SUMMER POV: “Alam mong gagawin ko yan kahit hindi mo sabihin.” Pinahid niya ang luha ko. “Ang anak ko…” umiiyak din ang tatay ko. “Ang maganda kong anak…” humagulhol ito, hinahaplos ang mukha ko, “akala ko hindi na kita makikita uli. Salamat at nakilala mo ang asawa mo. Nakabalik pa ako dito at nakasama ko kayo uli.”Niyakap ako ng tatay ko, mahigpit. At umiyak kami sa balikat ng isa’t-isa.Hindi na ako nahiyang ibuhos ang sama ng loob ko. Daig ko pa ang batang nagsusumbong ng mga bagay na hindi ko masabi na dinaan ko na lang sa pag iyak.“May hihilingin din ako sa yo, Summer, anak.”“Ano po yon?”“Mangako kang hindi ka mag aalala sa akin at sa kapatid mo. Mangako kang mabubuhay ka nang tahimik dito habang wala kami. At mangako kang hindi ka gagawa ng kahit anong bagay na hindi namin alam. Na dito ka lang hangga’t hindi kami nakakabalik ni Jojo. Mangako kang magtitiwala ka sa akin at sa magagawa namin para sa ‘yo.”“Opo. Nangangako ako.”“Ibabalik ko siya sa ‘yo nang ligtas. Iuuwi k
SUMMER POV:Kailangan ko pa ng mga pruweba na hindi siya simpleng sidekick lang ng kasambahay.At panahon lang ang makakapagsabi no’n.“Maganda yong idea ni Eli. Pak na pak yon. May mamahalin akong camera,” si Helga. “Puede kaya akong mag apply na photograper mo?”Nag iisip pa lang ako nang mapatayo si Eli:“Oh, wow!” Pumalatak siya mula sa harap ng laptop. “May orders na ang isa sa yong designs! Sabi sa comment, mag usap daw kayo sa messenger!”“Talaga?” Dumukwang ako sa screen ng laptop niya. “Ang galing naman!”“Paki-check ang messenger mo, Ma’am!”“Ay, masaya yan!” Si Helga. Nakisilip sa phone ko habang binubuksan ko ang app ko.Nagmamadali ang aking mga daliri, hindi makasabay sa mabilis na tibok ng puso ko.Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng sariling negosyo.Baka ito na ang tamang panahon.Camila Olivares ang pangalan ng buyer sa messenger. Dumeretso muna ako sa fb profile, sa timeline, nag scroll ako kung legit o dummy account lang.Binuklat ko rin ang mga albums sa fb
LYNDON POV: Dahil lumaki akong mayaman, sheltered, spoiled, privileged, natanim sa isip ko na kontrolado ko ang lahat. Na mapapaikot ko ang mundo sa loob ng palad ko o sa isang pitik ko lang makukuha ko ang gusto ko. Pero hindi pala. Kung mayaman ka, mas may mayaman sa yo. At kung masama ka, mas maraming tao ang mas demonyo kaysa sa yo. Mga taong walang limitasyon at hindi kumikilala sa Diyos. Huli na nang malaman ko yon base sa personal na karanasan. Sa mabilis at masakit na paraan. At kahapon lang. Nang makilala ko si Tatiana, wala akong alam sa grandparents nito. Hindi rin nito nabanggit minsan man at para ngang iniiwasan nito. Hindi ko rin lang alam kung bakit namuhay silang nagtatago ng mom nito mula sa mga yon. At nasagot ang tanong na yon sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Nagulat ako nang harangin ako ng tatlong SUV sa mismong labas ng bahay na ito nang pupuntahan ko sana si Dr. Robles para kausapin. Hindi ko makakalimutan ang oras na yon. Mabuti na lang talaga at h
LYNDON POV: “Huwag mong hangarin na maramdaman ang sakit na pinagdadaanan ko, hijo. I swear to God, gagawin ko ring impyerno ang bawat araw mo. Lahat ng taong malapit sa yo, isa-isa silang mawawala. Mabubuhay ka at mamatay ka nang nag iisa at ganon din ang lolo mo. I won’t make it easy for you.” Sabay niyang ibinayo ang mga kamao sa kamay ng upuan. “It’s war.”Natigilan ako. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ayaw makipagkita sa akin ng lolo ko. Posibleng siya rin ang dahilan. Baka nasa panganib rin ang lolo ko at hindi lang sinasabi sa akin dahil sa kapareho ng aking dahilan: nag aalala ito sa kaligtasan ko.Baliw ang matandang ito.Wala akong atraso kay Tatiana.Ano pa ang kinalaman ko sa buhay nila?Sila ang nanghihimasok sa buhay namin!“Ano po ang gusto ninyong gawin ko?”“Simulan natin sa ganito: Bibigyan kita ng 24 oras para sisantehin ang guards mo at mga kasama sa bahay. Mananatili sa poder mo ang mga tauhan ko hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng
SUMMER POV:Menela, sariling version ng slang ng ‘Manila’ ng mga tagarito.Nasa rooptop ako ng bahay, nagre-review ng designs na bubuuhin ngayong araw nang matanaw ako ng anim na taga amin na papunta sa palayan.Halos may hamog pa sa labas at nagsisimula pa lang sumilip ang Haring Araw.Alas Siete naman ng umaga ang pasok ng mga mananahi para simulan ang orders. Tatawagan ko si Helga para pangunahan na iyon.May konting puntong Batangeño talaga sa ibang panig ng San Luis. Normal yon dito.Kagawad ang unang bumati sa akin, si Aling Lori. Mabiro. Bilyaka, sa salitang Quezon o tagalog. Uso dito ang green jokes. Iiyak ka talaga kung pikon ka. Kailangan, marunong kang magbitaw ng biro, sumakay o manahimik kung hindi mo kayang sabayan.“Ngayon na ho ba?” Sigaw ko kahit ilang dipa lang ang layo nila sa ibaba ng bahay. Mas malakas na sigaw, mas paggalang para sa matatanda. Kabastusan kung bubulong ka at hindi nila maririnig. “Ay, halika muna po kayo at magkape! Gagayak lang ho ako!” Hinayo
SUMMER POV:Hindi magpapatalo si Jojo. “Ay, nasalubong lang namin kasi ang nagtitinda niyan sa kalye. May alam akong espesyal niyan pero hindi itinadhana na magkrus ang aming landas!” Bawi ng kapatid ko. “Hayaan ninyo, sa susunod na luwas ko, hahanapin ko yong buko pie na may konting harina!”Tawanan uli.Bumulong si Lyndon. “Sagutin mo nga ako, Mrs. Santiago, uso ba ang appreciation sa mga tagarito?”“Hindi sa paraang alam mo, pero yan ang paraan nila ng pasasalamat. Biro lang sa amin ang pagsasabi ng totoo. Kaya walang nagtatanim ng sama ng loob. Kung may gusto kang sabihin—daanin mo sa biro para walang gulo.” Kinabig ko siya padikit sa aking tabi. “Alam mo, marami ka pang hindi alam sa bayan namin. Pero sa lugar na ito, ligtas ka, kaysa sa Manila. Ang mga tao dito, buhay ang kapalit ng pagsisinungaling. At buhay din ang gantimpala sa nag iingat sa pamilya at mahusay makisama.”“Hindi ko dati maintindihan pero nage-gets ko na kahit paano.”“Sa mga araw na darating, kung makikihalo-
SUMMER POV:“Ay, di ikaw ang maglakad at bumili sa Menela!”Tawanan. “Bakit naman iinom pa ng gamot? Yakapsul at kisspirin la-ang ay sapat na!”“Ay, sa asawa ko, pagka inabutan mo ng pera, walang sakit-sakit ng katawan! Gigiling yaan!”May nagsimula na ngang kumanta ng masayang dance song. Nag iindakan na ang mga kababaihang nagtutuksuhan. Siniko ko si Lyndon na tahimik na naglulubog ng binhi ng palay sa malambot na putik. Seryoso. “Hey, okay ka lang ba?”“Ito kasi, oh,” bulong niya sa akin, inginuso ang hanay ng palay. “Nagmamadali ako. Bakit ang bilis nilang magtanim kahit nagbibiruan? Naiiwan tayo kahit bilisan ko!”Napatawa ako. “Hindi ka mananalo sa mga yan. Sandali,” itinuwid ko ang likod niya at ipinihit ko paharap sa mga hanay ng magtatalok sa katapat naming pitak ng palayan. “Tingnan mo, hanay-hanay sila. Parang sabay sa tibok ng puso. At kapag may nahuhuli, pinupunan ng ilang mas mabilis sa kanila. At tayo, saling pusa lang dito. Naka-dalawang mata na sila ng palayan. Ta
SUMMER POV:Hinila ako ni Lyndon papasok sa kubo. Kinabahan ako dahil akala ko nanakawan ako ng halik pakabila sa dingding, yon pala iuupo ako sa kawayang bangko at luluhod sa isang tuhod, iniangat agad ang pants ko. Sa bilis niyang kumilos, inatake ako ng kaba at naging regular na mabilis ang tibok ng puso ko.Ang pagiging sumpungin niya at pabigla-bigla, nagugulat pa rin ako.Ang sarap ng pakiramdam nang ganito, espesyal.Siguro, kung wala siyang malalim na iniisip, mas lalo na. Nararamdaman kong may pader sa aming dalawa at may bagahe siya na duda ako kung kaya niyang aminin sa akin.Katunayan, wala pa ni isang taga San Luis ang nagbiro sa kanya mula nang siya ay dumating kaninang umaga hanggang ngayong malapit nang magtanghali.At dahil sa malalim niyang iniisip, kahit unang araw ng trabaho sana sa tahian, isinugal ko na.Nagbakasali ako na mapapasaya siya isa man sa mga taong makakasalamuha niya dahil bago kami ikasal, madalas siya napapatawa ng mga mapagbiro. Lalo na yong kala
SUMMER POV:Kinabukasan, ako na ang unang pumunta sa tatay ko para naman hindi mapahiya nang sobra ang asawa ko.“Tama lang naman na ilagay niya sa ayos ang mga taong nasira niya ang buhay. Lalo na ang mga karaniwang tao na walang malalapitan kapag nagigipit. Kasi ang mga taong walang wala at nakakaranas pa ng matinding pang aapi, hindi na sa tao lumalapit kapag nawalan na ng pag asa, sa Diyos na nagsusumbong at yon ang mabigat. Nakakatakot ang palo ng Diyos. Hindi yon matatakasan ng kahit sino. Kaya dapat lang na maingat tayo sa pakikipag kapwa. Hindi palaging sarili ang iniisip. Dahan-dahan sa pagbibitaw ng salita lalo na kapag mainit ang ulo. Mas matalas talaga ang dila kaysa sa matalim na espada. Dapat mahalin din natin ang iba kung paanong mahal na mahal natin ang ating sarili at sariling pamilya. Dahil sa mundong ito, hindi lang kayamanan ang naiiwang pamana sa mahal natin sa buhay. Minsan, kahihiyan, galit, sama ng loob at paghihiganti ng mga taong hindi kayang magpatawad.”“
SUMMER POV: Matagal kami sa posisyong yon. Pinagagala ang mainit niyang bibig sa mukha ko, sa pisngi, sa lahat ng kanyang maabot. At ganoon din ako sa kanya.Sa loob ko, matigas pa rin siya at halos hindi lumambot.Kinarga niya ako pasaklang sa balakang niya. Sumayaw sa hangin ang itim na roba na nakabalot pa rin sa makapangyarihang bulto ng kanyang katawan.“Hindi pa ako sa yo tapos.” Dinadala niya ako sa gitna ng malaking sofa. “Sulitin natin ang pang aakit mo.” Inilatag ako pahiga, hinahawi palayo ang mahaba kong buhok na kumapit sa pawis ng aking mukha. Isinagad ang ulo ko sa armrest ng sofa. Sa pwestong hindi ako makakawala.“Dapat ba akong magsisi?” Malambing kong tanong sa kanya.Hindi. Dumaan yon sa mga mata niya. Natutuwa siya, pilyo ang ngisi.“Dapat lang na ginagawa yan ng mga babae. Hindi laging lalaki ang nag-i-initiate ng sex. Wala ng tatalo sa pakiramdam na gusto ninyo rin kami sa kama. Na kailangan ninyo kami. Napaka-astig no’n at swerte ko dahil kaya mo yong gawin.
SUMMER POV:Nakita kong isinubo niya ang dalawang daliri at maingat na ipinasok sa loob ko habang nakatitig sa mga mata ko. Nag urong-sulong saka binalikan ang nipple ko na tayong tayo.Napakagat ako sa aking labi, nang pumalibot doon ang kanyang bibig saka mariing sumipsip. Nangatal ako sa ligaya, buong katawan sa puntong mahirap tiisin ang sarap kaya napadaing ako.Walang sawa niyang ginawa ang sabay na pag ulos sa pagkababae ko at pag angkin sa mga dibdib ko. Bigla ang pagdating ng bayolenteng panginginig sa katawan ko at nakaraos ako, impit ang mga sigaw.“Ngayon na…” kumikiwal ako sa ibabaw ng mesa, init na init pa rin ako. “Gusto kong angkinin mo ako ngayon na.” Nagmamakaawa na ako.“Hindi,” humampas sa balat ko ang napakainit niyang hininga, sa ibabaw ng aking matambok na dibdib, nagbagsak siya ng halik sa ibabaw, sa gilid, iniikutan ang tuktok, dinadarang ako. “Kung magkakapasa ang pagkababae mo ngayon, matagal bago makabawi dahil katatapos lang ng mens mo. Puede yon kung m
SUMMER POV: “Nahihiya ako sa sarili ko kapag naalala kong nagagawa ko yon kahit saan at kahit kaninong babaeng matipuhan ko.” Masuyo niya akong tinitigan. “Pero ngayon pa lang, sasabihin ko sa yo at kailangan mong tandaan—sapat ka at higit pa sa kailangan ko ang naibibigay mo. At mahal na mahal kita, my angel.” Hinagod ng daliri niya ang upper and lower lip ko. “At ang mga labing ito, hindi ko nakikita bilang aprubadong butas para sa p********k. These sweet lips of yours are meant to be kissed like this.” Hinalikan niya ako nang mas masuyo, mapusok. Mainit at humihigit. S********p sa aking namamagang labi. “Dito lang ako nakakarinig ng magagandang bagay. I don’t want to fuck your mouth, Mrs. Santiago. Your cunt is so much for me.." Parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya tungkol sa oral sex. Hindi ako makapag isip dahil nag iinit ako kung paano niya ako binubunggo ng pagkalalaki niya habang nakaposisyon siya sa pagitan ng mga hita ko. Siniil uli ako ng halik habang inilalapat ak
SUMMER POV: Pero bakit hindi siya tumawag man lang gaya nang dati? “Hey,” bati ko, itinutukod ko ang isang tuhod ko sa pagitan ng mahahaba niyang hita na bahagyang nakabuka sa pagkakaupo. Nakadausdos pababa ang katawan at basta na lang ang posisyon sa sofa, medyo slant, pahiga. “Masakit ba ang ulo mo?” May problema ba? Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa dibdib sa halip na sumagot, nakapikit. Bagong ligo siya at umabot sa ilong ko ang bango ng kanyang bodywash at after shave at sumikdo ang pangangailangan ko sa kanya. Sa sobrang busy niya na parang may mga deadline na hinahabol, ilang araw kaming hindi nagtalik. Dumaan pa ang period ko kaya baka sexually frustrated na siya. “Hey,” bulong sa akin. “Kamusta ang araw mo?” Sumaklang ako sa kandungan niya, “Mabuti,” inayos ko ang puwesto ko paharap sa kanya, kinuha ko ang kamay niya na nakadikit sa kanyang noo. Matitigas yon at tensyonado kaya awtomatikong nagmasahe ang mga kamay ko. Pero ang pagod niya, parang hindi pisik
SUMMER POV:“Naku, kasumpa-sumpa raw,” ginitgit ko ang asawa ko para makaupo ako sa tabi ni Lolo, nakipagpalit na ako ng upuan pero hinagkan ko muna sa pisngi. Kinuha ko ang tasa ng salabat niya at ininom ko ang kalahati. “Worth it po ang lasa nito. At para hindi kayo mahirapan at mabigla, konti lang muna ang ilalagay ko, one is to one, tapos may asukal.” Nagsasalita ay nagmi-mix na ako ng bagong timpla para sa kanya. Natural sugar ang ginamit ko, walang bad side effect, stevia. Mahal kumpara sa commercial na asukal pero iwas cancer na rin. Yon din ang dinala ko sa bahay ni tatay dahil may pambili na ako. Saka ko iniabot sa kanya. Pinanood ko siyang tikman yon.“That’s better,” bulalas niya, tumatango at nasisiyahan. Binitiwan ang folder ng kung anong papeles.Pinisil ng asawa ko ang kamay ko. Tahimik na sinasabing ang galing ko dahil napasunod ko na naman ang lolo niya. Pinatakan ako ng halik sa sentido.“So, sa weekend, aakyat po ba tayo sa busai?” Todo-ngisi ako. Hinahamon ko t
SUMMER POV:“Sinundan ko siya,” sabi ng asawa ko, nilapitan kami ni Craig habang naglalakad. “Hindi kasi siya nagpaalam sa akin. Kay tatay David lang.” May himig ng pag aalala sa kalmado niyang tinig.Nagkamay ang dalawa, saka tahimik na naghiwalay.“Masama ba ang mood mo? May nangyari ba?” Tanong niya sa akin, inaalalayan ako papasok ng sasakyan.Bumagsak ang luha ko nang maisara niya ang pintuan ng sasakyan. Naaawa ako kay Helga. “Ngayon ko naisip na mahalaga pala ang tracking device. Sana alam ko man lang kung nasaan na siya.” Para akong mababaliw sa pag aalala dahil hindi dapat nagkalayo sina Lola Maria at Helga. Nasa mga huling araw na ang lola niya at kung walang matinong mag aalaga, baka mas madaling mamatay ang matanda.Ano ang gagawin ko?“Matapang si Helga, sweetheart. At matalino. Kahit saan siya makarating, magiging okay lang siya.”“Tingin mo?” Nakatingala ako sa kanya. Alam ko naman yon pero kailangan ko talagang marinig. Matiyak. Sa dami ng pagkakataong iniligtas, bina
SUMMER POV:KINABUKASAN, binisita ko si Lola Maria at inabutan ko siya sa balkonahe, sa kanyang tumba-tumba. Medyo matamlay at malungkot siya at matagal na akong nasa paligid bago niya napansin.Isa ako sa iilang tao na hindi tinatahol ng kanyang mga alagang aso, hindi bababa sa anim o walo. Mga askal pero disiplinado.Maingat akong naglakad palapit sa kanya, nagdala ako ng adult milk na paborito niya. Yon ang madalas na pinag iipunan ni Helga kapag sumasahod sa wine bar na pinagtatrabahuhan sa bayan.May kamahalan kung wala kang maayos na trabaho. Pero dahil kumita ako sa unang order sa negosyo ko, nakabili ako ng isang malaking lata at paborito niyang tsinelas na alfombra. Nagtahi din ako ng apron kapalit ng luma niyang gamit noong nagtitinda pa siya sa palengke ng mga halamang gamot. Nakita ko kasi minsan na sinusulsihan niya ang dati niyang apron.Higit sa lahat ng regalo, dinala ko ang scrapbook ko ng mga larawan namin ni Helga nang magkasama. Si Helga kasi, mahilig mag notes pe
SUMMER POV:“GANITO pala ang tahimik na buhay,” si Lyndon habang nakatingin sa langit at nakaunan ako sa braso niya. Nasa rooftop kami kung saan ko siya niyayang mahiga. “Napakasarap sa pakiramdam.”Sa langit, parang mga diamante ang kislap ng mga tala at bituin. Malinaw na nakikita ang iba’t-ibang stars constellations dahil walang kaulap-ulap at banayad pa ang ihip ng hanging Amihan.Ang higaan namin, parang niyebe sa lambot. In-order ko online para sa mga pagkakataong ganito. Malalaki ang aming unan at komportable. Dim ang ilaw sa bahaging yon ng bahay para ma-enjoy namin ang star-seing.Pero nang nagdaang gabi, napakalakas ng ulan, parang nakikiramay sa pag alis ng bestfriend ko, si Helga.Umusal ako sa hangin na sana ay okay lang ito at huwag sobrang mag alala tungkol sa lola nito. Ito kasi ang unang beses na napahiwalay si Helga kay Lola Maria.Isa pa, wala itong maintenance na gamot para sa isang edad na malapit nang mag 80s pero makapritso sa pagkain, sa smoothie at klase ng t