ANG MGA YUMAONG PRINSESA Ipinatawag ni Datu Nebunizar sina Siviro at Ram Luiz sa himpilan nito. Alam niya na hindi pa masyadong palagay ang loob ng dalawa sa isa't isa kaya naman naisipang kausapin nang sabay ni Datu Nebunizar ang magkapatid. "Mahal na Datu Nebunizar! Naririto na po sina Adult Siviro at Adult Ram Luiz!" anunsyo ng isa sa mga tagapaglingkod ni Datu Nebunizar. "Patuluyin sila!" taas noong utos ni Datu Nebunizar. "Pagbati po, aming grandfather na Datu!" magalang at seryoso ang mukha na bati ni Siviro. Si Ram Luiz naman ay tumango lamang bilang pagpapakita ng kanyang paggalang sa kanyang lolo. "Mabuti naman at nagkita na kayong magkapatid" umaliwalas ang mukha na puna ni Datu Nebunizar. "Kapatid talaga? Parang hindi pa nga kayo nakasisigurong anak din siya ni Papa, e...." mahinang bulong ni Siviro na napakamot sa kanyang ulo. Hindi napigilan ni Ram Luiz ang sarili na titigan ito nang masama. "Napatunayan ko na 'yan,
ANG BAGONG MISTRESS WITCHDalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang lisanin ni Ram Luiz ang Ramosen upang pumunta ng Edoma Forest ngunit nagluluksa pa din si Josebeth sa pagkamatay ni Ruju. "Dakilang diyos na Lord Father Adonai! Ikaw ang may lalang ng langit at ng lupa! Karapatdapat kang sambahin at dakilain..." umiiyak na dasal ni Josebeth. Tuwing magtatakip-silim ay nagpupunta siya sa burol upang magsunog ng kinatay na Qanna sheep sa ginawa niyang altar. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa din dinidinig ang aming daing..." muli ay umiiyak niyang dasal. Magmula nang maalipin ang mga Levitano sa Ramosen ay hindi na nagpakita pa ng himala ang diyos na si Lord Father Adonai ngunit hindi tumigil si Josebeth sa pakikipag-usap sa kanya sa sa tuktok ng burol na iyon. "Patawarin mo sana ang aming lahi, dumating na sana ang panahon ng pagliligtas mo!" matapos niyang sambitin ang panalanging iyon ay sumilyab ang apoy sa altar at tuluyan nang natupok an
Nagpunta ang mga hari, reyna, concubines, mga prinsipe at mga prinsesa sa Guzen sa Way Kingdom upang saksihan ang pakikipag-isang dibdib ni Prinsipe Yuri kay Adah bilang kanyang concubine. Labis ang suporta na ipinakita ng mga prinsipe at prinsesa sa Truth Kingdom at Light Kingdom dahil si Adah ay isang napakatapat na tagapaglingkod ni Prinsesa Nini. "Parang kailan lang at magkakasama pa tayong naglalaro noong mga paslit pa tayo..." naluluhang pag-alala ni Prinsesa Nini habang pinagmamasdan si Adah. Ngumiti naman si Zillah nang maalala ang ikinukwento ni Prinsesa Nini, "Kay bilis lamang ng panahon, Prinsesa Nini..." "Napakaganda niya, hindi ba?" naiiyak na pagtukoy ni Prinsesa Nini kay Adah. Tumango naman si Zillah habang pinanonood si Adah at Prinsipe Yuri, "Oo naman, mahal na Prinsesa! Isa siya sa mga pinakamaganda mong tagapaglingkod sa palasyo!" Labis na napangiti si Prinsesa Nini, "Bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan.
Dumating ang takdang panahon, isa na ngang ganap na Eldest Witch si Anarah. "Bilang Pinuno ng Elders Council na namuno rin bilang Eldest Witch ng ating witch clan ay ikinalulugod kong ipakilala sa inyo ang ating bagong Eldest Witch na si Eldest Witch Anarah!" pormal na proklamasyon ni Gamarah. "Salamat po, aking inang Eldest Witch..." magalang na pagbibigay-pugay ni Anarah. Ang ina naman ni Elj na si Penina ay nakangiting yumakap kay Anarah, "Binabati kita, aking pamangking Eldest Witch!" Nakangiti ding gumanti ng yakap dito si Anarah, "Maraming salamat po, Auntie Penina!" "Sa wakas! Isa ka na ngang ganap na Eldest Witch, aking pinsan..." naluluha sa galak na bati ni Elj. "Maraming salamat sa tulong mo, Elj, kung hindi dahil sa mga itinuro ninyo sa'kin ni Jonaner ay hindi ako matuto agad kung pa'no gamitin ang witchcraft at dark magic!" masayang bulong ni Anarah. "Mabilis ka lang naman matuto, Eldest Witch, hindi ka mahirap turuan..." malambing na b
... Hindi umalis ng palasyo si Prinsesa Nini. Ayaw niya munang bumisita sa kanyang amang hari at mga nakatatandang kapatid. Marami siyang iniisip. Nais niyang makahanap ng solusyon sa mga problemang dulot ng mga werewolves na ilang beses nang lumusob sa kanyang palasyo. Napapadalas na rin ang pag-aalay niya ng mga Qanna sheep kay Lord Father Adonai upang bigyan siya nito ng mga kasagutan. "Mahal na Prinsesa Nini, ang Prinsipe Lamech ay naririto sa palasyo!" pagbibigay-ulat sa kanya ng isa sa mga royal guards ng palasyo. "Si Prinsipe Lamech? Ano naman kaya ang pakay niya dito sa palasyo?" nagtataka niyang bulong. Malugod na hinarap ni Prinsesa Nini si Prinsipe Lamech. Hindi niya alam kung ano ang pakay ni Prinsipe Lamech kaya malaki ang pagtataka niya sa pagbisita nito. "Pagbati sa iyo, Prinsesa Nini!" malugod na pagbati sa kanya ni Prinsipe Lamech. Malugod na nagpamalas siya ng ngiti, "Pagbati rin sa iyo, Prinsipe Lamech!
KAWANGIS NA GANDA "Sa wakas at nandito na tayo..." mahinahong bulalas ni Hananiah habang sinisipat ang kabuuan ng lugar pagkapasok sa tarangkahan ng bansang Gitu. "Napakalayo pala talaga ng bansang ito!" hindi makapaniwalang tugon ni Mishael. "Saan tayo tutuloy, Eldest Brother?" kumukunot ang noong tanong ni Azariah kay Hananiah. Napatingin muna si Hananiah kay Mishael bago tumugon sa tanong ni Azariah, "Hanapin natin ang tanggapan ng mga estranghero sa bansang ito..." Tumango na lamang si Azariah bilang sagot sa tugon ni Hananiah nang masipat ang isang Mortanang paparating. Ang Mortana ay nagpapastol ng mga Melyn sheeps at mukhang napakabata pa. "Tanungin natin ang Mortanang iyon!" turo ni Azariah sa Mortana. Nilapitan nila ang Mortana. "Masayang araw sa iyo, Mortana! May itatanong lamang kami sa iyo..." magalang na bati ni Mishael. Walang ekspresyon sa mukha ang Mortana at inilahad ang kamay na parang may hinihing
MGA BAGONG PANGALAN "Paanong nangyaring kamukhang-kamukha ni Eldest Sister ang big sister ni Hannah?" pagtataka ni Azariah habang nagpapahinga. Dahil evening hours na ay nasa loob na sila ng silid na itinalaga sa kanila sa tanggapan ng mga estranghero. "May dugong Levitana rin sila kaya siguro iyon ang dahilan?" pag-uulit ni Mishael sa sinabi sa kanila ni Emmanuel. "Matagal na nating hindi nakikita ang Eldest Sister. Ang alam lamang natin ay isa siyang Eldest Witch." nakahigang tugon naman ni Hananiah. Napabangon mula sa pagkakahiga si Azariah, "May kinalaman kaya ito sa mga propesiya sa ating witch clan o sa mga Levitano at Levitana?" Napatigil sa pagtutupi ng mga sorcerer's clothes niya si Mishael at napaisip, "Kung nasa Gypto lamang tayo ay maaari nating tanungin ang ating tiyuhing si Prinsipe Reuel Eriam." "Magmula nang umalis ang Eldest Sister ay sunod-sunod na ang mga pangyayaring nag-uuyok ng katanungan patungkol sa ating pamilya..."
MALING BIHAG "Aking asawang hari! Hindi ako mapakali nang dahil sa aking napanaginipan...." balisang pagkukuwento ni Reyna Qinlan sa asawang si Haring Chezedek. "Ano ba ang iyong napanaginipan, aking minamahal na asawang reyna?" nag-aalalang tanong ni Haring Chezedek. Ang reyna ay pinagsisilbihan ang hari habang kumakain ito sa hapag-kainan sa kanyang palasyo nang mga sandaling iyon. Isang pangkaraniwang gawain ng mag-asawang hari at reyna tuwing noon hours. Bilang isang reyna ay tungkulin ni Reyna Qinlan na pagsilbihan ang kanyang asawang hari habang kumakain ito. Hindi niya ito maaaring samahan sa pagkain sapagkat isang kalapastanganang maituturing kung ang isang Mortana, prinsesa man o reyna ay makisalo sa kanyang asawang nasa trono ng hari o prinsipe sa pagkain. "Sa aking panaginip, ikaw ay nasa loob ng isang wuluf cave. Napapaligiran ka ng mga werewolves, aking asawang hari...." naluluhang sanaysay ni Reyna Qinlan. Nagpatuloy l