"Tubig," ani Trina nang abutan niya ako ng tubig at nandito kami ngayon sa kusina. Sina Jack at Misty naman ay nasa guest room na at doon na lang daw kami matutulog. Naghirap pa kaming maghakot ng mga gamit na ginamit namin sa labas so medyo nawala iyong antok ko. Buti na rin 'yun. Baka bangungutin na naman ako. Ang bigat sa dibdib e. Tsaka ayaw rin naming istorbohin pa sina Ate Aida, kasambahay namin, kasi tulog na sila.
"Tara na?" sabi ko kay Trina nang makainom na ako at maglalakad na sana ako paalis nang magsalita pa siya.
"Sinong nagbigay nito?" seryosong tanong niya sabay pakita ng papel na may pangalan ko. Iyon 'yung papel na hinulog nung bumangga sa'kin. Sa sobrang kaba ko, mabilis kong sinubukang agawin iyong papel pero agad niyang nailayo sa'kin. Napakaseryoso talaga ni Trina. Siya iyong tipong hindi mabiro. Hindi mapaglihiman. Lahat, nahahalata niya. Dahil din sa kanya kaya nag-eenjoy ako mag-aral kasi mahilig talaga siya mag-aral. Scholar siya ng university namin. "Lemon, sino nga?" naiirita na siya pero kinakalmahan niya pa rin.
"Wala. Baka mga nantitrip lang na secret admirers? You know naman your friend is beautiful," ngumiti ako nang matamis pero hindi siya natawa. "Seriously, Trina. Baka si Third lang 'yan. How did you get that?" I asked.
"Nahulog mo kanina nang magligpit tayo." inabot niya na sa'kin iyong papel kaya agad ko itong tinago sa bulsa na mismo ng skirt ko para hindi na mahulog. "Mag-iingat ka, Lemon." dagdag niya pa sabay tapik sa balikat ko at iniwan na akong mag-isa rito. Obviously, nakakahalata nga siya. Kahit kasi sa school, nakakatanggap ako nito at palagi kong sinasabi sa kanila na love letters lang 'yun. Ayokong ipaalam kina Mama kasi ayokong tumigil siya sa trabaho niya. Mahal niya 'yun e. At marami siyang natutulungang tao sa pagiging abogada niya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at tulog pa rin sina Jack, Misty at Trina rito sa guest room. Dito na kaming apat nakatulog at nasa first floor lang naman ito. Hindi ko na sila hinintay pang magising. Dumiretso na ako sa k'warto ko dala ang gitara at mga gamit ko. Nag-ayos na ako para sa tutorial namin ni Torn. Hindi ko na rin naabutan pa si Mama at Papa sa bahay kasi palagi naman silang busy. Hindi ko sila madalas makausap pero okay lang. Pare-pareho naman kaming busy. Si Papa, doctor. Si Mama, abogada. Ako, estudyante.
Bumaba ako sa sala soot ang simple clothes ko na white t-shirt at maong shorts. Nakaflat sandal din ako na may malalaking strap na katulad ng kay Torn. Dala ko na rin ang gitara ko na nakasakbit sa balikat ko. May maliit na sling bag lang ako na kasya ang ballpen, pera at cellphone. 'Yun lang naman ang importante.
"Ate!" tawag ko kay Ate Aida na naglilinis pa ng bahay kahit 7am na. "My friends are sleeping pa e. But I have to go na po. I can't wait for them to wake up. Please tell them po that I already left and... cook them food po. I have to go na po. Bye!" tumango lang siya at hindi na nakapagsalita dahil sa bilis kong magsalita at sa bilis kong nakaalis. Baka kasi malate ako and I don't want that to happen, 'no!
Five minutes before 9 ay nakarating na ako sa food park at tumambay lang ako sa mini-stage kung saan mas madali kong makikita ang mga taong pumapasok dito. Nasa likod ito ng commercial building kaya hindi nakikita mula sa kalsada pero malalaman naman kung may food park ito dahil sa sign na nasa labas. Hindi ito tinatao sa umaga pero sa gabi, crowded 'to. Kaya naman gabi lang din nagbubukas ang mga food stalls and resto rito. Every Friday night ay may bandang tumutugtog dito. Iba-ibang banda. Depende kung sino ang assigned. If I have a band nga lang, we'll going to play here e. But I don't have. Sa kabilang banda ay may mini play ground for kids at para sa mga isip bata. May bar din dito. Maraming inuman. Kaso hindi ako umiinom. Takot akong malasing. Baka may mangyaring masama sa'kin dahil sa threats na narerecieve ko.
Ang tagal naman ni Torn. Nilibot ko ang tingin ko sa foodpark at walang katao-tao maliban sa iilang staff ng food park. Ang iba, nag-wawalis at nagdidilig ng mga pananim. Kaya ang healthy ng mga halaman nila here because of them.
"Torn?" sambit ko nang may makita akong lalaking nakanavy blue na maluwang na long sleeves at dirty white pants na loose. Nakatalikod siya but he's wearing bonnet and same sandal kaya siya agad ang pumasok sa isip ko. Tumayo na ako at nilapitan siya. Nakasemi upo siya at mukhang may tinitingnang something dito sa gilid ng foodpark. "Hey Torn!" tawag ko sa kanya kaya bigla siyang napalingon habang nakangiti.
"Good morning," bati niya sa'kin at saka tumayo dahilan para makita ko ang kuting na pinakakain niya rito sa gilid. Mukhang napag-iwanan 'to kasi payat at marumi na.
"A kitten. Where's her family?" I asked. Kumakain siya ng tinapay at may tubig sa tabi niya, bigay yata ni Torn.
Bahagya siyang naupo at iniwan na iyong tinapay na hawak niya pa bago ako hinarap. "I dunno but I guess they'll come back later," ani Torn sabay tingin sa relo niya. "Wow, exactly 9:00!"
Natawa ako. "I was there before 9." turo ko sa mini stage. "But then I saw you here so I guess you came earlier than me."
"8:30am." bahagya siyang natawa at naglakad na kami papunta sa mini-stage dahil sabi ko, mas fresh dito dahil sa hangin plus hindi masyadong matao rito so bwelo kami tumugtog at hindi ako mahihiya kahit nagkamali ako. Torn is time-conscious as I am. Hindi siya nagsasayang ng oras nang turuan niya ako. Siguro kasi, 1 week lang sila rito. Sayang naman.
"Let's take a break first," ani Torn sabay agaw ng gitara ko at tinabi ito sa kanya, malayo sa akin. Shinake ko ang kamay ko kasi parang magkakakalyo na bawat daliri ko. "You're a fast learner, as I see."
"Because you're so strict!" kainis. Ang seryoso niya kanina habang tinuturuan ako. Daig niya pa ang music teacher ko noong high school. Ni hindi man lang siya ngumingiti kahit nagbibiro ako. Ang sarap niyang sabunutan minsan. Mas nakakadagdag pa sa sungit look niya 'yang makapal niyang kilay. Pero in fairness, hindi kalat ang eyebrows niya kaya dagdag sa pagkagwapo niya. I don't like him as much as I like Fourth ha. I just know how to appreciate beauty.
"Coz I need to. You kept on making jokes on me so I can't focus," natatawang sabi niya kaya napabusangot na lang ako at napatingin sa relo.
"Let's have lunch first." alok ko kaya tumayo na kami. Mukhang pareho na namin nakalimutan ang oras. 1pm na. Naglakad-lakad muna kami para makahanap ng p'wedeng kainan. Hindi naman maselan ang tiyan ko. Ewan ko na lang sa kanya. Siya rin ang may dala ng gitara ko at bagay na bagay iyon sa kanya. "Are you sure, you're not a band member?" tanong ko. Ang galing niya kasi.
"I will be sure if I am, Lemon," nakangising tanong niya at sumulyap pa sa'kin kaya napamake face ako na tinawanan niya lang. "Don't think anything about me as a band member or artist coz I'm not. I'm just a simple guy," aniya sabay gulo ng buhok ko kaya mabilis kong kinabig ang kamay niya palayo sa'kin. Nagugulo tuloy ang pagkakatali ng buhok ko.
"I just want to be sure. You're an actor materia---" natigil ako sa pagsasalita kaya bahagya siyang natawa.
"Am I handsome?" he asked.
"Shush! You're not!" pagsusungit ko. Naku, malapit na 'tong maging mayabang, konti na lang. Kaya dapat, hindi ko pinapahalata na malapit niya na akong maging fangirl e. I mean, 'yung talent niya kasi, bakit hindi niya ginagamit? Tumugtog siya kanina ng mga kantang sa cellphone ko lang napakinggan at kahit chorus lang ang natugtog niya, nakakabilib pa rin na mabilis niya iyon natutunan. Bonus na 'yung gwapo siya. Pero ayokong sabihin kasi baka yumabang siya tulad ni Third. "You have your talent, Torn. Share it with others. You'll inspire a lot. You'll make people happy, for sure. Just be humble. Stay your foot on the ground," dagdag ko.
Ngumiti siya at bahagyang tumango. "Thank you," aniya.
To be continued...
"Talagang dinala mo na ha," natatawang sabi ni Misty nang makita niyang dala ko ang gitara. Naabutan ko silang nandito sa labas ng building namin, nakaupo sa bench. Hindi na rin kami nakauniform kasi wala naman nang klase. May aasikasuhin lang na kaunting requirements then pwede na magbakasyon."Of course. Tatambay lang us for the whole day e," natatawang sabi ko. Hindi kasi namin sure kung sisiputin kami ng dean namin. We would like to ask if we can fix our next schedule next sem. Block section kasi kami so magkakaklase pa rin kami next year but we want to fix everything para hindi na kami abutin ng 5 years sa college. Ayaw kasi ni Dean pagsabayin namin ang thesis at OJT kaya ang gusto niya, ihiwalay ito ng sem. And if we do that, kailangan namin ilipat sa 5th year ang OJT. Imimeeting daw kami ni Dean para malaman kung walang conflict sa lahat kasi ang gusto namin, pagsabayin na. Kakayanin naman. Stress nga lang."Anong tambay. Hindi nati
Pagkatapos niyang mapuna ang mga mata ko, umalis na siya. Hindi ko alam kung anong trip niya. Siya lang kasi ang pumuna ng mata ko. Lol! Imbis na isipin ang taong wala namang pake sa'kin, nag-focus na lang ako sa panonood kina Torn. Buti pa siya, may pakialam sa'kin kahit noong Friday ko lang siya nakilala. Noong simula ng laban, pansin kong nanggigigil si Third at sobrang seryoso niya. Pinag-iinitan niya si Torn. Naku, kapag may ginawa siyang masama kay Torn, sasapakin ko talaga siya! Sasaktan ko talaga siya nang bongga. Agad na naghiyawan ang mga tao nang makagoal si Third. Ang lakas na ng kaba ko kasi ang hirap makagoal sa soccer. Whay if hindi makagoal sina Torn? Mapipilitan akong makipagdate kay Third. Ako kasi iyong taong tumutupad sa usapan e. Kaya nga hindi ko na kinuha ang number ni Torn kasi kapag may usapan kami, sure akong sisipot kahit anong mangyari. Sa sobrang kaba ko, napatingin ako kay Torn na mukhang naaasar na rin. Parang napansin niyang pi
"Hindi nagriring ang phone ni Misty. Parang naka-off," nag-aalalang sabi ni Jack sa'kin at kausap ko siya sa phone. Parang kahapon lang, pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga post ni Third tapos patawa-tawa pa siya then ngayon, hindi na namin siya mahagilap. Tumawag sa'min ang Mom ni Misty kanina lang at sabi niya, bigla na lang daw umalis si Misty, umiiyak. Baka raw puntahan kami. Sabi nila, tawagan namin sila kapag nakita namin. "Saan natin siya hahanapin?" nag-aalalang tanong ko. Ayaw na rin namin tawagan pa si Trina kasi pauwi na siya sa province nila. Baka icancel niya pa. "I dunno. Tinawagan ko ang jowa niya, hindi rin daw alam. Hinahanap niya na." nagpapanic na si Jack at ganun din ako. Ano ba kasing pinanggagagawa ng batang 'yun? Nandito ako ngayon sa foodpark at kasama ko si Torn kanina kasi continuation ng tutorial namin. Umalis siya saglit kasi bibili raw siya ng iced coffee namin kaya ngayon ko lang nakita ang missed calls ni Jack. Kinabahan ako
"Can't sleep?" rinig kong tanong ni Third kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya at saka tumabi sa'kin. Nandito kami sa gilid ng pool, nakaupo sa damuhan at 2am na rin. Hindi ako makatulog kasi napapanaginipan ko na naman iyong babaeng sumisigaw ng katarungan. Parang false accusation. Kaya kinuha ko na lang ang gitara ko at tumambay dito sa labas. Nakakarelax ang kalangitan. "Ikaw rin?" tanong ko. "Yea..." Silence. Gustong-gusto ko talaga kapag ganitong tahimik. Finally, peace of mind. Kahit katabi ko si Third, hindi naman nakakaramdam ng awkwardness. Maybe because he needs this silence too. I started to pluck but I didn't sing. I just let the music enveloped us under this starry night. "Finally..." sambit ni Third kaya natigil ako at napatingin sa kanya. He laughed a little. "Finally... got the chance to listen to your music," he said in a low voice. Tumaas ang kilay ko. "You heard me already playing piano, Eleazar Dela Sierra de
"'Ma, I have something to tell you po." huminga ako nang malalim. I am talking with her on the phone. "Third is now my boyfriend po." pumikit ako nang mariin kasi baka magalit siya. All she wants for me is to focus on my studies. But she knows Third. He's not a distraction and a bad influence. "Finally," bumuntong-hininga siya kaya napangiti ako. "After this pandemic, I wanna meet him at home. And Lemon, sex is allowed but use protection---" "'Ma!" inis na sabi ko kaya natawa na lang siya. Botong-boto talaga siya kay Third kasi nakikitang mahal na mahal ako nito. Pero hindi ko sinasabi kay Third na gustong-gusto siya ni Mama kasi baka magyabang na naman. "Anyway, tell us if you need anything, okay? Or if you have any problem." Mama asked so I nodded kahit hindi niya naman ako nakikita. "Lemon, I'm warning you. I want you to be honest with me." "Yes, 'Ma. Tell Papa to take care of himself too. I don't want that millions of peso so tell him to stay aliv
"Ouch!" sambit ko at napahawak ako sa kanang balikat ko kasi parang may bumato rito. Nangingilo ang buto ko. Shems! And my whole body is aching."Nanang, nabuhay ang Binibining Liwan! Nanang, buhay ang Binibining Liwan!" sigaw ng boses bata. I opened my eyes but I barely see my sorroundings because, I guess, it's already in the evening. Nang makaupo ako, nagulat na lang ako nang may mga tao na sa harapan ko at medyo maliwanag na rin dahil sa gaserang hawak ng isang babaeng tingin ko ay nasa 20s na rin. May kasama siyang matandang puti na ang buhok at isang batang babae."Buhay ka nga," sabi nung matanda na halos maubusan na ng hangin sa katawan. Napahawak siya sa dibdib habang nakatingin sa'kin at agad siyang inalalayan nung babaeng nasa 20s. Lahat sila, nakatraditional dress. Pati ako, ganun din ang soot ko. Medyo bago nga lang tingnan ang soot ko."Nanang, malapit na sila," nag-aalala at humahangos na sabi ng lalaking bagong dating."Nanang, kailangan n
Oras ng siesta at hindi pa naman ako kailangan ni Lino kaya niyaya muna ako ni Berto magpunta sa market para raw bumili ng ilang kakailanganin nila. Para na rin akong nakahanap ng kaibigan sa katauhan ni Berto. Magka-height lang kami tapos ang daldal niya rin kaya nagkakasundo kami."Kaya matagal na kaming magkaibigan. Sana'y hindi lang din katrabaho ang tingin mo sa'min. Ituring mo kaming kaibigan na rin para maging magaan ang buhay," nakangiting sabi ni Berto habang tumitingin ng gunting. Matagal na pala kasing nagtatrabaho si Berto kina Lino, bata pa lang daw sila. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral ng medisina si Lino sa Europa at nang bumalik, nagtrabaho ito ng ilang buwan sa Maynila hanggang sa napagdesisyunan nitong magtungo rito dahil nakausap nila doon ang dating alcalde mayor ng bayang 'to. Wala ritong doktor kaya naisip nilang maglakbay papunta rito. Ninong ni Lino ang dating alcalde mayor kung kaya't imbis daw na pabantayan ang bahay sa ibang tao, pinahiram na l
"Pakiramdam ko, may problema talaga siya," sabi ko kay Berto at nandito kami sa kwadra. Kararating lang namin sa bahay from bahay nina Lola Juana at pinakakain ni Berto iyong dalawang kabayo."Kulang lamang si Lino sa tulog," ani Berto habang nagbibigay ng damo sa kabayo. "Pagpasensyahan mo na. Isa pa, sumunod ka na lang sa mga inuutos niya. Kapakanan lang naman natin ang iniisip niya. Huwag mo ring kalabanin ang mga Prayle. Hindi mo yata alam ang pinapasok mo," naiiling na sabi niya at mukhang siya naman ang hindi natutuwa sa ginawa ko. Akala ko pa naman, magugustuhan niya ang pagtatanggol ko sa mga Pilipino kasi iyon naman talaga ang dapat naming gawin."Hindi ko kasi talaga nagustuhan ang nakita ko. Nakakapang-init ng dugo," inis na sabi ko habang nakakunot ang noo. I breathe deeply and tried to calm down myself. "Anyway, puntahan ko lang siya. Baka magalit na naman," sabi ko at mabilis na umalis sa kulungan ng mga kabayo. Malaki talaga ang bahay na ito. Buti na lan