Diane’s P.O.V.
Luke or Lucas Regor was Kuya Greco’s only son. Kababata ko siya. Iyon nga lang, wala akong ibang naaalala maliban na lang sa kung paano niya ako bully-hin noon dahil hindi raw ako maganda.
The last time I saw Luke was before his flight to Europe to study Commerce together with her elder sister, and that was five years ago. Kuya Greco was separated from Luke’s mom, Ate Linda, who already resided in Belgium. Hindi na ako magtataka kung nakuha niya ang bago kong number kay Kuya Greco.
What could be his reason to suddenly call me after all these years? Is he not yet over with all his bullying tactics? Did he also tried to reach me during the recent four years that I had forgotten? Just hearing about his name made me want to puke already, even though I hadn’t yet started eating.
“Hello?” walang ganang sagot ko sa telepon
Diane’s P.O.V.“Arck… arck… ugh,” tuloy-tuloy na pagduwal ko sa lababo. I opted to puke at the toilet bowl, but I was running out of time. I wasn’t able to open even the nearest cubicle door to get inside.Kaysa naman sa sahig ako sumuka ay dito na lang sa lababo. Puro tubig lang lahat ang sinuka ko at kahit wala nang laman ang sikmura ko ay tila pilit pa rin itong iniipit para sumuka pa ako. Ang bilis din ng tibok ng puso ko at parang nangangatal ang mga tuhod ko.“Sissy?” Narinig kong bumukas ang pinto ng CR. Tumingin ako sa direksiyon nito at pumasok mula roon si Karen. Sinundan niya pala ako.“Oh my God! What’s happening to you? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. Banayad niyang hinahagod ang aking likuran, habang ako naman ay wala pa ring tigil sa pagsusuka. “If you don’t like to eat here, we
Diane’s P.O.V.“Excuse me, Doc Vangie. You need to sign some papers,” bungad ng isang nurse sa may pinto na nakapukaw sa atensiyon ng doktora. Mabuti na lang. Kung hindi ay baka sa harap niya pa ako nag-breakdown.“Excuse me for a while. If ever you need of anything, I’m just at my office located at the second floor and left-wing corner of this building. Okay?” paalam ng doktora sa amin. Hindi pa rin ako umiimik at patuloy lang na nanginginig.“Thanks, Doc. Anyway, I’m sorry for talking to you that way. I’m just confused on what’s happening to my best friend,” narinig kong sabi ni Karen.“It’s okay, miss. I understand. Ms. Rivera was really lucky to have a best friend like you. Actually, I like your over-protective attitude. Excuse me for now.” Hindi ko na halos namalayan pa ang pag-alis no’ng d
Diane’s P.O.V.Hindi madali ang maglihi. Umaga, tanghali at gabi, wala akong ibang ginawa kung hindi isuka lang ang lahat ng mga kinain ko. Dalawang linggo na akong ganito. Wala rin akong ibang gustong kainin kung hindi hilaw na mangga at bagoong, samahan pa ng inihaw na pusit at ginisang kangkong—kung saan diring-diri naman ako noon.Sobrang nag-iingat din ako na malaman ni Mama ang totoo. Kaso, hanggang kailan ko naman kaya matatago ang lahat ng sintomas ng pagdadalang-tao? Paano na lang kapag lumaki na ang tiyan ko? Ang pagbubuntis talaga ang isa sa mga bagay na hindi panghabambuhay na matatago.Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Mama tungkol dito at ayoko naman siyang labis na mag-alala. Masyado na kaming maraming problema. Mabuti nga at kahit magkakasama lang kami sa iisang bahay ay hindi pa rin napapansin nina Mama at ng mga kapatid ko ang kalagayan ko. Hindi pa rin a
Diane’s P.O.V.Out of extreme astonishment, my eyeballs grew wider and those would even come out of their sockets. Napanganga rin ako. Kulang na lang ay mapasukan pa ng langaw ang bibig ko, kung hindi ko lang natakpan agad ito.Wow, I got an average rating of ninety-four! Totoo ba talaga ito? I even blinked back my eyes because I was beyond stupefied with my score.Then, Mrs. Aldama continued as I gave her back the documents. “You’re a best-in-thesis awardee way back in college, a CPA, and you also came from Evangelista Group of Companies, which is really a high-class company in terms of business. What more could I ask for? You will surely be an ace accountant here and I should treat Lorenz for recommending you!”Mrs. Aldama complimented before she asked me, “But actually, I was quite intrigued why you had to resign in the first place and apply
Diane’s P.O.V.Tahimik kaming kumakain sa Jerry’s Barbeque na nasa loob ng Quego del Mar Avenue Mall nang bigla na lang tumunog ang cell phone ko. Hindi ko lang pinahalata sa dalawang kasama ko, pero bigla na namang umatake ang mood swings ko.Wrong timing naman kasi ‘tong buwisit na caller na ‘to! Kung kailan pa talaga gigil na gigil kong nilalantakan ‘yong inihaw na pusit at bagoong?Nilunok ko muna ang pagkaing nginunguya ko at saka ako uminom ng maraming tubig. I opted to order an iced tea, but Karen suggested that I should drink more water instead.Grabe talaga ang best friend ko. Daig ko pa tuloy ang may personal nurse. But it was fine with me—I was more than glad to have Karen by my side and I would never trade her for anything else. Kahit na mas marami pang beses na tinotopak ‘yan, mahal na mahal ko pa rin ang kaibigan kong &
Diane’s P.O.V.One month had passed and thank God dahil hindi na gano’n kalubha ang paglilihi ko. Nagsusuka pa rin naman ako, but not to the extent na isinusuka ko ang lahat ng mga kinakain ko. I also experienced mild spotting. I was alarmed at first, but my *Ob-Gyn said that it was just normal and not a cause for concern.Fortunately, Luke had stopped bothering me too. I didn’t care about him but when Kuya Greco visited our house two weeks ago, I overheard his conversation with my mother while I was on the second floor and they were in the living room. He told my mom that his son went back to Belgium since Luke was only here for a short vacation.At doon nga ay inatake na naman ako ng pagsusuka. Sa halip na pumasok na lang ako sa kuwarto ko ay tumakbo pa talaga ako pababa sa hagdan at dumiretso sa kusina. Dahil busy si Mama sa pakikipag-usap ay hindi naman niya ako nakita. 
Diane’s P.O.V.Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang kasamahan naming Lead Accountant na si Zander. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakapasok na pala siya sa loob ng cubicle ko. Magaling siya in terms of work, pero napaka-presko at napakalaki ng ego.Hindi lang ‘yon, mukha pa siyang manyak! And speaking of that, nandiyan na naman ‘yong mga malagkit na tingin niyang akala mong tinanggalan na ako ng lahat ng saplot sa katawan. Mayabang din ‘yan, pero wala sa lugar ang kayabangan.Gwapo at mukha raw siyang koreano sabi ng iba naming mga kasama. Pero para sa akin ay hindi naman siya kaguwapuhan, kahit na ano pang postura ang gawin sa buhok niya!“Are you talking to me?” tanong ko sa kanya pabalik. Naninigurado lang ako na hindi ako nagkamali ng dinig.“Yes. May iba pa bang Diane dito? You can tell me kun
Diane’s P.O.V.Nanggagalaiting binigyan ni Karen ang manyakis na si Zander ng magkasunod na straight punch sa mukha at uppercut na tumama sa Adam’s apple nito. Karen even did a spinning kick na tumama naman sa pisngi ni Zander—dahilan para sumadsad ito sa pader na semento.Karen was fuming mad. Pagkatapos niyon ay saka niya sinugod si Zander, hinawakan sa magkabilang balikat, hinila paharap sa kanya, at malakas na binayagan dahilan para mapaluhod naman ito sa sobrang sakit. Bakas sa mukha ni Zander ang pagkagulat sa bilis ng mga pangyayari.Hindi pa nakuntento si Karen at malakas niyang tinuhod ang mukha nito, dahilan naman para hilong bumagsak si Zander na duguan ang ilong. Saka niya tinapakan si Zander at nanggigigil na diniinan pa ang pagkakatapak upang sadyaing ibaon ang takong ng suot niyang high-heeled boots sa dibdib nito.Pagkatapos ay effortless lang na pin