Share

CHAPTER 16

“Dumating ka!?” bungad sa akin ni Corbi. He opened the door for me with a grin.

“Akala ko pinapapunta mo ako rito?” Tiningnan ko siya nang masama saka tumuloy papasok sa opisina ng Student Council. Binalot ng malamig na temperatura ang balat ko. Siya na rin ang nagsara ng pinto pagpasok ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong igala ang aking paningin sa kabuoan ng silid.

Maraming nagbago sa interior ng office kumpara noong huli kong pasok dito last month.

“Wala ka naman sigurong ginagawa, ano?” Hindi ako sumagot.

Kumpara noong unang pasok ko rito, wala pang reception table sa unahan tulad ng meron ngayon. Maliban pa roon ay may tig-isang divider sa magkabilang gilid na siyang naghahati sa room. Ang space sa gitna ang nagsilbing bukas na pinto papasok sa opisina ng President at Vice President ng SC. Doon pumunta si Corbi habang ako naman ay nagpaiwan sa reception area at naupo sa kulay itim na sofa.

Malapit sa kinauupuan ko nakatayo ang water dispenser. Katabi naman n’on ang maliit na sink, cabinet ng mga gamit at coffee maker. Ang mga pictures lang yata ng mga dumaang SC President na nakasabit sa itaas ng wall ang hindi nila ginalaw, kasama na ang mga trophies at certificates na nakapatong sa divider.

“Seryoso. Akala ko talaga, hindi ka pupunta.” Tinigilan ko na ang pag-iikot ng tingin sa room at nagfocus na lamang kay Corbi na lumabas sa opisina niya. May hawak siyang brochure na ipinatong niya sa glass table na nasa harapan ko. Doon ko lang napansin ang bonsai na nasa kulay green na paso sa gitna ng mesa.

Muli akong umangat ng tingin para sana tanungin si Corbi kung totoo ba iyon pero tumalikod siya at pumunta sa harap ng sink. Out of curiousity ay hinawakan ko ang nasabing halaman.

“Totoo ‘yan.” Nahablot ko ang mumunti nitong dahon sa gulat.

“Ah? S-sorry!”

May bitbit siyang mug ng umuusok pang kape, probably a chocolate coffee. Naaamoy ko ito habang papalapit siya sa pwesto ko. Sinenyasan niya akong umusog gamit ang malaya niyang kamay. Ipinatong niya sa mesa ang tasa saka siya umupo sa maliit na space na binigay ko sa kaniya. Naiilang akong umusog pa nang kaunti upang lakihan ang space sa pagitan namin.

Ang laki pa ng space sa kabila pero ipinagsiksikan niya ang sarili sa tabi ko. Anong trip niya? Ininguso niya ang brochure saka niya kinuha ang tasa at sumimsim doon. Napalunok na lang ako ng sariling laway. Akala ko pa naman, para sa akin ‘yong kape.

“Anong gagawin ko rito?” I asked him while scanning the pages.

“Alexis’ birthday is on Friday, next week. It’s her debut.” Tumango ako, kunwari ay kilala ang Alexis na sinasabi niya. Ipinagpatuloy ko ang paglilipat ng mga pages. Natigilan ako nang may mukha ng babae akong maalala.

“Alexis? Si Alex?” Ramdam ko ang panlalaki ng aking mga mata. Hindi man halata pero nagulat ako sa naalala. Natawa si Corbi bago sumimsim sa kape. Humarap siya sa akin nang nakangiti—labas ang gilagid sa itaas. Ngayon ko lang ulit nakita ang gummy smile niyang iyon. The last time he smiled at me that way was when were still kids.

Inulan ng alaala ang aking isipan. It was almost 10 years since I first met the Valiente siblings. Corbi was five years older than me and Alexis was a year younger than me. I don’t have much childhood memory pero naaalala ko ang madalas naming bangayan ni Alexis noon. May playground si Lolo Martin sa likod ng mansion niya noon kung saan kami madalas maglaro na tatlo.

One of my memories with her, which I also labelled as my most unforgettable moment in life was when the seat of the swing hit her forehead. Palayuan kami noon ng talon mula sa dumuduyang single swing. Turn ko ng tumalon sa swing noon at pagkatalon ko ay sinubukan niyang pigilan ang pagduyan ng upuan nito. Unfortunately, tumama ang upuan sa noo niya na siyang dahilan ng pagkasugat at pagdugo n’on.

“I thought of throwing a simple celebration for her. Sa bar. Total hindi naman makakauwi ang parents namin. Out of town. Magpapatulong sana ako sa ‘yong pumili ng dress na ireregalo ko sa kaniya.”

“Bakit dress?” pagtataka ko.

“Bakit?” pagbabalik niya ng tanong sa akin. Inilapag niya sa mesa ang tasa ng kape. Nagtama ang mga mata namin nang lingunin niya ako. “Anong regalo ang gusto mo? Kung ikaw si Alex?”

“Kung ako si Alexis at may kuya akong manager slash owner ng isang bar, I would like to have a car as a gift.”

“Materialistic.” Natawa kami pareho ni Corbi. Nalimutan ko bigla ang gadangkal na espasyo sa pagitan naming dalawa. I somewhat feel comfortable beside him for some reasons.

Nag-init ang pisngi ko nang maalalang minsan kong inamin kay Nanay Dolor na crush ko siya, noong mga bata pa kami. Sadly, matapos ‘yong nangyaring aksidente kay Alexis sa swing ay hindi na madalas gumagawi sa bahay sina Corbi at Alex. Pumupunta na lamang sila tuwing may family party o holidays. Idagdag pa na umalis kami ni Mommy sa mansion at lumipat sa bahay kung saan kami nakatira ngayon. Time erased my infantuation towards him.

“Bakit ba?! Wala naman akong kuya kaya libre lang mangarap!”

“I can be your kuya. If you want.” Umiwas ako ng tingin kay Corbi nang makaramdam nang pagkailang. Inabala ko na lamang kunwari ang sarili sa pagtingin ng mga dress sa brochure na hawak. Sinong mag-aakala na nag-eexist pa rin ang mga brochure sa panahon ngayon?

Isinara ko ang brochure nang makita ang dress doon na suot ko noong birthday ko. I checked the clothing brand and my eyes literally widen for the second time. Ngayon ko lang nalaman na mayroon pala silang brochure! Madalas kasi sa shop talaga nila ako pumupunta. Muli kong binuklat ang brochure nang maalala ang isa pang dress na isa sa mga option kong suotin sa birthday ko.

“Here!” Ipinatong ko sa ibabaw ng mesa ang brochure at itinuro ang sinasabi kong dress. It’s a yellow deep V wrap dress na asymmetrical ang laylayan ng skirt. I dunno but I have this slight obsession sa mga dress na asymmetrical ang laylayan. Besides, may lahing mestizo sila Corbi kaya paniguradong magbabagay kay Alexis ‘yong damit.

Tiningnan ni Corbi ang damit na inirekomenda ko. Pinakatitigan niya itong mabuti nang hindi kumukurap at pagkatapos ay nakangiti siyang bumaling sa akin. Kumakaway sa akin ang maliliit at pantay niyang ngipin maging ang nagniningning niyang gilagid.

“Okay. I’ll buy this.” Kinuha ni Corbi sa bulsa ang kaniyang cellphone saka tumipa nang mabilis. May idinial siyang number at nang sagutin na ito ng tao sa kabilang linya ay agad akong umiwas ng tingin.

“Jin, may bibilhin akong dress,” panimula niya. Lumingon ako sa kaniya—eksakto namang humarap din siya sa akin. Sabay kaming umiwas pagkatapos. “Sira! Para kay Alex ‘to.”

Well, obviously, I can’t hear the guy on the other line. Pero tinawag niya itong Jin, kung hindi pa nagkakaroon ng defect ang tainga ko, ‘di ba? Kilala ba niya ang owner ng clothing line na iyon?

“Pwede bang paki-padeliver na rin kaagad dito sa school? Nasa SC office ako. Send ko na rin sa ‘yo ‘yong pictures at details. Thank you!” May pakiramdam akong nagsasalita pa ‘yong Jin nang babaan niya ito ng tawag.

Tulad ng sinabi niya, kinuhanan niya ng picture ‘yung dress na nasa brochure saka nakangiting sumandal sa backboard ng sofa, hawak ang cellphone niya.

“Wait, should we buy her a pair of sandals, too?” suggestion ko.

Nilingon ko si Corbi na ngayon ay halos mahiga na sa sofa habang nakaangat ang ulo sa bandang mukha niya. Hindi ko na siya hinintay pang sumang-ayon. Binuklat ko muli ang brochure at saka naghanap ng sandals na maaaring ipares sa dress na napili namin.

Nagpatuloy ako sa pag-flip ng mga pages hanggang makarating sa footwear section. Bumungad kaagad sa akin ang isang pointed toe pump heels na may kulay gold na ankle strap. Ipinakita ko iyon kay Corbi na nakangiti namang tumango sa akin. Wala bang girlfriend ‘tong hinayupak na ito at ako ang ginugulo?

“Nagsusuot naman siguro si Alex ng stilettos.”

“Speaking of stilettos…” Nilingon ko si Corbi na naupo nang maayos sa sofa. Tila ba may inaalala siya habang sa kisame ang atensyon. “Nakauwi na ba sa ‘yo ‘yong sandals na suot sa bar?” Kumunot ang noo ko.

“Nakita kita sa bar counter noong gabi ng birthday mo. At first, I thought that it wasn’t you kasi sa pagkakaalam ko, may party sa bahay ng Lolo mo. You’re drunk and wasted. Hinubad mo pa nga ‘yong sandals mo at ipinanghahampas sa kung sino mang lalapit sa iyo. Good thing, kahit para bang sinasaniban ka ay nakilala mo pa rin ako.”

“W-wala ka bang nakita na kasama ko that time?” paninigurado ko. Naalala ko ‘yong sinabi niya na siya ang sumagot nang tumawag sa cellphone ko si Vhan. Mukha siguro akong ewan noong gabing iyon. Nakakahiya!

Umiling si Corbi. “Wala naman. Tumawag pa nga n’on si Vhan pero minura ako ng loko. Akala yata nanlalalaki ka! Gabing-gabi na n’on at malayo-layo rin ang bahay niyo kaya sa bahay na kita dinala.”

“Sa bahay niyo?” Siomai rice. Double kill! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kaniya sa tuwing magkikita kami? “T-teka, bahay niyo?” May kung ano akong napagtanto. Kung bahay niya ang nakagisingan ko, bakit na kay Thunder ang stilettos ko?

“Hm! Lumayas ka nga kinabukasan nang walang paalam.” Mas lalong kumunot ang noo ko habang pinoproseso ang mga natuklasan. “Nang maihatid kita sa bahay, doon ko lang napansin na wala ka nang sapin sa paa. Bumalik ako sa bar pero wala akong sandals na natagpuan.”

All this time, inakala kong bahay ni Thunder ang nakagisingan ko nang umagang iyon. Napaikot niya ako gamit ang stilettos na paniguradong pinulot niya lang sa bar nang gabing iyon. Napangiti na lamang ako at pabirong hinampas si Corbi sa braso na siyang ikinagulat niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

Tumayo siya at lumayo sa akin. Sinipat niya ang kaniyang cellphone. Nang umangat siya ng tingin ay tinungo niya ang pinto. Binuksan niya ito at may tiningnan sa labas. Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Corbi nang muli niyang isara ang pinto.

“Jey, patuluyin mo ‘yong magde-deliver ng dress at sandals kapag dumating. Sumama yata ‘yong tiyan ko dahil sa kape.” I looked at him with disgust while his hands were on his belly. Para siyang bata na ano mang oras ay iiyak na sa sobrang sakit ng tiyan. Hindi ako pumayag pero hindi rin naman ako tumanggi. Tumuloy siya sa kabilang bahagi ng room kung nasaan yata ang comfort room.

Mabuti na lang at hindi ako uminom ng kape.

Muli akong nagbrowse sa brochure na nakapatong sa mesa. Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang silid nang mawala sa paningin ko si Corbi. Mayamaya pa’y may kumatok sa pinto ng SC office. Tumayo ako at humakbang papunta roon upang tingnan kung sino ba ang dumating.

It’s as if everything went slow motion as soon as I got a glimpse on the person standing right in front of me. Kapansin-pansin na maging siya ay nagulat din nang makita ako. I tried to calm my self but I failed. Patuloy lang sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.

“Ah!” I exclaimed, breaking the ice. Bakit siya nandito?

Sinagot naman ng nakaabot niyang kamay sa akin na may hawak sa paper bag ang ibinubulong ng utak ko. “Cash on delivery daw ‘to sabi ni kuya Jin.”

Siomai rice! Are you telling me na ang Jin na tinawagan ni Corbi kanina ay si Jin Aleghiere na kuya niya? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? I didn’t know that their family owns that clothing line. Nilakihan ko ang awang ng pinto saka umakmang tatanggapin ang paper bag nang ilayo niya ito sa akin.

“Pakibayaran na lang. May klase pa ako.”

“K-kasi… A-ano kasi, Vhan…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status