Napangisi si Lara habang sinisingit sa photocopied files para sa CEO ang annulment papers na pirmado na niya. She knew that annulment doesn't work like divorce but at least, the papers that she signed would let him know that she was dead serious about it.
Enough is enough. She was so done. If Miguel wouldn't take her seriously, then he should just let her on her own.Hindi na niya ito kailangan dahil malaki na siya.'That sounds so ungrateful, Lara,' maagap na banat ng isip niya.Oo na. Utang niya kay Miguel lahat ng mayro'n siya ngayon. Pero hindi ba pwedeng hanggang doon na lang? Pabayaan na siya nito so she could live her own life away from him. Tutal naman, wala itong balak magpakita sa kanya!Para saan ba ang pakasalan siya kung ni dulo ng buhok nito, hindi niya masilayan? Ni hindi ba sila pwedeng maging magkaibigan? What was Migo's reason for being so mysterious?Aanuhin niya ba ito?Lara was tired. She didn'Napatingala si Lara nang tumigil sa harapan niya si Migo. She could still remember how he was a tall guy when she was just little. Pero bakit gano’n? Parang hindi siya lumaki? Hanggang ngayon ay kailangan pa rin niyang baliin ang leeg niya para tingnan ito sa mukha. Lara realized na matangkad na lalaki si Miguel Villareal. He exuded an intimidating aura. And power, naghuhumiyaw iyon sa tayo pa lang nito. Sa mga tingin nitong parang nagmula pa sa North Pole, and yet despite the coldness, hindi rin maikakaila ang matinding galit sa mga iyon.What did she do that offended him? ‘Duh, Lara, nagtanong ka pa? Look at yourself! You’re a mess! Nahuli ka sa aktong nakikipag-away! Nakakahiya ka. I’m sure, mas lalong hindi papayag si Migo na malaman ng lahat na asawa ka niya!’ “What are you doing?” he asked.Pakiramdam ni Lara, nagkabikig ang lalamunan niya. When she opened her mouth to speak, walang lumabas na boses sa mga labi niya. O talaga lan
Dahil bad trip pa rin si Lara, pagkahatid sa kanya sa opisina nang sumunod na araw, hindi siya pumasok. She just made her driver think na nagawa nito ang trabaho nito na ihatid siya sa trabaho.Pero pagkababa niya, nag-taxi siya papunta sa condo ni Anastacia."I'm leaving in an hour," anang kaibigan niya na parang ayaw pa siyang papasukin. Nagpa-plantsa ito ng buhok nito."I need someone to talk to, Tasya!" Kahit hindi siya welcome, pumasok pa rin siya at ibinagsak ang sarili sa kama ng kaibigan na bumalik din agad sa harap ng vanity nito."Okay, shoot. I guess I can multitask," sabi na lang ni Tasya na abala pa rin sa buhok nito.Napabuga naman siya ng hangin. "I've seen Migo," wika niya at bahagya pang napaigtad nang sumigaw ang kaibigan niya. "Ouch!" daing nito na napaso ang sarili dala ng pagkagulat sa sinabi niya. "So, ano itsura ng guardian mo? Pogi ba ang famous pero mysterious
Hindi kumikibo si Lara habang kumakain sila ni Miguel. Wala siyang ganang kumain kahit sa totoo lang ay gutom naman talaga siya. Naiinis siya sa kinalabasan nang matagal niyang pangarap na makita muli ito. She had expected to see the gentle Migo who was so in love with her sister back then. Bakit makalipas ang labing-anim na taon ay hindi lang pisikal nito ang nagbago? Gone was the kind and sweet Miguel Villareal she once knew. Napalitan iyon ng nakaka-intimidate at overbearing nitong version. "Why didn't you come to work?" tanong nito habang nagpupunas ng labi. He was already done eating. Samantalang siya naman ay nilalaro na lang ang pagkain sa pinggan niya. "Para ano? You humiliated me, remember? Ano pang mukha ang ihaharap ko ro'n?" She rolled her eyes at him."You are twenty-three, Lara. Hindi ka na bata. Can't you handle such a small matter?" may bahid ng pagkairita ang tono nito. "How about you? Must you confront me
"Lara!" natutuwang bati ni Kylene nang makita siya. "Akala ko pati ikaw ay sinisante! Mabuti naman at suspension lang sa 'yo!"Napakunot-noo siya. Suspension? Suspended ba siya dapat? Iyon ba ang pinalabas ni Migo sa opisina?Gayunpaman ay hindi na siya nagsalita pa tungkol doon. Alangan namang sabihin niya rito na wala lang siya sa mood kaya hindi siya pumasok."Sino ang natanggal?" aniya."Si Lizzie. Pati na si Kendra," tugon nito. "One-third ng department natin suspended kahapon." Napaisip si Lara. Paano nalaman ni Migo ang nangyayari sa kanya roon eh kagabi lang naman siya nagsabi? At dahil lang sa naiinis siya. But he had fired them in the morning when she hadn't said a word to him yet. Totoo nga kaya ang sinabi nito? Na may pakialam ito sa nangyayari sa kanya roon dahil asawa siya nito?'Dapat lang, Lara. Siya ang nagpasok sa 'yo sa sitwasyong ito. He should be responsible,' sabi ng makatwiran niyang ut
Migo didn't come home that night. But it wasn't like he was supposed to anyway. Sixteen years nga itong hindi umuwi, 'di ba? Magtataka ba siya dapat sa isang gabi? Lara tossed and turned on her bed hanggang sa mag-umaga na lang na hindi siya nakakatulog. What's wrong with her?It was just that she kept thinking about Miguel the whole night without a reason why. Lutang na bumangon siya at naligo. "Miss Lara, may sakit ka ba?" Puna ni Auntie Rosette habang sinisilbi ang almusal niya. Dinama pa nito ng likod ng palad nito ang noo niya."Wala po," nangalumbaba siya. "Did Migo come home, Auntie?" "Hindi," binigyan siya nito nang nagtatakang tingin. "Wala naman siyang sinabi na uuwi siya. Malamang ay nasa condo niya siya." "Saan ang condo niya, Auntie?" tanong niyang kumukuha ng pagkain kahit na alam naman niyang hindi sasabihin sa kanya ni Auntie Rosette kung saan umuuwi si Migo. "May problema ka ba, Miss Lara?" sa halip ay nananantiyang tanong nito
Lara was supposed to call Uncle George para magpasundo. But at twelve midnight, she found herself beside Chester while crying.Si Tasya dapat, pero out of the country ito bigla. Kaya heto, si Chester ang nagtyatyaga sa kanya. Hinihintay siya nitong matapos umiyak dahil narealize na nitong kahit anong tanong ang gawin nito, hindi niya sasabihin ang dahilan ng kanyang pag-iyak. "I feel weird watching you cry," sabi nito na ubos na ang tisyung paisa-isa nitong inaabot sa kanya mula pa kanina. "First time kitang makitang umiyak and I'm dying to know who the f*ck made you to be like this! This isn't you, Lara!" She felt weird crying in front of him too. Pero anong magagawa niya? Tila balong ayaw nang tumigil sa pagluha ang mga mata niya. Heaven knows she wanted to tell Chester the reason for her tears. But she couldn't bring herself to. Kilala naman niya ito, matalik na kaibigan pa nga ng maraming taon. May tiwala siyang hindi siya nito tatawanan o
Surprisingly, Miguel didn't confront Lara the next morning. Maaga raw itong umalis sabi ni Uncle George.Lihim na nagpasalamat si Lara. Wala kasi siyang dahilang naisip kung bakit late siyang umuwi nang nagdaang gabi. Hiling na lang niya na sana ay hindi naman sa opisina siya nito sermonan. Pagkatapos mag-almusal ay pumasok na rin siya sa trabaho. Mabuti rin na hindi na gaanong namamaga ang mga mata niya. Mukha na lang siyang puyat at hindi dahil nag-iiyak siya kagabi."Lara, ipasok mo 'to sa boardroom," utos sa kanya ni Ashley na bahagya pang nanginginig na iniabot sa kanya ang isang folder. Napaangat siya ng tingin mula sa ginagawang report. "Dalian mo," sabi pa nito.She sighed and accepted the folder. Nakasalubong pa niya si Leonie na yuko ang ulo pagkalabas sa boardroom kung saan ongoing ang executive staff briefing bago ang quarterly Board meeting mamaya.Dahil sa hitsura nina Leonie at Ashley, parang
It was Saturday. Lara's loneliness brought her to Lena's grave once again. Gaya ng dati, sumalampak lang siya sa harapan ng puntod habang kinakausap ang namayapang kapatid. "Hindi ko alam na kapag nagkita pala kami, aaraw-arawin niya akong pagagalitan. Am I a bad girl, ate? Did I fail to make him proud of me kaya ganito siya sa akin?" Tinuyo niya ang luhang nakatakas mula sa pagpipigil niya."Hindi ako iyakin, ate. Alam mo 'yan, 'di ba? Kahit hindi naman ako naalagaan ni Mama, it was fine as long as you're beside me. I miss you…" At gaya pa rin ng dati, hindi na naman niya namalayan ang oras. Nakatulala na lang siya roon dahil ubos na rin naman ang mga sumbong niya sa ate niya. Kaya naman nagulat siya nang maramdamang may kasama na siya sa loob ng mausoleum. It was Migo. Katatanggal lang nito ng sunglasses nito nang malingunan niya. At tila ba first time niyang nakakita ng gwapong nilalang, saglit pa siyang na