Taming the Sunshine is one of Deathwish's comeback series and you may support the series by giving your votes! Follow to catch daily updates! Drop a comment and review for more updates! KAMSAMIDA!
Habang si Serena naninibago nga sa ginagawa ni Ryan laban kay Liam. Palagi siyang pinagbabawalan nito na sumama kay Liam at higit sa lahat kung minsan ito ang humaharap kay Liam para sabihin na hindi maaring sumama sa kanya si Serena kung dadalhin lang naman niya ito sa lugar na maaring ikapahamak ng kapatid niya. Wala itong pakialam kung mainis man si Liam sa hindi nga nito pagpayag.Kaya nga nagkasagutan si Ryan at Rozzie noong isang araw dahil nga sa harapan ni Liam, ipinamukha ni Ryan na wag na wag ni Serena gagayahin si Rozzie.“Isang p****k? Tumigil ka sa ginagawa mo sa kapatid ko.” Babala ni Ryan kay Rozzie.“Hoy! Mabuti nga andito ako para ayusan yang kapatid mo!”“Tsk. Hindi siya sasama. Walang sasama sayo Liam.”“Ryan.” Awat naman ni Serena.“Ikaw? Sasama ka sa kanya? Alam kong ayaw mo, hindi ba? Kaya kung ako sayo Serena habang hinaharangan ko ang gagong ito, umakyat ka sa silid mo at magkulong doon!”“Aba naman! Wala kang utang na loob, Ryan!” Si Rozzie… “Alam mo bang…”“Sa
Tinignan niya ang paperbag na siyang Ipinaabot sa kanya ni Liam. Ngunit nang makita niya, maganda ito, at malayong-malayo sa pinasusuot ni Liam sa kanya kapag pumupunta si Night club. Sa katunayan napaka-elegante nga ng damit.Ngunit pakiramdam ni Serena hindi niya kayang isuot iyon.Kung ipapakilala man siya ni Liam sa kanyang pamilya ay kung sino talaga siya. Sa paraan na iyon, bahala na kung rerespetuhin nga siya. Ayaw niyang binihisan lang siya ni Liam para magmukha ngang kalevel niya ang mga taong naroroon ngayon sa occasion.Bahala na…Kaya hinalungkay ni Serena ang kahon na nasa gilid ng silid niya. Hindi pa niya ito nailalagay sa lalagyan dahil nakakaligtaan niya. Ang laman ng kahon na iyon ay mga damit niya na hindi niya ginagamit dahil sinusuot lang ito kung may special na occasion lang din. At halos ng damit na iyon ay yung iniwan sa kanya ng namayapa niyang ina.Sayang naman kasi kung itatapon lang.Nang buksan niya, kaagad na nagsilabasan ang mga ipis.Napa-iling si Serena
Nakatitig si Gabriel sa invitation na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Kailangan niya sabihin kay Atlas ang desisyon niya kung pupunta ba siya sa Golden Wedding Anniversary ng mag-asawang Lim, upang ihanda nito ang lahat.Nakatayo lang si Atlas sa harapan niya.Hangang sa napabuntong-hininga nga si Gabriel. Umangat ang paningin nito kay Atlas.“Tsk. Kapag pumunta ang babaing yun doon, wala akong magagawa kundi pumunta rin doon, hindi ba Atlas?”Napatango naman si Atlas.Sa totoo lang nilalakasan lang ni Atlas ang loob niya. Tumangi kung kailangan. At umiling kung sa tingin niya hindi maari. Iniisip lang din niya ang tungkol sa dalaga at baka nga mahuli ng tuluyan si Gabriel. Baka pagsisihan lang nito sa huli kapag may masama ngang nangyari sa dalaga.“Tss. Mas mabuting mauna ka sa venue para siguraduhin na sumama ang tangang babaing yun kay Liam. Tawagan mo ako kapag dumating siya.”“Yes sir.”At kaagad ngang kumilos si Atlas para ihanda ang lahat kung sakali man ngang pupunta si Gabriel.
Golden Wedding Anniversary…At ipapakilala si Serena ni Liam sa kanyang mga magulang at pamilyang naroroon…Ang tanong ni Serena sa kanyang sarili, sino ba ang hindi kakabahan sa katayuan niya ngayon?Sagad sa buto ang nararamdaman niyang kaba.Parang gusto niyang tumakbo…Lalo na ng tumigil na sa harapan ng isang five-star hotel ang sinasakyan nila.Nilingon siya ni Liam…“Are you ready, my mermaid?”At hindi nagawang magsinungaling ni Serena… Iling ang isinagot niya.At naunawaan naman ni Liam kung gaano nga ka-intense ang situation ngayon ni Serena. Kung siya din ang nasa katayuan nito, kakabahan siya… Ngunit sa ganda ngayon ni Serena, hindi niya kailangan kabahan.“Pwede mamaya na lang tayo pumasok? Kinakabahan ako.”“Hindi mo kailangan kabahan Sera. Napakaganda mo.”Ngumiti si Serena. “Di gagana sa akin ang pambobola mo ngayon, Liam.”“Oo nauunawaan kita. Dapat ka ngang kabahan… pero isipin mo na lang na hindi ka naman nila kakainin. Relaxs lang. Mababait na tao ang parents ko a
“Yow!” Binata na bigla na lamang tinapik ang balikat ni Liam.“Uy pare! Naka-uwi ka na pala. Wala ka man lang pasabi.” Na nasupresa nga talaga si Liam dito. At sa tingin ni Serena mas matanda pa sila kesa dito.“Sayang nga eh, di ka man lang talaga sumunod sa amin. Ang daming chicks doon sa wedding ni Yana!”Na parang hindi napansin nito ang presensya ni Serena.Alam ni Serena na hindi ito impossible. Parang magiging bulaklak lang siya sa may tabi.“Oh… Sino naman itong chicks na kasama mo? Wag mong sabihin panibago mong girlfriend. Ikaw talaga, yow. Di nauubos ang karisma pagdating sa chicks!” Saka tinitigan si Serena at may masaya itong ngiti sa labi.Masiglang inabot ang kamay sa kanya.“Nice to meet you Miss Beautiful. I am Alu…”“Serena.” Napatitig muna siya kay Liam bago nga tinangap ang kamay nito at nakipagkamay sa kanya.“Liam’s handsome cousin.”“Hello.” Kaagad naman na bawi ni Serena ng kamay niya dito.Siniko ni Alu si Liam. “Simple ng girlfriend natin ah. Sign na ba yan ng
“Dumating na ba sila Mom at Dad?” tanong ni Liam sa tauhan na senenyasan nito na lumapit sa kanya.“On the way, approximately five minutes arrival time.”“Malapit na pala sila. Tara Sera maupo na muna tayo doon.”Tumango si Serena at hinayaan nga niya si Liam na dalhin siya sa tinutukoy nitong uupuan nila.Nang biglang may kumuha nang attention ni Liam.“Oh, Liam!” At natigilan si Liam saka naman lumapit sa kanila ang isang napakagandang babae. Sa isang tinginan pa lang isa itong modelo o hindi kaya beauty queen.Nang parang pamiliar ito kay Serena.Kasi naman wala siyang interest malaman kung sino ang nanalong Miss universe kailan lang… Pero parang ang mukha nito ang nakita niya sa balita… Hindi kaya…Ito iyong nanalong Miss Universe sa nagdaan na competition?Biglang napasinghap si Serena.Ito nga.At sa ganda nito… Wala siyang panlaban dito.Isa lang siyang simple… At hindi masasabing maganda o pangit… Dahil simpleng babae lang naman siya.Ito ata ang babaing babagay kay Liam. Baga
Iginaya ni Liam si Serena sa executive table at naroon nga naka-upo ang mga mahahalagang panauhin sa occasion na iyon. Halos lahat nang nakaupo roon nakabusiness suit at tanging ang ina lang at si Serena ang babaing uupo roon. Kaya naman bago pa man sila makalapit…Umiral ang katigasan ng ulo ni Serena…At pinigilan nga si Liam.“Liam… Nakakahiya.”Ngumiti si Liam. “Walang nakakahiya Sera. Dapat nga may confidence ka dahil ako lang naman ang Vice-President ng Wilford Corporation. Walang dapat na ikakaba.”“Kailangan ka doon… Pero ako…” Umiling si Serena. “Hindi. Ngunit pwede naman na iwan mo na lang ako dito. Ayos lang ako. Syempre kailangan niyo sila harapin kasi bisita niyo sila. Di talaga ako doon nababagay maupo.” Madaming dahilan na lumabas nga sa labi ni Serena.Napabuntong-hininga si Liam.“Alam mo Sera wala ka talagang dapat na ipag-alala. Nangako ako sayo na hindi kita iiwan, hindi ba?”“Oo. Pero ayos lang talaga na…”“Shhhh… Tara na. At relaxs lang. Okey?”“Pero… Nakita mo na
Si Justine na sa inaakala ni Serena na may kakayanan lang sa buhay ay hindi niya inaasahan na ito pala ang makapangyarihan na binatang si Gabriel Aquinas.Halos hindi makapagsalita ang dalaga. Hindi parin siya makapaniwala.Gabriel Aquinas…Sino nga ba ang kumukontrol sa kanya? Hindi ba wala? Marami itong kayang gawin… Kahit ano man ang gustuhin nito.At siya?Siya lang naman si Serena Madrid…Anak ng isang di pinalad na porman at ngayon paralitiko. Nabubuhay lang dahil sa kaliwa-kanan na trabaho niya…At di niya inaasahan na magtatagpo ang landas nila ng binatang ito?Halos parang nanlambot ang mga buto ni Serena dahil sa kanyang natuklasan. Lalo na ng magtama ang paningin nilang dalawa. Kaagad naman inilayo ni Serena ang paningin niya sa binata.Nakilala siya nito…At kilala niya ito…Hindi.Hindi sa kilala…Kundi naglustay ito ng oras sa kanya.Oras na napakahalaga nga sa binata…Hinihiling man ni Serena na isa lang itong panaginip ngunit hindi iyon panaginip kahit nga ilang ulit ni
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k
Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma
Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala