Chapter 9 (8) Sayruz Future In-Laws
(Angie POV)
Hindi ko inaasahan na kailangan ko pa talagang magpalit ng damit para lang maka-uwi sa probinsya. Tama na sana ang T-shirt lang, pants at jacket, pero ang ipinasuot sa akin, isang dress na parang isang mayaman na magbabakasyon sa tabing dagat.
May kumatok sa banyo, kaya nagmadali na akong lumabas kahit talaga ayoko ng suot ko. At ang sumalubong sa akin si Sayruz na napatitig sa kanyang relo. “Talaga bang may balak ka na umuwi sa inyo?” Madiin na titig sa akin, mula paa hangang ulo. “Tss.” Sabay talikod nito.
Napatitig na lang ako kay Michael, napabuntong hininga na lamang ito.
Sumunod ako sa kanila. Lumabas sa likuran ng hospital dahil nakarating kay Michael na nasundan na nga si Sayruz ng mga taga media dito sa hospital ng ate niya. Naghihintay ang sasakyan na kaagad naman pinagbuksan ng tauhan niya. Nauna siyang pumasok, at tumango na lamang
Chapter 9 (9) Sayruz Future In-Laws (Angie POV) Napa-iling ako kaagad sa ideya niya. “Ano, hindi maari. Kung pwede nga sana ako na muna ang magpapakita sa kanila. Maari mo na ako ibaba sa bayan, at babalikan ko kayo. Kumain na muna kayo ng hapunan.” Parang natigilan si Sayruz sa kanyang binabasa. Saka nga muling nagkasalubungan ang mga mata namin. Ako naman itong napayuko ng bahagyang. Hangang sa narinig kong napahalakhak na naman ito. Seryoso ako. Di ko halos ma-isip kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nakita siya ng aking ama. Kailangan ko muna ito maka-usap at ipaliwanag ang tungkol sa nangyaring aksidente. “Miss Angie, kinakahiya mo ba ako?” Agad akong napa-iling. “At saka impossible na ikahiya mo ako.” Napatango ako. “O bakit ayaw mo ako ipakilala sa mga magulang mo?” “Mr. Choi, hindi naman sa ayaw kitang ipakilala sa kanila. Nais ko lang na—.” “Sa inyo tayo maghahapunan. Kaharap ng pam
Chapter 9 (10) Sayruz Future In-Laws (Sayruz POV) Natatawa ako bigla habang nasa harapan nga ako ng aking hapunan, habang ang pamilya ni Angie hindi nga pumayag sa kagandahang loob ko na nilalapag ko sa harapan nila. Nais nilang pakasalan ko ang anak nila na siyang dahilan kung bakit nagulo ang mundo ko at pilit kong inaayos. Bigla nga ako nagkaroon ng takot na baka malaman ni Sasa ang nangyari at di matangap nito. Oh F*ck! Sayruz Choi, anong pinasok mo? Nabitawan ko ang kutsara at tinidor saka ako tumayo sa aking kinaka-upuan. Sino naman ang merong ganang kumain? Mga tauhan ko nakatayo lang sa paligid at si Michael nakayuko sa taligiran ko. “Gusto nilang pakasalan ko si Angie dahil meron silang nakikita sa akin? Sino nga ba ang tanga na pakakawalan ang malaking isda? Sabihin mo sa akin Secretary Michael, sino? Diba wala?” Napatango ang kausap ko. “Kaya ginagawa nila ito.” Saka ako napapalakpa
Chapter 9 (11) Sayruz Future In-Laws(Sayruz POV)“Taran.” Masayang bumalik si Angie sa sasakyan dala ang nais nitong bilhing pagkain. “Kunti na lang silang bumibili kaya nakabili ako.”Isinandal ko lang ang aking likuran sa upuan. Senenyasan ang driver na bumalik na sa hospital. At itinahimik ko na lamang ang aking bibig dahil hindi ko halos maisip ang nakuha kong kahihiyan kanina. Tss. Di ko na kasalanan kung wala akong dalang cash, sa hindi yun naging uso sa akin. Ngunit nakuha ng pansin ko ang biniling pagkain ni Angie. Amoy na amoy ko ito at sa tingin ko hindi masarap. Nang makabalik kami sa hospital, naghihintay na sina Michael. Agad siyang lumapit sa akin, at si Angie naman nagmadaling umakyat kung nasaan ang pamilya niya. Tss.“Master Sayruz, sa tingin ko sinadya talaga ng dumaang motorsiklo yung pagtilamsik ng maduming tubig kay Miss Angie.”&ld
Chapter 9 (12) Sayruz Future In-Laws(Sayruz POV)Hindi ko inaasahan ang nadatnan ko sa silid ni Mr. Reblando. Kanina, kampante ako na makaka-usap ko siya ng maayos ngunit… ng hindi niya makita ang anak niya, lalo na si Angie, nagsusumigaw ito at nagwawala sa galit. Paulit ulit niyang sinasabi na malandi ang kanyang anak, at nais niyang tapusin ang kahihiyan na ginawa nito.“Master Sayruz…”“Ganito ang epekto ng sakit ni Mr. Reblando?”“Ayon na din sa sinabi ng inyong kapatid.”“Si Angie?”“Si Miss Angie naroroon parin sa ward.” At tuluyan na nga akong lumisan sa silid ni Mr. Reblando, habang ginagawa ang lahat ng mga doktor na mapahupa ito sa galit na nararamdaman. Sa nakita ko, medyo nga kinakabahan ako para kay Angie. Tapos, gusto niyang mag-isang harapin ang nagkakaganito niyang ama? Nababaliw na ata ang babaing yun. Di ba s
Chapter 9 (13) Sayruz Future In-Laws(Michael POV)“Di mo kailangan magpakialam tungkol sa pamilya ko. Ama ka lang ng dinadala ko at sadyang aksidente lang kung bakit nabuo ito. Anong karapatan mo Mr. Choi para magpaki-alam tungkol sa kanya.” Kaya natigilan sa paghihila si Master Sayruz kay Miss Angie. Kung ako sa kanya ititikom ko na lang ang bibig ko. Hindi maganda kapag nagalit si Master Sayruz.Ngumisi si Master Sayruz sa kanya. “Wala nga akong karapatan na makialam Angie, ngunit nadadamay ang dinadala mo sa nangyayari sa pamilya mo. Hindi ako tanga para pagmasdan ka lang na nagkakaganito. Michael, siguraduhin mo din na ilipat sa ibang hospital ang kanyang ama. Nang di niya alam kung saan ito dinala.”“Masusunod Master Sayruz.”“Hindi mo maaring gawin yan!”“Anong hindi? Meron akong kakayanan Angie. At kung ako sayo, wag na wag mong uubusin ang pasens
Chapter 9 (14) Sayruz Future In-Laws(Angie POV)Dinala ako sa resort kung saan nga lumapag ang chopper. Kinakabahan ako ng sobra. Hindi kaagad nakasunod sa amin si Mr. Choi at ang sekretarya nito. Kasama ko ang dalawang babaing tauhan nito. Ni hindi ko man lamang magawang maupo, dahil nga di ko alam kung ano ang gagawin ni Mr. Choi sa pamilya ko. Wag naman sana niya ilayo ang Papa ko sa amin, at ako sa pamilya ko. Meron din naman siyang pamilya diba?“Miss Angie, para sa inyo ang tawag na ito.” Lahad ng wireless telephone sa akin.“Si-sino?”“Si Master Sayruz.” Napa-iling na lamang ako. Nais kong maka-usap siya ng personal ulit. Di na makatao ang ginagawa niya kung ipipilit nito ang gustong mangyari.Nagulat ang babae sa itinugon ko. Tumalikod na lang ako para gumamit nga ng banyo. Malaki ang silid na ito, at dinig na dinig ko ang alon sa labas.Pagkatapos ko gumam
Chapter 9 (15) Sayruz Future In-Laws(Sayruz POV)Matigas talaga ang ulo ng babaing yun.Kaya hindi ko na nakayanan, nagpakuha ako kay Michael ng alak na magbubura ng pag-aalala ko para sa babaing yun. Klaro naman ata na sa dinadala lang talaga niya ako nag-aalala. At alam niya yun.Akala ko ba hindi siya marunong tumangi? Ngunit ano ito? Nakikipaglaro siya sa akin. Tss.(Michael POV)Halos 48 hrs. na ngang naka-standby ang mga tauhan ni Master Sayruz at ako rin. Wala parin kaming pahinga. Mag-isang umiinom ng alak ang boss namin, at katahimikan nga ang hanap niya. Sumisilip na rin si Haring araw. Nakikipaglaro ang malagintong sinag nito sa kurtina na nililipad ng hangin.Kapag umiinom siya, ito ang senyales na talagang naguguluhan na siya at di niya alam ang gagawing pagpapasya.Muli kong sinalinan ang baso niya, at pina-ikot ikot ang laman nito.“Si
Chapter 9 (15) Sayruz Future In-Laws(Angie POV)Nakompirma ko na wala na nga si Sayruz sa probinsya. Pinakingan niya ang sinabi ko na mas gugustuhin kong malapit nga ako sa aking pamilya. Nakahinga ako kahit papaano. Wala namang masamang mangyayari sa akin dito sa probinsya diba? Wala.May ilan ngang bantay siyang iniwan, ngunit sa tingin ko matatakasan ko sila lalo na wala pa silang pahinga. Kapag nakatakas ako, ipapakita ko kay Sayruz na wala siyang dapat ipag-alala.Sana naman hindi rin niyang nagawang ilipat sa malayong hospital si Papa.Di nga ako nahirapan na takasan ang mga tauhan niya. Kumuha ako ng taxi sa pamagitan ng isang driving apps. Naghihintay na ito sa labasan. Matagumpay na nakasakay ako sa taxi, at uuwi ako ngayon din sa bahay namin. May kung ano sa akin ang nanabik na makita ulit ang bahay namin. Makapasok roon, at mahiga sa sarili kong silid na sa tingin ko yung dalawa ko nang kapatid ang umuu