KABANATA 10:IT was awkward for me pero para kay Dustin, nakikita ko naman ay hindi. Siguro para sa kanya, wala lang talaga ang nangyari. Medyo tumatak sa isip ko 'yong sinabi niya sa akin kahapon na naguguluhan na rin siya madalas sa amin ni Crystal. I still don't get that because they were living in the same roof for how many years. Hindi pa rin niya kabisado ang asawa niya?"That's my gift when I was in college, right?" Nagulat ako nang makitang suot ni Dustin iyong regalo kong relo sa kanya noon pa.Tsaka ko lang napansin iyon nang kumakain na kami sa resto. Napadapo ang mga mata ko sa kamay niya.Dustin grinned."Of course, you're my best friend. I treasure everything you gave to me. Kaunti na nga lang hindi ko pa gagamitin," sabi niya sabay hagod ng daliri sa buhok nito.Sumimangot ako at natigil sa pagkain ng ceasar salad."No, I was just joking." He laughed. "Alam kong hindi na tayo ganoon ka-close simula nang naging malapit ako kay Crystal but Cassy, I still consider you as a
KABANATA 11:TUMUWID ang tayo ko nang marinig ang malakas na boses ni Dustin. Sumipa ang kuryosidad sa akin at hindi maiwasang lumabas nang kwarto para silipin silang dalawa na nagtatalo na sa hallway.Nakatalikod si Dustin sa akin at nakaharap sa kanya si Crystal. Masyadong matangkad si Dustin kaya naba-block niya ang view ko sa kapatid ko."Don't make it an issue. Ano bang nangyayari sa 'yo?""I didn't change. Binabaligtad mo lang, eh. Aminin mo na sa akin, Dustin!" Tumaas ang boses ni Crystal dahilan para maglakad na ako at magpasya na awatin silang dalawa."Why are you guys fighting?"Kitang-kita ko 'yong pagkabigla ni Crystal nang sumulpot ako. Mula sa galit na ekspresyon at pagkagulat, mabilis na nag-shift iyon sa pagngiti."Sorry, naistorbo ka namin. Uh, don't mind us," sabi ni Crystal.Binalingan ko si Dustin na nakatingin sa ibang direksyon pero halatang malalim ang iniisip. Hinagod ng daliri nito ang buhok bago bumuntong-hininga at pumasok sa kabilang kwarto. Hindi man lang
KABANATA 12:PINAGMANEHO ako ni Anthony papuntang hospital. Hindi ko kasi kaya iyong magmaneho ng ganito kaya pinili ko na makisuyo sa kanya. Umuwi rin agad si Blake matapos makiramay. Lilipad siya patungol Caticlan para sa isang event nang apat na araw. I understand, and I still have my relatives and friends who will support me during these times. Wala akong gana pa sa ngayon makipag-usap sa iba at sa totoo lang ay gusto kong mapag-isa pero alam kong hindi p'wede. Marami akong i-e-entertain hanggat hindi pa naililibing si Crystal."You want me to come with you?" Anthony asked, but I shook my head and smiled."I'm fine. P'wede ka bang mag-antay dito sa lobby? Mabilis lang naman yata. I just need to check Dustin's condition too.""Sure. Tawagan mo lang ako," he said.Kaya iniwan ko si Anthony sa lobby at mag-isang pumunta sa recovery room. Naabutan ko agad si Tita Tamara at Tito Joaquin na nasa labas at nag-aantay marahil sa akin. Napatayo agad si Tita Tamara para salubungin ako."How
KABANATA 13:HINDI ko maintindihan kung bakit kailangan kong gawin iyong gusto nila. Umalis ako na um-oo sa kondisyon ni Tito Joaquin. Nakiusap siya sa akin at para bang na-corner ako at hirap akong magsabi ng hindi. Naalala ko kung paano magwala si Dustin kanina. Tito Joaquin mentioned that he could hurt himself once he knew Crystal was dead. Sinisisi niya 'yong sarili niya kaya naaksidente sila. I admit I was in pain when I saw how miserable he was. Nahabag rin ako at aminadong naluha pero ayokong makita iyon ng iba.Pumayag ako pero ang gusto rin ni Tito Joaquin ay kapag naoperahan si Dustin ay dapat umalis na rin ako papuntang Paris. Ibig sabihin, tatakas ako sa kasalanan ko. Sa pagsisinungaling at pagpapanggap. Hindi na ko magpapakita sa kanila kahit kailan.I sighed as I closed my eyes. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Hanggang sa inilibing si Crystal sa ikalimang-araw, masakit pa rin ang dibdib ko. Parang kahapon lang ang lahat at hirap pa rin akong tanggapin na mag-isa na la
KABANATA 14:NAKAHIGA ako sa kama at hindi nagsasalita. Kabado ako pero hindi lang halata. Naiwan ako kasama iyong personal nurse para daw sa akin. Mayroon din si Dustin. Lahat ng kausap niya o namin ay alam na kung anong mangyayari. Ganoon kahanda ang magulang niya para sa planong ito.Napapikit ako ng mariin at nasapo ang ulo. Hindi ko na maintindihan kung aatras ba ako o hindi na kaya lang nakabenda na iyong dalawa ko ring binti. Nagpapanggap na naoperahan rin. I will pretend that I can't remember our marriage life. Kapag ganoon kasi, mas madali para sa akin ang magpanggap.Isang linggo ko lang itong gagawin. Dapat makumbinsi ko siyang magpa-opera na tapos aalis na ko. Ilang araw na akong lugmok sa kalungkutan. Pakiramdam ko wala na akong dahilan para manatili dito dahil mag-isa na lang ako sa buhay."I want to pee." Napangiwi ako dahil nakaramdam nang tawag ng kalikasan.Napalingon sa akin iyong nurse na nag-aayos ng prutas sa lamesa."Naku po, Maam. Sabi po ni Madame bibisita na
KABANATA 15:PARA sa akin, isa iyon yata sa pinakamatagal rin na limang minuto ng buhay ko. Iyong gising na gising ako pero nagpapanggap na tulog. Kitang-kita ko 'yong emosyon ni Dustin kahit na may takip ang mga mata nito. Malaki rin ang pinayat niya. Hindi tulad noon. Ngayon, kita ko 'yong pagkahumpak ng pisngi at ang bigote na tumubo na sa kanyang mukha.He looked so stressed. Halata ang lungkot na lumulukob sa kanyang sistema."Thank you."Napalingon ako kay Tita Tamara nang bumalik ito para kausapin ako. I smiled but it didn't reach in my eyes. Tinukod ko ang dalawang palad sa magkabilang gilid ko para maiahon ko ang sarili at makaupo. Tutulungan sana ko ni Betty pero naunahan ko agad siya at nakaupo na ko bago pa niya ako daluhan."I felt guilty. Wala pa akong ginagawa. Nakahiga lang po ako pero naawa ako kay Dustin, Tita."She sighed and looked away. Hinawi ko ang kumot na nakatabon sa aking katawan. Pinagmasdan ko saglit iyong benta sa magkabila kong binti."If you can convinc
KABANATA 16: AYOKONG pakiramdam sa lahat iyong anxiety. Parang hinahalukay ang tiyan ko sa kaba at nagugulo ang aking sistema. I hate this familiar feeling when I lay down to bed and pretend to be my sister again. I was silent when he entered my room. Sakay pa siya ng wheelchair at tulak-tulak ng personal nurse nito. Nauna silag pumasok at nahuli ng ilang segundo si Tita Tamara na may cellphone pa sa tainga nang makita ko. "Is she sleeping?" Dustin asked. Hindi ko alam kung sino ba ang tinatanong niya dahil nakatingin naman siya sa harap. Huminto sila sa gilid ko. Nagkatinginan kami ng mga nurse bago ako sumulyap kay Tita Tamara. Tumango siya at may binulong pero wala akong maintindihan. Hindi ko mabasa iyong buka ng bibig niya. "Tulog pa, Sir." Iyong personal nurse niya iyong sumagot. Tinalikuran kami ni Betty para lapitan iyong mga pagkain sa lamesa. "You can all leave. Dito lang ako," utos ni Dustin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Ayoko nga maiwan siya at kahit hindi n
KABANATA 17:UMINOM ako ng tubig habang pinagmamasdan si Dustin na kumunot ang noo."She's working?"Namilog ang mga mata ko at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong napainom ng tubig si Betty."She went there with mom. Hindi mo ba naalala na pinilit kami ni Daddy pero si Cassy lang ang sumama para may extra allowance siya."I want to thank myself for being so quick to remember that. I hate to manage business pero ginagawa ko na tumulong kila Daddy kapag sinasabihan nila ako na bibigyan ako ng extra allowance. I would agree because I want to save money so I could buy my favorite bag from a luxury brand.Nakahinga ako ng maluwag nang tumango at tila nakumbinsi ko naman si Dustin sa sinabi. Mahihirapan ako kapag parehong hinanap ni Dustin si Cassy at Crystal."How are you feeling?" pagkuwa'y tanong niya sa akin."Hmm... Honestly speaking, my legs sometimes hurt like a hell. Minsan buong katawan ko and my head. There are times na bigla na lang sasakit."Hindi nakapagsalita si D