Share

Kabanata 11

Ipinasok ni Frank ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa habang kalmado siyang pumasok sa kotse.

Gayunpaman, si Vicky, ay patuloy na sumisilip sa kanya mula sa driver seat.

"Mr. Lawrence, pwede ko bang malaman kung sino si Peter Lane?" Di kalaunan ay nagtanong siya.

"Ang ex brother-in-law ko." Ang sabi ni Frank.

"Ah, ganun ba," ang sabi ni Vicky. "Si Helen Lane."

Tumango si Frank habang nakangiti naman si Vicky. "Mukhang hindi naging maganda ang mga bagay sa pagitan niyong dalawa! Gusto mo bang tumulong ako ng kaunti?"

Napatingin si Frank sa kanya.

Kapag tumulong si Vicky, tiyak na magagawa niyang burahin ang mga Lane sa Riverton nang walang kahit anong bakas.

Gayunpaman, wala siyang intensyon na gawin iyon sa kabila ng sama ng loob niya sa pamilyang iyon, at kailangan niyang magpakita ng respeto kay Henry hangga't nabubuhay siya.

"Salamat sa alok mo, pero kaya ko naman ang sarili ko," ang sagot niya.

Napangiti si Vicky. "Naiintindihan ko. Basta huwag mong kalilimutan na pwede mo akong lapitan anumang oras kapag may problema ka."

-

Dumating si Helen sa harap ng pinto ng Verdant Hotel, ang kanyang asul na gown ay agad na nakakuha ng atensyon ng mga tao.

Sa tabi niya, mukhang mayabang si Gina sa kanyang mabulaklak na damit—palaging nakukuha ng anak niyang babae ang atensyon ng lahat saan man siya magpunta!

Gayunpaman, bigla siyang may naalala. "Helen, hindi pa ba nakakarating dito si Peter?"

Kumunot ang noo ni Helen. "Diyos lang ang nakakaalam kung anong ginagawa niya—tatawagan ko siya."

Gayunpaman, hindi ito sinagot ni Peter, dahilan upang magtaka siya. "Hindi siya sumasagot."

Napabuntong hininga si Gina. "Hind talaga maaasahan ang bwisit na ‘yun kapag kailangan mo siya."

"Hayaan mo na, ayos lang ‘yun," ang seryosong sinabi ni Helen. "Ang tanging bagay na mahalaga ngayon ay ang magkaroon tayo ng partnership sa mga Turnbull."

"Oh ang aga mo, Helen!" Ang sabi ni Sean habang nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Kakarating lang din namin dito," ang magalang na sagot ni Helen.

Samantala, agad siyang pinuri ni Gina. "Gosh! Siguradong milyon-milyon ang halaga ng suit mo, Mr. Wesley."

"Naku, hindi naman... Ilang libong dolyar lang ang halaga nito."

Mabilis namang hinila ni Gina si Helen para tumabi kay Sean. "Tut, tut... Bagay talaga kayong dalawa kapag magkasama kayo!"

Inirapan ni Helen ang kanyang ina. "Tumigil ka na, Mom."

"Sinasabi ko lang ang nakikita ko." Nagkibit balikat si Gina.

Ngumiti si Sean. "Pumasok na tayo, Helen."

Tumango si Helen nang bigla siyang may nakitang pamilyar na pigura mula sa gilid ng kanyang mata.

"Frank?" Ang bulong niya.

Lumingon si Gina at sinundan ang tingin ni Helen, at nakita niyang si Frank nga iyon. "Ano?! Anong ginagawa ng walang kwenta na yan dito?"

Nagkataon na hinihintay ni Frank si Vicky sa entrance at napasimangot siya nang makita ang tatlo.

Sumimangot din si Helen. "Anong ginagawa mo dito?"

"Inimbitahan ako ni Ms. Turnbull."

"Haha!" Humalakhak si Gina. "Tumingin ka na ba sa salamin, Frank? Bakit mag-iimbita ang heiress ng mga Turnbull ng isang walang kwentang katulad mo?"

Suminghal rin si Sean. "Helen, palabiro talaga ang ex-husband mo."

Nakakunot ang noo ni Helen at nagtataka siya kung kailan nagkaroon si Frank ng ugali na magyabang.

Gayunpaman, ex-husband niya siya, at ayaw niyang gumawa ng gulo lalo na’t hindi tumitigil ang kanyang ina sa pangmamaliit sa kanya.

"Hindi ka dapat nagpunta dito, Frank. Umalis ka na," ang sabi niya kay Frank.

Nagkibit balikat lang si Frank. "Ano, hindi ako pwedeng pumunta dito dahil lang nandito ka?"

"Oo naman. Hindi mo ba nakikita ang okasyon?" Suminghal si Gina, hinampas niya ang suit ni Frank. "Huwag mong isipin na karapatdapat kang pumunta dito dahil lang nagsuot ka ng magandang damit. Mananatiling basura ang isang basurang gaya mo."

"Oh, Mr. Lawrence." Isang malamig na boses ang biglang umalingawngaw. "Hindi ko alam na magdadala ka pala ng mga kaibigan. Bakit hindi mo kami ipakilala sa isa’t isa?"

Ang iba ay napalingon at nanigas nang makita nila ang matangkad at balingkinitang babae na nakaputing gown na naglalakad patungo sa kanya.

Ang kanyang kagandahan ay walang kapantay, maging ang kanyang malarosas na pisngi, ang kanyang kulay almond na mga mata, o ang poise sa kanyang hakbang!

Naglakad siya palapit kay Frank, niyakap niya ang braso ni Frank at malinaw na malapit sila sa isa’t isa.

Nanlaki ang mga mata ni Helen—kahit na sinabi sa kanya ni Peter na may ibang babae si Frank, hindi niya inaasahan na ganito pala siya kaganda!

Ngayon, naintindihan na niya ang ibig sabihin ni Peter nang sabihin niyang napakaganda ng babae.

At kung ang kanyang kagandahan ay bunga ng teknolohiya, ito ay teknolohiya mula sa mga Diyos!

Maging si Gina ay hindi naglakas-loob na itanggi ang kagandahan ng babae, na agad na natakpan ang kagandahan ng kanyang sariling anak…

'P*ta ka!' Ang sabi niya sa kanyang isipan habang naiinis siya.

Samantala, nakanganga si Sean at halos maglaway, nagtataka kung bakit may babaeng mas maganda pa kay Helen sa isang maliit na lugar tulad ng Riverton, at kung bakit hindi niya narinig ang tungkol sa kanya noon!

Agad siyang lumapit sa kanya na may magalang na ngiti. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo, ganda?"

Tiningnan siya ng malamig ni Vicky. "At ikaw si?"

Agad na inayos ni Sean ang kanyang sarili at hinila ang kanyang manggas. "Sean Wesley, ang iyong lingkod."

"Hindi kita kilala." Itinikom ni Vicky ang kanyang mga labi. "At saka, wala kang karapatan na malaman ang pangalan ko."

Napanganga si Sean, ang nakalahad niyang kamay ay naiwang nakabitin sa ere.

Ito ang unang pagkakataon na pinahiya siya ng isang babae!

Agad na inaway ni Gina si Frank, "Walang hiya ka! Minaltrato ka ba ng pamilya namin? Hindi ko inakala na ipagpapalit mo si Helen para sa p*tang ‘to!"

Pinigilan siya ni Helen, ngunit naglakad siya palapit kay Frank at umiling. "Hindi ako naniniwala kay Peter nung sinabi niya sa’min ang tungkol dito. Paano mo ‘to ipapaliwanag ngayon?"

Malamig na ngumiti si Frank. "Magpaliwanag? Bakit ko gagawin ‘yun?'

"Ano..." Hindi inaasahan ni Helen na aaminin niya ito nang buong tapang—gusto niya talagang itanggi ito ni Frank!

"Ikaw ang dating asawa ni Frank?" Pinagmasdan ni Vicky si Helen nang may matalim na tingin.

Hindi napigilan ni Helen na ituwid ang sarili at iangat ang kanyang baba, sinusubukan niyang palakihin ang kanyang sarili upang magmukha siyang matapang. "Tama ‘yun."

Gayunpaman, tuwang-tuwa si Vicky—lalo lamang nagmukhang balisa si Helen sa ginagawa niya. "Hehe. Kung ganun, salamat."

Nagulat si Helen. "Para saan?"

"Para sa pakikipaghiwalay mo kay Frank. Paano pa ako makakahanap ng pambihirang lalaki na gaya niya?"

"Hah!" Suminghal si Helen sa inis, para bang maluwag ang ilang turnilyo sa ulo ni Vicky. "Pambihira? Hindi ganun si Frank, hindi ba?"

"Yung totoo, naniniwala ako na magaling akong bumasa ng tao. Hindi man perpekto si Mr. Lawrence..." Ngumiti lang si Vicky ng kampante bago lumingon kay Sean. "Pero at least mas mabuti siya kaysa sa kasama mo ngayon."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status