CHAPTER 9 (PART 1)
“Miss, hindi pa po ba magsisimula?”
“I’m sorry po, wala pa kasi si Sir,” hingi niya ng paumanhin sa aplikante na nagtanong. “May inasikaso lang siyang importante. He’s on his way here.”
“Sige po. Kahapon pa kasi kami naghihintay.”
Awkward na nginitian niya ang mga aplikante na nakahilera sa waiting area
Nakapagdahilan nga siyang masakit ang tiyan nang pinapasama siya ni Sebastian sa lunch pero ininis naman siya kinahapunan.
Nagdagsaan ang mga aplikante ngayong araw dahil napilitan siyang pauwiin ang mga ito kahapon.
Mabuti na lang at dumating na kahapon si Heather mula sa ibang bansa kaya napawi ang pagkabwisit niya.
“Sir, nasaan na po kayo?” bungad niya nang sagutin ang tawag nito.
“We’re going to Manila, Ms. Mijares. Get yourself ready in ten minutes.”
“Po? Sir, maraming aplikante na rito.”
“Pauwiin mo na.”
“Ako na lang ang magi-interview sa kanila.”
Narinig niya ang pag-tsk nito sa kabilang linya. “I instructed the HR to give them ten thousand each for wasting their time.”
Hindi siya naka-imik nang matantya kung ilang halaga ang magagastos lahat.
“Is that okay now, Mijares? I don’t have time for this.”
Nganga ang mga aplikante nang i-anunsyo niya ang pagbibigay ‘ayuda’ ng boss niyang hindi na naman susulpot.
Inayos niya ang kanyang mga gamit at ni-text si Heather para maki-usap na ito na muna ang bahala kay Sevi. Pumayag naman ito dahil miss na miss na raw ang inaanak.
Pinanlalamigan si Neshara nang makita kung anong klaseng sasakyan ang naghihintay nang makarating ang sumundong kotse sa pribado at malawak na lupain.
“D-D’yan tayo sasakay?” Nawala ang poise na itinuro niya ang helicopter. “Ayaw ko, Sir. Hindi naman ako kakailanganin do’n. May secretary ka naman sa Corporation.”
“I don’t have time for dramas, Mijares. I need to go to Manila before ten.”
“Boss, doon na lang ako sa opi—”
Naputol ang pagpo-protesta niya nang walang pakandungan siya nitong hinila papunta sa helicopter na nagsimula ng umandar.
Mahina siyang tumitili nang pumwesto ang pilot sa upuan nito.
“You’re going with me,” bruskong sikmat ni Sebastian bago inilagay ang headphone sa kanyang tainga.
“Tangina mo po with respect!” Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. Bahala na talaga kung tanggalin siya nito sa trabaho.
M amamatay na rin lang siya sa kaba, mumurahin niya na ng marami.
Ngunit sa halip na magalit sa kanya ay ngumisi lang sa kanya si Sebastian na para bang sinasabi nitong para siyang t anga.
Walang kahiya-hiyang sumiksik siya rito nang maramdaman niyang umangat na ang helicopter.
“Ay!” Napapikit siya sa takot sabay hawak sa kung ano.
Ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibd ib. Gustong bumaliktad ng kanyang sikmura nang maramdaman niyang tuluyan na nga silang nasa ere.
Umuga ng kaunti ang helicopter kaya mangiyak-ngiyak na napasigaw na naman siya. “Mama ko po. Gusto ko pang mabuhay!”
Nawala na sa isip niya ang awkwardness niya sa ex-boyfriend niyang g ago.
Wala talagang puso ang lalaki. Hindi man lang nito naisip na takot siya sa heights.
Iniiwas-iwasan pa naman niyang tumingin sa ibaba kapag nasa opisina siya tapos ito ay papasakayin lang siya sa helicopter.
Pakiramdam niya ay taon ang dumaan bago bumaba ang sasakyan sa helipad ng isang mataas na gusali.
Mabilis niyang inalis ang suot na headset, hindi pa man tuluyang tumitigil ang makina ng helicopter.
Napatingin siya sa dalawang bodyguard na nasa harapan nila ni Sebastian.
Pigil na pigil ang tawa ng dalawa na parang ewan.
Nang sundan niya ng tingin kung saan nakatutok ang mga mata ng dalawa, ay napangiwi siya.
Bumaon na ang kanyang mga kuko sa likod ng kamay ni Sebastian. Walang kaimik-imik ito ngunit umigting ang mga panga.
“Boss, sorry. Sorry po.”
Hindi siya nito pinansin bagkus, ay binalingan nito ang dalawang bodyguard na agad namang sumeryoso ang mukha.
“Ready the car. Make sure the meeting place is clear.”
Mabilis na lumayas ang dalawa.
Akmang susunod siya nang hilahin siya ni Sebastian pabalik sa kinauupuan.
“Look what you’ve done. It’s bleeding. You’re a grown-ass woman, yet you’re afraid of heights.”
“Hindi naman naaalis ang phobia,” laban niya rito.
Ano bang dinede nito noong bata pa at sinalo yata lahat ng sama ng loob. Ang tigas-tigas ng puso, walang konsiderasyon…
Hinding-hindi talaga siya papayag na magiging katulad nito si Sevi.
Sisiguruhin niyang babalutin niya ng pagmamahal ang kanyang anak at gagabayan niya ito ng tama upang hindi ito makapanakit ng babae paglaki.
Kung may magagaya man na ugali si Sevi mula sa ama, gusto niya ay gumaya ito sa Sebastian na kilala niya.
The Sebastian she used to know when they were still together was intimidating yet sweet.
Arrogant but caring.
Siya palagi ang inuuna nito noon. Kapag naiiyak siya sa mga gawain niya sa eskwela ay palaging ito ang nagpapakalma sa kanya.
He was her shoulder to cry on, her hero…
Pero ngayon, hindi niya na makita ang Sebastian na iyon. Namatay na yata o kaya ay nagpapanggap lamang ang lalaki noon para makuha siya.
He told her that it was all a game for him.
Pinagpustahan siya ng mga ka-barkada nito at siya naman si t anga ay hulog na hulog at ibinigay pa ang buong pagkatao niya.
Pinagsisisihan niya na naging t anga siya pero hinding-hindi niya pinagsisisihan na ipinanganak niya si Sevirious.
Muling bumakas ang pinto ng helicopter. Inabot ng bodyguard ang dalawang bote ng tubig kay Sebastian.
“Fix yourself. Don’t ruin my meeting by being over-acting.”
Napanganga siya nang walang lingon-likod na lumabas si Sebastian matapos nitong ibigay sa kanya ang isang bote ng tubig.
CHAPTER 9 (PART 2) “Okay na po kayo, Ma’am?” “Opo. Pero iyong boss natin, siguradong hindi pa okay. Ang arogante ng bwisit.” Hindi siya natakot na baka isumbong siya nito kay Sebastian dahil tumawa ang lalaki at inalalayan siya pababa. Bawat madaanan niyang pasilyo ay may logo ng kompanya. Pitong beses yata ang laki ng nilalakaran niyang mga opisina kumpara sa MedBrain. Siguradong maliligaw siya kapag sinubukan niyang umeskapo para lang makaiwas na sumakay ulit sila sa helicopter pabalik ng Bicol. Nakita niya agad si Sebastian sa dulo ng mahabang mesa nang makapasok sila sa conference room. Prenteng naka-upo ito sa malaking swivel chair habang suot ang reading glasses. Ang seryoso nitong mga mata ay nananatiling nakatingin sa papel na nasa harapan nito. Hindi bababa sa sampu ang nasa loob ng conference room. Hula niya ay tungkol sa financial reports ng korporasyon ang pinapaliwanag sa unahan. Natigilan siya sa paghakbang nang ma-realize niya kung saan siya igin
CHAPTER 9 (PART 3) “S-Sa conference po.” “I’m not old, Neshara Fil.” Gulat na itinuro niya ang sarili. “Kilala niyo po ako?” “Come on, I’ll buy you a drink. Sebastian doesn’t know how to keep you.” Hinayaan niya itong hilahin siya sa elevator. Mukha namang harmless ang lalaki kahit nakaka-intimida ang presensya nito. Maangas ang dating. Lalo na ang guhit sa kaliwang kilay nito na natural na makapal, maitim at mistulang iginuhit sa perpektong linya niyon. “I’m Zech Leon,” wika nito nang inilapag ang isang tasa ng kape sa kanyang harapan. Napangiwi siya nang makitang black roasted iyon. “Neshara Fil. Secretary po ni Sir Seb sa MedBrain.” “Secretary,” he murmured like it was the most stupid word he ever heard. Inanggulo pa nito ang ulo bago ngumisi. “Secretary, my ass.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Baka tingin din nito sa kanya ay kabit siya ni Sebastian. Mukhang alam nito na may nakaraan sila ng lalaki. “Aalis din po ako sa MedBrain.” Kabadong sumimsim
CHAPTER 10 (PART 1) Kiming nginitian ni Neshara ang tatlong sekretarya ni Sebastian na nag-aantay rito nang makabalik sila sa opisina nito. Ang matangkad na lalaking nasa gitna ang unang lumapit sa kanila. May ipinakita kay CEO Rocc sa hawak-hawak nitong iPad. “Gayle, show Ms. Mijares the documents for MedBrain,” utos ni Sebastian habang hindi nito inaalis ang mata sa gadget. Lumapit sa kaniya ang babaeng maliit na may salamin sa mata. “Tara po, Ma’am?” Ibinigay nito ang hawak-hawak na folder sa isa pang lalaki. Pasimple pang nagsenyasan ang dalawa bago siya tuluyang hinila ng babae. “Pasensya ka na. Si Sir kasi ang sungit-sungit,” wika nito sa kanya nang makalayo sila. “Kanina pa kami naghihintay sa dami ng papapirmahan sa kanya. Hindi namin maistorbo pagkatapos ng meeting kasi magkakasalubong na ang kilay nang muli siyang lumabas ng office niya.” Ipinakita nito sa kanya ang listahan ng mga ospital sa Camarines Sur at mga karatig pang probinsya, na su-suply-an nila
CHAPTER 10 (PART 2) Hindi sumagot si Sebastian kaya hinila niya na ang kamay niya. “Sa labas ko na lang kayo hihintayin, Sir.” Marahas itong bumuga ng hangin at inunahan siya sa paglabas. Parang batang nagdadabog pa. Mabilis naman siyang sumunod dito papasok sa malaking front door. Awtomatikong nailayo niya ang bag nang akmang kukunin iyon ng lumapit na maid. “Ako na po ang magdadala, Ma’am.” “Hindi na kailangan, Ate,” tanggi niya at lumayu-layo dala ng gulat dito. Inutos ni Sebastian na ihanda ang guest room. “You came on time, Seb. Dinner is almost ready,” malambing ang boses ni Mrs. Rocc nang sumulpot ito sa living room. Nawala ang ngiti nito nang makita siya. “What is she doing here?” Disgusto ang boses ni Mrs. Rocc. “She’s my secretary, Mom. I have tons of work from the office. Don’t mess tonight.” “What?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Florence sa anak. “I don’t like where is this going, Sebastian.” “Hindi ko po babalikan ang anak niyo kung i
CHAPTER 11 (PART 1) Inagaw niya ang cellphone kay Sebastian. Lihim siyang napausal ng pasasalamat nang makitang hindi iyon video call. Nanginginig na ni-off niya ang loud speaker button. “Nasaan ang mommy mo?” Tumalikod siya kay Sebastian at nagkunwaring busy. “Pinakialaman mo na naman ba ang phone niya?” “Mommy ko, ikaw po ang mommy ko. Gulo ka naman,” sagot ni Sevi sa kabilang linya. Hindi niya man nakikita, alam niyang kumakamot na naman ito saulo. “Sino po iyong sumagot? Guy? His voice is familiar po.” “Akala mo lang ‘yon. Hmn…” Natahimik ng ilang segundo si Sevi bago suminghap na parang may naalala. Mangiyak-ngiyak na ang boses nito nang muling magsalita. “Mommy, I said I don’t want you to have a boyfriend.” Her lips parted when Sevirious sobbed. “I don’t want you to have a boyfriend. Ako lang ang baby mo po, Mommy ko.” Pumikit siya at sinapo ang ulo. Narinig niya ang boses ni Heather na tinatanong kung bakit umiiyak si Sevirious. Hihikbi-hikbi na
CHAPTER 11 (PART 2) Tuluyan niyang hindi malunok ang pagkain. Kinuha niya ang pinagkainan upang hugasan. Katabi lang ng dining room ang malawak na kitchen ng mansyon. Walang tao roon kaya mabilis siyang pumwesto sa sink. Lalayas na talaga siya sa bahay na iyon. Nakakairita! “Joy, can you get me my morning drink?” Napalingon siya kay Florence na papasok. Bukod sa natatakpan ng cabinet ang kalahati ng kanyang katawan, hindi nakatingin sa kanya ang ginang. Basta na lang itong umupo sa mesang naroroon at yumuko. Parang may iniinda. “My head is hurting, Joy. I think my blood pressure is high again,” anito. “So stressed these days. Good thing, ibinigay sa akin ng kumare kong doktor ang liquid supplement na ‘yan.” Hindi pa rin siya gumagalaw, hindi alam kung hahayaan niya na ba ang ginang na mag-aasume na siya ang katulong. Hinilot nito ang sintido. Pumikit at umungol na parang hindi komportable. Nang napunta ang kamay nito sa batok, hindi na nakapagpigil si Neshara F
CHAPTER 12 (PART 1) Pang-isang daang ulit na yata pinanood ni Sebastian ang performance ng bata na ni-upload ng King Royale’s School sa internet. Sevi is an exceptional child and he wants to support children like him to reach their full potential. Kaya nga naisipan niyang pag-aralin ito sa Germany sa pamamagitan ng Rocc’s Corporation Scholarship. Kaya lang ay tinanggihan iyon ng ina ng bata. Hindi niya maintindihan kung bakit. Hanggang doctorate na iyon. Walang gagastusin ang ina nito ni singko sa pagpapaaral kay Sevi sa prestihiyosong paraalan sa Germany. Bukod roon, may kung ano sa kanya na gusto palaging makita si Sevirious. The kid is making him calm; like every time he sees Neshara Fil. Gusto niyang ibigay ang lahat sa batang iyon. He even insisted that they should be friends. He may be out of his mind! D amn it! That is not the cold-blooded Sebastian that everyone knows. He shouldn’t care or his grandfather will use it as his weakness. Ayaw
CHAPTER 12 (PART 2) WALA na siyang babalikan. Alam niya. Siya lang itong pinipilit ang sarili na baka kahit kaunti ay meron pa. Na mapapatawad siya ni Neshara sa sinabi niya noon, sa pag-iwan niya rito. “Sevi, may naghahanap sa ‘yo.” “Sino po, Teacher?” rinig niyang tanong ng anak niya sa loob ng classroom. Pinigilan niyang maluha sa boses na iyon. God! He should have known the first time he saw Sevirious. “Friend mo raw. Labas ka na. Tapos ka naman na sa activity sheet mo.” Ilang sandali lang siyang naghintay bago niya nakita ang maliit na pigura ni Sevi. Nagpalinga-linga ito bago nahanap siya. Sebastian waves his hand that is now starting to get sweaty. Malakas ang kabog ng kanyang dibd ib habang pinapanood ang anak na naglalakad palapit sa kanya. “Ano pong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya, bahagyang nakabusangot. Hindi siya agad nakasagot. Tinitigan niya lamang si Sevirious. “Sir Seb,” kublit nito sa kanya. Naghalo ang pagtataka at busa