Share

Chapter 4

Ally's PoV

Naiinis ako sa bagong assistant secretary hindi alam ngayon kung ikakatuwa ko ba na binigyan ko ng interes ang isang avid fan ko o pagsisihan ko ito. Dahil hindi ko nagugustuhan ang kaniyang ginagawa ngayon.

Tama nga ako noong una na mahirap talaga magkaroon ng first timer na secretary lalo pa at isa pa itong fresh graduate.

Nasa loob ako ng aking office at nakasandal sa aking upuan. Kagat ko ang takip ng ballpen habang nakatingin sa nakasarang pintuan.

Cute si Lexi, hindi ko maipagkakaila na noong una ko siyang nakita ay nabighani kaagad ako sa kaniya. Siguro ay dahil ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa isang fan.

Ano bang iniisip ko?

Marami pa akong nakatambak na trabaho sa aking lamesa at marami pa akong dapat na tapusin. May mga meetings pa ako sa labas na kailangan kong puntahan.

Habang iniisip ko ang aking bagong secretary ay biglang may kumatok. Inayos ko ang aking pagkakaupo at inabala ang aking sarili sa pinipirmahan kong mga papers. 

"Come in," nakayukong sabi ko at hindi na tumingin sa nagbukas ng pinto.

"Sir, naituro ko na po kay Miss De Asis ang lahat ng mga alam ko. Pasensiya na po kayo dahil hindi po nasabi sa kaniya ni Sir James ang protocol. Naibigay ko na rin po sa kaniya ang employee ID niya. Nasabihan ko na rin po siya sa mga dapat niyang gawin. Sa ngayon po nasa office ko po siya sir para turuan pa. Alam ko na mabilis lang matuto si Miss Lexi at mabait siya sir," paliwanag ni Pamella sa akin.

Tumingin ako sa aking secretary. "Talaga bang aalis ka na ng company ko at iiwan ang position kay Miss De Asis? Hindi ko alam kung magtatagal siya ng isang linggo bilang assistant secretary ko."

Tumawa si Pamella sa sinabi ko. Kilala niya ako, maikli lang ang pasensiya ko.

"Sir, itataya ko ang pangalan ko kay Miss Lexi. Magaling siya at alam ko na magagawa niya ang lahat ng mga ipapagawa ninyo sa kaniya. May dalawang araw pa ako para i-guide siya sir. Ibinigay ko na rin pala ang address ninyo kung sakali man na magkaroon kayo ng emergency at may gusto siyang sabihin sa inyo na importante."

"Pamella!" madiin kong binanggit ang pangalan niya.

"Sir, I'm sorry pero mas mabuti po iyon. Anyway, kailangan ko na pong bumalik sa office ko para turuan si Miss Lexi. Remind ko po kayo sa lunch ninyo ni Miss Bianca sa Fortuna Restaurant."

Nasapo ko ang aking noo. Araw-araw na lang may appointment ako kay Bianca. Ilang araw na rin niya akong kinukulit na magkaroon kami ng quality time together pero palagi akong busy sa trabaho. Nasa Singapore pa sina Daddy dahil inaasikaso niya ang company expansion namin doon.

Kailangan ko ring palaging bantayan ang aking Lola Constancia dahil madalas na niya akong hanapin.

"Okay, siguraduhin mo lang na magiging masunurin si Miss De Asis, Pam. You may go," seryosong sabi ko rito.

Umalis si Pamella. Nagbuga ako nang malalim at saka mariing pumikit.

Sana lang talaga ay hindi ko pagsisihan ang desisyon ko.

"SIR ALLY, pauwi ka na po?" tanong sa akin ni Lexi na nakasalubong ko paglabas ko ng aking opisina.

Hindi ko siya pinansin at nagtungo ako sa elevator. Pagkabukas no'n ay sumakay na kaagad ako. Sumunod naman sa akin si Lexi.

"Sir Ally, nagagalit pa rin po ba kayo sa akin? I'm sorry na talaga sir. Hindi ko naman talaga gustong ma-late ako kaso hindi lang ako nakatulog ng maaga dahil iniisip kita."

Nilingon ko si Lexi at nagkunot ng noo.

"I mean, iniisip ko ang trabaho ko sa company mo. Alam ko kasi na wala akong experience sa trabaho kaya naman humihingi ako ng sorry sa kapalpakan na ginawa ko ngayon sir."

Huminto ang elevator at bumukas iyon. Sinundan pa rin ako ni Lexi hanggang sa magtungo ako sa labas ng company.

"Sir Ally, sorry na talaga."

"Miss De Asis, hindi ako tumatanggap ng sorry kung hindi ko nakikita ang bunga ng sorry mo. Kung gusto mong magkasundo tayo kailangan mong tandaan lahat ng sinabi ni Pam sa iyo. Kung mahalaga sa iyo ang trabaho dapat na mag-focus ka sa trabaho mo, maliwanag ba?" seryoso kong tanong sa dalaga na namumula sa harapan ko.

"Opo, sir."

"Marami kang oras ngayon." Tumingin ako sa aking wrist watch na suot. "Eight o'clock pa lang kaya mahaba ang oras mo para pag-aralan ang trabaho mo. Alam kong isa kang fan ko, at hindi dahil fan kita ay maawa ako sa iyo. Trabaho ang pinasok mo at hindi isang manager ng fansclub ko, maliwanag ba iyon Miss De Asis?"

Tumango si Lexi sa akin at para bang nahihiya na tumingin sa aking mga mata.

Dumiretso na ako sa aking sasakyan at sinalubong naman ako ni Manong Celso. Pinagbuksan niya akong pinto ng kotse at umalis na kami sa lugar.

"Sir Ally, siya ba ang bagong assistant secretary mo ngayon?" tanong sa akin ni Manong Celso habang nagmamaneho ito.

Niluwagan ko ang suot kong kurbata at saka tumango.

"Member siya ng fansclub ko," nakangising sabi ko sa matanda.

"Naku, sir. Mukhang crush na crush kayo ng bago ninyong secretary. Mukhang bata pa po siya, sir."

"Alam mo naman na hiwalay sa akin ang lovelife sa trabaho ko. Anyway, kumusta nga pala si Lola Constancia?" malungkot na tanong ko.

"Nakikipaglaro po siya kanina sa mga katulong, Sir Ally. Natutuwa nga po kami ni Ason dahil hindi na po madalas na umiiyak si Donya Constancia. Malaking tulong po na doon na kayo sa mansion tumitira para may kasama ulit ang lola ninyo."

"Kailangan kong bumawi kay lola, Manong Celso, gusto kong maramdam niya na kahit kailan hindi ko siya iiwan. Hindi ako katulad ni Daddy na kahit na alam na may sakit si Lola ay negosyo pa rin ang inuuna niya," malungkot na pagkukuwento ko kay Manong Celso.

Matagal na siyang naninilbihan sa amin at kilalang-kilala na rin niya ang ugali ko. Dahil naging pangalawang magulang ko sina Aling Asun at Manong Celso kaysa sa sarili kong mga magulang.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status