Share

CHAPTER 24

CHAPTER 24

ORAS na nang pag-uwi at napansin ko ang naiinggit na tingin ng mga kasama nang lumabas na ako sa building. Ang bawat titig ay nagsusumigaw ng paghanga at mga sana.

Nagpaalam kaagad si Jewel sa kanilang kumpulan nang makita ako. Nilingon din ako ng iba bago umalis at sumakay sa mga nakaparadang traysikel sa labas.

Hindi na niya ako hinintay at kusa na niya akong nilapitan.

"Ang haba ng buhok mo, Tamara." Sabay haplos niya sa aking buhok na hanggang ibaba lang ng balikat. Alam kong may ipinapahiwatig ang mga katagang iyon.

"Bakit na naman?" kunot-noong tanong ko. Sinabayan na niya ako papuntang parking lot.

"Kasi naman, tingnan mo." Sabay turo sa lalaking nakatalikod sa amin habang may kausap sa cellphone. Nakapamulsa ito at guwapong-guwapo sa suot na pulang polo shirt, pantalon at sapatos.

Sakto namang lumingon siya sa amin at tila nagulat pa nang magkasalubong ang aming mata. Nagmamadaling tinapos niya ang tawag at lumapit sa amin.

"Nandito ka na pala," nakangiting sab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status