Share

Chapter 5

Author: Lexa Jams
last update Last Updated: 2024-11-15 11:10:57

Freaking Zion Calvino? Of course! Sino pa nga ba ang inaasahan ni Jyla? 

May bahagyang ngiti sa mga labi ng lalaki habang nakatingin sa kanya. At ang natural na nakakasurang tono ng boses nito ay medyo magalang ngayon na kahit sino siguro ang makakarinig ay hindi maiiwasan ang mabuntis na lang nang bigla. 

“Let’s not bother mom for now, okay? Kailangan niyang magpahinga. If you need something, you can just tell me.”

Napanganga na lang si Jyla sa nakita at narinig, lalo pa noong lumapit sa kanya si Zion at niyakap siya nito nang biglaan. Akala mo kung gaano ito kabait at ka-gentleman.

“Anak, pag-usapan niyong mabuti ang kasal ninyo, ah? Huwag na huwag mong aawayin si Jyla, ah?” sigaw ni Zoey sa anak. 

“Of course! You don’t have to worry about that,” tugon ni Zion dito habang inaakay nito palabas si Jyla.

Ang kaso ay pagkalabas na pagkalabas nila ng ward ay hinablot na naman ng lalaki ang pulsuhan niya at saka siya nito walang habas na hinatak palayo sa kwarto. Nang makarating sila sa dulong parte ng pasilyo ay agad na lumabas ang tunay na kulay nito. Ang kanina lang na nakangiting mga mata nito ay bigla na lang nagbaga habang mariin na nakatitig sa kanya. 

Marahas siyang tinulak nito sa dingding at saka hinawakan nang mahigpit ang leeg niya gamit ang isang kamay. “Talagang inuubos mo ang pasensya ko. How dare you bother my mom like that. Pag may nangyari lang sa kanyang masama, I will hurt you in the worst way possible,” nagngingitngit na turan nito.

Pulang-pula na ang mukha ni Jyla at hindi na halos makahinga sa pagkakasakal ni Zion sa kanya pero sinikap niya pa rin na depensahan ang sarili. “Hindi ko alam na… anak ka niya.”

Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit bigla na lang nagyaya ang lalaki na pakasalan siya kahit halos isumpa na nito ang presensya niya sa mundo. Habang nasa kulungan sila ay madalas siyang binibiro ni Zoey na ipapakasal siya nito sa binata niya kapag nakalaya na sila. 

Ang akala niya ay normal na biruan lang nila itong magkaibigan, pero tinotoo pala nito ang sinabi. 

“Fucking liar!” Lalo pang hinigpitan nito ang pagkakakapit sa leeg niya. “You’re playing hard to get para magpaawa sa akin. You really want to become my wife that bad?”

Hearing him, nawalan na siya ng dahilan para ipagtanggol ang sarili, kaya naman ipinikit na lang niya ang mga mata at tinanggap ang napipintong kamatayan sa kamay nito. 

Mas mainam nga siguro ang matapos na ang paghihirap niya. Hindi lang ang nanay niya ang makakasama niya sa kabilang mundo, maging ang batang nasa sinapupunan niya.

Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata niya dahilan para pakawalan siya ni Zion. Hindi siya magkamayaw sa paghabol ng hininga at pag-ubo habang hinihimas ang leeg. 

“She only has two months left,”  ani ng binata.

Natigilan si Jyla sa narinig at litong-lito na napatingin kay Zion? Hinihintay niyang bawiin nito ang sinabi pero nagpatuloy lang ito.

“That’s why this marriage has to happen. And you already wasted our one month.” 

Jyla gasped, cupping her mouth with both hands, trying to suppress her sobs. Hindi niya maiwasang masaktan nang lubos sa narinig. 

“Don’t get funny ideas dahil hinding-hindi kita ituturing na asawa. In two months, we will get a divorce. And then you’ll get your compensation,” malamig na anito.

Napatango na lang si Jyla sa tinuran nito habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa nararamdamang sakit. “Fine. Pumapayag na akong pakasalan ka.” 

Napaigting naman ang bagang ni Zion sa narinig at agad na tumingin sa leeg ng dalaga. Oo nga pala. 

Noong nakaraan lang ay nakita nito ang sandamakmak na kiss mark sa leeg ni Jyla dahilan para pandirihan siya nito nang malala. 

“Pumapayag na ako, pero… meron akong kondisyon,” dagdag ni Jyla.

Zion scoffed. “Of course, what did I expect? What is it?” naiinis na tanong nito.

“Gusto ko ng matitirhan. Any place will do. Huwag lang dito sa Maynila,” mariin niyang pahayag na ikina arko ng kilay ni Zion. 

“At kailangan ko ng advance, mga trenta mil,” dagdag pa niya. 

Sapat na siguro iyon para sa routine check-up niya, pati pambili ng mga gamit ng bata. At kung makakatipid man siya, mabibigyan niya pa nang maayos na lugar na paghihimlayan ng yumaong ina. 

Napaismid si Zion sa kakapalan ng mukha ng dalaga. After mentioning the alimony, she still had the audacity to ask for an advance. At kung manghihingi si Jyla ng trenta mil ngayon, magkano kaya ang hihingiin ng babae sa makalawa? 

Such a hateful woman. He couldn’t wait to get rid of her, the way he had gotten rid of people like her in the past.

Pero walang magagawa si Zion ngayon. His mom must come first. 

Dinukot ni Zion ang cellphone sa bulsa at lumayo kay Jyla. Maya-maya ay dumating ang sekretarya nito na may dalang puting sobre.

Kinuha ni Zion ang sobre sa sekretarya at humugot ng limang libo galing dito at saka akmang iaabot ang pera kay Jyla. “You will be getting the thirty thousand in installments; only if you do a good job playing the role of my wife, especially in front of my mom.”

Wait. Limang libo? Parang hindi sapat iyon para pang-check-up. Balak din niyang maghanap ng mapagtatrabahuan. Paano niya iyon pagkakasyahin?

“Masyadong maliit yung limang libo, Mr. Calvino. Sampung libo,” paghamon niya rito.

“You’re not the one calling the shots here. Two thousand,” balik paghamon nito sa kanya.

Huh? Lalo pa nitong niliitan ang presyo. 

“Fine! Okay na ako sa limang libo,” pagbawi ni Jyla. 

“Dahil inubos mo ang pasensya ko, magtiis ka sa isang libo,” singhal sa kanya ni Zion. 

“What?” tanong niya rito, naakaawang nang malapad ang mga mata. Halos maiyak na siya sa pangmamaliit nito sa kanya. 

“F-fine,” sagot na lang niya rito, aktong kukunin na ang pera. Kesa naman hindi na siya nito bigyan. 

Imbes na iabot kay Jyla ay tinapon ni Zion ang pera papunta sa babae. “Do your job well. And I’ll think about the rest. Who knows? Baka bigyan pa kita ng komisyon kapag maayos mong nagawa ang trabaho mo within two months.””

Tahimik na pinulot ni Jyla ang pera sa sahig, pilit na iniignora ang mga salita ni Zion. Mahirap na, baka mamaya ay hindi pa siya makapagpigil. Pero kung tutuusin, mas okay pang magpanggap siyang asawa ni Zion kesa tumanggap ng tulong galing sa magaling niyang tiyahin at tiyuhin. 

“Let’s go back. Do not ever mention anything to my mom. Kung ayaw mong magsisi,” banta pa nito sa kanya. 

“Hindi ako tanga, Mr. Calvino. Huwag kang mag-alala,” naiinis na sagot niya rito. 

Hindi naman sa gusto niyang umaktong asawa talaga ng lalaki. Pero kasi, malalim ang pinagsamahan nila ni Zoey. Para na talaga silang mag-ina sa kulungan dati. Kaya kahit muhing-muhi siya sa lalaki ay gagawin pa rin niya nang maayos ang pagiging asawa kuno nito para sa kaligayahan ni Zoey sa mga huling sandali nito.

Pagkapasok nila ng sa kwarto ni Zoey ay agad na kumapit si Jyla sa braso ni Zion at saka ngumiti nang pagkatamis habang lumalapit sa matanda. “Sorry, Tita. Medyo natagalan ang pag-uusap namin. Inaayos na po kasi namin ang kasal.” 

“Jusko, salamat, iha. Sobrang excited na ako sa kasal ninyo,” natutuwang ani ng matanda. Ginagap nito ang kamay “Kamusta naman ang anak ko sa ‘yo? Tinatrato ka ba niya nang maayos?” mahinang bulong nito sa kanya. 

Umakto pa siyang kinikilig at nahihiya bago sumagot. “Oo naman po, Tita. Sobrang nagmana po sa inyo yung anak niyo. Napakabait. Napaka–gentle man. Wala na po yata akong mahihiling pa.” Gusto niyang masuka sa nasambit. 

“Magpakasal na kayo sa huwes, ah? Gustong-gusto ko nang tawagin mo akong mama,” seryosong hiling sa kanya ng matanda. 

The old woman’s words warmed her heart, kaya naman napapisil siya sa malambot nitong kamay. “Opo. Magpapakasal na kami ngayon.”

Kinahapunan ay nagpakasal na nga silang dalawa. They exchanged vows, signed and stamped a series of documents. Kumuha din sila ng maraming litrato. 

And just like that, she got married. 

Related chapters

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 6

    Pagkalabas na pagkalabas nila sa huwes ay agad na nagpaalam si Jyla kay Zion. “Since bawal naman ang bisita ng hapon, hindi na ako sasabay sa ‘yo pagbalik sa hospital. Bukas ko na lang pupuntahan si Tita Zoey,” aniya kay Zion. Wala naman sila sa harapan ni Zoey kaya hindi niya kailangang magpanggap na gusto niyang makasama ang lalaki. “Suit yourself,” malamig na tugon nito sa kanya. Sa loob ng kotse ay mausisang nagtanong si Johann Santiago kay Zion, ang sekretarya, assistant, bodyguard, at driver ng lalaki. “Sir, tingin mo ba hindi ka niya tatakasan?” Bahagyang umismid si Zion. “If she wanted to, hindi sana siya magpapakita sa bar na lagi kong pinupuntahan; hindi sana siya lalapit kay mama para humingi ng tulong. That recent escape was just one of her manipulative tricks.” “Okay, sir. If you say so,” tugon ni Johann. “Just drive,” medyo naiinis na utos ni Zion dito. Pinaharurot na nga ni Johann ang sasakyan at ni isang beses ay hindi tinapunan ng tingin ni Zion ang dalaga.

    Last Updated : 2024-11-15
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 7

    Zion “Babe, ayaw mo na ba sa ‘kin?” paawang sambit ni Gabby sa kabilang linya. Bigla na lang itong nagpanggap na humihikbi. “Naiintindihan ko. I gave myself to you that night because I like you so much. Pero hinding-hindi ko ‘yon pagsisisihan kahit hindi mo ako pakasalan.” Medyo nahimasmasan si Zion nang marinig ang mga katagang iyon. “I’m just… not free today. But tomorrow night works for me,” bahagyang pagpapaliwanag ng lalaki. “Really? Thank you, babe!” natutuwang bulalas ni Gabby. “Yeah, see you.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag. Sa totoo lang, walang nararamdaman si Zion para sa babae. Pero hindi niya pwedeng ipagwalang-bahala ang pinagsaluhan nila ng gabing ‘yon, when he was at his lowest. Ibinigay nito ang sarili sa kanya, at dahil isa siyang disenteng lalaki, he had to marry her. Isa pa, natuklasan niya noong gabing 'yon na he was her first. Kung hindi nga lang nakiusap ang ina niya na pakasalan niya si Jyla ay malamang kinasal na siya kay Gabby. Ang tangin

    Last Updated : 2024-11-16
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 8

    Nagulat si Zion nang bumukas ang pintuan ng banyo. Agad namang napaigting ang panga ng lalaki habang tinitingnan ang babaeng walang saplot sa harapan. Mamula-mula pa ang mapusyaw na balat ni Jyla na halatang kaaahon lang sa bathtub. Medyo magulo ang basang-basa na buhok ng babae na abot balikat. Basang-basa pa rin ang maliit na mukha naman ng dalaga na halos kasinglaki lang ng mga palad ni Zion. Halos lamunin si Jyla ng hiya nang mga sandaling iyon. Pinasadahan pa niya ng tingin ang halos hubad ding katawan ni Zion bago niya naisipang isara ang pintuan. Pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang maalala ang hitik na hitik na katawan ng lalaki. Napakalapad ng balikat nito at sa may bandang braso nito ay may dalawang kapansin-pansin na peklat kaya lalo itong nagmukhang delikadong kantihin. Mabuti na lang at may tapis itong tuwalya sa ibaba nito kahit papaano, hindi kagaya niya. “Anong ginagawa mo rito?” malakas na tanong niya. “I should be the one asking you that. Anyway, jus

    Last Updated : 2024-11-16
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 9

    Hindi maipaliwanag ni Jyla ang lungkot na bigla niyang naramdaman nang makita si Zion. She was prepared for the fact na marami nga sigurong babaeng magkakandarapa kay Zion dahil ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay ubod nang gwapo ito at mayaman pa. At ang tanging dahilan lang naman ng kasal nilang dalawa ay dahil sa huling hiling ni Zoey. Pero bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo ay si Gabby pa talaga ang girlfriend nito? Para bang sinasadya talaga ng pagkakataon. Ang mga taong nanakit sa kanya ay namumuhay nang masaya samantalang siya, sunod-sunod na trahedya ang dinaranas. May criminal record na nga siya at walang trabaho. Tapos ngayon ay buntis pa siya, ni hindi man lang niya kilala ang ama ng dinadala. Hindi niya mapigilan mangliit habang tinitingnan ang perpektong magkapares sa harapan niya. So wala talagang mga kukuning litrato. Ang dahilan kung bakit siya pinapunta ng mga ito ngayon ay para ibalandra sa kanya ang lalaki. Ngumiti siya nang mapakla kay Gabby. “At t

    Last Updated : 2024-11-17
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 10

    Hindi makapagsalita si Jyla dahil sa tinuran ni Gabby. Gustong-gusto na nga niyang tawirin ang mesa at kalmutin ang mukha nitong puno ng make-up pero nagtimpi siya dahil baka kung saan pa humantong ang pisikalan nila kapag sinimulan niya. Masasaktan lang ang anak niyang nasa sinapupunan. Nginitian na lang niya ang impaktita at sumagot. “Why are you so interested? Na-miss mo bang magka-customer?” Gabby chuckled. “Concerned lang naman ako. Mamaya kung ano pang sakit ang makuha mo sa mga customer mo. Ano na lang ang sasabihi ng mga tao sa pamilya na nagpalaki sa ‘yo, hindi ba?” Dahil sa tindi ng eksena sa pagitan ng dalawa, wala nang nakapansin na nagngingitngit na sa galit si Zion habang tinititigan si Jyla. Walang ano ano ay mariin nitong binagsak ang kubyertos sa pinggan at saka dinampot ang susi ng kotse na nasa mesa lang din. “Babe?” nagtatakang tawag ni Gabby dito. “Galit ka ba?” Bakas na sa mukha ng dalaga ang pag-aalala sa inaasal ng lalaki. “I don’t want my name to get s

    Last Updated : 2024-11-17
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 11

    “What?” Gusot na gusot ang mukha ni Zion sa narinig. “Bigyan mo ako ng singkwenta mil. Hindi ko na sila guguluhin, promise,” kalmadong saad niya. Tinaas pa talaga niya ang kanang kamay bilang panata. Hindi mapigilan ni Zion ang matawa sa tindi ng disgusto na nararamdaman para sa babae. Ibang klase talaga ang isang Jyla. “Was it just yesterday? Noong sinabi mo sa ‘kin na hinding-hindi ka na hihingi sa ‘kin ng pera? You are so shameless,” nanggigigil na pahayag ni Zion sa babae. Medyo sinariwa ni Jyla ang mga ala-ala pero hindi niya matandaan ang sinasabi nito. “Ikaw na ang nagsabi. Ibang-iba nga ako kay Gabby ‘di ba? Sa tingin mo ba may katiting pang hiya na natitira sa ‘kin?” Hindi talaga makapaniwala si Zion sa babae. “You think because I got you out of jail hindi na kita kayang ibalik doon?” Batid ni Jyla na hindi na uubra kay Zion kung magpapabebe pa siya. Pero magpapatalo ba siya? Kung hindi niya ito makukumbinsi ngayon, paano na ang katawan ng nanay niya? “You think

    Last Updated : 2024-11-18
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 12

    Nakaramdam ng lungkot si Jyla nang marinig ang balita. Oo, legal nga silang kasal ngayon ni Zion kahit daig pa nila ang dalawang estranghero. Pero ang tunay na nilalaman ng puso ni Zion ay ang mortal niyang kaaway. Gabriella Palencia. Masayang lumapit si Beth sa asawa, at talagang kinuha pa nito ang kamay ng huli. “Totoo ba? Bibigyan niya talaga ng engagement party ang anak natin? Hindi ba natin kailangang makita muna ang pamilya ni Zion? Talaga bang okay lang sa kanila na ampon lang si Gabby?” sunod-sunod na tanong ni Beth. Lalo namang nakaramdam ng pagkalungkot si Jyla nang marinig ang salitang ‘ampon.’ Dalawang taon si Gabby nang ampunin ito ni Rolly at Beth. She instantly became the apple of their eye. Habang si Jyla ay labindalawang taon na nang mapilitan siyang lumipat sa bahay ng mga Palencia na nagsilbi nang impyerno niya, mas malala pa sa buhay niya sa piitan. Kung tutuusin mas tinrato pa siyang tao doon, kesa sa bahay na ito. Saan ba siya nagkamali? Bakit ganoon na l

    Last Updated : 2024-11-19
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 13

    Sobrang gulo ng kwarto ni Jyla. At ang malupit pa, wala rito ang dalaga. Pumasok si Zion sa loob ng kwarto at tinignan ang mga damit ni Jyla na nagkalat sa higaan at ang iba ay nasa sahig pa. Halos mukhang basahan pa nga ang lahat. Nakabukadkad ang maleta ng babae, akala mo ay pinasok ang kwarto ng magnanakaw. ‘Where the fuck is she? Did she just run away with my money?’ Kumukulo ang dugo ni Zion sa mga naiisip. Agad na kinuha ni Zion ang susi ng kotse at pinuntahan ang ina sa ospital. Ngunit wala rin doon ang babae. Tinawagan ni Zion si Jyla, nanggagalaiti na sa galit. Jyla could mess with him, but not his mom! Isang ring lang at sinagot agad ni Jyla ang tawag. “Hindi muna ako dumaan sa mama mo. May importante lang ako nilakad.” “Nasaan ka?” nagtitimping turan ng lalaki. “Actually, nasa construction site ako. Meron kasi akong—” Hindi na siya pinatapos ni Zion at nagsalita ito. “I’ll send you an address. Malapit lang ‘yon sa ospital so you better come right away! After I

    Last Updated : 2024-11-20

Latest chapter

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 112

    AndrewPinagpatuloy ni Andrew ang pagsunod sa sasakyan ni Daniel Montero. Pamilyar sa kanya ang dahan na tinatahak ng matandang lalaki. It was a shady nightclub, at lahat yata ng mga pinagbabawal na gawain ay malayang gawin ng mga ekslusibong miyembro ng club na ‘yon, na minsan ay hindi pa niya napuntahan.Tama nga ang hinala ni Andrew. Nakita niyang bumaba sila Jyla at Daniel sa harapan ng nasabing club. Bumaba kaagad sila ni Dylan ng sasakyan at sinundan ang lalaki na hatak-hatak pa rin si Jyla na para bang wala sa sarili ngayon. Hindi man lang kasi ito nagpumiglas o ano. Basta na lang nagpatianod ang babae. Wala ring pagtanggi sa mukha ni Jyla, na para bang hindi lang siya napipilitan. Napaka-weirdo ng kakalmahan ngayon ng mukha nito.Kasunod nina Jyla at Daniel ay dalawang bodyguard ng lalaki na malalaki ang katawan.“I want the best private room!” mayabang na saad ni Daniel sa receptionist. Pinasadahan pa ng lalaki ng tingin si Jyla mula mukha hanggang dibdib na siya namang kina

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 111

    Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 110

    JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 109

    JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 108

    Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 107

    ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 106

    JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 105

    Rolly“Lintek na babaeng ‘yon! Nagulat ako may nilabas bigla na cutter at inambahan ako ng saksak! Ang lakas ng loob! Matapos niyang batuhin si Gabriella ako naman ang sasaksakin niya!” protesta ni Rolly sa asawa at anak na ngayon ay nagkukumpulan sa mahaba nilang sofa. Kaagad namang umismid si Beth sa narinig. “Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niya,” wala sa loob na usal ng babae habang nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ni Rolly sa sinabi ng asawa at bumaling siya ng tingin kay Gabby, nanghihingi ng impormasyon. Kaagad namang umiling si Gabby sa kanya. “I’m tired. Doon lang muna sa kwarto ko, ma, pa,” pagpapaalam ni Gabby sa kanilang dalawa. Hindi na nito hinintay pa ang pagpayag nila at tumayo na ito sa sofa at saka umakyat sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila. Wala silang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin. “Hon, what are you talking about?” hindi matiis na tanong na niya kay Beth matapos masiguradong nakapasok na it

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 104

    Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status