay Catleya ang lahat nang pinag-usapan namin lalo na 'yung tungkol sa totoong kapalit.

"Nako girl- wala ng libre sa panahon ngayon. 'Wag kang mag papadala sa salitang libre dahil mas malaki pa ang kapalit na hinihingi kapag sinabing 'free'. Well, ex mo naman siya pero KAHIT NA! Malay mo against sa moral principles in life ang gusto niyang kapalit." sabi niya.

Hindi ko naman maiwasan na mapa inom ulit ng alak and this time ay naubos na nga 'yun kaya naman nag bukas ulit ako ng panibago habang iniiwasan na magtama ang mga mata namin ni Catleya kasi tama ang sinabi niya.

"Hindi naman sa tinatakot kita Leigh pero... 'wag kang mag papadala sa libre na sinasabi ng ex mo. Okay, sabihin na natin na may relasyon nga kayo dati, iniwan mo siya, tapos nasaktan mo siya at nasaktan ka rin naman but it doesn't mean na pwede niyang gawin yun mga bagay na labag sa loob mo. Gets mo naman ako di ba?" Mahabang litanya niya pa ulit.

Shit!  Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya ang lahat nang sinabi ni Wayne. Pero obviously, kahit hindi ko sinabi ay parang  may hint na siya agad.

Bakit ba kasi ang talino niya at alam na alam niya ang tungkol do'n.

"Hi-hindi naman siguro," sagot ko nalang kahit totoo naman talaga ang sinasabi niya.

"Pinapa alalahanan lang kita kasi kaibigan kita. Pero, ikaw pa rin naman ang mag dedesisyun kasi nasa tamang edad ka na at alam ko naman na alam mo na ang tama at mali. 'Wag mo lang hahayaan na i-take advantage ka niya sa sitwasyon mo ngayon." sabi niya at hinawakan niya pa ang kamay ko at ngumiti,  alam ko naman talaga na nag aalala lang siya sa akin.

Akala ko ay wala nang magsasalita pa sa pagitan namin pero makalipas lang ang halos isang minuto ay nagsalita ulit si Catleya.

"Pero seryoso Leigh, anong balak mo?  Nag iisip ka na ba na tanggapin niya ang alok niya?" Tanong niya. Muli akong uminom ng alak bago ako umiling -iling bilang sagot ko.

"As long as I can,  ayokong muling mapalapit sa kaniya," mahinang wika ko dahil nararamdaman ko na ngayon ang pamumuo ng luha ko.

Shit!

Ayokong umiyak pero nandito talaga 'yung kirot sa puso ko.

"Gaya nang sinabi mo, nasaktan ko siya at nasaktan ako-- ang unfair ko na siguro kapag nilapitan ko pa siya dahil sa kaso tapos aalis din naman ako ulit." at pumatak na nga ang luha ko nang hindi ko namamalayan kaya mabilis akong napatingala para pigilan 'yun. Naramdaman ko rin ang agad na paghimas ni Catleya sa likod ko.

"Kasi to be honest, I don't see my future-- with him anymore. Hindi tulad nu'ng dati na lagi siyang kasama sa plano ko at gano'n din naman siya sa akin." at muli akong napa iling sabay pa nang pagpatak ng mga luha ko na mabilis ko lang din na pinahid. "Pero pag tungkol na sa lupa ang pinag uusapan, baka kalimutan ko ang lahat nang sinabi ko sa'yo ngayon. You know how important that land to me, ibinigay sa akin 'yun ni Mama kaya hindi ko 'yun kayang talikuran lang," wika ko pa at tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan niya ako at saka niya ako niyakap.

Niyakap ko rin naman siya pabalik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status