Share

CHAPTER 17

Umalis kaagad ang mga kasambahay. Hindi pa nakuntento si Ahron at hinawakan na naman niya ang ulo ni Kendall. "Wala ka talagang modong bata ka, palibhasa kasi hindi ka tapos sa pag-aaral...!"

"Dad, bakit niyo po nagagawang pagtaksilan si Mama? Hindi po ba't kasal kayong dalawa?"

"Matagal nang wala ang nanay mo, Kendall! Ikaw na lang ang hindi nakaka move on sa pamilya natin... hindi naman puwedeng hindi ako maghanap ng katuwang sa buhay, lalo na kapag kagaya mo ang anak... baka kapag uugod ugod na nga ako eh bigla mo na lang akong patayin!"

"Kahit ano pa ang sabihin mo, dad. Hinding hindi mo mapapalitan ang nanay ko... manloloko ka!"

Sinampal na naman ni Ahron si Kendall. Nagpasya na si Analyn na mangialam sapagkat naawa siya sa kalagayan ni Kendall.

"Sir Ahron, ikalma niyo po ang sarili niyo, artista si Kendall at magtataka ang public kapag nakita ang mga pasa niya sa mukah!"

Lumingon si Ahron kay Analyn. "Kayang kaya 'yan takpan ng make up, at tsaka hindi ako magagawang ipahamak ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status