Share

Kabanata 1

Naunang lumabas ng limousine si Owen. Inayos niya ang kanyang tuxedo. Hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mata. Marami ang natuon ang atensyon sa kanila. Nang mahulaan na ang sakay ng magarang limo ay si Ryder Sable. Nag unahan ang mga reporter na kumuha ng picture sa sikat na negosyanteng si Ryder.

Binuksan ni Ryder ang pinto ng limo. Saka ibinaba ang paa. Pagkatapos ay lumabas ng limo. Dahan dahan siyang humarap sa maraming taong naghihintay sa kanya. 

Panay ang flash ng maraming camera sa kanya. Ang ilang reporter ay pilit na gustong makalapit kay Ryder para magtanong. Inuunahan ito ng mga civilian niyang bodyguard na nakapalibot sa kaniyang sasakyan.

Naglakad si Ryder sa red carpet. Kasabay ang kaibigan niyang si Owen. Nagmamayabang ang gandang lalaki ni Ryder ngayong gabi. Nakadepina ang tangos ng ilong nito. Ang mga matang kulay brown na animo'y isang banyaga. Ngunit, purong Pilipino ang kanyang mga magulang. May manipis na mapulang labi na kay sarap halikan. At ang kanyang panga na parang nililok sa sobrang perpekto.

Napasinghap sila ni Owen nang may biglang lumapit sa kanilang reporter. Lalapit sana ang bodyguard niya. Nang itinaas ni Ryder ang kamay upang pigilan ang mga ito. Saka, tumango na hayaang lumapit ang reporter sa kanya.

"Mr. Ryder Sable, what will you say about sa lumalabas na balitang you don't have a heart to anyone? Masyadong matigas ang puso mo sa lahat ng empleyado mo. And lastly, can you tell us about sa estado ng puso mo ngayon? Marami ang nag aabang sa sagot niyo tungkol dito. Dahil bali-balita na umaaligid ang anak ng Presidente sayo." mga tanong ng reporter sa kanya. Saka itinapat ang mirponong hawak niya kay Ryder.

"Puro chismis lang ang mga iyan. My employee will tell kung inaagrabyado ko sila. And I must say, that they will leaved my company if I'm not a good employer to them. And about Carmina, she is my brother's friend not mine. Thank you." direktang sagot ni Ryder. Saka mabilis na naglakad papasok sa loob ng hall. Hahabulin pa sana siya ng reporter para muling magtanong. Nang pinigilan na ito ng kanyang mga bodyguard.

"Who is Carmina to you? Wala kang ikinukwento sa akin na babae mo ang anak ni Pres. Nicholas." bulong ni Owen.

"She is just no one. At hindi ko siya babae."

"No one? Anak ng Presidente. Oh my gad! Ryder, she is so beautiful and sexy. Maganda nga iyan nang magkagirlfriend ka na. At nang lumambot ang puso mo sa lahat."

Wala siyang alam na babaeng na karelasyon ni Ryder. Masyadong malihim ang kaibigan niya sa kanyang buhay. Hindi din niya Pinipilit na mag-open ito sa kanya tungkol sa kanyang private life.

"Stop lecturing me. You're not my mother. Saka, I know who I want and I don't want, Owen. Can you please stop bugging to my lovelife? May mas importante pang bagay kesa sa lovelife ko." aniya. Wala nang ginawa si Owen kundi ang pakialaman siya. Pati ang pagkakaroon ng girlfriend ay gusto niyong panghimasukan. 

He is just twenty five. May oras ang pag ibig. Sa ngayon, hindi pa puwede. He is still not get over about his past. Na ayaw na niyang maulit pa o maalala pa.

Nakaupo si Ryder na umiinom ng scoth. Si Owen ay nawala na sa tabi niya. Mukhang nakakuha na nang lalandiin. Kaya parang bulang naglaho ito sa tabi niya.

"Sir, do you want drinks?" tanong ni Devyn. Hawak niya ang tray na may mga basong may lamang iba't ibang inumin na alak. Umiling ang lalaki at itinaboy siya. 

Napasinghap si Devyn. Puro mayayaman ang mga andito sa party at mga kilalang personalidad. Tinitiis na lang niya ang pagtataas ng kilay ng mga babae kapag nakita na ang suot niyang uniform. Kahit nga mga lalaki ay masasama din ang mga ugali. 

May nag-alok sa kanya ng trabaho. Waiter at isang gabi lang ay may dalawang libo na kaagad siya. Puwede pa siyang makakuha ng tip kung maganda performance niya sa trabaho. Puwede na ito sa isang gabi. Malaki na ang dalawang libong extrang magiging sa kanya. Pandagdag din iyon sa pambili ng gamot para kay Divina. Bukas ay muli siyang maghahanap ng trabaho. At sana ay makakita na siya ng regular na trabaho para hindi siya palipat lipat pa.

Hanggang kailan ba ang mga problema niya? Wala na bang katapusan ang pagsubok na kanyang susuuing? Pinalis niya ang mga luhang pumatak sa mata niya.

"Give me one glass of scotch." kuwit sa kanya nang lalaking humihingi ng alak sa kanya.

Napaangat si Devyn ng kanyang ulo. Sa tangkad ng lalaking iyon ay para siyang batang nasa harapan nito. Natulala siya nang makita ang guwapong mukha nito na kunot ang noo. Kahit na parang galit ang mukha ay guwapo pa din. Kasabay ng pagtulala ay napaawang ang labi na parang tutulo ang laway niya. Sobrang bilis na nang tibok ng puso niya na hindi niya mawari kung bakit.

"Sh*t, ang guwapo niya. Parang anghel sa langit. Teka, patay na ba ako?" usal niyang tanong sa isip.

Kunot noong tinignan ni Ryder ang babaeng nasa kanyang harapan. Nanlaki ang mga mata nang mamukhaan ang mukha nito. 

"I said give me a scotch!" pabulyaw na utos ni Ryder. Nataranta si Devyn at agad na ibinigay ang isang baso na may may lamang alak.

"Sorry, Sir." panay ang pagyuko niya na humihingi ng paumanhin sa kanyang inasal.

"Next time, do your work. Hindi iyong tumutunganga ka." cold na sambit ni Ryder.

Muling yumuko si Devyn. "Sorry po talaga, Sir. Hindi na po mauulit." dispensa pa niya.

"Alright. Just go and leave." matalim ang mga matang pukol ni Ryder.

Tumalima si Devyn at mabilis na umalis. Nagmamadaling pumasok sa loob ng lounge para sa mga waiter ng party. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi pa din nawawala ang kabog ng dibdib niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

"Kalma self. Hingang malalim." usal niyang pagpapakalma sa sarili. Saka humingang malalim at bumuga ng hangin.

Amg daming guwapo sa party. Subalit, sa isang tao lang siya nagkaganito. Anong bang nangyayari sayo, Devyn? Guwapo lang iyon, pero kapareho din siya ng maraming mayayaman na masama ang ugali.

Alas dos ng madaling araw natapos ang party. Nagsimula na silang magligpit. Kahit pagod ang katawan ni Devyn sa katatayo ay hindi niya iyon ininda. Pagkatapos nito ay pupunta siya sa ospital para siya naman ang magbantay sa kapatid niya. Pasalamat siya sa matandang kumupkop sa kanila. Dahil hindi niya sila pinapabayaan. Sadya lang kay hirap ng buhay. Mapait para sa tulad nilang mahihirap. 

Samantala... Si Ryder ay halos hindi mapakali. Simula ng masilayan ang mukhang iyon ay bigla siyang nabalisa. Napansin ni Owen ang pagkabalisa ng kaibigan niya. Nasa loob na sila ng limo at pauwi mula sa party.

"What's happening to you, Ryder?" tanong ni Owen. 

"I see her, Owen."

"Sino?" nagtaka siya sa isinagot ni Ryder sa kanya.

"You will not believe it but I saw Devyn." sambit na wika ni Ryder. She just saw Devyn. And she is wearing a waitress uniform. Anong ginagawa niya sa party?

"Devyn? Who is Devyn?" nakataas ang isang kilay niya ng narinig ang pangalan ng babae. 

Napatingin bigla si Ryder kay Owen. Kahit na magbestfriend sila ay may mga bagay na hindi pa din alam si Owen tungkol sa kanya. At iniingatan niyang hindi nito malaman ang lahat tungkol sa kanya.

"Forget about it. Baka namamalikmata lang ako. I don't know her." may diing tanggi ni Ryder sa kaibigan. Pinipilit ang sarili na mali ang taong nakita niya. Hindi si Devyn ang nakita. 

Nagkibit balikat na lamang si Owen sa sinabi ni Ryder.

Ryder go home to his condo. Simula nuong tumuntong siya ng twenty ay bumukod na siya ng bahay sa parents niya. He loved being independent. Walang sakit ng ulo. Kung anong oras siya uuwi ng bahay. Walang naghihintay at isa pa nagagawa niya ang lahat ng gusto niya.

Ala una ng madaling araw nang makauwi sila. Hindi na nila tinapos ang party. Madali lang siyang mabagot kaya inaya na niyang umuwi si Owen. Ang kaibigan niya ngayon ay may kasamang babae sa bahay niya. May nakasunod na palang kotse sa kanila. At sa babae ni Owen na nakuha niya sa party.

Iba siya kay Owen. If he need someone to release. He called his personal assistant. At siya na ang bahalang maghanap para sa kanya. Like what he wanted. He want she is clean and gorgeous. At ang rule's niya. Hindi puwedeng lumabas sa publiko na may nangyari sa kanila ng isang gabi.

Tapos ng maligo si Ryder hindi pa din siya dalawin ng antok. Binabagabag siya ng mukhang iyon. Ang inosenteng mukha na matagal na niyang kinalimutan.

"Devyn Piper. Five years ago since the day I left you. Kataka takang hindi mo ako kilala. What happen to you? Bakit hindi mo ako maalala? I need to find out by myself why." usal niyang tanong sa sarili. Hindi niya alam sa paglipas ng limang taon ay muling magkukrus ang landas nilang dalawa. 

Limang taon na ang nakakaraan nuong makilala niya nang hindi sinasadya ang babaeng hindi niya inakalang magpapatibok sa puso niya.

They said he is heartless. A cold hearted Chairman. Ni minsan ay hindi pa nakaranas na magmahal at may matigas na puso.

- Flashback - 

Ryder Dad died. At nasa isang bar siya naglalasing. Hindi niya matanggap na maagang kinuha ang kanyang Ama dahil sa sakit. And he just came back to the Philippines. Dahil sa Amang may sakit. Ngunit, bangkay na nang kanyang abutan. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong makausap ang ama at humingi ng tawad sa lahat.

Sising sisi siya na nagmatigas siyang hindi umuwi kaagad. Hindi niya akalaing igugupo ng sakit ang malakas na katawan ng Daddy niya. Katwiran niya, he didn't fight for him. Hinayaan niya ang taong iyon na saktan siya. Hinayaan ng Mommy at Daddy niya na mangyari ang lahat ng iyon sa kanya. Sa loob ng sampung taon. Pilit niyang inalis sa puso at isip niya ang lahat. Ngunit, bigo siya. Hanggang ngayon andoon pa din ang sakit. Ang lahat ng pasakit niya. Hindi pa din nawawala. 

But, he loved them so much. He loved his Dad. Umiiyak na ibinato ni Ryder ang bote ng alak na kanyang iniinom.

Lumabas siya ng bar at naglakad lakad. Nakarating siya sa isang park. And then sa mismong lugar na iyon gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya. Ngunit, bigla siyang napahinto sa pag iyak nang may isang mainit na haplos ng kamay ang dumapo sa kanyang balikat. 

"Mister, okay lang po kayo?" napatunghay si Ryder sa babaeng humawak sa balikat niya. Kakaiba ang haplos nito sa kanya. Maganda ang ngiti na nasisinagan ng liwanag ng buwan ang bumungad sa kanya. 

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya. Saka tumango ng ulo. Tumabi ito ng upo sa kanya.

"Okay lang po iiyak ang lahat. Kung masakit na, iiyak mo lang. Huwag mong kimkimin sa loob mo. Baka sumabog na 'yan kapag masyado mong kinikimkim." sabi nito kay Ryder. Nakatingin lang si Ryder sa tantiya niya ay matanda lang siya ng tatlong taon. 

He find peace in his heart. Dahil sa lambing ng boses nito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Kung paano nagawang gawing kalmado ang kanyang naramdaman ngayon. Bigla siyang napangiti.

"Anong ginagawa mo dito? Masyado nang gabi. Delikado na para sa isang katulad mong babae ang nasa kalsada pa." bata pa ito at mukhang maganda. 

"Nagtitinda po ako ng balot. Baka gusto mong bilhin lahat para makauwi na ako." muling nasilayan ni Ryder ang matamis na ngiti nito sa labi. Tunaw na Tunaw ang puso niya.

Napangiti na din si Ryder. Binili nga niya ang lahat ng tinda 'nung dalagita. Saka inihatid niya ito sa bahay nila.

"Salamat po sa paghatid." tatalikod na sana ito nang may pahabol pang tanong si Ryder.

"Anong name mo, Miss? Kanina pa tayo magkausap. Hindi ko pa alam ang pangalan mo."

Nilingon siya nito at ngumiti. "Devyn Piper po." sagot ng dalagita sa kanya at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng bahay nila. Ni hindi man lang nag-atubiling tanungin kung anong pangalan niya.

Napakamot si Ryder sa ulo niya. Saka ngumiti.

"Devyn Piper."

    

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status