Sa kalagitnaan ng masayang pag-uusap nila Scott at Kendall, bigla namang tumawag ang kanyang sakim na ama. Halos pagpawisan na naman siya ng husto dahil dito.
"Natawag ang sakim mong ama?" tanong ni Scott na kitang kita kung paano kabahan si Kendall.
"Scott, sa susunod nalang tayo ulit mag-usap... pasensya ka na at kailangan ko talagang sagutin ang tawag ni daddy!"
"Sige, gusto mo bang ihatid na kita sa shooting?"
"No, magta-taxi na lang ako! Pasensya ka na!"
Dala ang kanyang bag, umalis si Kendall at naiwang mag-isa si Scott. Nang makalayo na si Kendall ay sinagot na niya ang tawag ni Ahron.
"Dad, I am sorry medyo trapik lang po talaga ngayon kaya bigla akong nagmadali!" pagsisinungaling ni Kendall.
Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron na agad sumakay sa kanang sasakyan. "Ang sabihin mo, bastos ka talagang bata ka! Palagi mo na lang akong binibigyan ng kahihiyan, mabuti na lang talaga at maunawain si Ma'am Madelyn sa pambabastos na ginawa mo!"
Napatungo si Kendall sa pangsesermon ng kanyang ama. "Sorry dad, medyo nagmamadali lang po talaga ako! Nandiyan pa po ba kayo sa restaurant?"
"Sa tingin mo? Mabuti na lang talaga at nakuha ko na ang downpayment nilang 5 million kaya sigurado nang ikaw ang bibida sa pelikula ni Madelyn!"
"Ano po? Nagdown na sila?"
"Oo naman, at tsaka nga pala, ang sabi sa akin ni Madelyn, napapansin daw niyang tumataba ka at nababahala siya kaya hindi ka na puwedeng kumain ng karne sa bahay, bibilhan din kita ng gym equipment para hindi ka na-"
"Pero hindi po ba't nasa Fitness Center ako ngayon? Wala naman po akong problema dito eh!" pagpuputol ni Kendall sa kanyang ama.
"Talaga ba? Baka naman ginagamit mong dahilan 'yan para makipagkita ka sa lalaki? Tapatin mo nga ako, nagsisinungaling ka ba sa akin?"
Tinodo na ni Kendall ang kanyang pagsisinungaling para pagtakpan ang namumuong magandang samahan nila ni Scott. "Dad, pramis wala po talaga akong itinatago ngayon, nakatutok lamang po ako sa trabaho ko!"
"Gayunpaman, may pagdududa pa rin ako sayo Kendall!"
"A-ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Pag-usapan natin 'yan pagdating mo dito sa bahay! Tinext ko na rin si Ma'am Madison at ine-expect nila na paparating kana, tatawagan ko rin siya mamaya para ikumpirma kung talaga bang nagpunta ka sa shooting at hindi ka lihim na nakikipagkita sa lalaki!"
"Teka p-"
Hindi pa tapos magsalita si Kendall ay agad na siyang binabaan ng telepono ni Ahron. Nagpara si Kendall ng taxi at naupo ito sa likuran.
"Manong pakibaba po ako sa Manila, sa may intramuros po!" sambit ni Kendall. Hindi naman nagsalita ang driver, bagkus at nagdrive lamang ito papunta sa destinasyon na pupuntahan ni Kendall na halos tulala at iniisip ang kanyang naging kapalaran. "Sana pala hindi na lang ako naging si Kendall, ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, kailan kaya ako makakawala sa sakim kong ama? Mangyayari pa kaya 'yun? Si Scott na lang talaga ang natitirang pag-asa ko, hindi puwedeng mawalay na naman kami sa isa't isa!"
Napatingin ang driver sa salamin nito sa taas at tila ay namukhaan niya si Kendall. "Madam, para pong kilala ko kayo ah? Hindi po ba't kayo si Kendall?" Nakangiting sabi ng driver.
Itinigil muna ni Kendall ang kanyang pagmumuni muni at napakamot na lang ito sa ulo sa gulat. "Ano ba 'yan, ako ko naman perfect ang disguise ko!" pabirong sabi niya sa driver.
"Nako, puwede ba naman 'yun? Eh idol na idol ko po kayo eh!"
"Salamat naman po," nakangiting sabi ni Kendall na tinanggal ang kanyang shades. "Wag po kayong maingay manong, male-late po kasi ako sa shooting ko ngayon!" mahinang sabi ni Kendall.
"Wag po kayong mag-alala, hindi naman po ako ganoong tao! Grabe sikat na sikat na po talaga kayo ngayon... siguro proud na proud po sa inyo ang tatay ninyo!"
Bahagyang sumimangot ang mukha ni Kendall, bagay na napansin ng driver kahit na nagmamaneho ito.
"Oh, bakit parang hindi po kayo masaya? Hindi po ba't malapit kayo sa tatay ninyo? For sure naman akong wala kayong masyadong nagiging problema dahil may pera kayo... hindi kagaya namin na kailangan pang mamasada para lang may maipakain sa pamilya namin!"
Naalala na naman ni Kendall ang mukha ng kanyang ama kapag ito ay nagalit, kaya naman mas pinili na lang niyang sakyan ang sinasabi ng driver. "Opo nga eh, sobrang proud po ang tatay ko and supportive siya sa akin, sa katunayan nga po marami kaming t.v sa bahay at puro palabas ko po ang madalas na pinapanood!"
"Alam niyo po, ang swerte talaga ng buhay artista, mayaman, maraming pera, sikat at maraming kaibigan!"
Pinabulaanan naman ni Kendall ang maling prinsipyo ng driver. "Eh sa totoo lang po, Manong driver, hindi porket artista kami, eh parang mala fairytale na ang buhay namin!"
"Oh, eh bakit naman po? Eh nasa inyo na nga ang lahat kung tutuusin eh! Kung maganda lang sana ang anak ko kagaya ninyo, hindi ako magdadalawang isip na isali siya sa pageant!"
"Mas maganda po siguro kung mag-aaral po muna ang anak ninyo, manong! Base kasi sa karanasan ko, hindi kasi maganda kung uunahin nila ang paghahanap buhay!"
"Nako, gastos lang naman ang pag-aaral tapos pag naka graduate, minimum lang naman din ang sasahurin nila tapos mag-aasawa at iiwan ang taong tumulong sa kanila para makapagtapos sila!" pagdadahilan ng driver. "Kaya nga sa totoo lang, isang anak lang ang gusto ko para naman magaan sa bulsa," dagdag pa niya.
Nanggigil pero nagtimpi si Kendall, nakikita kasi niya ang ugali ng driver at ng kanyang ama na walang pinagkaiba. "Hayaan niyo po, kung saan naman kayo mas masaya, ang importante naman dito eh kumakayod kayo para sa anak ninyo!"
"Pero siya nga pala, express way ang dadaanan natin para makaabot ka sa shooting mo... baka kasi hindi ka makaabot sa shooting tapos ako pa ang sisisihin mo!"
"Hindi naman po ako ganoong tao, manong... sa katunayan nga po, mas gusto ko nga ng mas mabilis na biyahe!"
"Pero bakit nga po pala kayo nagtaxi? Wala po ba kayong kotse?"
"Meron po pero nagkataon lang kasi na nagmamadali po ako kaya nag taxi na lang ako!"
"Ah okay po, pagbalik po ba magtataxi pa rin kayo?"
"Hindi na po siguro, baka kasi gabihin ako and magpapasundo na lang po ako sa driver namin!"
Dalawang oras ang nakalipas, sa wakas ay nakarating na si Kendall sa shooting. Sinalubong siya ng kanyang personal assistant na si Magie at kanyang manager na si Madison."What took you so long?" sambit ni Madison."Pasensya na po kayo, Ma'am! Medyo trapik lang po kasi talaga ng-""My ghad! Gasgas na 'yan palusot mo iha... galit na galit sayo si Direk Mat, tapos sinabayan pa ng tatay mo... marami tayong kailangang ishoot for today, a!"Dumeretso sila sa dressing room kung saan inayusan ni Magie si Kendall. Inihanda naman ni Madison ang script ni Kendall at patuloy pa rin nitong sinesermonan ang kanyang alaga."Pati ako nadadamay sa pinag-gagawa mo Kendall, dati hindi ka naman ganyan! Lumalaki na yata ang ulo mo porket ikaw na ang pinakahighest paid actress!"Hindi man makalingon si Kendall dahil nagreretouch siya, sumagot naman ito at itinanggi na nagiging mayabang na siya. "Pasenya na po kayo, Ma'am! Sadyang nakaka pressure lang po kasi talaga and hindi naman po nangangahulugan na na
CHAPTER 9"Ganun talaga, as a Direk salo ko lahat ng pressure sa work kaya one problem after another ang nireresolba ko... anyway, let us go to the other scene, dadating ang boyfriend mong si Miguel dala ang kotse niya ang magtatanan kayong dalawa, marami ang mga maritess sa paligid ang magchichismisan pero hindi mo sila papansinin!""No problem po direk, memorize ko na naman ang gagawin ko eh!""Okay, pero this time wala munang iyakan! Kung ano ang nakasaad sa script, yun ang susundin natin!""Maliwanag po direk!"Inayos na nila ang mga camera sa labas, naka ready na rin ang mga extra at si Joshua na kasalukuyang gumaganap bilang boyfriend ni Kendall. Naging matiwasay naman ang kanilang shooting at walang naging problema, naging hit ang teleserye ni Kendall at nag trend ito nang ipalabas nila ang eksena. Subalit hindi talaga maiiwasang may pumunta lalo na't ramdam na ramdam nila ang hugot ni Kendall sa kanyang ama. Nagtrending sa social media ang hashtag true to life hugot ni Kendall
CHAPTER 10Kahit pilitin ay hindi makatulog sila Bethy at Lea dahil rinig na rinig nila na sagutan sa pagitan ni Kendall at Ahron. Malapit lamang kasi sila sa kusina kaya hindi maiiwasan na marinig nila ito."Kendall, alam mo ba na nakakatanggap ako ng mga messages sa social media account ko ng dahil sa ginawa mo? Paano ang gagawin ko? Gugustuhin mo bang ipahamak ang sarili mong ama?""Dad, sorry na po! Hindi ko naman po intensyon na gawin 'yun, ang sabi lang naman po kasi sa akin, paghusayan ko lang naman po ang bawat eksena, wala naman po akong kinalaman sa bagay na 'yan!"Hindi na tumalab ang sorry at ang nakakaawang mukha ni Kendall sa kanyang ama. "Alam mo gasgas na ang sorry mo na 'yan Kendall! Akala mo ba na hindi ko alam na walang iyakan nang magsagutan kayo sa swimming pool? Pero bakit ka pa rin umiyak?"Pilit na nagpakumbaba si Kendall sa kanyang ama. "Dad, hindi po ba't kakasabi ko lang po, hindi ko po talaga intention na gawin 'yun pramis!""So paano ang gagawin natin ngay
Kinabukasan, umattend si Kendall sa presscon para sa teleserye nilang "Ikaw lang ang mamahalin," at kasama niya ang buong cast nila at ang kanyang ama na nakaupo sa kanyang tabi sa makati kung saan maraming fans ang nanonood habang kasalukuyan silang ini interview ng kanilang tv network."Okay Kendall, how does it feel na kinabog mo ang mga katapat mong mga teleserye?" tanong ng DCE reporter.Hindi nagyabang si Kendall, bagkus ay nanatili lang itong humble, kabisado na kasi niya ang media at madalas, sa kanila talaga nanggagaling ang mga issue. "Ahh, wala naman po kasi kami talagang competition, kaming mga artista kasi magkakaibigan naman po talaga kami sa totoong buhay and marangal lamang po kaming nagtatrabaho!" nakangiting sabi niya."Pero siyempre nalulungkot ang mga fans dahil matatapos na ang iyong teleserye, may mga upcoming movies ka ba na dapat naming abangan? Mga bagong endorsements?"Bigla namang sumabat si Madison at siya ang sumagot ng tanog ng DCE reporter, "actually may
Naghiyawan ang mga tao nang makita nila si Kendall na suot ang gold na gown. Nagsimula nang kumanta si Kendall ng breakfree ni Ariana Grande, bagamat aminadong sintunado siyang kumanta, pinilit niya pa rin hanggang sa maitawid niya ang gabing ito. Nagmistulang fiesta ang naging opening ng resort at hating gabi na ng makarating sila sa bahay. Parehas na pagod si Kendall at ang kanyang ama na si Ahron na pinilit magmaneho kahit pa lasing na lasing ito. Pero hindi magawang dapuan ng antok si Kendall dahil sa nasasaktan ito na makita si Scott sa piling ng ibang babae. Pinalitan kasi ng kanyang ama ang kanyang cellphone at sim card, may mga kasama siyang mga bodyguards kahit saan man siya mag punta kapag hindi niya kasamna ang kanyang ama kaya nawalan sila ng communication ni Scott.Kaya naisipan ni Kendall na gumawa ng dummy account para mag-stalk kay Scott at nakumpirma nga niya na mayroon na itong girlfriend. Kusang pumatak ang luha sa kanyang mga mata, mas masakit pala kapag nakita mo
Mabilis na nag chat ulit si Scott. "Pero teka lang, paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa girlfriend ko?" pagtataka ni Scott."Ahh, kasi kanina sa mall, nakita kita na may kasamang girl and ang sweet sweet niyong dalawa so I assume na kayo and hindi naman ako nagkamali ng hinala!""Talaga? Pasensya ka na nanood kasi kami ng movie kanina and nagmamadali kaming lumabas. Pero by the way, nakitulog kasi si Karen dito sa bahay and nagkataon na ako ang may hawak ng cellphone niya!""Natulog siya sa bahay mo?" pagtataka ni Kendall."Oo, pero wag kang mag-alala, wala namang nangyari sa amin. Nagkataon lang na wala pa siyang matutuluyan sa ngayon and siyempre hindi ko naman ipagkakait ang bahay ko sa kanya kasi hindi naman siyang ibang tao!""Katabi mo ba siya ngayon?""Nasa labas ako ng bahay ngayon... mahirap na at baka magising siya, selosa pa naman 'yun at mahilig magpalaki ng gulo!"Naging kampante naman si Kendall na maaagaw niya si Scott kay Karen lalo na't siya ang gusto ng binata.
Hinawakan ni Scott ang mga kamay ni Kendall at nagpunta sila sa gitna upang makisayaw. Dahan dahan niyang hinawakan ang mga baiwang nito. Medyo nagkailangan man sa una, pero parehas na nawala ang kanilang hiya dahil sa parehas na rin silang nakainom ng maraming alak. Mas naging mainit ang kanilang sayaw nang tumunog ang careless whisper na paborito ng ama ni Scott."I like the music very much, 'yan ang palaging pinapatugtog ng tatay ko before and I would say na masyadong seductive ang tugtog!" sambit ni Scott habang isinasayaw si Kendall.Hindi naman sinasadya subalit paborito rin pala ito ng tatay ni Kendall."Really? Parehas pala tayo ng tatay, yan din kasi ang madalas ipatugtog ni daddy noong maliliit pa kami and honestly medyo ngayon ko lang talaga na realize na totoong seductive ang kanta!"Niyakap bigla ni Scott si Kendall ng mahigpit. "I love you, Kendall... I hope na wag ka nang umalis sa piling ko!"Napayakap rin naman ng mahigpit si Kendall kay Scott at aminado ito na guston
Hinawakan ni Scott ang mga kamay ni Bella at dinala niya ito sa malapit na motel para mag check in. Pagpasok nila sa loob ay nanghingi ng I.D ang receptionist sa kanila. Agad namang ibinigay ni Bella ang kanyang I.D sa receptionist at siya rin ang nagbayad. "Room 201 po ang room ninyo sa second floor, pinakadulo!" sambit ni receptionist sabay abot ng sukli. "May libre po tayong sabon sa loob ng motel at may free condom rin po na may sizes na large, small, extra small para iwas dagdag population po, malinis po ang room at wala pong surot, ipis, daga, at higit sa lahat mamboboso!"Umakyat na sila Scott at Kendall sa second floor at nakita nila ang room 201 sa pinakadulo. Bago pa man sila magtalik, binulungan ni Scott si Kendall. "Lalaspagin kita!"Hindi na napigilan pa ni Scott ang tawag ng kanyang laman at sinunggaban ng halik si Kendall ulit sa lips. "Ilabas mo ang dila mo, Kendall!" Nilabas ni Kendall ang kanyang dila at sinipsip ito ni Scott. Sa sobrang init ni Scott ay naramdama