Share

08

Charinda was again bored.

Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.

As if she cared.

Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan.   

The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata papasok sa eskwelahan at pauwi sa kanya-kanyang mga bahay kung walang kukuha sa mga ito. Bawal din ang batang umalis sa school premises kung walang sundo. Magkagayunman, kailangan pa rin niyang maging mapanuri at huwag ibaba ang guard niya. Mahirap ng masalisihan ng mga kalaban.

Ilang oras na siyang naghihintay kay Kent na lumabas sa classroom nito, pero until now, hindi pa rin lumalabas ang bata. Ang sarap iwan ng batang iyon. Sa totoo lang.

“Yaya,Yaya!”

Hay salamat. Akala niya iiwan na niya ang batang ito sa sobrang tagal.

Umayos nang tayo si Charinda nang marinig ang tawag na iyon. Uwian na ngunit hindi sila uuwi sa bahay. Kabilin-bilinan sa kanya ni Fernando na doon na muna raw sila sa paaralan dahil mas safe ang paligid. Good thing she brought lunch with her. Kasya na ito sa kanilang dalawa ng bata.

Magaan ang takbo ng batang papalapit sa kanya. Namumula ang magkabilang pisngi nito at tagtag ng pawis ang noo.

Binabaha ng mga bata ang cafeteria.

Nakahilera ang mga mahabang mga mesa na pinarisan ng mga upuan. Dirty trays were stacked up at some of the used tables. Nagkukumahog sa pagsusukli ang cash register. The doors banged open and shut signaling that another group of boisterous kids will enter together with their nannies. May mga batang takbo nang takbo; mayroon ding kampante lamang ang lakad na para bang hindi naghihintay ang ilan sa mga magulang nila.

Pumailanlang ang napakasarap na amoy ng ginisang sibuyas mula sa kusina.

Kumalam ang sikmura niya. 

Hindi magkandaugaga ang ilan sa mga yaya sa pagsundo ng mga alaga nito. Pero siya? Hinihintay lamang niya si Kent na makarating sa kanya. Para saan pa? Noong bata siya, may naghintay ba sa kanya kapag uwian na? May mga magulang bang pupuri sa kanya kapag ipinakita niya ang napakaraming mga bituin sa kamay? Wala.

“Yaya!”

Ipinagsiksikan ni Kent ang maliit nitong katawan sa iba pang malulusog na mga bata. Kapag siguro nagka-stampede, siguradong madadaganan lamang ito. Ilang minuto, nasa harapan na rin niya ang bata. 

Humalukipkip siya. “Gusto mo nang kumain? Bakit ang tagal mo?”

“Bakit hindi ni’yo ako pinuntahan doon sa room? I waited for you,” wika ng bata na humihingal.

Ah. So kailangan pa pala niya itong puntahan sa room nito? He wished. Kailangan niyang hindi ito tratuhing bata for him to learn faster. Because of his father’s position in the society, sigurado siyang madadagdagan pa ang panganib na kakaharapin nito.

Tumaas ang kilay niya. “Kailangan pa ba iyon? Hindi ba nag-usap tayo na dito lang magkikita sa cafeteria?” 

Nanlaki ang mga mata nito. “Hindi kita gusto, Yaya. Ang pangit mo rin!” pasigaw nitong wika. “I hate you!”

Hindi niya alam kung may nakarinig kay Kent sa kabila ng ingay ngunit napansin niya ang pagtigil ng ilan sa mga bata at yaya. Nakatingin ang mga ito sa direksyon nila. Ngunit kapag pinandidilatan niya ang mga ito ng mga mata, agad ding aalis.

They were scared of her. Good to know. There were nothing but nuisances. Gusto na niyang umuwi na lang sa bahay.

“Sinabi ko bang gusto rin kita? Pinapagod mo nga ako. At ayoko sa mga batang gaya mo.”

Pinangiliran ng luha ang mga mata ng bata. “I hate you. I hate you. Ayoko sa’yo. Gusto ko si Daddy.” Tumakbo ito palabas habang pinupunasan ang mga mata.

“Miss? Hindi mo ba susundan iyong alaga mo? Baka mapaano iyon!” Isang babaeng nasa kwarenta anyos ang nagsuhestiyon sa kanya. Kasalukuyan nitong sinusubuan ang isang nasa anim na taong gulang na batang babae. “Uso ang kidnapping dito dahil puros mayayaman ang nag-aaral dito.”

Umupo si Charinda sa bakal na upuan. “Huwag po kayong mag-alala sa batang iyon. Hindi naman iyon makakalabas sa eskwelahang ito. ‘Di ba hindi hinahayaan ng mga gwardiya na palabasin ang mga bata kapag wala itong matandang kasama? Maghintay ka lang. Babalik rin iyon,” kumpiyansang saad niya.

Gutom na rin ang batang iyon. Oras na kumalam ang sikmura nito, babalik ito sa kanya.  

Tumango ang babae. “Ikaw ang bahala, Miss. Basta sinabihan na kita. Mas mabuti na rin iyong nag-iingat. Hindi natin alam ang panahon.”

Kumpiyansa siyang hindi talaga makakalabas si Kent at kung balak nitong pumunta sa daddy nito, hindi ito makakapunta. 

Walang pera si Kent.

Ayaw nitong tumanggap ng kahit na anong baon kaya ibinigay sa kanya ni Fernando ang baon sana nito. Siya na lang ang bibili ng anumang naisin ng bata.

Kinalikot niya ang cell phone at tiningnan kung may importanteng text na ipinadala sa kanya. Ang tita lang niya ang nag-send ng text. Ang babae lang naman ang may panahong mag-message sa kanya dahil wala naman siyang kaibigan.

She typed a couple of words then pressed the word reply.

Ibinalik niya iyon sa kanyang salawal. Nababahala ito sapagkat hindi siya umuwi ng bahay. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan at hinayaan lang ang Tito Sandro na humanap ng rason. 

Ayaw na ayaw niyang magsinungaling sa tita niya subalit hindi rin naman pwedeng sabihin niya kung ano ang ginagawa niya ngayon. Malamang hihimatayin lang iyon sa sobrang takot kapag sinabi niyang kasalukuyan nilang tinutugis ang most wanted sa PA.

-----------

SAMPUNG minuto ang nakaraan subalit hindi pa rin bumabalik si Kent. 

Nagsimula ng kabahan si Charinda. 

Baka in-under-estimate lang niya si Kent at nakarating na iyon kay Fernando. Baka isumbong siya nito at pag nangyari iyon, Ms. Bacat, you are fired” na ang maririnig niya sa muli nilang pagkikita ni Fernando.

Tumayo siya. 

Hindi maari ito. 

Hindi siya dapat matanggal sa trabaho kahit na hindi niya gusto si Fernando.

Bumilis ang pintig ng puso ni Charinda nang hindi niya nakita si Kent. Nagtanong-tanong na siya sa ilan sa mga yaya, subalit walang batang nakita ang mga ito na nakasuot ng bag na Superman. 

Pumunta na rin siya sa guardhouse at wala din ang sagot nito.

Pinahid niya ang pawis na nagsisimulang lumabas sa kanyang balat. 

“Hindi pa nakakalabas ang bata,” paulit-ulit niyang wika sa sarili. 

Nasaan ba ang batang iyon?

Nagsimula na rin siyang pawisan. She never thought kakabahan siya ng ganito over some child. A spoiled brat. Makikita ng batang iyon. Patitikimin niya ito ng mahabang sermon oras na makita niya ito. Baka masanay itong palaging maglayas kung hindi niya pipigilan.

Mayamaya’y tumunog ang cell phone niya. Mabilis niya iyong kinuha sa bulsa. 

“Hello!” wika niya kahit hindi tinitingnan ang screen. “I’m busy right now. Mamaya ka na lang tumawag.”

“Why are you busy, Ms. Bacat? Si Kent lang naman ang binabantayan mo. Ibigay mo ang cell phone sa bata. Gusto kong makausap si Kent.”

Natigil siya sa paglakad. “Damn it.”

“Minumura mo ba ako, Miss Bacat? Answer me. I do not have the patience right now,” malamig na turan nito.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status