Share

Chapter Sixteen: Aftermath

ALIYAH

Tahimik ang buong paligid na aking nadaraanan papuntang karinderya, naglalakad lang ako dahil maaga pa naman. Six o’clock pa lamang ng umaga, ngayon ang araw na naisipan kong bumalik sa trabaho. Medyo humupa na naman ang pagkalat ng pangalan ko sa publiko, e. Kumpara noong unang mga linggo ay mas hindi ko na nakikita ang pangalan ko sa mga TV station, kaya nang mapapayag ko si Sir Caleb na bumalik na ako sa normal kong buhay bilang empleyado ni Ma’am Lucy ay narito na ako naglalakad.

Aminado akong nag-aalangan pa rin. Kahapon ko pa tinitext si Jacob para magtanong kung good mood ba si Madam na makausap ko ngayon, kaso wala akong nakuhang sagot sa kaniya, e. Kaya ngayon na wala akong kasiguraduhan kung may trabaho pa akong babalikan ay nandito pa rin ako at susubok. Saka nakamimiss din maging tauhan ni Ma’am Lucy, no. Kahit si Jacob lang ang maituturing kong kaibigan sa trabaho ay komportable na rin naman ako sa pagsusungit sa akin nila Lebby kung minsan.

Wala na naman akong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status