Share

Chapter Eight

Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil sa liwanag ng ilaw na sumisilaw sa mga mata ko.

Oh well, kahit pa narinig ko ang sigaw kanina. Hinding hindi na ako ulit sasakay sa kotse kangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa loob, at kung ako ba ang pinapasakay.

Natuto na 'ko sa mga pagkakamali ko.

Ginamit ko ang braso kong panangga sa liwanag para maaninag ko kung sino ang bumaba ng sasakyan.

“Crystal.”

Naaninag ko ang maaliwalas na ngiti ng isang lalaking bumaba mula sa sasakyan.

Para talaga siyang isang kabute na litaw ng litaw kahit saan.

Siya yung lalaki na umupo sa harap ko kanina. Palagi nalang siyang sumusulpot kahit anong oras. Hindi ko alam kung nagtatago lang ba siya at lumalabas sa tamang oras. Pero sa lahat ng pagsulpot niya ngayon, ito ang pinaka nagustuhan ko.

Hindi ko naman kasi talaga kayang lakarin ang mahabang kalsadang 'to ng mag-isa. At saka, nagsisimula na ring lumalim ang g

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Adrian Yanyan
unlunck please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status