Share

Chapter 14

Binalikan na nila sa ward si Annika, na natutulog pa rin. Nagpaalam si aling Joyce kay Cherry at iniwanan na muna siya ni aling Joyce kay Annika dahil aasikasuhin raw nito ang pagpapalibing sa namatay na sanggol ng kanyang kaibigan.

Nang magising si Annika ay nasa tabi niya na si Cherry Lou na nakaupo sa monoblock chair at nakalugmok ang ulunan sa kanyang kinahihigaan at nakatulog ata sa pagbabantay sa kanya.

Hinawi ni Annika ang buhok ni Cherry kaya naalimpungatan ang dalaga.

"Gising ka na pala, kanina ka pa ba nagising? nakatulog pala ako." ani Cherry na inayos ang sarili at tumayo.

"Kakagising ko lang." sagot ni Annika.

"Kumusta pakiramdam mo? May gusto ka ba? Nagugutom ka ba o nauuhaw ka?" hindi magkandaugagang tanong ni Cherry kay Annika.

"Nauuhaw, medyo nagugutom din ako." sagot muli sa kanya ni Annika.

Pinainom ni Cherry ang kaibigan gamit ang straw at nagpaalam siya kay Annika na ibibili muna ito ng pagkain sa labas.

Pagbalik ni Cherry ay inalalayan niya ang kaibigan at pakaka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
tigas ng puso mo annika kawaqa nmn ng kambal ni baby Ivan...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status