Share

9- The farm

Jacob smiled when she saw Mia's twinkling eyes habang iginagala nito ang mga mata sa paligid. "Ang ganda rito, ano?" aniya sa dalaga. Sa sobrang pagkamangha ay ngiti lang ang itinugon ni Mia.

"Jacob!"

Napalingon ang binata nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Manong Vic!" nakangiting tugon niya.

"Ba't hindi ka man lang nagsabi na darating ka ngayong araw?" tugon ni Vic. Katiwala ito ni Anita sa farm.

"Maaabala pa ho kayo. Alam kong mag-iisip kayong paghandaan ako."

"Natural! Ilang taon kang hindi nakauwi rito."

"Ayos lang ho iyon, Mang Vic," tugon niya. "Ang Lola?"

Nagbuntong-hininga si Vic. "Nasa bahay n'yo. Sa tuwing makikita ako ay itinataboy ako. Hindi niya ako nakikilala, Jacob. Pero may mga araw naman na naaalala niya ako," anito.

Bumagsak ang mga balikat ni Jacob. "Makilala niya ho kaya ako?" nag-aalalang wika niya.

"Oo naman. Walang ibang bukambibig iyon kundi ikaw. Sabik na sabik na ngang makita ka. Paulit-ulit ang tanong doon sa tagapangalaga niya kung kailan ka ba da
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status