Share

Chapter 1: Destroyed

Zaine

“Attention all students, this is your speaker saying good morning to everyone. Five days to go 'till our Annual Cultural Festival. Have a good day ahead and Happy Monday!”

I don't know if I'll be happy or irritated by hearing those.

It's the first day in the first week of the last month of the school year. Simula rin ng countdown para sa Annual Cultural Festival ng FMA–Floral Mansion Academy.

Ganoon palagi dito tuwing huling buwan na ng pasukan. Laging may selebrasyon at isa na ito duon.

“The countdown has started, class. Are you all excited?” Nakangiting tanong ng guro namin, Ma'am Patricia Hernandez.

Umingay ang buong classroom dahil sa kani-kanilang komento ng mga kaklase ko. Pero ako ay nanatiling tahimik.

Sa totoo lang, hindi ko gusto ang cultural festival na iyon. Dahil ginaganap iyon sa weekends. Dalawang araw siyang cine-celebrate, dalawang araw na walang pahinga. Dagdag grades din kasi kapag um-attend, kaya dapat andʼon ako.

Hindi naman sa nangungulelat ako sa pag-aaral ko. I'm actually doing good at my classes. I'm always on the rank and sometimes on top. Pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi ko na kailangan ng extrang grades.

“Who wouldn't be, right?”

Ako.

Napa-irap na lang ako sa hangin sa sobrang pagkalata. Nakakatamad pumunta dito pero wala namang gagawin.

“Anyway, nalaman ko na sasayaw daw kayo sa first day of celebration? Tama ba?”

“Yes Ma'am.” sagot ng class president namin na si Stella.

“Wow, that's great. So, should I go now? Para makapag-usap kayo.”

No Ma'am, 'wag.

Pinilit ko ang sariling kong huwag ngumiwi nang mag-ingay na naman ang mga kaklase ko. Ang iba ay kunwaring ayaw pang umalis ang guro kahit na ba alam kong kanina pa nila ito gusto umalis.

Kung magiging class president man ako–which is impossible–hindi ko itotolerate 'yung ganitong ugali nila.

“Sige na, Iʼll leave the class to you Stella. Goodbye.” Nakangiting paalam ng guro namin dahilan para mag-ingay ulit ang mga kaklase ko sa pagsagot.

“Sshh!” Plastik na pagsaway ni Stella sa mga ito na halata namang pinaparinig lang sa guro.

Napa-iling na lang ako.

Pinagmasdan kong umalis ang guro sa classroom at ang tuluyang pagtayo sa harap ni Stella. Umupo ito sa upuan ng mga guro na akala mo isa siya sa kanila.

“We only have five days to practice our cultural dance, so please, cooperate.”

Napa-irap na lang ako ng muling umingay ang mga kaklase ko. Pilit kong inalis ang atensyon sa mga ito at pinagmasdan na lang ang mga ibon sa langit mula sa bintana.

Maganda ang pwesto ko ngayon, likod at nasa may bintana.

“Mas marami sa atin ang sasayaw dahil iyon ang dapat. Pero syempre dapat lahat may contribution.”

“Ilan sasayaw?” Biglang tanong ng isa sa mga kaklase ko.

Tinignan ko si Stella, nag-aabang sa sasagot nito. Pero hindi ito nagsalita at niyaya na lang ang isa sa kaibigan nito sa harap. Si Lucy.

Lucy is our Vice President, also known as one of Stella's best friends.

“Nasa kaniya ang listahan ng mga sasayaw and all. Basahin mo.” Utos ni Stella.

Binasa ni Lucy ang lisatahan ng mga pangalan ng sasayaw. At hindi na ako nagtaka nang hindi marinig ang pangalan ko.

“Zaine Sy,”

Napabalikwas ako sa upuan ko ng marinig ang pangalan ko.

My heart raced at that moment.

I looked up and saw all of them looking at me. Others are probably laughing. Others are smirking.

But I regain my composture quickly and shoot one eyebrow up. “What?” I said in an unbothered tone.

Stella gave me a fake smile before answering. “I said, ikaw ang mamamahala sa music natin. Can you do it?”

“Yes,” of course.

“Then good.”

-

While I'm at the canteen with my face facing a book, I can still somehow manage to feel every eyes looking at me. Binalewala ko iyon nang binigay na sa akin ang shake na inorder ko.

Sanay na ako kaya hindi ko na lang pinapansin. Their glares are harmless, wala iyong epekto sa akin.

I know I should just read at the library pero hindi rin ako makakapagbasa doon dahil tatadtarin ako ng utos ng bantay duon. I can't say no, kasi ang bantay ay tita ko.

“Galing, ginawang library ʼyung canteen 'no?” Rinig kong tawa ng isang lalaki sa kabilang lamesa. Pati ang mga kasama nito ay nagsitawanan din dahil sa sinabi niya.

I want to look at them to know if it was me their talking about. But of course I don't have the guts to do that.

“Stella!”

Mabilis na nagpantig ang tenga ko ng marinig ang sigaw ng isa sa mga kaklase ko at tinatawag si Stella.

Ilang segundo matapos umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong canteen ay bigla silang nagkagulo.

Halos lahat–lahat sila ay nagsitayuan at lumabas. Sinipat ko pa ang buong kantina kung kahit ilan ay may naiwan pero wala, ako lang talaga.

“Wow,” Nasabi ko na lamang.

Sumilip ako sa labas habang nananatiling naka-upo. Nakita ko ang mga estudyanteng akala mo nakakita ng artista dahil sa sobrang gulo.

Sabagay, sikat si Stella sa buong school, dagdag mo na ring puro lalaki ang kapatid niya at may mga itsura pa.

Sinarado ko ang libro ko at iniayos iyon sa bag bago tumayo at lumabas.

Sa kabilang pinto ako lumabas dahil masyadong crowded ang mas malapit. And God knows, I don't want any attention. Especially from them.

Maingat pero mabilis akong naglalakad papunta sa room namin. Ngunit ang inaakala kong sapat na pag-iingat ay hindi pa pala sapat.

“And she's here.”

Tila nanghina ang tuhod ko kaya't napabagal ang lakad ko dahil sa narinig. Hindi ko pa nakikita pero pakiramdam kong ako ang tinutukoy ni Stella sa mga salita niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ramdam ko na lahat ng mga matang nakatuon sa akin.

“Zaine Sy! Hey!”

Mayroong kusang humarang sa nilalakaran ko para matigil ako. Kahit na ang bilis na ng kabog ng dibdib ko ay hinarap ko si Stella.

Hindi ako nagsalita.

Nakakainis na ngumiti si Stella at nilagay ang braso niya sa tapat ng dibdib.

“Howʼs your tita Librarian? ʼYung feeling principal kapag nananaway?” Tumawa ito.

At parang domino na nagsunod-sunod ang tawa ng nasa paligid ko.

Oh my, I love their sense of humor.

“Sheʼs okay.” Like I care. “Do you need anything?”

“Do you see that girl over there? Help her to stand up.” Nakangiting sabi ni Stella.

Tinignan ko ang tinuturo niyang babae.

Naka-upo ito sa lupa at basang-basa ang buong katawan. I still can even see the coffee dripping from her hair. Also some ice surrounding her. I don't have to ask, I already know what happened.

Tiningnan ako ng babae dahil na rin sa sinabi ni Stellang narinig nito.

Mukha siyang kinain na ng hiya.

“Ayos lang ako.” Sinubukang tumayo ng babae pero muli siyang tinulak papaupo ng mga nakapaligid sa kanya.

“Help her, Zaine.” Nakangiti pa ring ani Stella.

Iʼm stoned. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko? Tutulungan ko ba ʼyung babae? Susundin ko ba si Stella? Aalis na lang ba ako?

I know I can't just walk away. May gagawin sila saʼkin at natatakot ako doon.

As I was about to walk to the girl, a voice rang out.

“Stella, you bully.”

Umingay ang mga tao sa paligid ko.

Kahit na ba sobrang matunog ng pangalan ng mga kapatid niya ay bihira ko lang naririnig ang boses nila. Pero sigurado akong sila iyon. Hindi naman iingay ng sobra ang mga pabibong ito kung walang sikat na papasok sa eksena.

“Spex, what are you doing here?”

Tila ba nawala ang atensyon sa akin ni Stella. Para akong nakahinga ng maluwag doon.

I just need a perfect timing to move.

Tinignan ko ang paligid ko. Lahat sila ay talagang nakatutok sa magkapatid. I know they also wonder where Scott is–Stellaʼs older brother. Here, Spex is her younger brother. Stellaʼs basically a middle child.

Unti-unti akong umatras. May ilang napapatingin sa akin kaya kinabahan ako. Buti na lang talaga at wala akong halaga sa kanila kaya hindi nila ako pinansin.

Nang tuluyan akong maka-alis ay napabuntong-hininga na lang ako tsaka dumiretso sa classroom namin.

Few minutes passed and the next teacher entered.

Tinakpan ko ang bibig ko ng humikab ako. I suddenly feel sleepy. Siguro mamayang freetime ay matutulog na lang ako.

Wala yatang pumasok na panibagong aral sa utak ko dahil sa sobrang antok ko.

Freetime, finally. Its time!

Perks of sitting alone in the back of the last row, madali ko lang naiyuko ang ulo ko sa desk. Kakaunti na lang naman kaming nasa loob kaya hindi na nila ako dapat pansinin.

Iʼm not usually like this. Hindi ako natutulog sa loob ng klase. Pero wala namang nagkaklase at maya-maya lang ay uwian na kaya siguro ayos lang.

Lalo kong naramdaman ang antok.

-

The bell rang. The freaking bell rang. Napatayo ako dahil doon sabay punas ng mukha ko. I even scratched my towering, loyal pimples. Ouch.

Iginala ko ang mata ko sa loob ng classroom.

Ako na lang ang natitira.

Pati ang mga bag nila ay wala na. Malamang ay nagsiuwian na ito.

Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong panaginip lang pala iyon.

I dreamt of my parentsʼ death a while ago. Nasasaktan ako kahit na ba alam kong panginip lang iyon. Thereʼs no way it will be true.

Napaupo ako at sumandal sa upuan. Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bag. Kumunot ang noo ko ng makitang naka-power off ito. I don't remember shutting it down.

Maybe I did and just didn't remember. It happens sometimes.

Napangiwi ako ng makitang tadtad ng missed calls iyon mula sa magulang ko. My paranoid and protective parents. Hays, I love them though.

Kinusot ko ang mata ko habang tinatawagan ang numero ni Mama. I should call them and explain. Baka nagwawala na iyon ngayon.

Ngunit nakaka-ilang ulit na ako ay hindi pa rin siya sumasagot. Kaya ang numero naman ni Daddy ang sinubukan kong tawagan at ganoon din ito. Hindi rin siya sumasagot.

Thatʼs weird. Dati ay isang ring pa lang ay sumasagot na sila, ngayon hindi.

Ang dami namang weird na nangyari ngayon.

Umiling na lang ako. They're probably just busy with work.

Inayos ko ang mga gamit ko para umuwi na. Padilim na sa labas. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.

Its just past five, and a little bit dark.

Madami-dami pa ang mga estudyanteng narito. I don't want to blend in since I can't, but I badly want to go home already.

Nakayuko akong naglakad papalabas atsaka nag-abang ng taxi. Ng may huminto sa harap ko ay sumakay agad ako.

Sinabi ko ang village kung saan kami nakatira tsaka umandar ang sasakyan.

Isang beses ko pa ulit tinawagan ang mga numero nila pero wala pa ring sumasagot.

“Maybe they're just busy.” sabi ko sa sarili.

Maya-maya lang ay huminto na ang taxi sa may guardhouse.

“Maʼam, wala hong tao sa guardhouse. Deretso na po ba tayo?” nagulat ako sa tanong ng driver.

Kumunot ang noo ko at sumilip sa guardhouse.

Wala ngang tao. Napansin ko rin na walang nakaharang sa daan, ʼyung makapal na bakal na pinanghaharang.

“Sige ho, deretso na po tayo.” Bumaling ako sa driver.

Ngumiti ito at tumango pabalik.

Maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng gate namin. Inabot ko ang bayad ko atsaka lumabas ng taxi. Umalis na rin ito pagkalabas ko.

Pumasok ako sa loob ng gate at nagmadaling lumakad patungo sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi organisadong sala ang nadatnan ko na naging dahilan upanh manghina ang mga tuhod ko.

No, what's this?

Nanghina ang tuhod ko at hindi makaalis sa kinatatayuan.

I saw both of my parents lying on the floor, with buckets of blood surrounding them.

Bumigat ang paghinga ko at hindi ko na namalayan ang patuloy na pagtulo ng luha ko.

Did my dream just came true? Or is it not a dream but rather a sign?

Tila may kumalabit sa akin na kung ano dahilan para kumilos ako.

Binagsak ko ang lahat ng dala-dala ko at nagmadaling puntahan ang mga magulang ko.

Lumuluhang hinawakan ko ang duguang pulso nila pero wala akong naramdaman kundi ang lamig nito.

“Dad no.. No, no, please. Stay with me. Ma..” I was breathlessly crying beside them.

Kahit na ayokong umalis sa tabi nila ay kailangan ko.

Anong nangyari dito? Bakit ganito na lang bigla?

Punong-puno ng dugo ang mga tuhod at kamay ko. Masyadong marami ang kumalat na dugo sa sahig.

Ipinunas ko ang duguang kamay ko sa suot kong uniform. Wala na akong pake kung mamantsahan pa ito.

Tumawag ako ng tulong. Sa kahit na kaninong kilala kong nakatataas.

Matapos nʼon ay muli akong bumalik sa tabi ng mga magulang ko. I took both of their hand and kissed the top of it. Hindi ko man gusto ang mga nakikita ko ay tanggap kong wala na akong kakayahang makatulong pa.

Bigla kong napansin ang may kalakihan na hiwa sa dibdib ng ama ko. Lumapit ako para tignan ito habang hawak pa rin ang tig-isang kamay nilang animo'y binabad sa tubig na may yelo.

Napapikit ako at nakagat ang labi sa nakita. Naramdaman ko ang pagpilipit ng sikmura ko. Mabilsi akong napatayo at pumunta sa kusina para sumuka sa lababo.

Napaubo ako at ngumiwi habang hinuhugasan ang bibig ko.

I really can't stand things like that. And seeing my father in that situation make things worse.

Agad akong napatingin sa may pintuan ng malakas itong kumalabog. Mabilis akong tumakbo at nakita ang mga pulis. Nang makita nila ako ay agad nila akong tinutukan ng baril. I almost shouted out of shock.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay para ipakita sa kanilang wala akong hawak.

Mabilis naman akong nakilala ng pulis at ibinaba ang hawak na baril. Nakahinga ako dahil doon.

“Iha, ayos ka lang ba?” Agad akong dinaluhan ng may katandaan ng pulis.

Tipid akong tumango at tinignan ang mga magulang ko.

Hindi ko alam kung bakit wala silang ginagawa. Panay lang ang tingin at usisa nila dito. Ang alam ko ay dapat dinadala na nila ito sa ospital.

“Excuse me po,” Garalgal na sabi ko at napatingin naman ang mga pulis sa akin. “Bakit hindi niyo pa po sila dalhin sa ospital?”

Pabigat ng pabigat ang paghinga ko lalo na ng magtinginan sila sa isa't-isa. Mayroon sa loob kong ayaw tanggapin ng buong pagkatao ko.

“Maʼam wala na po sila..”

Tila ayaw pumasok sa utak ko ang mga salitang iyon. Those words echoef on my mind, making the pain grew stronger and stronger everytime.

“Wha..–what?” My voice broke.

I was expecting it, and I hate myself for that.

I suddenlt felt unwell, my knees are shaking and I can't properly breathe.

Nanlalabo ang paningin ko, idagdag pa ang mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos ngayon.

I lost it. Everything just went black, dark and empty.

“Zaine,” a familiar voice echoed.

“Zaine, anak,”

“Ma?” I cried. Those voice were too gentle for me not to recognize it.

“Zaine, you need to be strong, we will always be in your heart, guiding you. We love you, anak.”

Napadilat ako at nakita ang pamilyar na puting ceiling ng aming bahay.

Nanlabo ang mga paningin ko tanda ng mga luhang kumakawala rito. Unti-unting lumabas ang mga hikbi ay iyak, hanggang sa humahagulgol na ako nang walang humpay. Patuloy kong sinasambit ang mga ngalan ng magulang kong hinding-hindi ko na makakasama pang muli.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status