Hinablot niya ako patungo sa kwarto namin, sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa mga braso ko. Naluluha na ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking braso.
"P-Please stop it, Tyrone. Please. Nasasaktan ako." Pagmamakaawa ko dito nang tuluyan na naming marating ang silid ay marahas ako nitong tinulak sa kama dahilan upang mapadaing ako.
Sumunod naman ka agad ito at malakas akong tinulak pabagsak sa aming kama. Mas lalo lamang akong naiyak nang maramdaman ko ang marahas na pagpunit nito sa aking suot na damit. Hindi ko namalayang natanggal niya rin ang pang-ilalim kong suot ng walang kahirap-hirap.
"Saan ka galing?!" he asked angrily. Namumula na naman ang mukha nito. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa kaniyang braso upang patigilin siya.
Ayoko! Please.
"Pumunta ako sa b-bahay-"
"Ng lalaki mo? Ni A
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ang sarap nga ng tulog ko pero ang sakit naman ng nararamdaman ko. Kanina lang pagkatapos kong linisin ang buong katawan ko ay hindi ko na naabutan ang asawa ko rito sa kwarto, kaya natulog na lamang ako.Malalim ang pagtulog ko, ngunit ramdam ko ang paghirap ng paghinga ko dahil sa kakaiyak ko kanina.Iminulat ko ang mga mata ko nang tuluyan nang magising ang sarili ko. Iginala ko ang mga mata ko sa buong silid. Anong oras na ba?Napabuntong hininga ako nang maglaro ulit sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Nagkasagutan kami ni Tyrone. Sa buong taon naming pagiging kasal, iyon ang unang beses na nasagot ko siya at inilabas lahat ng saloobin ko. I felt relieved but at the same time, kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka paglabas ko ngayon ay bubungad sa akin ang galit nitong mukha.Inangat ko ang sarili ko sa hig
Hindi ako nito pinakinggan at nanatili lang ang mga mata sa braso ko. Kinakabahan ako. Paniguradong magagalit na naman ito at baka mayamaya'y uulitin na naman nito ang ginawa niya sa braso ko.Napalunok ako sa sariling naisip. Ilang segundong nanatili ang kaniyang mga mata sa braso ko pagkatapos ay binitawan na ito."Wait here." Maikling sabi nito at nagsimula nang maglakad papalayo sa akin.Ginusto ko mang tumakbo at magtago sa kwarto namin. Mas pinili ko na lang na manatili doon sa sopa. Humalukipkip ako doon.Ilang minuto pa ang nakalipas, nakita ko na itong naglalakad patungo sa direksyon ko habang bitbit ang isang puting lagayan.Ano ang gagawin niya? Obvious naman na first aid kit ang dala niya. Pero, tama ba ang iniisip ko?Bago ko pa man maipagpatuloy ang pag-iisip kong iyon. Nagbalik ako sa reyalidad nang maramda
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong wala ang asawa ko sa tabi ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Wala nga akong katabi.Dahan-dahan kong inangat ang aking sarili galing sa hinihigaan kong kama habang nakasuporta ang isang kamay ko pataas samantalang ang isang kamay ko naman ay nakaperme lang sa hita ko dahil paminsan-minsan itong kumikirot. Hindi lang yata simpleng pasa lang ang nangyari rito.Inabot ko ang lampshade sa maliit na mesang katabi ng kama namin at binuksan ito. Hinanap ng mga mata ko si Tyrone.Pagkatapos ng pangyayaring iyon kanina ay umalis siya ng bahay. Gusto ko pa sana itong hintayin ngunit tila'y hinihila na talaga ako ng katawan ko patungo sa kwarto namin. Kaya nakatulog ako.Bahagyan akong tumingala at nakitang alas dos na pala ng madaling araw. Napakunot ang noo ko. Hindi pa siya umuuwi? Nasaan siya?Dahil sa dami
"Uh.."Napadaing ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa likuran ko nang umakma akong ikilos ang katawan ko."Samantha.."Isang paos at malalim na boses ng pamilyar na tao ang nagpagising ng buong diwa ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at hindi nga ako nagkamali, si Tryone nga.Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at takot habang nakatingin sa akin na para bang nagdadalawang isip na hawakan ako. Nag-iwas ako ng tingin dito at ipinalibot ang mga mata ko sa buong silid.Teka, nasaan ako?Napansin ko ang isang bagay na nakakabit sa kaliwang kamay ko kaya roon ko lang nakumpirma ang hipotesis ko. Nasa ospital ako.Anong nangyari?"I'm sorry.." He again spoke that made me look at him.Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero kakaiba ang naging reaksyon ko
"You want to eat some fruits? Marami rito. Kailangan mong magpalakas."Hindi ko ito sinagot at tahimik lang na umiling, bahala na kung hindi niya ako nakita. Umaatras talaga ang dila ko sa tuwing siya na ang nakikipag-usap sa akin.I've been staying here for 5? 6? 1 week? I don't know. Nagsimula na rin akong mabagot dahil sa sobrang katahimikan dito. My phone was left in the house at parati na lang boses ni Tyrone ang pumupuno rito sa silid.Araw-gabi ring bumibisita rito ang doktor upang icheck ako. Sabi niya ay kinabukasan, pwede na raw ako magdischarge dito. Sabi ng doktor ay nagka-back injury raw ako buhat ng malakas na pagkabangga ng likurang bahagi ng baywang ko, at laceration buhat ng gunting na nandoon sa mesa kung saan ako nabangga kaya nagkasugat ang likurang parte ng baywang ko. Kaya siguro nangingilo ang parte kong ito sa tuwing inaangat ko ang likuran k
Kinabukasan, kagaya nga ng huling napag-usapan namin ni Tyrone. I decided to just stay at my home with my parents. Hindi na ako nagpahatid pa sa kaniya dahil ayaw kong makaabala. Tinawagan ko na lang si daddy at sinabing magpapasundo ako sa kaniya, sakto namang hindi siya pumasok sa opisina niya."Ako na ang bahala sa mga gamit mo, anak. Mauna ka na, your mom is waiting for you." paalala pa ni daddy matapos nitong iparada ang sinasakyan naming kotse."Okay, dad. Thank you." saad ko na lang bago tuluyang naglakad papasok sa bahay.Pinagbuksan ako ng mga katulong sa bahay kaya bumugad ka agad sa akin ang loob na sobrang namiss ko na. Galing dito, nakita ko si mommy na makaupo sa sopa na agad din namang tumayo nang magtagpo ang m
"Hello, Sammy? Napatawag ka?" bungad ni Joy nang sagutin niya ang tawag ko. "Ah, Joy. Busy ka ba?" I asked. I was just bored. Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay at umalis sina mommy at daddy for work, mabilis lang naman si mommy dahil bibisitahin niya lang ang shop niya. Nakakabagot talaga. "Oo, Sam. Nagbreak muna kami saglit sa pinagtatrabahuan ko, sakto namang tumawag ka. Bakit?" she answered. Napanguso ako sa narinig. I shouldn't be feeling this since sanay na akong parating mag-isa sa bahay namin ni Tyrone. Pero kasi, sa loob ng mahigit dalawang linggo kong pamamalagi ko rito ay nasanay na ulit ako sa ingay. Hinahanap-hanap ko na
Kinabukasan, matapos ang pangyayaring iyon ay buong magdamag na gising ang diwa ko. Nakaupo lang ako sa kama ko at minsan ay pinipilit ang sarili kong matulog ngunit ayaw talaga. 4AM nang umidlip ako kaya nang idilat ko ang mga mata ko ay tirik na pala ang araw. Napatalon naman ako galing sa kama ko nang makita ko sa orasang alas otso na pala ng umaga. Dali-dali akong bumangon sa kama nang maalala ko ang usapan namin ni Alex kahapon. Mabilis akong nagtungo sa banyo, nagsipilyo at naghilamos na ako bago pa man ako lumabas ng kwarto. Dumungaw ka agad ako sa baba upang tanawin ang sala, hinanap ng mga mata ko sina mommy at daddy, kaso paniguradong nakaalis na si daddy dahil alas otso na ngayon.