MAAGANG nagising si Sam kinabukasan kahit pa napuyat siya kagabi. Wala na sa tabi niya si Gareth nang magising siya. Hindi nga niya alam kung muli ba itong pumasok ng silid nila o hindi o sa sofa na lang natulog. Agad siyang lumabas ng hotel at nagtungo sa tabing dagat. Gusto niyang mapanood ang sunrise sa dalampasigan. Wala pang gaanong tao sa paligid at mas gusto niya 'yon at medyo madilim-dilim pa nga. May mga bench malapit sa dagat na para talaga sa mga taong nais manoon ng sunrise o sunset. Pinili niya ang pinakamalayong bahagi dahil tahimik talaga at mas maeenjoy niya ang tanawin. Umupo siya doon at napapikit pa nga dahil sa lamig ng hangin, ang sarap n'un sa pakiramdam. Para bang nawala bigla ang nararamdaman niyang puyat sa nagdaang gabi. Napakaganda talaga ng lugar na 'yon, siguro ay iyon din ang nakita ni Gareth noon, kaya binili niya itong Isla? "Hi, miss. P'wede ba kaming maki-join sa'yo? Nag-iisa ka yata?" Boses ng lalaking tila ba may hang over
IMBES na ang isang linggo na pananatili nila sa Palawan ay napadali. Kinabukasan din ang nagbyahe sila ni Gareth pauwi ng manila. Pero bago 'yon, inayos muna ni Gareth ang kaso na isasampa niya sa tatlong lalaki at ipinabahala na nito 'yon lawyer nito at inabilin na hindi basta-basta makakapag pyansa ang tatlo at hayaang magdusa sa kulungan. "I can destroy them, their life, and what they have." Iyon ang mga eksaktong salitang sinabi ni Gareth sa kaniya kagabi. Sinabihan na lamang niya ito na ipakulong na lang at huwag ng idamay ang pamilya o kung anong meron man ang tatlo. Sana nga lang ay sinunod siya ni Gareth. "Nasaan si Gracie?" Usisa niya kay Toneth nang madatnang nag-iisa lamang ito sa silid. "Naku, ate. Kasama ni Ma'am Estrella. Nasa likod sila, sa pool area po," ani Toneth sa kaniya. Kinabahan siya at inisip na baka ano na ang ginawa ng ina ni Gareth sa anak niya. Tila napansin naman ni Toneth ang pag-aalala niya. "Huwag ho
CHERRY'S POV "MAY gusto ka ba sa asawa ko?" Naibaba ni Cherry ang binabasang libro nang muli na namang sumagi sa isipan niya ang tanong na 'yon ni Sam sa kaniya noong nasa Isla sila. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman, so, alam at pansin ni Sam na may gusto siya kay Gareth? Pero nakakapagtaka, bakit hindi siya inaway nito? Bakit ni wala siyang nakitang pagbabanta sa mga mata o boses man ng babae. Kung sigurong ibang babae lang ay babantaan na siya ng kung anu-ano. Pero bakit si Sam ay napakalmado lang? Hindi kaya? Tama! Hindi kaya wala siyang nararamdaman patungkol kay Gareth? Maaring hindi na nito gusto o mahal si Gareth? Kung ganoon ay may pag-asa pa ako? Nasapo niya ang ulo. Siguro kung malalaman lamang ni Don Celso ang ganitong iniisip niya ay tiyak na pagagalitan siya nito. Nag-usap na sila tungkol sa bagay na ito, na hindi na siya maaring manggulo o magkagusto kay Gareth dahil kasal na ito. Pero mapipigilan ba ang puso?
NAGISING si Gareth sa kailaliman ng gabi nang makarinig ng mga pag-ungol. Ungol na tila nahihirapan. Nagmumula iyon kay Sam na mariin namang nakapikit. "Huwag! Bitawan niyo ako! Ayokong sumama sainyo, saan niyo ba ako dadalhin? Mang Nestor!" Pagkatapos ng mga ungol ay iyon naman ang narinig niyang sinasabi ni Sam. Papiling-piling pa ang ulo nito at namamawis kahit naka-aircon sila. Nangunot ang noo ni Gareth, Mang Nestor? Hindi ba iyon ang family driver ng mga ito? Bakit tinatawag ito ni Sam? "Sam! Wake up!" Marahang tapik ang ginawa niya rito, ngunit daglian din natigilan nang maramdaman ng palad niya ang init ng pisngi nito. Inaapoy ito ng lagnat! Nilapitan niya ang asawa at muling ginising, nagmulat ito ng mga mata pero agad ding pumikit. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon at ipinampunas sa noo, mukha, leeg at braso ni Sam. Doon pa lang tila kumalma ito at tila ba nagising mula sa panaginip. "A-anong nangyari?" Mahinang bulong
"MAKINIS pala ang babaeng ito, boss. Napakaganda pa at bango," maya-maya pa ay sabi ng driver at alam ni Samantha na sa likod ng maskra ay nakangisi ito. Niyakap ng dalaga ang sarili dahil sa kilabot na naramdaman niya sa sinabi ng lalaki. Hindi siya makakapayag na dungisan ng mga ito ang kanyang pagkababae, magkamatayan man sila. "Magtigil ka, Gago. Kahit ako man ay takam na takam sa babaeng 'to, pero hindi pwedeng salingin," sagot ng katabi ni Samantha. Kahit paano ay nakahinga ng maluwag ang dalaga. Mukhang hindi inutos ng kung sino man ang galawin siya. Hindi alam ni Sam, kung ilang minuto ang ginugol nila bago sila nakarating sa pagdadalhan sa kanya. Isang bahay iyon sa loob ng kagubatan. Tanging mga huni lamang yata ng ibon ang maririnig. "Baba!" pasigaw na utos sa kanya ng lalaki. Nanginginig ang mga tuhod ni Sam habang bumababa. Iginala niya ang paningin sa paligid sa pag-asang baka makakita siya ng kahit isang bahay o
"OH MY GOSH! Bakit ho Mang Narding?" Bulalas ni Samantha Walton nang biglang nagpreno ang driver ng sinasakyan niyang bridal car. Halos mapasubsob na siya sa tindi ng impact. For God sake! ayaw niyang maaksidente dahil kasal niya ngayong araw. Papunta na nga sila sa simbahan nang mga sandaling 'yon. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, dahil sa matinding kaba na nararamdaman. "May humarang na itim na kotse sa dadaanan natin, Señorita!" tila tarantang sabi ng matanda sa dalaga. "Ha? But why? Nakikilala mo ba sila?" Mas dumoble yata ang kaba na kaniyang nararamdaman dahil sa sinabi ni Mang Narding. Hindi na nakuhang sumagot ni Mang Narding dahil Mamaya-maya pa ay may isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Kita ng dalawang mata niya ang pagkabasag ng salamin sa gilid ng driver seat at napasigaw nang makita na lamang niyang bumulagta si Mang Narding dahil sa tama ng baril sa may balikat nito. Patuloy ang malakas na pagsigaw ni Samantha at halos ma
"GARETH!" napabalikwas ng bangon si Sam dahil sa bangungot na dumalaw sa kaniya. Habol niya ang hininga at pinagpapawisan kahit pa bukas naman ang aircon sa silid. Biglang namalisbis ang mga luha niya. Sa lahat ng mga naging panaginip niya ay 'yon na ang pinakamalinaw at detalyado. Napangiwi at bahagya siyang napaigik nang maramdaman ang biglaang pagsakit ng kaniyang ulo. Tipo ng sakit na gusto niyang sumigaw at iuntog iyon sa pader. Muli siyang nahiga at ipinikit ang mga mata, pinakalma ang sarili. Unti-unti nang nabibigyan ng linaw ang lahat ng pinagdaanan niya, ang nakaraan niya. Unti-unti na bang bumabalik ang ala-ala niya? Bakit hindi pa minsanan? Bakit kailangan pa siyang dahan-dahanin? Bakit hindi pa bumalik ang lahat upang mabigyan na ng kasagutan ang mga tanong niyang napakarami. Mga tanong na ang hirap hanapan ng kasagutan. "Gareth," bulong niya habang sakmal-sakmal ang dibdib dahil sumasakit 'yon sa emosyong nararamdaman mula sa panaginip. Sa
AGAD din natapos ni Sam ang mga ipinagawa sa kaniya ni Gareth. At dahil wala na siyang gagawin, naisipan na lamang niyang maglinis na din sa loob ng opisina ng lalaki habang hinihintay ang oras ng pag-out niya. Hindi na rin niya mahihintay si Gareth, dahil mukhang hindi na ito babalik ng opisina pa, ni hindi nga nito tinupad ang sinabi nitong babalik ito matapos ang isang oras. Patapos na siya sa paglilinis nang tumunog ang kaniyang cellphone, tanda na may nagpadala ng mensahe sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone na nasa kaniyang shoulder bag at tinignan kung sino ang nag-text. It was Drake. Nakaramdam siya ng kaunting excitement na may halong saya nang makita ang pangalan ng lalaki, ang tagal nitong hindi nagparamdam sa kaniya. Binasa niya ang text at ang nakasaad doon ay nakikipagkita ang lalaki sa kaniya ngayong araw. Napaisip siya kung pagbibigyan niya, iniisip niya kasi ang magiging reaction ni Gareth kapag nalaman nito na muli siyang nakipagkita kay Drake. Pero sa h