Share

CHAPTER 3

Hindi pa ako pinauwi ni Lyn. Dahil daw sa Wala itong kasama dahil nagpaalam daw Ang mga kasambahay nito na Hindi daw sila makakapasok.

Ilang Araw na ako sa bahay nila lyn.

Dahil sa Wala itong kasama sa bahay. Dahil may sakit Ang anak Ng kasambahay nila Kaya Hindi ito nakakapasok.

Si ate neneng lang Ang naroon pero Hindi Naman ito luluto sa bahay nila Lyn Kasi labandera lang nila ito doon si Aling Tunyang Ang tagapagluto pero Wala ito dahil may sakit Ang anak nito.

Hindi kasi marunong si Lyn sa gawaing bahay o magluto man lang. Dahil laking mayaman ito Hindi siya sanay sa Gawain.

Kaya habang pumapasok ako sa iskulahan ay doon Muna ako umuuwi Kila lyn sinasamahan ko siya sa bahay nila.

Tuwing umaga ay ako Ang maagang nagigising dahil sa may pasok ako.

Kaya ako narin Ang nagluluto dahil naiiwan sa bahay nila Ang pamangkin at kuya ni Lyn.

Dahil kailangan niyang pumunta sa opisina niya.

Kaya dinadamihan ko na Ang niluluto ko para ipainit na Lang NG mag- ama sa pananghalian nila.

Kasi Hindi naman sila marunong magluto katulad ni Lyn. At sa hapon ay diretso na ako sa bahay nila Lyn para ulit magluto NG hapunan namin.

Binibigyan Rin ako NG Pera ni Lyn sa tuwing pumapasok ako sa school. Kaya Hindi ko na kailangan na humingi pa NG Pera Kay tatay.

Mag iisang buwan na ako sa bahay ni lyn.

Dahil Hindi pa Rin bumabalik Ang kasambahay na si Aling Tunyang sa bahay nila Lyn.

Dahil Hindi pa gumagaling Ang anak nito. Naaksidente raw ito noong patawid siya sa kalye patungo sa iskulahan.

Kay Hanggang ngaun ay Hindi pa Rin siya makapasok Kila Lyn. Ako Naman ay umuuwi pero bumabalik Naman sa bahay Ng pinsan ko na Asawa ni Lyn.

Si Kiel lang Ang kasama ko Kung minsan sa bahay nila Lyn.

Dahil Ang tatay niya at si Lyn ay may mga trabaho. kasama Kasi sa negosyo Ang tatay niya sa furniture company ni Lyn dito sa probensiya.

Maghahapon na at tumawag sa akin si Lyn aalis daw ito kasama Ang kuya niya

Luluwas daw sila sa maynila Kasi may ka-business meeting sila doon.

Kaya binilin niya sa aking Ang pamangkin niya.

Dahil mawawala daw nila ng isang linggo.

Pagdating ko sa bahay ni Lyn pumanghik Muna ako sa kuwarto ko para magbihis at ilagay Ang mga gamit ko.

Pero sa sobrang init ay napagpasyahan Kong maligo Muna sa banyo. Nang matapos ako sa banyo ay nagtapis na ako NG tuwalya at lumabas sa banyo para magbihis.

Hindi pa ako nakapagbihis ng may kumatok sa aking kuwarto naalala ko na kami lang ni Kiel sa bahay na iyon.

Dahil umalis na Pala si ate neneng Ang labandera nila Lyn.

Kaya Hindi ko pinansin Ang kumakatok at patuloy akong naghahanap NG damit ko NG biglang bumukas Ang pinto sa kuwarto ko.

Kaya nagulat ako dahil nakatapis lang ako NG tuwalya. Nagulat Naman si Kiel dahil sa Nakita niya.

Ano bang ginagawa mo....bakit bigla bigla kang pumapasok? pasigaw Kong saad.

Eh Kasi kanina pa Kasi ako kumakatok eh.. di ka Naman sumasagot at malay ko ba na nakatapis kalang....Saad niya at pinasadahan niya Ang katawan Kong nakatapis lang ng tuwalya.

"Ano bang kailangan mo?bakit ka ba pumasok dito?" tanong ko.

Eh.... nagugutom na Kasi ako at wala pang naluto na pagkain sa kusina.

Kaya kinakatok kita para sabihin na magluto kana at nagugutom na ako.

Ano ako katulong mo?hmmm...inis ko rito.

Sige na lumabas kana at susunod na ako para magluto sagot ko sa kanya.

At sinara na niya Ang pinto at umalis na ito pababa.

Pagkatapos Kong magbihis ay agad naman na akong bumaba at nagluto.

Natapos na kaming kumaing dalawa naghugas Muna ako sa aming pinagkainan.

Saka na ako nagtungo sa aking kuwarto upang gumawa NG aking mga aralin.

Pagkaraan NG ilang minuto ay may kumatok ulit sa pinto NG kuwarto ko. Hindi ko na Sana iyo bubukasan ngunit naalala ko yong ganap kanina na bigla nalang niyang binuksan Ang pinto.

Kaya nagtungo ako sa may pinto at pinagbuksan siya.

" Ano ba na Naman Ang problema mo?" Hindi mo ba alam na may ginagawa ako gumagawa ako Ng aralin ko"...Saad ko Kay kiel

Pasensiya na Baka Kasi kailangan mo NG tulong ko Saad niya sa akin.

"Hindi ko kailangan Ang tulong mo... pwede bang umalis kana dito sa kuwarto ko...inis na Saad ko sa kanya.

"Ang sungit mo Naman"...bulong na Saad niya pero narinig ko pa Rin.Kaya tumalikod siya at Napabuntong hininga.

Kaya pinagsarahan ko siya NG pinto ko.

Halos natapos Kuna Ang mga Gawain ko.

Ngunit Ang huli Kong Gawain ay Ang mathematics na trinometry.

Hindi ko maintindihan Kong paano iyon sagutin nahirapan Kasi akong intindihan Kasi Hindi man lang iyon na explain Ng guro namin Kong paano magsolve.

Lumabas ako sa kuwarto ko at nagtungo sa kuwarto ni Kiel.

Ilang hakbang lang Kasi sa kuwarto ko sa kuwarto niya. Nasa harap na ako NG kanyang pinto ngunit Hindi pa ako kumakatok.

dahil sa kinakabahan akong baka Gawin niya Ang ginawa ko sa kanya kanina. Baka pagsarhan din niya ako nang pinto niya.

Pero humugot ako Ng hangin at kumuha NG lakas NG loob.

"Bahala na".tok...tok...tok. tatlong katok ko sa pinto nya at bumukas ito at niluwa siya.

Tumaas Ang kanyang kilay niya Ng Makita niya ako...

O.. Bakit Saad nito..

"Aaah..aa pwede ba akong magpatulong? nabubulol Kong tanong.

"Kumonot naman Ang noo niya at " Akala ko ba Hindi mo kailangan Ang tulong ko?...ngisi niyang Saad.

"Kung ayaw mo di wag" ang sagot ko sa kanya.

Nang tatalikod na Sana ako ay biglang niyang hila ang braso ko Kaya Hindi ko na nabalanse Ang katawan ko at napasobsob tuloy ako sa malapad na dibdib niya.

Aray...ko naman anas ko sa kanya.

Ay sorry.... paghihingi niya NG tawad.

Pumasok ka Saad Naman niya sa akin.

Nang makapasok ako sa kuwarto niya ay hinanda niya Ang kanyang lamesita sa loob NG kuwarto niya.

Doon niya pinalapag Ang mga gamit ko. At nag umpisa na kami sa pagsagot sa mga aralin ko.

Ito Hindi ko maintindihan Kong paano ito nakuha Ng teacher ko.

Nahirapan Kasi ako dito sa trinometry na subject ko.

Nahirapan akong intindihin.

Dahil sa mas matanda ito sa akin. At alam Kong tapos na nito Ang pag aaral niya ay sigurado akong alam niya Ang mga pinag aaralan namin.

At businessman ito imposibleng Hindi pa niya tapos Ang trinometry.

Kaya Hindi na ako nagpatumpik tumpik na humingi dito Ng tulong.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status