Share

Chapter 36

ISA

"Inay? I-ikaw si Mrs. Brown?"

Nagsimulang mangilid ang luha sa gilid ng mga mata niya. Sinubukan niya akong hawakan pero mabilis akong umatras.

"Hindi. P-paano?"

"Anak, magpapaliwanag ako."

"Ayoko! Huwag kang magsasalita!" Wala sa sariling umatras ako mula sa kaniya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang mayamang babae na may-ari ng mansion na ito ay siya? Maraming ulit akong umiling.

Nang makita kong nakabukas ang gate ng mansion, walang pag-aalinlangan akong tumakbo papunta doon para makaalis.

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Manang Trinidad pero hindi ako nag-abalang lumingon. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito!

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi... hindi talaga ako naniniwala. Patay na siya! Patay na si Inay!

Wala akong kapera-pera kaya tumakbo na lang ako papunta sa kompanya ni Uno. Inabot ako nang ilang oras, kaso pagdating ko roon, dismayado akong malaman na wala siya.

"Nasaan si Uno, Odette? Kailangan ko siyang makausap."

"Hi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Imelda Pecson
is that the twist of the story kailangan muna violence and hatred, at the mid of the plot there it goes
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status