I tied my hair in a messy bun while typing my report on my laptop. Bakasyon ngayon pero nag-iwan si Mrs. Monte ng mga gagawin ko na makakatulong para sa susunod na pasukan.
Umikot ang silya na kinauupuan ko dahil sa gulat nang biglaan na bumukas ang pintuan sa kwarto ko. Napatayo ako nang makita si Silas na pumasok at walang suot sa pang-itaas na damit. I couldn't help but to stare at his body. His hair was damp as his toned stomach with eight pack abs shone because of sweat.May pag-iingat akong tumayo at lumapit sa kanya. Kahit hindi ako nakapag-lock ng pinto sana hindi siya basta basta pumapasok. I'm actually a bit childish when I was in the province but after he brought me here I become more cautious to how should I act. Nagiging maingat ako sa ipapakita na ugali dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pakiramdam ko kasi kung hindi ako aayos sa kagustuhan niya mapagsasabihan niya ako at mapapagalitan. Parang matang lawin ang mga mata niya na madalas ko mahuli na nakatanaw sa akin at naghihintay na magkamali ako."Would you please knock next time?" I asked with my low voice.Wala naman akong masamang ibig sabihin pero nakitaan ko siya ng pagdilim ng mga mata."Why? Are you hiding something in your room?" He asked ruggedly.Iginala niya ang mga mata niya sa kwarto ko. Tumigil iyon sa akin. Mabilis akong umiling at isinarado ang craft notebook kung nasaan ang binubuo ko na report."Wala naman. Nagugulat lang ako sa pagpasok mo. Hindi ako sanay na-""What's that?"Nilapitan niya ang isinara ko na notebook at may pagdududang binuksan ulit iyon. Iniiwasan ko na mapatingin sa katawan niya dahil naaamoy ko ang pinaghalong amoy ng pawis at pabango niya. Nakabukas ang bintana at ang hangin mula roon ay tumatama sa katawan niya papunta sa akin."What's this?" Tanong niya ulit, salubong na ang mga kilay at binabasa ang nakalaman na isinulat ko."Report sa isang subject ko."Binuksan ko ang dalawa pa na notebook at ipinakita ang ibang mga subjects na ginagawa ko. Hindi naman siya required pero iniwanan lang nila ako ng gagawin bago magbakasyon para may mapaglibangan ako dahil alam nila na hindi ako pinapalabas ng hacienda ni Lolo."You won't need it. You will study in a real school this year."Malakas niyang isinara ang mga notebook ko at kinuha iyon sa lamesa ko. Nakaawang ang labi na napatitig ako sa kanya, nasa mga mata ko ang gulat dahil sa sinabi niya."Mag-aaral ako sa paaralan? Sa totoong paaralan?"Bumaba ang tingin ko sa braso niya, gusto ko siyang hawakan habang nagtatanong pero pinigilan ko ang kamay ko dahil basa ang braso niya sa pawis. Sa malapit ay kita ang maliliit na galos sa kanyang katawan. Sa tiyan at braso ay mayroon pang bilog na peklat. Nagtagal ang tingin ko roon kaya nagbaba siya ng tingin sa katawan niya at sinundan ang mga peklat na tinitingnan ko."These are gunshots..."Napasinghap ako ng mahina sa sinabi niya. Tama ng baril? Paano niya nakuha iyan?"We will go to your school. Sasamahan kita mag-enroll."Nakangiti ako na tumango. I have been sheltered the whole life I have existed. Hacienda-mansion lang ako. Kahit nga kapag nag-aaral, laptop lang ang kaharap ko. Mayroon akong mga pictures noong bata pa ako. Maybe I was about nine or eleven years old, but surprisingly, I don't remember what happened those times. Kung bibilangin ko, sasakto sa samping taon iyon. Ayon kay Silas ay nagkita kami sa mga panahon na iyon subalit wala siya sa aking ala-ala. Posible ba iyon? Sa edad na iyon dapat ay may naaalala ako kahit matagal na pero nakakapagtaka na wala. Para bang nabura ang lahat ng imahe sa panahon na iyon sa isipan ko. Kung maaalala ko, naroon kaya si Silas gaya ng sinabi niya?"Get your clothes ready. Sasama ka sa amin ni Gineth..." He said then turned his back.Natamaan ko ang upuan sa aking likuran kaya gumawa iyon ng ingay kasabay ng malakas na singhap ko. Natigil sa paglabas si Silas. Nilingon niya ako gamit ang masungit niyang mata. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa likod niya.The scars on his back looked scary. Sobrang dami at parang gawa ng mga matutulis na bagay. Mayroon din maliliit na bilog na paso, mas maliit pa sa tama ng baril na nasa tiyan at braso niya."Anong nangyari sa likod mo?"Nanginginig ang mga kamay ko na itinuro ang likuran niya. I didn’t notice it when I almost fell on the stairs. It was probably because the light there was dim while the sunlight could get here from the window.I forced myself not to stare and looked back at his eyes; they were cold. The corner of his mouth lifted for a smirk."You know where it came from..." He grinned coldly. "Pack your things. We're leaving tonight..." He said then walked outside, holding my notebooks"Ano ang ibig sabihin niya? Alam ko kung ano ang nangyari sa mga peklat na nasa likod niya? Paano ko naman iyon malalaman?" Tanong ko sa sarili, nakatitig sa kasasara niya lang na pinto.Napaka-misteryoso niya. Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin para malaman ko. Ang dalas niyang magpahiwatig na ilan beses na kaming nagkita bago pa niya ako kunin sa hacienda. Samantalang kahit titigan ko siya sa mga mata hindi ko siya maalala.Nag-ayos ako ng gamit kagaya ng utos niya. Naiwan ang isip ko sa mga peklat na nasa kanyang katawan kaya huli na nang maisip ko na isasama niya ako at si Gineth sa pupuntahan niya. Napangiti ako. Akala ko hindi niya ako isasama dahil sa mga sinabi niya sa hapag kainan kahapon."Give me your bag."I immediately handed him my bag. The last thing I want to do is to annoy him. I smiled and watched him put my bag in the compartment of his car. Malaki ang dala ko na bag dahil isang linggo raw kami roon. Hindi nila bahay 'yon at pinapabantayan lang sa Lolo at Lola nila. Madalas lang sila roon para tumulong sa dalawang matanda."Pumasok ka na. Aalis na..." Isang beses niya akong sinulyapan saka siya umikot para pumasok sa loob ng driver seats.Sinuklay ko ng mga kamay ang mahaba ko na buhok at binuksan ang pinto sa passenger seats. Ngumiti si Neth sa akin na nakaupo rin doon pero si Silas ay matalim ang tingin bago pa ako makapasok."What do you think of me? Your driver?"Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa front seat na katabi niya. Sinarado ko ulit ang pinto at lumipat sa harapan. Gineth should be sitting here instead of me. But she just closed her eyes in the backseat and seemed to want to sleep there comfortably."Sorry..." Hingi kong paumanhin habang ikinukulong ang katawan sa seatbelt.He just snorted and started to drive. Tulog na si Neth sa likuran nang lingunin ko. Tumigil kasi si Silas sa isang fast food chain na nadaanan namin at tingin ko balak bumili ng pagkain. Gigisingin ko sana si Gineth ngunit mukhang masarap ang tulog niya."They don't have drive thru. Come with me..." Palaging magaspang ang boses niya at parang palaging iritado sa akin.Madali akong bumaba bago pa siya lalong magalit. Lumapit ako sa likuran niya nang pumasok siya at pumila sa mga nakahilera na bumibili.Matigas lang siyang nakatayo roon at walang lingon lingon sa mga tao na nakatitig na sa amin ngayon. Nakikita ko ito sa telebisyon pero ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kainan sa loob ng sampong taon na naaalala ko. Ngayon na nakilala ko si Silas tsaka lang naging palaisipan sa akin kung bakit wala akong maalala sa kabataan ko."Move here in front of me..."Nilingon niya ako sa balikat niya. Umiling ako pero nahila na niya ako sa braso. Nang lingunin ko ang likuran ko, may mga lalaki roon.Napalabi ako pagkalipat sa harapan niya. Napahawak ako sa braso ko na hinawakan niya. Dalawang daliri lang ang gamit niya at magaan ang paghila na parang napilitan lang na hawakan ako. Tila diring diri at halos hindi dumikit.Gumalaw ang nasa harapan at naglakad papalapit sa counter. Nang kami na ay nahuli ko ang pagsinghap ng ilan sa mga babae na staff. Napatingin sila kay Silas at napapatigil sa mga ginagawa para lingunin siya. Namumula din ang babae na tinanong ang order namin. Ang katabi ko naman na lalaki ay masungit lang at walang pinapakita na emosyon ang mukha kahit na nakita niya naman ang pagkakagulo ng mga babae. Kahit ako ito rin ang unang impresyon sa kanya. Parang kakaiba ang itsura niya at hindi mo mahahanap kung saan saan lang.Bumalik kami sa biyahe. Maya maya lang ay nagising na si Gineth upang kumain. Ganoon din ako at si Silas, kumakain siya habang nagmamaneho. Habang kinakagatan niya ang hawak na burger ay napapatitig ako sa kanya. Kung totoo ang sinabi niya na nakita ko na siya dati imposible na makalimutan ko ang mukha niya kaya bakit hindi ko siya maalala?Sinulyapan niya ako at nahuli na nakatitig ako sa kanya. Masungit lang siya na nag-iwas ng tingin at hindi kinuwestyon ang pagtingin ko sa kanya. Ilan minuto pagkatapos namin kumain ay nakarating kami sa pupuntahan. Sa loob iyon ng isang malawak na lupain at mataas ang gate na bakal. Pagkapasok sa loob ay malawak din pero hindi sementado at pawang lupa lang ang nakapaligid sa buong kabahayan. Malaki ang bahay ngunit walang itaas.Napalingon ako kay Silas nang makita ang pagngisi niya at naka-direkta ang tingin sa babae na nakasuot ng dress na itim at maikli ang buhok. May nakatali sa bewang nito at may nakalagay na baril."Wow! Nagpagupit si Ate Elle? Bagay sa kanya!"Nilingon ko si Gineth dahilan ng binulalas niya. Napatingin siya sa akin nang makita ang katanungan sa aking mga mata. Napabalik kay Silas ang atensyon ko nang lumabas siya sa sasakyan upang salubungin ng halik sa pisngi ang babae."Hindi mo pala siya kilala! Si Ate Elle iyan! Pamangkin ng may-ari nitong bahay! Diyan kasi sila nakatira ngayon ng Daddy niya!"Tumango ako at hindi na naalis kay Silas at sa babae ang tingin. Nagtawanan sila. Inakbayan niya ito bago sila nawala sa paningin namin dahil magkasama na silang pumasok sa loob ng bahay.Nakatitig ako kay Silas na hindi nawawala ang ngisi habang kausap ang babae. Nakapangalumbaba ako at nakalabi. Iniisip ko na talagang napilitan lang siya na kunin ako dahil sa pakiusap ni Lolo. Na kahit anong gawin ko, siguro hindi niya ako magugustuhan.Iniwas ko ang tingin sa kanila para tingnan ang mga kasama ko sa lamesa. Patago akong huminga ng malalim at hindi mapigilan na balikan sila ng tingin. Naibaba ko ang aking kamay at naalis sa pagpapangalumbaba nang matanaw ko na naglalakad silang dalawa palabas papunta sa likod bahay."Pamangkin nila iyan, si Athena."Inalis ko ang tingin kay Silas nang marinig ko ang sinabi ni Lola sa Tatay nang babae na kasama ni Silas ngayon."Pamangkin nila?" Napangiti ako nang titigan ako ng lalaki na kausap nila."Oo. Ang Mama kasi ni Athena ay pinsan nina Gineth, Laura at Silas. Ang Lolo ni Athena na nag-aalaga sa kanya ay pinsan ang Tatay nila Silas," paliwanag ng lola nila.Pati ako napapatango dahil nalaman ko kung paano kami naging magkamag-
I stepped back when he stopped in front of me. Tumigil lang ako sa pag-atras nang maramdaman ko ang pader sa aking likod. Nasa gilid ang tingin ko at wala sa kanya. Gusto ko na lang pumalit sa kinalalagyan ng halaman na nasa gilid ko o di kaya'y lamunin na lang ng lupa."Do you know that it's not right to hide and secretly listen between two person's conversation?""I'm not hiding!" I looked up at him and it was too late to regret what I had just said.Umangat ang gilid ng labi niya para sa isang ngisi at ipinatong ang isang kamay sa pader, sa ibabaw ng ulo ko. Nagbaba ako ng tingin nang inilapit niya ang kanyang mukha para matitigan ako."Oh..." Sarkastiko ang tunog niya. "You are not hiding? So, you mean you admit you overheard our conversation?"Napapikit ako ng mariin at hindi nakapagsalita. Dapat talaga dumiretso na lang ako sa kusina! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at bigla akong tumigil para makinig sa usapan nila!"Don't scare her!"My eyes flew open. The woman behin
Sobrang bored na bored na ako at nami-miss ko pa ang probinsya. Wala na kami sa bahay nila sa Manila at tingin ko nasa malayo rin kami na probinsya ngayon. Masiyado nga lang liblib at parang nakakatakot maglakad lakad ng mag-isa sa kakahuyan bago makalabas sa kalsada. Ibang iba sa kinalakihan ko na probinsya. Magiliw ang mga tao roon at marami ang pwede na mapagkaabalahan.Tingnan ko pa lang ang mga nagtataasan na mga puno rito'y pakiramdam ko na napapaligiran kami ng mababangis na hayop. Hindi naman ito mukhang bakasyunan. Mas nagmumukha pa itong taguan dahil sobrang layo ng kalsada at mga bahay. Nasa gitna pa ng kakahuyan na kahit madalas mag-praktis sila Silas sa likod ay walang makakarinig na ibang tao."Lalabas ka ba, Kuya?"Nasira ang pag-iisip ko nang maamoy ang kaaya-ayang bango ni Silas. It must be his shower gel. Hindi raw kasi ito gumagamit ng pabango ayon sa mga kapatid niya kapag nagk-kwento. Nasa likod pa siya kaya hindi ko siya nakikita kung hindi naaamoy ko lang."Mang
Napasinghap ako sa lamig ng hangin. Kulang na lang umusok ang bunganga ko. Nakasuot pa naman ako ng manipis na puting dress at umabot lang iyon sa ibabaw ng tuhod ko. Ang kulay puti ko na damit ay halos maging kakulay na ng balat ko.Itinaas ko ang dalawang palad at itinapat iyon sa labi ko para saluhin ang mainit na buga ng aking hininga. Pagkatapos ay pinagkuskos ko ang mga iyon para maibsan ang lamig.My lips are getting redder from the cold. I lick my lips from time to time to prevent it from dryness. Dahil sa lamig ay natutuyo ang labi at lalamunan ko. Ilang minuto na kami na naglalakad sa kakahuyan pero hindi pa sila tumitigil para manguha ng kahoy. Hindi naman malakas ang hangin pero sobrang lamig. Siguro dahil sa mga puno? Mayroon pang araw na sumisilip sa mga dahon pero malamig pa rin ang paligid. Nasa unahan si Silas at si Elle na kaibigan niya. Kami ni Neth ay nasa likuran at nahuhuli.The curly tips of my hair swayed as I let it fall on my back, it was touching my lower ba
(TFD) Chapter 09"Napagalitan ako ni kuya kanina nang mawala ka! Dapat hindi ka umalis kasi alam ko ang daan pabalik!" Nakasimangot si Neth sa akin."Pasensya na. Nalibang ako sa pagtingin sa mga puno..." Nahiya ako bigla. Nasermunan siya dahil sa akin."Hindi ka ba nasaktan? Mabuti at nahanap ka ni kuya! Pagkatalon niya pababa sa puno ikaw kaagad ang hinanap niya! Muntik na akong umiyak habang nagpapaliwanag na nawawala ka!"Umiling ako at hinaplos ang tuktok ng buhok ko kung saan ko naramdaman ang ahas kanina."Hindi naman ako nasaktan...""Makinig ka kasi kay kuya! Natakot ako nang sinigawan mo siya kanina! Alam mo ba na kami ni Ate Laura hindi namin iyan ginagawa sa kanya?"Tumango ako at ngumiti. Dinirekta ko ang tingin kay Silas na nasa harapan. Nasa likuran ulit kami ni Neth ngayong papauwi na. Hindi ko alam ang daan kaya hindi ko magawang manguna.Ang mga nakuha na kahoy ay nasa tulak tulak ni Silas na wheelbarrow. Ang isang kutsilyo na mayroon ahas ay nasa ibabaw ng mga kahoy
(TFD) Chapter 10"Bakit ganyan ang itsura mo? Ano ang nangyari sa 'yo?" Salubong sa akin ni Gineth pagkapasok ko sa loob. "Hindi ka nakita ni Ate Elle? Pinapatawag ka at si Kuya Silas ni Lola dahil kakain na."Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok ko at mariin na kinagat ang ibabang labi. Bakit ba pagdating kay Silas ang bilis ko magalit. Hindi naman ako ganito, ngayon lang. Siguro dahil ngayon ko lang din naman kasi naranasan ang makipagsagutan at makipagsigawan. Baka ganito talaga ako magalit at hindi ko lang alam."Kuya!"Napapikit ako ng mariin nang marinig si Neth na tinawag ang kuya niya. Sa likod ko siya nakatingin at mukhang nasa loob na rin sina Silas at Elle. Narinig ko ang mahina na tawa ni Elle nang lagpasan kami ni Silas. Kahit ang kapatid niya'y hindi niya pinansin. Walang lingon likod siyang nagtungo sa kwarto niya."Maliligo raw saglit. Magpapalamig," si Elle kay Neth.May kahulugan akong sinulyapan ng babae na natatawa bago siya dumiretso sa kusina. Sinundan ni Neth ng
(TFD) Chapter 11Humina ang signal kaya nawala ang mga kausap niya. Tumayo si Neth at itinaas kung saan-saan ang hawak na phone para lang makasagap ng signal.Tumigil ang duyan na kinauupuan ko dahil si Neth ang nagtutulak nito kanina. Pwede ko naman itulak, kaya lang nahihiya naman akong gumalaw dahil nasa gilid ko si Silas."What have you been studying online?"Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan kong duyan na bakal. Pagilid kong sinulyapan ang ginagawa niya. Bigla na lang kasi siyang nagtanong. May naganap na pagtatalo sa pagitan namin pero kung magtanong siya ngayon, parang hindi nangyari iyon.Pinitik niya sa malayong parte ng lupa ang upos ng sigarilyo na mayroon pang baga. Umikot pa iyon bago tuluyang bumagsak sa lupa. Pinagmasdan niya ang ibinato niya na upos at hindi ako agaran na nilingon. Gilid lang ng panlalaking itsura niya ang kita ko. Natatamaan siya ng ilaw ng poste na nasa itaas kung saan siya nakasandal.His lips were red and wet. Ka
(TFD) Chapter 12I sat comfortably in the front seat. Nasa labas pa si Silas at nagpapaalam ng maayos sa mga Lolo at Lola niya. Si Neth nasa dating pwesto niya sa backseat ng sasakyan, tulog na naman.Pabalik na kami sa Manila at mahabang biyahe ang tatahakin. Napa-iwas ako ng tingin sa pagyayakapan nina Silas at Elle. That's fine. They are friends, right? What? If they are more than friends, that's fine too.Yumapos ang babae sa kanya. Umikot ang mga kamay nito at pumulupot sa bewang ni Silas papunta sa likod. Wala sa sariling humigpit ang hawak ko sa seatbelt lalo na nang makita ko ang pagbaba ng labi ni Silas para sa malambing na halik sa tuktok ng buhok ni Elle bilang pamamaalam.May kung anong namuo sa tiyan ko at pinanlamigan ako ng sikmura.I see, he has a soft spot for her. Mas malambing pa siya rito kaysa sa mga kapatid niya. May pagkakatulad ang ugali nila ni Laura kaya hindi niya malalambing ng ganito. At si Neth naman ay pinakabunso kaya takot sa kanya.I don't know. They