Share

CHAPTER 4

-

KINAUMAGAHAN sa mansion ng mga Taté bumulaga sa kanila ang balitang rerematahin na ang mansion kapag hindi pa sila nag bayad ng 68 Million pesos sa bangko para sa utang nito sa casino.

"Pa-paano mo ginawang collateral ang mansion sa utang mo sa casino at sa bangko pa talaga?!" tanong ng ginang sa kanyang asawa.

"Ano gusto mo mapahiya ako sa mga tao dahil wala na akong Pambayad?!" galit na tanong ni Caezar Taté sa kanyang may bahay.

"Dad, may pera ako sapat yun para makabayad tayo sobra pa nga!" wika ni Catleyah sa kanyang ama.

"Anak pera mo ‘yan pinaghirapan mo yan.." wika ng ama nito

Umiling naman ang anak nitong dalaga at nag salita. "No dad, okay lang kikitain ko pa yan sa kumpanya ko." wika nito.

Bumuntong ang ama nito at tumango. "Sige puma-payag na ako anak, pero ibabalik ko din ito sa'yo." sagot ng ama ng dalaga.

Tumango naman ito at nginitian ang ama, hindi lingid sa kaalaman nila na may mas malaki pang kahihiyan ang bubungad sa kanila.

MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO."Yaya paki bukas naman yung TV." utos ng ginang habang kumakain ito sa kanilang sala.

Pababa naman ang anak nitong si Catleyah upang pumasok sa opisina nito. "Mom, alis na po ak----" naputol ang sasabihin niya ng makita niya ang mukha ni Hayes sa TV.

"Isa sa mga kilalang pamilya ang Ferguson Family hindi lang dahil sa mayaman sila, kundi dahil sa mga likha nilang dekalidad na building at furniture. Balitang balita na naka laya na ang batang bilyonaryo na ngayon ay CEO and President ng H.C Builders!" narinig nilang pagbabalita ng babaeng anchor.

"Mas mayaman sila kesa sa atin mas kilala sila kesa sa atin. Ikalawa sila sa pamilya na kilala din sa bansang ito ngunit mga walang mukha." wika ng ina ni Catleyah.

"Mom, wala pa tayo sa yaman ng pamilyang yan?" tanong nito sa kanyang ina.

Lumingon naman ang ginang sa anak nito. "Oo anak, pero kung mayaman ito bakit hindi nito nagawang bilhin ang batas noon para pumabor sa kanya?" pagtatakda ng ginang.

-

CATLEYAH CHLOE TATE

"Kung ganun Mommy? Sadya kayang hindi siya lumaban para lang makita sino ang tunay niyang kakampi?" tanong ko kay mommy.

Bago pa ito maka sagot nag salita agad ako at umupo sa tabi nito. "Mom, remember si Dad at ang magulang ni Hayes ay dating magkaibigan noon noong nasa college pa sila? Kaya mom, noong ginawa natin ang scheme na 'yun hindi kaya?" tanong ko kay mommy.

Napa tingin si mommy sa akin at nanlaki ang mata nito. "Ibig sabihin, sinadya niya ito para magantihan tayo?! " gulat na tanong ni mom sa akin.

Tumango ako at nang makita ko ang oras nag mamadali akong nag paalam at umalis na ako agad dahil late na ako.

-

HAYES COX FERGUSON

Naka cross arms lang ako habang kaharap sa aking harapan si Mr. Taté. "Bakit ka ba bumalik? Para ano hiyain ang pamilya ko?" tanong nito.

"Hiyain? Bakit ko naman gagawin yan? Kung tungkol sa balita yan wala akong ki----" he cut me off before i finished my words.

"I know ikaw ang gumawa non! Sinabi sakin ng tao ko umamin kana lang! H*yop ka! Ito lang ba kaya mo para gumanti sa'kin?!" galit na tanong nito.

Natawa na lang at umiling. "Ito? Ganti na para sa'yo? Hindi pa ito ang ganting ibibigay ko at ipapataw ko sa inyo." malamig kong sagot dito na kina laki ng mata nito.

"Umalis ka na sa harapan bago pa kita ipa-kaladkad sa mga security ko." utos ko dito na kina gulat nito.

Tumayo ako at tiningnan ito ng malamig diretso sa mata nito. "Natatakot kana sa maaaring kong gawin? How about you sold your daughter to me? Tingin ko maganda diba?" tanong ko dito at nginisian ito..

"Subukan mo galawin ang anak ko, ako makakalaban mo! Ibabalik kita sa kulungan kung saan ka nababagay!" banta nito na kina tawa ko ng pagak.

"Go ahead sue me, i will sue you too sa kasong ano? Kasong pandarambong o pag nanakaw ng pera ng parents ko? How about that? I have a solid evidence na mag didiin sa inyong angkan na pinike ninyo ang pirma ko!" mahabang pag babanta ko dito na kina atras nito.

Natawa naman ako at nag lakad ako upang lagpasan ito, nang maka lapit ako nag salita ako. "Isa pang guluhin mo ako o guluhin ako ng mag ina mo, ako magiging sanhi ng bawat kamasalan ninyo sa buhay niyo. Tandaan mo yan..." putol ko at binuksan ko ang pinto ng opisina ko.

"In 5 minutes pagbalik ko dapat wala ka na dito." huling sabi ko at lumabas na ako. Nag tungo ako sa kabilang kwarto at doon ako muna tumambay kahit saglit lang.

Kinuha ko ang remote ng tv dito at binuksan ko yun, pinanood ko mula sa CCTV ang pag alis ni Caezar Taté. As long na gustuhin ko na agad silang pag bayarin, ngunit masyado pang maaga.

"Makikipag laro muna ako ng apoy. "nakangisi kong wika at umalis na ako muli at bumalik sa aking trabaho.

Nang maka balik ako sa opisina ko nag umpisa na ako na ayusin ang aking trabaho, marami pa rin ang alangan sa akin dahil sa ex-convict ako. Pero wala akong pakialam, as long nagtatrabaho ako ng maayos at hindi ko sila ginagalaw.

"Mr. Ferguson, nag set ng lunch meeting si Miss. Catleyah Taté sa inyo. "bungad ng secretary kong si Mariah

Napa hawak ako sa baba ko at tiningnan ito, "Para saan? Anong dahilan?" tanong ko dito.

"Hindi po sinabi ang dahilan, dito daw po kayo mag kita. Ikaw lang daw po." sagot nito at nilapag sa aking harapan ang maliit na papel na siyang nag sulat sa address at pangalan.

Kinuha ko ito at binasa, "Malapit lang ito dito, sige pupunta ako. Salamat!" pasasalamat ko dito.

Tumango ito at umalis na, wala naman din akong meeting ngayon kaya may free time ako. Muli akong bumalik sa pag ta-trabaho hanggang mag tanghali na.

Tumayo na ako upang siputin ang babaeng yun. Kinuha ko ang susi ng Lamborghini Aventador ko at lumabas na ako ng opisina ko, tinanguan ko ang sekretarya ko at sumakay na ako sa sarili kong elevator.

-

CATLEYAH CHLOE TATE

Naipag siklop ko ang kamao ko habang kabado ako na hinihintay si Hayes, ang totoo hindi ko alam bakit ako nag set ng ganitong lunch mas lalo na at malapit na akong ikasal.

Hanggang sa bumukas pinto na kina tingala ko, agad nag salubong ang kilay ko. "Who are you?" tanong ko sa lalaking ito.

"James Micro Tan. Pinadala ako dito ni Hayes hindi daw siya makaka punta may importante siyang lakad. " pakilala nito sa akin at nilahad pa nito ang kamay niya.

"A-ah.. Catleyah Cholé Taté. Actually wala naman importante ang gusto kong sabihin, gusto ko lang siyang makausap ng personal." pag amin ko.

Tiningnan ko na tumango lang. "Okay aalis na ako mukhang hindi nga importante. Oo nga pala pinapasabi niya na ayaw niyang nasasayang oras niya at wala ka sa listahan niya na kailangan pag laanan ng oras." mahabang wika nito na kina tulala ko.

"Wha-what he was just say??" tanong ko ng maka recover ako sa gulat.

Napa hawak ako sa dibdib ko ng nakaramdam ako ng hiya. Doon ko napag tanto na maraming naka tingin sa akin. "Grabe, isang Taté pa naman siya tapos ganyan siya umasta? Nakakahiya!" narinig kong wika ng babae.

Napa yuko ako at mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng restaurant kung saan kami dapat mag lunch meeting ni Hayes.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at doon hindi ko mapigilan hindi pumatak ang luha ko. Ito ang unang beses na napahiya ako ng ganun.

Talagang nawala ako sa katinuan, natatakot ako na gantihan ako ni Hayes alam ko na gaganti siya at natatakot ako para sa sarili ko at kila mommy and daddy.

Nag drive ako pauwi sa bahay, hindi naman yun ganun kalayo dito sa restaurant na napili ko. Pagdating ko sa mansion agad akong bumaba at pumasok sa loob.

"Yang walang hiyang Ferguson na yan? Pinahiya at tinakot ang daddy mo! Ito ang unang beses na may nang hiya sa pamilya natin!" galit na salubong ni Mommy sa akin.

"Why what happened?" tanong ko sa kanila.

Hangang ikwento na ni daddy ang pagkikita nila at ang mga sinabi ni Hayes sa kanya. Nakaramdam ako ng galit sa lalaking yun.

"Anong karapatan niya para sabihan ka at pag bantaan ka niya? Tingin niya ibebenta ko sarili ko sa kanya?!" galit at sunod sunod kong tanong.

"Kumalma ka anak, sa ngayon hayaan na muna natin siya, dahil kapag dumating ang araw ng aking kaarawan. Iimbitahan ko siya at doon ko siya gigisahin." wika ni Daddy at niyakap ako nito.

"You're right Darling , nandito ako para suportahan ka sa lahat!" wika ni mommy.

Ngumiti ako at niyakap ang magulang ko. "Ako na lang daddy ang mag asikaso ng kaarawan mo malapit na yun diba?" tanong ko kay daddy.

Hinawakan nito ang baba ko at tumango. "Gusto mo ba? Sige, ikaw ba ang bahala." pag papa l-ubaya nito sa akin.

Niyakap ko ito at nag salita. " Ako na bahala dad, leave it to me I'm sure magugustuhan mo yun!" pag mamalaki ko.

Tumawa naman silang dalawa na kina tuwa ko. Kahit pa anong gawin ni Hayes lalaban kami sa kanya, we don't want to end this battle without a fight.

-

HAYES COX FERGUSON

"Siraulo ka talaga, nandito ka lang pala hindi ka na lang nagpakita pre." bungad sa akin ni Micro.

Nilingon ko ito saglit at nakipag kamay sa may ari ng restaurant. "Maraming salamat Mr. Ferguson!" pasasalamat nito

Tumango lang ako at tinalikuran ko na ito. "Masaya din makipag taguan at ipagdamot sa kanila ang mga bagay na inaasahan nila." makahulugan kong wika dito at nag lakad na ako.

"So, balak mo ba na mag umpisa na pahirapan sila?" tanong nito sa akin habang palabas kami ng restaurant.

"Sa ngayon, hindi na muna mas maganda yung pa unti unti. Kahit may plano na ako gusto ko parin dagdagan." sagot ko at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at ganun din ito.

"So, balitaan mo na lang ako ha? Wala sila El Mayor nasa Singapore para mag bakasyon." sagot nito na kina ngisi ko naman.

"Then I'm happy for them, pakisabi ingat sila. Hindi ka ba susunod?" tanong ko naman dito bago buksan ang sasakyan ko.

Umiling ito at nag salita, "Hindi, dito lang ako para samahan ka sa laban mo muna. Dahil matatagalan sila doon." sagot nito.

Dahil doon napa tango ako. "Okay thank you, una na ako." paalam ko. Tumango ito at kinawayan ako.

Mabilis ko pinaandar ang sasakyan ko pauwi ng bahay ko, nang nasa gitna ako ng traffic binuksan ko muna ang maliit na TV ng sasakyan ko.

Doon ko nakita ang pag wawala ng Fiancé ni Catleyah, ngumisi ako ng nagawa na ng maayos ni Micro ang gusto ko.

"How can I calm down huh?! You stup*d idi*t! Wala ng laman ang mga credit ko card ko!" sigaw nito sa kanyang Fiancé.

Nasa isang exclusive bar sila at doon ito mismo nag wala, alam ko ang nangyayari na yan. Dahil ako ang may dahilan bakit siya wala ng pera ngayon.

Pinadala ko sa ama niya ang bank statement ng anak niya na nag nanakaw sa kumpanya niya mismo. Ngunit bilang anonymous na tao, pinatay ko ang TV at pinaandar ko na ang sasakyan ko.

"Sa susunod mas malala pa ang gagawin ko, patikim pa lang ito." bulong ko.

-

CATLEYAH CHLOE TATE

"Tama na please David! Please tama na wag ka kayo kumuha pa ng video!" sigaw ko sa mga tao na kumukuha ng video habang nag wawala si David ang Fiancé ko.

"Let's go na David!" utos ko dito at hinila ko ito ng buong lakas ko.

"Si daddy lang ang may kaya gumawa nito!" sigaw nito ng makarating kami sa labas.

"I said stop it David! Stop embarrassing us pwede ba kahit ngayon lang tumigil ka sa pag wawala! Hindi naman ni Tito gagawin yun kung wala kang ginawa!" singhal ko dito.

Tumahimik naman ito at nag lakad kaya sinundan ko ito. "Babe!" tawag ko dito at sinundan ko ito.

"I'm sure alam na ni dad ang ginawa kong pag nanakaw sa kumpanya niya." wika nito na kina laki ng mata ko.

"What?! Magnanakaw ka sa sarili mo pang ama?" tanong ko dito.

Nilingon ako nito. "What? I need money for my own needs." sagot nito.

Napa nga-nga naman ako at umiling, "Uuwi na ako. " paalam ko at umalis na ako agad.

Tinawag pa ako nito pero hindi ko ito nilingon, bakit ko ba pakakasalan ang taong yun? Oo nga pala sa merger ng kumpanya naming lahat.

Magpapakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman gusto, na pinilit sa akin. "Ayoko!" malakas king sigaw at pumasok na ako sa sarili kong sasakyan. Pag pasok ko agad kong tinawagan si Daddy.

Nasa opisina pa ito, ang aga pa pero si David na sa bar na agad, ganito naman ito lagi. "Dad, please ayoko mag pakasal kay David Von Macorro please, he's a thief sarili niyang ama at kumpanya pinagnakawan niya!" bungad ko daddy.

"Fine, pag usapan natin yan dito sa bahay." utos nito kaya naman binaba ko na ang tawag ko at mabilis akong umuwi

-

HAYES COX FERGUSON

"Mr. Ferguson gusto ka imbitahan ng pamilya Taté for the dinner tomorrow sa kanilang bahay." wika ng sekretarya ko.

Nandito na ako sa bahay ng tumawag ito sa akin. "Para saan? Una anak niya ngayon pamilya na niya? Isa bang senyales ng Cygnus ito?" tanong ko naman dito.

Narinig kong tumawa ito bago mag salita. "Tinanong ko po Sir, ang sabi lang ay dinner lang daw at may sasabihin daw sila sa'yo." mahabang sagot nito.

"Okay sige sabihin mo pupunta ako. Send me the address and time." sagot ko at pag payag ko. Hindi ko alam saan bahay ba? Sa ninakaw sa akin o sa sarili nilang bahay?

"Okay po Sir copy." sagot nito at binaba na ang tawag nito.

Napa iling naman ako at nilingon si Nanay Andeng "Mukhang makikipag ayos na sila sa'yo." wika ni Nanay sa akin.

Umiling ako at kinuha ko ang hawak nitong bowl of chips. "Isa lang ang gusto ko manang, pagbayarin nila ang lahat ng ginawa nila. Wala akong pakialam sa ibang bagay.." sagot ko at umupo na ako upang mag trabaho ulit.

Tumango ito at nilapagan ako ng tubig nito. "Sana hindi ka mahulog sa babaeng naging dahilan ng pagbagsak mo." maka hulugan na wika nito at iniwan na ako.

Pwede ko naman gawin lahat, handa naman ako sa gusto nilang gawin. Merger but for wedding? Pwede naman.

Basta kukunin ko parin ang gusto ko, yun ang goal ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang tao ko na nag ta-trabaho sa mansion ng mga Taté.

"Balitaan mo ako kung anong pag uusapan ng pamilya na ‘yan ngayong gabi at bukas, bago ako dumating." bungad kong utos dito ng sagutin nito ang tawag ko.

"Sige po Sir, gagawin ko po. Kung hindi ako maka tawag itext ko na lang po." sagot nito.

"Kahit ano pa yan, mag iingat ka." bilin ko dito at binaba ko na ang tawag ko.

Matagal na akong may tao sa loob ng mansion. Lahat ng dating nag trabaho doon ay umalis na. Ang isa ay bumalik dahil inutos ko sa pamamagitan ng kanang kamay ko.

Para magkaroon ako ng teinga at mata sa loob ng mansion ng magulang ko. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit na nararamdaman ko.

Ang laban na ito ay hindi ko lang laban, sisiguraduhin kong pag babayaran nila ang lahat ng kasalanan nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status