"Hi, sir pogi~""Hi sir, Aeros~ nandito pala kayo~""Sir Aeros~"Malalambing na bati ng ilang empleyadong babae ng isang malaking kumpanya sa makisig na lalaki habang prente at kumportable itong naglalakad na nakapamulsa pa."Hi, good morning ladies~" balik na bati ni aeros. Naka-suit ito ngayon at mukhang disenteng tingnan, malayo sa playboy na hitsura nito."Aray! Ano ba mag-ingat ka nga!" Pagtataray ng isang babae na'ng masagi ito ng isang lalaking may dalang Leather bag na kasunod lang ni Aeros.Pinanlamigan ng tingin ng lalaki ang babae. "Sorry, ang arte-arte mo naman kasi maglakad, para kang nagpa-fashion show." Bahagyang may irap pang wika nito.Iniwan na ng lalaki ang napangangang babaeng empleyado at sumunod na kay Aeros.Nagtawa si aeros at nilingon ang kasunod na lalaki sa kanyang likuran. "Huwag ganyan Jules, baka hindi ka magka girlfriend niyan, sige ka.""Hump! Hindi ko kailangan ng girlfriend." May bahagyang irap na sagot ng lalaki.Ito si Julius Benedicto; assis
Sa una ay nagpipiglas pa si agnes nang biglang itong hilahin at yapusin ng lalaki, ngunit natigilan ang dalaga nang makita ito. Hindi rin nakakilos sila juvy at diane sa kanilang kinatatayuan nang makita ang lalaki."S-si.....si aeros Villacorte b-ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni juvy sa kaibigan na isa ring tulala."P-parang...." Hindi siguradong sagot naman ni diane.Umangat ang gilid ng labi ni aeros habang nakatingin sa natulalang mukha ng magandang dalaga sa kanyang harapan. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito. "Sumama ka sa kin." Bulong niya.Wala nang nagawa pa ang tulala pa rin'g si Agnes nang hilahin ito sa kung saan ni aeros, maging ang mga kaibigan ng dalaga.Hinila ni Aeros si agnes hanggang sa pasilyo ng ilang silid sa club. Sa gawing ito ay bibihira ang tao. Saka lang nagising si Agnes na'ng mamalayan ang pagbabago ng paligid. "T-teka..... s-saan mo ko dadalhin?" Saka lang muli nagsimulang pumiglas ang dalaga sa pagkaka-kapit ng lalaki."Shh.....
"Agnes!" Agad lumapit si Diane at agad din'g itinulak nang malakas ang lalaking nakakubabaw sa babae sa ilalim nito na alam niyang si Agnes.Tinulungan ni Diane si Agnes na ayusin ang sarili. Sa mga oras na iyon ay halos matanggal na ang b*a ng dalaga, ngunit dahil sa panlalaban nito ay hindi iyon tuluyang natanggal ni aeros.Habang si Diane ay aligaga sa pagtulong sa kaibigan, sa gilid naman ng kama ay naroong nakatunganga ang natulalang si Juvy. Nag-ngi-ngitngit ang mga ngipin nito na'ng maisip kung ano ang dinatnan nilang nagaganap sa dalawa pag pasok nila. Naisip niya kung hindi siguro sila dumating siguro ay nagpapakasaya na at nasa alapaap na ng kaligayahan ang mga ito.Hindi iniisip ni Juvy na dehado at inagrabyado si Agnes sa nangyari, hindi rin niya naisip na hindi talaga ginusto ng kaibigan ang pamimilit ni Aeros, dahil para kay Juvy; magandang pagkakataon at oportunidad na ito sa mga babaeng makakaniigan ang isang aeros Villacorte. "Juvy, ano bang itinatayo-tayo mo
Matapos mangyari ang insidente sa club ay kaagad umuwi si Agnes. Hindi na rin nila napag-usapan nila Juvy at Diane ang tungkol sa lalaking humila sa kanya, at hindi na rin nagawa pang banggitin ni diane na ang lalaki ay si aeros Villacorte.Sa isang araw pa dapat ang balik ng mga katulong sa mansyon ng mga Villacorte, ngunit kinagabihan, nu'ng araw ring iyon mismo ay tinawagan ni Ms. Mildred si Agnes para pabalikin na ito sa mansiyon, maging ang iba rin'g mga katulong.Dahil sa nangyari at sa kanyang naranasan sa club ay hindi nakatulog si Agnes nu'ng gabing iyon, kaya mag-u-umaga na ito nakatulog at late nang nagising. Pupungas-pungas pa ito habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. Pagbalik ng Mansion ay nagtaka si Agnes nang walang makitang katulong na nagta trabaho. "Ms. Mildred, nasaan na po ang iba pa? Ako lang po ba ang pinabalik n'yo?"Hindi sinagot ng matanda ang tanong ni Agnes, sa halip ay pinandilatan niya ito. "Bakit late ka? Alam mo naman kung anong oras ka dapat
"What the f**k?" Naibulalas na lang ni Aeros matapos makita ang mukha ni Agnes, pagkatapos ay tumalikod na ito at muling naupo.Samantala, natulala naman si Agnes nang makita si aeros. Biglang na-alala ng dalaga ang lalaking nang-haras sa kanya kagabi. "H-hindi..... siya yun!"Dahan-dahan lumapit si Agnes sa likuran ni Aeros. Gustong kumpirmahin ng dalaga na kung ito nga ang lalaking nang-haras at nagtangka sa kanya sa club kagabi.Ngunit bago pa makalapit ay biglang lumingon si aeros sa kanyang likuran. "Hoy panget, ilayo mo nga yang pagmumukha mo sa kin, huwag kang lalapit." Pagkatapos ay muli itong tumalikod.Natigilan at natulala na lang si Agnes. Maya-maya, na'ng maunawaan na rin sa wakas ang sinabi ng amo ay nagalit ito. "Ano'ng sabi-" ngunit natigilan ang dalaga at biglang napahawak sa kanyang mukha.Oo nga naman, nawala sa isip niyang naka-disguise siya gamit ang make-up. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga. 'Oo nga pala, ito nga pala ang resulta na gusto ko. Hindi b
"S-sir aeros h'wag po... A-ayoko pa pong mamatay!" Pagmamaka-awa ni Agnes. Na'ng mga oras na iyon ay lubos siya'ng natatakot para sa sariling buhay. 'Diyos ko, ano ba itong napasukan ko? Nagsisisi na ko't pumasok-pasok pa ko dito!'Hindi pinansin ni aeros ang pagmamaka-awa ni dalaga. Mainit ang ulo ng binata at kailangan niyang mailabas iyon, kaya nga lang si Agnes ang minalas na napagbuntunan nito.May ipinatanong si aeros sa magkabilang balikat ni Agnes. "kapag nahulog yan, lagot ka sa kin." Pagkatapos ay lumayo na ang binata at umasinta. "Heto na, huwag kang malikot!""S-sir aeros.... maawa po kay-"BANG!!kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagsigaw ni Agnes. Muli namang napalabas si Ms. Mildred at natigilan nang makita ang nakasandal na si Agnes sa poste ng gazebo. "Naku, Diyos ko! Sir Aeros.... Sir Aeros, ano pong ginagawa n'yo kay Agnes, señorito?!""Huwag kayong makialam, may kasalanan to kaya ko siya pinarurusahan!" At muling naghanda ang binata at umasinta."M-Ms. M
Bumuntong-hininga si Ms. Mildred. "Sa loob lang ng isang taon, dalawang katulong agad ang nawala sa 'tin... Sige Agnes, ikaw ang bahala. Nakakapanghinayang lang." Tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto. Ngumisi si Lucy at lumapit kay Agnes. "Aalis ka na? Sayang naman, akala ko pa naman tatagal ka. Sige umalis ka na..... Sa totoo lang na-aalibabaran ako sa pagmumukha mo e. Para kang bangungot." At tumawa ito habang palabas ng maid's quarters.Masamang tiningnan ng apat na katulong ang direksyon ni Lucy. "Huwag mong intindihin ang babeng yun Agnes. Masama lang talaga ang ugali niyan." Ani Lilibeth."Agnes, aalis ka na ba talaga? Baka puwede mong pag-isipan?" Ani dina."Oo nga. May problema ba? Binu-bully ka ba ni Lucy? Isumbong mo lang kay Ms. Mildred ang babaeng yun kapag binu-bully ka."Umiling-iling si Agnes. "Hindi, hindi dahil doon. Pasensya na kayo. Alam kong ayaw n'yo kong umalis, pero desidido na talaga ako." Hindi na lang niya sinabi ang ginawa ni Aeros dahil baka ma
"Sir, h-hindi naman po.... nakipag-usap po kasi ako kay Ms. Mildred sa loob kaya medyo natagalan ako–""Nagawa mong makipag chismisan kahit alam mong may trabaho kang dapat gawin, parte ba ng trabaho mo ang makipag daldalan? At pinaghintay mo pa ako." Putol ni Aeros. "S-sir.... Hindi naman sa ganun–"Tumayo si aeros at bahagyang lumapit kay Agnes. "I don't wanna hear your lame excuses. Kung hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo, bakit nandito ka pa? Huwag mo nang isiksik ang sarili mo dito at umalis ka na lang."Huminga nang malalim si Agnes. Hindi niya mapigilang mainis sa huling sinabi ng guwapong amo. 'Ako, sinisiksik ang sarili ko dito? Puwede ba? Hoy walanghiya, kung alam mo lang kung gaano ko na ka-gustong umalis sa mansyon'g ito. Kung magagawa ko lang ang misyon ko nang mas maaga, aalis talaga ako dito!'Upang makaiwas at para hindi na niya marinig pa ang mga nakakairitang sasabihin ng amo ay sinabi ng dalaga na magta trabaho na siya, kaya tinalikuran na niya