"YOU didn't come here to stare at my face and be dumbfounded, didn't you miss Centeno?" he hissed cold as ice.
"Huh?"
Nakita niya ang mariin nitong pagtiim-bagang. Sa madilim na mukha ay humakbang ito at nilagpasan siya.
"If you want to talk, then come inside, huwag mong sayangin ang pagkakataon na ibinigay ko sayo sa pagtitig sa mukha ko, my time is precious miss Centeno!" matigas nitong dugtong saka umambang papasok sa loob.
Doon lang siya tuluyang nahimasmasan.
"I..I'm sorry.." tangi nalang niyang nasambit habang natatarantang sumunod dito bago pa ito magbago ng isip.
Nakahinga siya ng maluwag ng makitang hindi kasing dilim ng sa labas ang sa loob. Kung nagkataong ganoon nga ay baka mabalot na ng matinding takot ang buo niyang pagkatao.
Nilagpasan nito ang sala. Tahimik pa rin siyang sumusunod dito. Kung saan sila patungo ay hindi niya alam. Hindi ba dapat kung mag-uusap sila ay doon lang sa sala? Pero bakit parang dadalhin yata siya nito sa kung saan?
Kinilabutan siya sa mga senaryong biglang pumasok sa kanyang isip, kung may balak itong masama sa kanya, siguradong magsisigaw man siya ay walang makakarinig sa kanya. Bukod sa mukhang soundfroof ang mga pader, wala rin yata itong ibang kasama doon.
If he'll going to kill her, would her brother find her body? Sigurado siyang hindi, wala itong kaalam-alam na pumunta siya doon, hindi niya sinabi kahit sa ate Beth niya dahil alam niyang tututol ang mga ito. Si Lance lang ang tanging nakakaalam na naroroon siya ng mga sandaling iyon at duda siya na sasabihin at magtatapat ito kung sakaling may mangyaring masama sa kanya.
Habang sumusunod dito ay palihim niyang iniikot ang mga mata sa loob, the inside was a picture of riches, mula sa mga painting na nakasabit sa pader hanggang sa mga naglalakihang antigong mga plorera na nakadisplay sa mga sulok. Maliban sa malaking flat screen TV na nakita niya sa living room ay antigo na yata ang lahat ng mga gamit. Tulad na tulad ang loob niyon sa mga mansion sa historical movies na napanood niya.
Ipinilig niya ang ulo, hindi siya pumunta doon para hangaan ang tinitirhan nito. She was there because she want to talk to him and make a bargain.
Kumunot ang kanyang noo ng makitang tumigil ito sa dining room, nang lumagpas ang mga mata niya sa likod nito ay nakita niyang may mga nakahandang pagkain sa mesang naroroon. Inihakbang nito ang mga paa at iniusli ang isang silyang nasa gilid ng kabisera saka tumingin sa kanya.
Doon lang niya naklaro ng husto ang mukha nito. Halos kalahati ng kaliwang pisngi nito ay may peklat ng tila pagkakasunog. He has long messy hair at puno ng balbas at bigote ang bahagi ng bibig na tila hindi nito kilala ang salitang pag-ahit.
"Maghahapunan na sana ako ng dumating ka, join me.."
Lihim niyang muling ipinilig ang ulo. Sana hindi nito napansin ang pagtitig niya dahil baka kung ano ang isipin nito.
"I didn't came here to have dinner with you Mr. Montenegro, I came here to talk to you."
"And I won't spoil my dinner para lang sa pag-uusap na iyan miss Centeno. If you want to talk, you'll going to wait! Nasa kalagitnaan ako ng hapunan ko ng dumating ka, ang puntahan ka pa lang sa labas ay isa ng malaking abala, alam mo ba iyon?"
Nagtiim siya ng mga bagang.
"Sino ba ang gustong mag-usap tayo ng ganitong oras, hindi ba ikaw? We could talk by day or earlier, bakit kailangan ngayong gabi pa?" di niya napigilang sita.
"No one dares to question me like you did miss Centeno, pero dahil bisita kita kaya sasagutin kita. I choose this time dahil ito lang ang oras na libre ako, busy akong tao at hindi ako ang mag-a-adjust para lamang mag-kausap tayo. Now, kung sa tingin mong hindi convenient ang oras na ito para sayo, bukas ang pintuan ng bahay ko para makaalis ka!"
She winced. Alam niyang hindi ito nagbibiro, wala iyon sa aura nito. Hindi ito mangingiming itapon siya sa labas kapag sumalungat pa siya dito. Kapag nangyari iyon, para na rin niyang sinayang ang kaisa-isang pag-asa para sa kalayaan ng kuya niya.
Mariin siyang napalunok, nilunok pati ang iritasyon na namuo sa kanya. Hindi niya iyon pwedeng pairalin sa mga sandaling iyon. Kung kinakailangan pati pride ay lunukin niya, gagawin niya.
"Siguro naisip mo na kung ano ang nararapat mong gawin," sabi nito sa malamig pa rin na tinig. "Sit here now miss Centeno, hindi maganda ang paghintayin ang pagkain!" dugtong nito bago inilang hakbang ang kabisera.
"You are a stranger to me, how can you make me--"
"Indeed, but yet you are here asking for a stranger's help," sarkastiko nitong sabi na ikinakulo lalo ng dugo niya.
Konti na lang at sasabog na talaga siya! Kakikilala lang nila pero alam na alam nito kung paano ubusin ang pasensiya niya.
"Kung nag-aalala ka na baka nilagyan ko ng lason ang pagkain, ipanatag mo ang loob mo, hindi ko gagawin iyon dahil wala naman akong mapapala sayo!"
She count one to ten para kalmahin ang sarili, pinilit niyang isiksik sa utak ang dahilan kung bakit siya naroroon.
Nagpupuyos man sa galit at inis ang kanyang dib-dib ay wala siyang nagawa kundi humakbang palapit rito at umupo sa silyang nasa tabi nito. Hindi siya nagugutom at wala siyang balak na kumain pero sa tantiya niya ay hindi nito iyon magugustuhan, kaya napilitan na rin siyang lagyan ng pagkain ang kanyang pinggan. Totoo naman siguro ang sinabi nito na wala iyon lason dahil iyon din ang kinakain nito.
Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang pero parang nakita niyang umangat ang gilid ng labi nito sa ginawa niya.
Muling naghimutok ang loob niya, siyang-siya siguro ito ngayon dahil nagawa nitong mapasunod siya.
Devil bastard!
Pero hanggang sa isip nalang niya ang mura na iyon!
"Pwede naman sigurong mag-usap tayo habang kumakain Mr. Montenegro, as you have said, mahalaga ang bawat oras mo at busy kang tao, ayoko ring sayangin iyon, I came here to make a bargain."
Mula sa kinakain ay iniangat nito ang mukha sa kanya.
"Ibibigay na namin ang kabuuan ng lupain namin, iurong mo na ang kaso sa kapatid ko!"
Tinaasan siya nito ng kilay. "Akala ko pa naman ay nagpunta ka rito para makiusap at magmakaawa, pero sa tono ng boses mo, bakit parang inuutusan mo ako?"
"You want our land, hindi ba iyon ang dahilan kaya inutusan mo si Lance na onsehin ang kapatid ko? Now, we are giving it to you, kaya--"
"Hindi ko ipinagduldulan ang pera ko sa kapatid mo at hindi rin siya pinilit ni Lance, kusa siyang lumapit dahil nalulong siya sa sugal. Milyon-milyon ang usapan dito and not just a few hundreds, hindi naman siguro masama na sumingil ako di ba?"
"Kaya nga, ibinibigay na namin ang lupa sayo!"
Nakakaloko itong ngumisi.
"Kahit hindi ninyo ibigay, akin na naman iyon, ako na ang bagong may-ari, nakalimutan mo na ba miss Centeno?"
Gustong-gusto na niyang damputin ang plato sa harap niya at itapon rito.
"May nakalimutan ka rin isang bagay Mr. Montenegro, na isa rin ako sa may-ari and I didn't sign the contract, sa kabuuan, kalahati ng lupain ay akin, kaya hindi mo pwedeng kunin lahat. Pwede akong mag-kontesta sa korte, pero hindi ko na gagawin iyon, I'm not interested in that anyway, ang gusto ko lang ay palayain mo na ang kapatid ko at ibibigay ko sayo pati ang parte--"
"Sigurado ka bang may parte ka doon?"
Kumunot ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin? Siyempre, anak ako ng Papa at--"
Nakakaloko itong muling tumawa. "May hindi yata sinabi sayo ang pinakamamahal mong kapatid,"
Kumunot pang lalo ang noo niya.
"If he hadn't, then I'll tell you, sa kuya mo nakapangalan ang kabuuan ng lupain ninyo dahil sa kanya LANG ipinamana ng Papa mo ang lahat. Before he died he left a will stating that the twenty hectares of your land will all be in the hands of your brother."
Gulat na gulat siya sa narinig. Hindi niya alam ang bagay na iyon, hindi sinabi ng kuya niya na may naiwan palang testamentong ganoon ang kanyang Papa.
"Tsk..tsk..tsk.." palatak nito. "Poor you, miss Centeno, your father love you less and the brother that you tried to depend so much lied and betrayed you--"
"Kilala ko ang kapatid ko at hindi niya gagawin sa akin iyan!" matigas niyang sabi.
"He already did, bakit hindi mo tawagan?"
Nagtagis ang bagang niya. Oo, nagulat siya at nasaktan sa nalaman pero nungka niya iyon ipahahalata dito. Hindi niya hahayaang pagtawanan siya nito.
Taas noo niyang sinalubong ang mga mata nito at nagkibit ng balikat.
"Okey, naniniwala na ako sayo but then I don't care! wala rin naman akong pakialam sa lupang iyon dahil kahit kailan hindi ako naging interesado doon!"
Siguro, iyon ang dahilan ng Papa niya kaya hindi siya nito isinali sa last will nito, dahil sa simula pa lang ay nakita na nitong hindi siya interesado sa kanilang lupain at mas pipiliin niyang mabuhay sa ciudad kaysa manatili doon sa kanilang bayan.
"So, wala na pala tayong dapat na pag-usapan pa kung ganoon miss Centeno, if you want to see the contract your brother has signed, pwede ko ring ipakita sayo."
God, masasayang lang ba lahat ng ipinunta niya rito? After all the insult ang the pride she swallowed, mauuwi lang sa wala ang lahat? At the end, makukulong pa rin ang kuya niya?
Tama nga ang kapatid at mga kaba-baryo niya. Tuso nga talaga ito.
"Hindi naman yata patas itong ginawa mo Mr. Montenegro, twenty hectares ang lupain namin at sampung milyon lang ang utang ng kapatid ko, isn't that a bit too cheap for a twenty acres?"
"Ten million was only the principal, hindi doon kasali ang interes, do you want me to detail it?"
Mariin na siyang napapikit. Wala na. Gumuho na ang kaisa-isang pag-asang meron siya.
"Ipagpalagay na nating hindi lang iyon ang value ng lupa ninyo, but, do you think the remaining amount will be enough to compensate to what your brother did to me? He almost killed me!"
Kung alam lang nito na iyon din ang gustong-gusto niyang gawin ng mga sandaling iyon! She really wanted to kill this son of a bitch!
Ibinaba niya ang kutsara't tinidor saka tumayo. Wala na nga talaga siyang magagawa. A beast like him will never listen and have mercy even if she'll go down on her knees and beg.
"Saan ka pupunta?"
"I think, tapos na ang pag-uusap natin Mr. Montenegro, so uuwi na ako!" sagot niya saka tumalikod at humakbang.
"Handa ka bang gawin ang lahat para sa kalayaan ng kapatid mo?"
Napatigil siya.
"I am willing to trade and make a bargain miss Centeno.."
Lumingon siya at sinalubong ang mga mata nito.
"In the exchange of your brother's freedom--" pagpapatuloy nito.
While her eyes are full of questions and a little hope, his, was expressionless.
"Marry me.."
Decision Walang lingon-lingon na inihakbang niya ang mga paa palabas sa mala-haunted house na bahay na iyon. Nagpupuyos ang dib-dib niya sa matinding irita at pagka-inis. Marry him? Huh! Sinong babaeng nasa matinong pag-iisip ang magpapakasal sa lalakeng tulad nito? Sa sobrang gulat niya kanina sa narinig na sinabi nito ay napanganga na lang siya. Hindi siya nakapagsalita at tiningnan lang ito sa hindi makapaniwalang mga mata. Nang pumunta siya doon, ang gusto niya lang ay maki-pagkasundo rito sa pamamagitan ng pagpayag na ibigay nalang ng tuluyan ang kanilang lupain rito kapalit ng pag-urong nito sa kaso laban sa kuya niya. Inisip niyang magiging madali lang iyon since iyon lang naman ang gusto nito, hindi niya akalain na mahihirapan siya. And at the end, hindi niya ito nakumbinsi. Sarkastiko siyang nagpalatak. Oo nga pala, pumayag
Magkailang ulit na niyang pinindot ang doorbell pero wala pa ring bumubukas sa gate. Hindi siya sigurado kung nasa loob si Leandro ng mga sandaling iyon pero sinubukan niya pa rin na mag doorbell ulit.Habang ginagawa iyon ay palinga-linga siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang pagmasdan ang paligid. Hindi niya iyon nagawa noong nagpunta siya doon dahil bukod sa hindi siya interesado sa lugar nito ay gabi din noon at madilim.Right now, she has all the chance to roam her eyes around. Nasa pinakadulo ng lupain nito ang mansyon. Sa di kalayuan ay puro mga puno ng niyog ang kanyang nakikita, ang alam niya, koprasan ang pangunahing produkto doon. There are also fruit trees, iba't ibang klase na ang iba ay hindi niya mga kilala.Muli niyang idinako ang mga mata sa dambuhalang gate na nasa harap. Ngayon niya lang napagtanto na napapalibutan din ng mataas na pader ang mansyon. The only thi
"No! Hindi ako papayag Ciel!" nagtatagis ang mga bagang na sabi ng kuya William niya ng sabihin niya dito ang napagkasunduan nila ni Leandro. Maaga pa lang kinabukasan ay pinuntahan na niya ito sa presinto. "Hindi ako papayag na magpakasal ka sa walang pusong taong iyon! No!"She winced. Hindi niya rin iyon gusto pero wala na siyang maisip na ibang paraan pa.Wala sana siyang balak na sabihin dito ang tungkol sa naging usapan nila ni Leandro pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Magtataka ito kung paano ito nakalaya. Isa pa malalaman din naman nito ang tungkol doon kaya wala ring say-say na ilihim iyon."It was what he wanted para iurong niya ang kaso laban sayo." Mahina niyang sabi."Wala akong pakialam kung mabubulok ako dito, basta hindi ka magpapakasal sa lalakeng iyon!""I need to kuya," mahina pa rin niyang sabi saka minasdan ito. "Hindi ko ito ginagawa para lamang sayo, I am also doing this for ate
Hindi niya alam kung paano nagsimula ang seremonya ng kasal nila ni Leandro. She was out of herself the whole time the judge officiated their vows. She was dumbfounded and still in disbelief. She knew it will going to happen eventually, pero hindi niya inaasahan na ganoon ka agad-agad. Ang buong akala nga niya ay mamayang hapon pa iyon. She didn't knew that it was this soon. Hindi man lang siya nito binigyan ng oras para ihanda ang sarili. Not physically but emotionally. Wala talaga itong konsiderasyon. They get married with just her shirt and jeans at ganoon din ito. Just like that. Wala man lang ka effort-effort. Sarkastiko siyang nagpalatak. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang tusong tulad nito? Basta makuha lang nito ang gusto nito, wala na itong pakialam pa sa iba pa! She was blank the whole time, ni hindi niya matandaan kung um'oo ba si
Kapwa sila tahimik habang binabaybay nila ang daan pauwi sa bahay nito. Tiim na tiim ang kanyang mga bagang habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at ang kanyang mga mata ay kasingdilim ng paligid na kanilang dinadaanan.She wanted to scream so loud, she wanted to cry hard dahil sa matinding irita at galit na nararamdaman. Wala pang beynte kwatro oras silang nagsasama bilang mag-asawa ay kinokontrol na nito ang buhay niya!Ano pa kaya sa darating na mga araw?"Umuwi na tayo!" matigas nitong sabi kanina sa bahay ng kuya William niya.Pinilit niyang magpakahinahon dahil hindi niya gusto na makita ng kapatid ang kinasuungan niyang sitwasyon dahil baka sisihin na naman nito ang sarili. She don't want that, iyon ang kahuli-hulihang gusto niyang maramdaman nito. Blaming himself."I..I'll bring my car and kukunin ko muna yung gamit ko sa lo--""No need to do that," agad nitong putol. "Meron tayong apat na sasaky
"Where do you think you're going?" Hindi pa man siya nakakarating sa pinakadulo ng hagdan nang maramdaman niya ang marahas nitong paghila sa kanya. She almost lost her balance kung hindi lang ito naging maagap sa paghawak sa palapulsuhan niya at itinulak papunta sa konkretong pader.Nagtatagis ang mga bagang nito habang nagbabaga ang mga matang nakatingin sa kanya."Hindi pa ako tapos magsalita, kaya huwag mo akong tatalikuran!""Bitiwan mo ako!" matigas niyang sabi saka buong lakas na nagpumiglas. Subalit walang laban ang lakas niya sa lakas nito."I already told you, walang sino man ang nangahas na sumalungat sa akin dito na hindi ko napaparusahan! Kung nasanay kang nagagawa mo ang lahat ng gusto mo, hindi mo iyon magagawa rito! Nandito ka sa pamamahay ko kaya susunod ka sa akin sa ayaw at gusto mo!" Halos ngumiwi siya sa paraan ng paghawak nito. Pakiramdam niya gawa sa kutsilyo ang mga palad nito at ngayon ay humihiwa sa kanyang palapulsuhan. Pero hind
Pigil na pigil niya ang kanyang hininga habang nararamdaman ang mga haplos ni Leandro sa kanyang braso paakyat sa kanyang balikat. Magkahalong takot at kaba ang lumukob sa kanya ng maramdaman ang isa nitong palad sa likod ng kanyang batok habang ang isa naman ay ibinaba nito sa kanyang baywang para suportahan siya na hindi tuluyang mapaupo sa naroroong kama."L..Leandro p..please stop it.." halos hindi iyon lumabas sa bibig niya. "Nagsisimula pa lang ako babe," paos nitong bulong saka ibinaba ang mukha sa kanya. Mariin siyang napapikit saka iniwas ang mukha rito reason why his kiss landed on her neck.She felt him stiffened. Isang iritableng tingin ang ibinigay nito ng i-angat ang tingin sa kanya."I won't tolerate you being this difficult so don't try my patience," matigas nitong sabi. "You're mine now! The sooner you realize that, the better it will be for you! Now, stay still!" mariing utos nito saka muling ibinaba ang mukha sa kanya. Sa pagkakataong
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at bahagya pang nagtaka ng masilayan ang hindi pamilyar na kwarto. Nang gumalaw siya at maramdaman ang pananakit ng katawan, doon pa lang na sinc-in sa kanyang utak kung nasaan siya at kung ano ang mga naganap kagabi.Agad niyang pinakiramdaman ang sarili. Maliban sa masakit ang mga kalamnan ay wala na naman siyang kakaibang naramdaman sa katawan. Inalsa niya ang kumot at nakahinga siya ng maluwag ng makitang suot pa rin niya ang pares ng pajamang sinuot niya kagabi. The reason why her body aches is maybe because of the struggle she did when Leandro tried to take advantage of her last night. She shiver as she thought of what happened, nanayo ang kanyang mga bahalibo nang maisip na muntik na siya nitong naangkin. She was so sure she saw it in his eyes. Those lust, desire and wantonness, kitang-kita niya ang mga iyon sa mga mata nito kagabi kaya buong akala niya hinding-hindi niya ito magagawang pigilin.