Share

Chapter 3

Sa paglipas ng mga araw nakampante na sina Irene kay Tisoy at ganun din ang binata. Yun nga lamang nahihirapan ang kuya niyang ihanap ito ng mapagkakakitaan dahil sa kawalan ng pagkakakilanlan.Mabilis na lumipas ang tatlong buwan para sa kanila. Hanggang isang araw nasira  motor ng kuya niya kaya nag angkas silang magkapatid.

Paguwi nila ng gabi ay nakita nilang nagkakalikot ito ng motorsiklo.Nagulatvman ay hinayaan na lamang nila ito. Masayang ibinalita ni Tisoy na napa start na niya ang ito pero hindi pa okay dahil pumupugak pa at namamatay .

Isang gabi, nagliligpit si Tisoy sa kusina at nanonood naman ng kdrama si Irene habang tinutupi ang nilabhan noong linggo. Panay na ang tingin nya sa relo dahil gabi na wala pa ang kuya niya.

Madalas ay pinaka gabi na ang alas otso pero past 9 na ay wala pa ito. Pinatay na ni Irene ang TV dahil alam niyang magpapahinga  na si tisoy. Lumabas si Irene ng balisa at patanaw tanaw sa gate. Okay kalang ba Ren? bulong ni Tisoy na nasa likod niya rin panay din ang haba ng leeg.

Madalas niyang napapansing sinushortcut nito ang pangalan niya at humahaplos sa puso niya ang isiping nagiging endearment iyon ng binata sa kanya. Umabot ng nag alas dyes ng gabi at panay na ang fidget ni Irene.

"Ren, Relax  baka nasabit ng inuman ang kuya mo alam mong suweldo ngayon nun diba. Sabi ni Tisoy na hinimas himas ang balikat ni Irene.Medyo naramdaman ng dalaga na kinabig siya ng bahagya nito para masandal sa  dibidb nito.

"Halika na sa loob dun mo na lang hintayin ang kuya mo ha." Sabi pa nito na gamit ata ang pinakamalambing nitong tono. Sa mga nakalipas  na araw kasabay ng pagkapanatag ng kalooban ni Irene sa binata unti unti ring nahuhulog ang loob niya dito dahil lang sa mga bagay na ginagawa at ipinapakita nito sa kanya.

Ang mga  simpleng pagaalala nito  kapag pagod siya galing trabaho.Ang mga joke nito ang mga lambing habang kumakain sila. Nitong nakaraang araw lamang ay hinawakan ni Tisoy ang kamay niya ng minsang mapaso siya sa kalan bigla siya nitong nayakap pero saglit lang para lamang biglang natakot tapos ay hindi na nagkanda ugaga sa pagihip ng paso niya na kung tutuusin hindi naman malala nagulat lang talaga siya.

Naulit iyon ng biglang may gumapang sa kanyang  maliit na alupihan sa banyo noon bigla iyong tumakbo at niyakap ulit siya saka labis ang pagaalala sa mukha. Lumayo lang din bigla dahil nakatapis pa siya. At pinagaapakan ang kawawang alupihan

At ngayon nga heto na naman halos iduyan na naman siya ng akbay at paghimas himas nito sa  balikat niya.Parsngvgusto nacnaman niyang pumasok na matatulog sa dibsib nito. Inaamin ng dalaga na  nahulog na ang loob niya dito sa loob ng halos dalawang buwan na palagi itong nakaalalay sa kanya. Papasok na sila ng bahay ng tumunog ang telepono ni Irene.Ang kuya niya ang tumatawag.

"Hello kuya, asan ka? Bakit gabi ka na?" Sunod sunod na tanong ni Irene.

"Hello kayo po ba Irene?" Namutla si Irenre ng hindi ang kuya niya ang sumagot. Napatingin ito kay Tisoy ng may takot sa mga mata. Kaya lalo siyang kinabig nito na halos yakap na.

"Oo si Irene nga ito.Sino sila at bakit hawak mo ang cellpone ng kapatid ko?"

"Ah, ikaw po kase ang nasa speed sa phone niya.Nurse po ako puntahan nyo na lang po si Sir dito sa Pulilan General Hospital.Kasama po si sir sa jeep na nabunggo ng  isang truck na nawalang preno"

Nabitawan ni Irene ang telepono at saka hagolhol ng iyak. Agad naman siyang tuluyang ng niyakap ni Tisoy.Hinayaan siya nitong umiuak muna sa dibdib nito habang hinagagod ng marahan ang buhok niya.

Naramdaman niyang mahigpit ang yakap nito sa kanya may pagdamay at pagsuyo parang may pagmamahal. Pagmamahal? Naisip ni Irene na sumusobra na ang na ang imagination niya at ngayon pa talaga niya naiisip yun sa kabila ng masamang balita tungkol sa kuya niya.

Nang maalala ulit ang masamang balita ay muling lumakas ang iyak ni Irene kaya bukod sa yakap ay ginagap ni Tisoy ang lamay niya at pinisil pisil.

"Tisoy, ang kuya ko... Ang kuya.. paano na ako" umiiyak na sabi ni Irene.

"Hush, tahan na,think positive.Matibay si Kuya mo.Magpakatatag ka ha" Sabi nito at pinunas pa ang luha sa mga mata niya.

"Tisoy puntahan natin ang kuya.Gusto ko ng makita ang kuya"

"Sige magpalit ka na ng damit.Ihahanda ko ang motor.Hindi ko alam kong paano ko naayos basta naayos ko na. Pakiramdam ko may motor ako sa dati kong buhay" Sabi nito.

Wala pang five minutes ay nasa highway na sila. Maingat itong magmaneho kahit mabilis.Baka nga may motor ito dahil mahusay ito sa pagmamaneho. Nenenerbios nga lamang si Irene dahil wala ito licensya pero mas nanginginig siya ngayon dahil sa mahigpit na pagkakayakap niya sa bewang nito.

Hindi kade ito pumayag na sa balikat o sa dulo ng jacket lamang siya kumapit ito mismo ang humatak sa kamay niya at iniyakap sa bewang nito. Pagdating sa hospital ay nabalitaan nila ng totoong nangyari.Naroon pa ang driver ng truck na ayun sa mga naroon ay nakaidlip pero may nangsasabing lasing..

Naabutan niyang nakaratay ang kapatid at sugatan nakabenda ang braso atwala pang malay.

Hindi naman daw ito critical katulad ng iba pero malamang matagalan pa rin sa hospital dahil sa pagkakaipit ng braso nito sa pagitan ng jeep at ng truck nasa harap kase ito nakasakay Posible rin daw na magkaroon na ng deperensya sa braso ang kapatid at hindi na magalaw ng normal ang braso.

Humagolhol na naman si Irene at tulad kanina niyakap na naman siya ni Tisoy ng mahigpit saka  pinunas ang luha at hinagod hagod ang likod.

Umayos ng upo si Tisoy umurong ito saka sumandal sa kama saka siya ulit kinabig pasandal sa dibdib nito.

Sinamantala na lamang ni Irene ang ganung pangkakataon  na may karamay siya sa mga ganitong sandali. Payapa ang kalooban niya habang yakap siya ni Tisoy at ito naman ay tahimik habang hinihimas himas ang braso niya.

Iniyakap ni Irene ang mga kamay sa bewang ni Tisoy at naramdaman niyang humigpit ang yakap nito at dinampian siya ng halik sa tuktok ng ulo. Nagulat siya kaya napatingala siya pero mga titig nitong ubod ng laglit ang sumalubong sa kanya. Hanggang sa namungay ang malalagkit na titig na iyon.

Nabatubalani na si Irene. Nasabik sa halik na naramdaman sa punong ulo at pinangarap na may katugon ang damdaming sumisibol noon pa para sa binata. Tinawid nga ni Tisoy ang pagitang nakahadlang sa kanila. Bumulong muna ito bago ginawa ang naiiisip niya.

"Wag ka sanang magagalit Ren" Sabi  nito at pagkatapos ay lumapat na nga ang labi nito sa labi niyang kanina pa nanghihintay.

Hinalikan na nga siya ni Tisoy, masuyo at may pagiingat. Hindi dampi lamang ang ginawa nito hindi mukhang good night kiss lamang dahil madiin ang halik nito at gumagalaw ang labi nito na tila naghihintay ng sagot.

Ng umangat ang kamay nito para sapuhin ang mukha niya at mas palalimin ang paghalik nadarang na ng tuluyan si Irene at tinugon ang halik na iyon. Nang sumagot siya at lumaban sa halik nito ay lalong naging intense ang bawat galaw ng labi nito mas naging mapusok at nakakalambot ng tuhod ang halik na ginawa ni Tisoy.

Humigpit lalo ang yakap nito at kinabig pang lalo si Irene kaya halos parang nakadapa na si Irene sa ibabaw ni Tisoy. Dalawang kamay ng sapo nito ang mukha niya at mas pinag igihan ang pag halik sa kanya. Tinapos ni Tisoy ang halik kasabay ng isang napakasarap na yakap kay Irene.

"Gusto ko sanang gawin ito magdamag pero maaga pa tayo bukas.Matulog ka na at wag ka na sanang umiyak ha. Good night Ren" sabi nito pero hindi siya binitawan.Yakap parin siya nito at hinagod hagod ang buhok niya at likod para siguro tulungan siyang makatulog.

Hindi na nga namalayan ni Irene  na nakatulog siya sa ibabaw ng dibdib ni Tisoy habang nagtiis naman ng binata sa puwesto nito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
m_🏹
"gagaling din kuya mo Irene,wag kang mag alala."
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status