Bumalik sa opisina si Mariel nang walang dalang kape pero hindi iyon ang napansin ni Dustin. Nasira ang makeup ng kaniyang sekretarya. Tumulo ang itim na tinta sa ilalim ng mga mata nito, palatandaang galing siya sa pag-iyak. “What happened to your face?” Dustin said in a staid tone. “A-ano po kasi. Napagalitan po ako ng inyong pa–” Hindi na naisundo ni Mariel ang kaniyang sasabihin nang iluwal ng pinto si Don Alexander. Nakasuot lang ito ng puting oversized t-shirt at itim na maong pants. Kahit sinong new employee ng kanilang kumpanya ay hindi mag-aakalang siya mismo ang may-ari ng Saavedra Group of Companies. “Dustin, alam ba ng sekretarya mong may asawa ka na? Laman kayong dalawa ng usap-usapan ng mga empleyado natin! Wala ka bang delikadesa, iha at pumapayag kang maging kabit?” mahinahong sambit ni Don Alexander habang nakatingin sa gulat na gulat na si Mariel. Minasahe ni Dustin ang kaniyang noo at pagkatapos ay nagbuntong hininga. Pinagmasdan niya ang umiiyak at nakatungo ni
Umuwing lasing si Dustin. Pagkatapos niyang pumirma ng sangkatutak na business contract at agreement ay dumiretso siya sa Doña Nena Bar para ibsan ang kaniyang problema at para na rin maghanap ng bagong chickababes.Mahimbing nang natutulog si Celine matapos niyang makipag-inuman kina Freya at Celestine. Sobrang gulo ng kanilang kwarto dahil hindi niya alam kung saan niya nailagay ang kontratang pinirmahan niya. Hindi niya tuloy nakumpirma kung totoo ba ang pinagsasabi ni Dustin sa harap nila ni Clark. Natanggal na rin si Celine sa kaniyang trabaho dahil ang anak DAW ng kaniyang boss ay patay na patay pala sa kaniyang napangasawang si Dustin.Madaling araw na ng makauwi si Dustin sa kanilang mansyon. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos at basta na iwinaksi sa kung saan. Nang makita niya si Celine na nakasuot ng maigsing bistidang pantulog ay napangiti siya. Binaybay ng kaniyang dila ang bawat sulok ng kaniyang bibig. He unbuttoned his white sleeves as he removed his necktie. Kinagat ni
"ANO? SERYOSO KA BA GIRL?" windang na tanong ni Freya habang nakaawang ang kaniyang bibig. "Huwag na huwag kang papayag sa gusto niyang mangyari bakla! Naku! Baka pag nagkagipitan eh ikaw pa ang sisihin niyang si Dustin! Baka ipakulong ka ng biyenan mo! Maghunos dili ka bakla!" komento ni Celestine. Matapos tawagan ni Celine ang dalawa niyang bestfriends ay mabilis pa sa alas kuwatro ang kanilang pagdating sa mansyon nilang mag-asawa. Nakaub-ob si Celine sa mesa habang sinasabunutan ang kaniyang sarili. Hindi pa rin siya nakakabihis at nakakapag-umagahan. Nakahayin na ang nilutong breakfast ni Dustin ngunit hindi pa niya iyon kinakain at wala siyang balak kainin iyon, baka lasunin pa siya ng kaniyang asawa. Nagkatinginan sina Freya at Celestine nang kumulo ang tiyan ni Celine. "Girl, hindi ka pa nag-uumagahan?" "Aba hoy bakla! Mag aalas dyis na! Nag-aalma na 'yang mga alaga mo sa tiyan mo." Unti-unting iniangat ni Celine ang kaniyang mukha para pagmasdan ang dalawang kaibigan. "
“So Feever, matagal ka na bang nagwowork kay Dustin?” usisa ni Freya. “Seven years,” matipid na tugon ni Feever. “Ang tagal na rin nga 'no? Buti natitiis mo ang magaspang na ugali ng amo mo,” mataray na usal ni Freya habang nakatitig sa chinitong mga mata ni Feever. “Actually, if you are going to know him deeply, hindi naman siya ganoon kasungit. Sir Dustin is like a real brother to me. Mabubuti silang tao. Silang mag-ama ang gumastos sa pag-aaral ko magmula highschool hanggang makatapos ako ng kolehiyo,” salaysay ni Feever. Medyo nailang si Feever nang biglang ilapit ni Freya ang mukha nito sa kaniya. “Really? Gaano kabait? Out of ten?” nanghahamong tanong ni Freya. Napapailing na lang si Celestine sa kanilang usapan. “Ten,” walang pag-aalinlangang sagot ni Feever. Namasyal ang kaniyang paningin sa mapulang labi ni Freya. Mabilis na umatras si Freya at inayos ang kaniyang buhok. “Bakit biglang uminit? Cele, buksan mo nga ang electric fan.” “Freya okay ka lang ba? Ang lamig-lam
“Kumusta ka na Ate Celine? Nakakatulog ka ba nang mahimbing matapos mo akong isumbong kay papa?” matapang na patutsada ni Shantal sa kaniyang kapatid. “Feever, umuna ka na sa venue at ihatid mo na rin sina Freya at Celestine. Susunod na lang ako. Paki text or chat na lang sa akin ang location,” mahinahong sambit ni Celine. “Pe-pero maám, mahigpit na bilin po ni Sir Dustin na huwag ko kayong hahayaang magmaneho mag-isa at baka raw po makidnap na naman kayo,” pag-aalala ni Feever. “No buts, Feever. Don’t worry kaya ko naman na ang sarili ko. Natuto na ako before. I only need to clarify things with my younger sister. If you are afraid of Dustin, ako na ang bahala sa kaniya. Just do what I said, okay?” Napapayag ni Celine si Feever. Mukhang naunawaan nito ang sitwasyon ni Celine at ng bunso niyang kapatid. Bumalik si Feever sa sasakyan ang kaso, bumaba naman sina Celestine at Freya mula rito. Mainit ang dugo ng dalawa kay Shantal at hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito para big
Kumabog nang malakas ang dibdib ni Celine nang tumapak siya sa Saavedra’s Five Star Hotel. Ang gusali ay mayroong isang daang palapag at kapansin-pansin agad na ubod ng yaman ang angkan ng mga Saavedra dahil sa napakaganda at napaka-mamahaling disenyo, sa loob man o sa labas ng gusali. Agad siyang sinalubong ni Feever sa may entrance. Kitang-kita ang butil-butil na pawis nito sa kaniyang makinis at guwapong mukha. Naghahabol din siya ng hininga nang makarating sa harapan ni Celine. “Maám Celine mabuti na lang po at nakarating na kayo. Kanina pa po kayong hinihintay ni Sir Dustin at ng bisita niya. Kailangan po nating magmadali dahil parang may alitan si Sir Dustin at si Mr. Simeon. Kulang na lang po eh magsuntukan sila sa sobrang sama ng tingin nila sa isa’t isa,” hingal na sambit ni Feever. “Simeon? Hindi kaya si ...“ Inalis ni Celine ang kaniyang high heels at binitbit ito. Napataas ang kilay ni Feever dahil sa ginawa niyang iyon. “We need to hurry. Baka maabutan na lang natin s
Hindi pa rin maalis ni Dustin ang mga mata niya kina Celine at Feever. Nagtatawanan ang dalawa na tila ba sobrang close na nila. Maging si Clark ay naiinis na rin sa ikinikilos ng dalawa.'Bakit ko ba inutusan si Feever na sunduin si Celine? Sana ako na lang ang kumaon sa kaniya,' ani ng isip ni Dustin.'Sino naman itong mokong na 'to? May panibago na naman akong karibal kay Celine?' sigaw ng isip ni Clark.Nag-eenjoy si Don Alexander na panooring umusok ang ilong ng kaniyang babaerong anak samantalang nagtataka naman siya kung bakit masama rin ang tingin ng kanilang bagong business partner kina Feever at Celine. Iniisip niyang may atraso si Feever kay Clark. Wala siyang ideya na dating kasintahan ng kaniyang manugang si Clark Simeon.Nang mamatay ang ama ni Clark ay nag-iwan ito ng limpak-limpak na kayaman na nakapangalan sa kaniya. Dahil doon, galit na galit sa kaniya ang kaniyang madrasta na nakatira sa Canada dahil siya ang ginawang beneficiary ng kaniyang asawa sa mga life insura
Tinapunan nang matatalim na tingin ni Dustin ang kaniyang asawang si Celine. Tila may apoy na naglalagablab sa kaniyang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa kanang kamay nito. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na habulin ang kaniyang asawa. Nang makita ni Feever mula sa malayo ang facial expression ni Dustin ay dali-dali niyang isinara ang pinto ng silid. Naiwan si Celine na para bang napako sa kaniyang kinatatayuan. Si Clark naman ay napatayo sa kaniyang upuan nang mapansin ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay ni Dustin sa kamay ng pinakamamahal at dating long-time girlfriend niya. Gustong-gusto niyang suntukin si Saavedra ngunit hindi niya magawa. Ayaw niyang gumawa ng iskandalo lalo na at babago pa lamang bumabango ang kaniyang pangalan sa mundo ng business.Nang mapagtanto ni Celine na nagagalit na ang kaniyang contracted husband ay bumulong siya ng walang pag-aalinlangan, "let me go. Put your hands away from me."Lalo namang humigpit ang pagkaka-kapit ni Dustin sa kan