Share

CHAPTER 5

NICCOS ALLISTAIR...

Matapos iwan ng kaibigan ng kan'yang kuya ay dumaan din si Kianna na nakasakay sa hospital bed at wala pa ring malay.

Agad n'yang hinarang ang nurse na nagtutulak sa naturang hospital bed kung saan nakahiga si Kianna.

"Saan n'yo s'ya dadalhin?" tanong n'ya rito.

"Ililipat na ho sa room sir para makapagpahinga," sagot ng nurse. Tumango s'ya at nagbigay daan rito. Ipinagpatuloy naman nito ang pagtutulak kay Kianna at nasa likoran naman s'ya at nakasunod dito.

Ipinasok ito ng nurse sa isang kwarto at inayos muna ang lahat ng mga IV nito sa kamay at ang iba pang nakakabit rito.

"How is she? Malubha ba ang kalagayan n'ya?" hindi mapakaling tanong n'ya sa nurse. Hindi naman kasi sinabi ni Dr. Morgan kanina ang tungkol sa kalagayan ni Kianna.

Tumingin sa kan'ya ang nurase at ngumiti bago nagsalita.

"She's ok sir, hindi naman malubha ang kalagayan ni ma'am," mahinhin na sagot nito.

"Then why is she still sleeping? Bakit wala pa rin s'yang malay?" usisa n'ya pa.

"Dahil ho yan sa alcohol sir. Lasing ho kasi si ma'am kaya mahimbing ang tulog n'ya. Maya-maya ay magigising na yan, antayin n'yo na lang ho," paliwanag nito at nagpaalam na sa kan'ya na lalabas na muna at babalik na lang mamaya para sa gamot ni Kianna.

Lumapit s'ya sa kama nito at matamang pinagmasdan ang payapang mukha ng dalaga.

"You scared me to death do you know that? Please don't do it again K! Kaya naiinis ako sayo dahil wala kang pakialam sa ibang tao na nag-aalala sayo," sermon n'ya sa dalaga na walang malay.

Kahit s'ya ay nagulat din sa mga pinagsasabi n'ya ngunit ok na din iyon atleast nasabi n'ya ang isang dahilan kung bakit naiinis s'ya rito.

Hindi n'ya din napigilan ang sarili na itaas ang kamay at haplusin ang magandang mukha ng dalaga.

Napapikit s'ya ng mariin ng maramdaman ang init na nagmumula sa balat ni Kianna Aphrodite.

"K!" paos ang boses na tawag n'ya rito. S'ya lang ang nakakaalam ng endearment n'ya sa babae na "K". Kapag magkaharap sila at nag-aaway ay Kianna lang ang tawag n'ya rito.

Never pang narinig ng dalaga na tinawag n'ya itong K at hindi n'ya alam kung ano ang reaction nito kapag narinig ang kan'yang endearment sa babae.

Nanatili lang s'yang nakatayo sa tabi ng kama ng dalaga at hindi inaalis ang mga mata sa magandang mukha nito. Bumabalik din sa kan'yang isip ang lahat ng mga sinasabi ni Kianna sa kan'ya lalo na ang lantaran na pagsasabi nitong mahal s'ya.

Hindi n'ya pa naranasan ang manligaw o magkaroon ng nobya. He fvck and go at alam ng mga babaeng naikama n'ya na ganon s'ya.

He is a beast in bed at marahas sa lahat ng nakaka sex n'yang mga babae. Ayaw n'ya ng gentle sex, gusto n'ya ang marahas. He is a bit dominant pagdating sa kama ngunit hindi naman ganon kalala. He still knows where to stop at may control pa rin s'ya sa sarili.

When Kianna kissed him, parang may kung anong damdamin na binuksan ang halik nito sa kan'ya. Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit parang gusto n'yang muli maramdaman ang labi nito sa kan'yang mga labi.

Iba ang pakiramdam n'ya na magkalapit silang dalawa ng pancit cantoon na babaeng ito. Lumalakas ang kabog ng kan'yang puso lalo na kapag magtama ang kanilang mga mata.

Ayaw n'ya lang aminin dahil sa kan'yang pride. Ilang beses n'ya ng ipinagtabuyan si Kianna at para sa kan'ya ay pagtatawanan s'ya ng babae kapag nalaman nito na para s'yang baliw minsan sa kakaisip rito.

Marahas s'yang bumuga ng hangin at napatingin sa kamay nito. Walang pag-alinlangan na inabot n'ya ang kamay ni Kianna at pinagsalikop sa kamay n'ya. Muli s'yang napapikit ng mariin ng makadaopang palad ang babae.

He looked at their hands at napangiti s'ya ng makita na parang ginawa ang kanilang kamay para sa isat-isa.

"It's perfect K," pabulong na sabi n'ya rito habang hawak-hawak ang kamay ng dalaga.

Marahan itong umungol at dahil sa pagkagulat ay mabilis n'yang binitawan ang kamay nito at bahagyang napalayo sa kama.

Maya-maya pa ay nakita n'yang dahan-dahan na nagmulat ng mga mata si Kianna at nagsalubong ang magandang kilay ng makita ang puro puting kwarto.

"Where am I?" wala sa sariling tanong nito.

"In the hospital," seryoso at malamig na sagot n'ya rito. Gusto n'ya mang tumalon sa tuwa dahil nagising na ito ngunit pinigilan n'ya ang sarili at pinanatiling seryoso at malamig ang reaction ng mukha.

Nagulat naman ito sa pagsasalita n'ya at agad na lumingon sa kan'yang kinaroroonan.

"Why are you here?" naningkit ang mga mata ng dalaga ng makita s'ya.

"Really? After kitang iligtas at dinala rito sa hospital para magamot ay susungitan mo lang ako?" nakataas ang kilay na sumbat n'ya rito.

"Thank you then! Kahit wala akong maalala kung bakit ako napunta rito, salamat pa rin, masaya ka na?" nang-uuyam na tanong nito sa kan'ya. Lihim na nagngitngit ang kan'yang kalooban.

Akala n'ya ba mahal s'ya nito bakit ngayon ay parang galit ito at panay ang pagtataray sa kan'ya. Hindi ba ito masaya na makita s'ya? Eh dati nga ito pa ang sunod ng sunod sa kan'ya sa kung saan para lang makita s'ya pero bakit ngayon parang bwesit na bwesit ito ng makita s'ya sa kwarto nito.

"Cut the sarcasm Kianna Aphrodite! You must be thankful na walang masamang nangyari sayo. Ano ba kasi ang pumasok sa kukote mo na nagmaneho ka na lasing? Nag-iisip ka ba?" inis na sermon n'ya sa dalaga ngunit inirapan lamang s'ya na mas lalo pang ikinainis n'ya rito.

"It's non of your business Allistair. Wala ka ng pakialam kung mamatay man ako sa aksidente dahil lasing ako. Don't act like a concerned citizen here because we both knows that you are not! At bakit ka pa narito? Hindi ba ikaw na ang may sabi na layuan kita? Bakit nandito ka pa? Umalis ka na! Kung may babayaran man ako sayo sa pagdala mo sa akin dito, send it to my email account at babayaran ko," seryoso at malamig na sabi nito sa kan'ya.

Lihim n'yang naitanong sa sarili kung epekto ba ito ng pagka aksidente ni Kianna? Bakit parang nabaliktad ang sitwasyon nila ngayon? Bakit mukhang s'ya naman ang naghahabol rito at ito ang nagtataboy sa kan'ya?

"I don't need your money Kianna Aphrodite, I have a lot of that! A simple thank you will do," mahinahong sabi n'ya rito. Napakagat naman ito sa pang-ibabang labi at biglang nag-init ang kan'yang batok ng makita ang ginagawa nito sa labi at maalala ang paghalik nito sa kan'ya.

"I already say thank you to you, hindi pa rin ba enough yon?" nakataas ang kilay na tanong ng dalaga sa kan'ya. Nagbuga s'ya ng hangin at pilit kinalma ang sarili.

Ayaw n'yang mag-aaway silang dalawa ngayon, kakagising lang nito mula sa aksidente.

"Aalis na ako, ok ka na naman, nagtataray ka na nga!" pasaring n'ya sabay talikod at tinungo ang pintoan.

"Allistair," tawag ni Kianna sa kan'ya. Nahinto s'ya sa akmang pagbukas ng pinto ngunit hindi s'ya humarap dito.

"May kailangan ka?" malamig na tanong n'ya.

"What is kukote ba? Yon ba yong orange and purple color na kinakain?" inosenteng tanong nito sa kan'ya. Parang gusto n'yang matawa sa tanong nito ngunit pinigilan n'ya ang sarili.

Nag-aaway sila kanina pero itong si Kianna ay ang "kukote" pala ang iniisip.

"It's kamote Kianna Aphrodite at hindi kukote!" pagtatama n'ya rito.

"Then what is kukote nga?" pangungulit pa nito. Naihilamos n'ya ang palad sa mukha at parang nauubosan ng pasensya na sinagot ito.

"Kukote is just a term for brain or pag-iisip. If you say i*****k mo sa kukote mo that means ipasok mo sa isip mo para hindi mo makakalimutan," paliwanag n'ya rito.

"Hmmm! Yon pala yon? Iba kasi ang naiisip ko na ipasok!" mahinang sagot nito.

"Fvck!" mariing mura n'ya dahil biglang umigkas ang kan'yang pagkalalaki sa sinabi nito.

"Ok! Sige you can go na!" taboy nito sa kan'ya. Igting ang mga panga at walang imik na lumabas s'ya ng kwarto ng dalaga.

Kailangan n'yang umiwas dahil baka kung ano ang magawa n'ya sa babae. She's a temptress and he hates the fact that Kianna uses her beauty, body and innocent drama to lure men.

"Damn it!" mariing mura n'ya at naikuyom ang mga kamao ng sumagi sa isip kung ilang lalaki na ba ang dumaan sa buhay nito.

Habang naglalakad ay napaisip s'ya kung totoo bang mahal s'ya nito? Bakit ngayon ang lamig nito sa kan'ya. Is it because of what he said to her yesterday?

"Fvck!" mariing mura n'ya ulit habang naglakad patungo sa elevator. Hindi n'ya na mabilang kung ilang beses na s'yang nagmura.

Dumiretso s'ya sa canteen ng hospital at bumili ng pagkain para kay Kianna at sa kan'ya na rin.

Bumili din s'ya ng iba't-ibang klase ng desserts at cakes para sa dalaga. Bumalik din s'ya kaagad sa kwarto nito at naabutan itong akmang babangon ngunit nahihirapan ito kaya mabilis n'yang ibinaba ang mga bitbit at dinaluhan ang dalaga.

"Let me help you," agaw pansin n'ya rito at agad na inalalayan ang dalaga na makaupo ng maayos.

Nagulat s'ya ng bigla na lamang itong humikbi kaya napatingin s'ya sa mukha nito at nakita ang ilang butil ng mga luha sa pisngi ni Kianna.

"Are you ok? Why are you crying? May masakit ba sayo K, tatawag ako ng doctor," sunod-sunod na tanong n'ya rito.

Nakita n'yang natigilan ito at biglang napatingin sa kan'ya.

"What?" tanong n'ya rito ng makita itong nakaawang ang mga labi na nakatingin sa kan'ya.

"W-What did you just call me?"

"What?" salubong ang mga kilay na tanong n'ya dahil hindi n'ya ma gets ang tanong nito.

"Nothing! Lumayas ka na nga, bakit ka pa bumalik dito?" pagtataray na tanong ng kulot na mangkukulam sa kan'ya.

"I bought some food for you mahal na reyna, baka kasi gutom ka na at ayaw mo ng pagkain sa hospital. Mukha ka pa namang mapili sa pagkain, kawawa naman ang mga alaga sa t'yan mo," nang-uuyam na sagot n'ya. Tinaasan n'ya pa ito ng kilay dahil sa inis.

"What alaga ba? Ikaw naman ang may alaga ah, dalawang bilog at isang mahaba," sagot ni Kianna na ikinaubo n'ya.

"What the fvck!"

Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Gorgeous ❤️
Hahahah Kiana ang cute mo... na imagine ko pa mukha mo with you pancit canton hair...
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
hahaha dami ko tawa sa inyong daLAwa
goodnovel comment avatar
El Ca Rim
Yawa ka Kianna hahaha isa ka talagang matinding temptation kay Niccos HAHHAA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status