“Napaka swerte mo, Bella, sa lahat sa atin dito sa club ikaw ang pinaka mabenta at pinipilahan ng mga costumers’ para mai-table ka o mailabas para sa isang date. Kaya paboritong-paborito ka ni mami Gwen eh.”
“Sinabi mo pa, lahat ng mga mata ng lalaking costumers natin lahat ay napupunta kay, Bella, iba talaga ang maganda.”“Ang ganda ni Bella ay hindi nababagay sa club na ‘to, kahit balat niya parang kutis mayaman. Nakakainggit.”“Ano ba kayo, alagaan niyo lang mga balat niyo maa-achieve niyo din ang ganitong kutis. Tsaka magaganda din kayo nuh, sinong nagsabi na hindi pagsisipain ko mga mukha nila.” Saad ni Bella na ikinatawa ng mga kasama niya.Magkakasama sila sa locker nila upang magbihis at mag-ayos na ng kanilang sarili dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na sila sa kanilang trabaho. Ang mga babaeng ito sa club kasama si Bella ay nagtatrabaho upang bigyan kasiyahan ang mga costumer nila sa pamamagitan ng pagsama nila sa mesa ng mga ito, o paglabas para i-entertain ang mga ito, host ang tawag sa kanila. Ang ibang mga babae ay binibigay ang kanilang mga sarili sa mga costumers nila upang mas malaking tip ay ibigay sa kanila, pero si Bella ang nag-iisang host sa club na may rule sa bawat costumer niya na no touch, no sex na napagkasunduan ng kanilang boss.Si Bella ay mag-isa nalang na naninirahan sa isang maliit at tagpi-tagping bahay na ilang taon na niyang hindi iniiwan kahit inaalok siya ng mga kasama niya sa trabaho na sumama sa kanila at makitira sa mga ito. Pinili ni Bella na hindi iwan ang kaniyang munting bahay, ang buhay ni Bella sa mga nagdaang taon ay hindi naging maganda. Isang kahig-isang tuka pero kinaya niya at pinagtiisan niya, masasabi niyang mas mahirap pa sa daga ang pamumuhay niya pero hindi ‘yun naging dahilan upang sumuko siya.Ang pagiging host sa club na pinagtatrabahuan niya ngayon ang nagbibigay ng makakain niya upang patuloy siyang mabuhay, hindi man maganda ang buhay na meron siya o trabaho na ginagawa niya ay wala siyang magagawa kundi sikmurain ang mga ‘yun. Nagiging okay naman ang trabaho niya as long na hindi sisirain ng mga costumers niya ang rules na ibinaba niya.“Masyado niyong pinipuri ang isang ‘yan, sa kakapuri niyo baka lumaki ang ulo niya. Ano naman kung humahanay ang mga costumers na gusto siyang i-table? Ano naman kung mas laki ang mga tip na nakukuha niya kaysa sa atin? Tsk! Hindi magtatagal ‘yan, malalaos at maluluma din siya.”saad ni Pamela na kaisa-isang katrabaho ni Bella na laging inis sa kaniya at may malaking inggit kay Bella.“Bakit ba lagi kang masungit kay Bella? Ang sabihin mo, Pamela, naiinggit ka sa kaniya dahil nasa kaniya na ang atensyon ng mga dati mong costumers.”ani ng isa sa kasamahan nila na ikinasama ng tinigin ni Pamela dito.“Ako maiinggit sa kaniya? Pwede ba, hindi porket siya ang bida ngayon ay naiinggit na ako sa kaniya, babalik at babalik sa akin ang mga costumers ko.”inis na ani ni Pamela bago inirapan ang lahat bago lumabas ng locker matapos nitong makapagbihis.“Ayaw pang aminin na naiinggit siya kay Bella.”“Hayain niyo na si Pamela, nagsusungit siya sa akin pero alam kong mabait siya at nagpapakipot lang. Mag ready na tayo, sigurado akong magiging busy ang gabi natin ngayon.”ngiting ani ni Bella na ikinatango ng mga kasama niya.Binilisan na nila ang kanilang pag-aayos at ng maging okay na sila ay sabay-sabay na silang lumabas dahil bibigyan pa sila ng mga bilin ni mami gwen, ang may-ari ng club. Nang makarating na sila sa loob ng bar na malapit ng magbukas ay naroon na si Pamela kasama si mami Gwen na naghihintay sa kanila.“Mabuti at narito na kayong lahat girls, magiging abala ulit tayong lahat ngayon gabi. Pasayahin niyo ang mga costumers niyo para marami kayong maiuwi na tip.” Bilin ni mami Gwen sa kaniyang mga alaga bago malawak na ngiti ang ibinigay nito kay Bella at nilapitan ito.“At syempre Bella, alam kong pagkakaguluhan ka na naman mamaya kaya galingan mo ang page-entertain sa kanila. Ikaw ang request ng karamihan sa mga costumers natin pero pumili ka ng may malaking ibabayad sa akin at malaking tip para sayo.”saad nito na ngiting ikinatango ni Bella.“Gagawin ko ang best ko para kumita, mami Gwen, makakaasa kayo sa akin basta ang usapan po natin.”“Ay oo naman, makasama ka lang nila ng isang gabi ay okay na sa kanila.”sagot ni mami Gwen na ikinairap ni Pamela.“Magbubukas na tayo kaya galingan niyo girls, pasayahin niyo ulit si mami Gwen niyo.”pahayag pa ni mami Gwen bago naglakad na palayo sa kanila upang magbukas na ng club nila.Nang mga sumunod na oras ay naging abala na sila Bella sa pag-aasikaso ng mga costumers nila, may kaniya-kaniya ng ka table ang mga kasama niya pero nahihirapan si Bella makahanap ng costumer na magbabayad ng malaki sa service niya at magbibigay ng tip para sa kaniya, marami ng tinanggihan si Bella na gusto siyang ilabas na napupunta sa mga kasamahan niya. Hanggang pag table lang sa kaniya ang binibigay niya pero wala siyang mapili na sasamahan niya. Napabuntong hininga nalang si Bella at kinuha ang tray na may lamang alak at pulutan para sa table na sasamahan niya.Malawak ang ngiti na ipinakita ni Bella sa costumer niya na hangang-hangang nakatitig sa ganda niya, sinasagot niya ang mga tinatanong nito pero alam ni Bella na isa ito sa mga lalaking gusto siyang mailabas at makuha ang ayaw niyang ipakuha.Kahit nabo-boringan na si Bella sa kaniyang kausap ay kailangan niyang pakisamahan ito hanggang matapos ang oras niya dito.“Ayaw mo ba talagang lumabas kasama ko?” pamimilit na tanong ng costumer niya na ilang beses ng tinatanong sa kaniya.“Sorry pero hanggang pag table mo lang sa akin ang maibibigay kong service sayo, kung babalik kang mas madaming dalang pera baka pag-isipan ko ang paglabas na kasama ka.”pahayag ni Bella na alam niyang hindi basta-basta maabot ng kaharap niyang lalaki.“Kaya naman kitang bayara---““Bella.”Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin nito ng sabay silang mapalingon sa isang kasamahan ni Bella lumapit sa mesa nila.“Sha-Sha!”“Pasensya na sir pero papalitan ko si Bella, ako naman ang magpapasaya sayo.”anito na ikinatayo na ni Bella sa pagkaka-upo nito.“Pero si Bella ang gust---““Bakit papalitan mo ako?” tanong ni Bella sa kasama niya at hindi pinansin ang na-dissapoint na costumer sa kinauupuan nito.“May big time kang costumer na gusto kang ma-itable, mayaman kaya agad kang pinapakuha ni mami gwen. Nasa may bar counter ang costumer na gusto kang maka table, ang swerte mo talaga, gwapo ng makaka table mo ngayong gabi. Mas lalaki ang inggit ni Pamela sayo dahil tinanggihan siya nito at ikaw ang gustong maka table.”paliwanag ng kasamahan nito na ikinatango ni Bella bago iniwan na ang mga ito at puntahan na ang costumer na sinasabi nito.Nang makarating si Bella sa may counter ay agad niyang nakita ang nag-iisang lalaking nakaupo roon, nakatalikod ito sa kaniya ng lapitan siya ni mami Gwen.“Mayaman ang binata na ‘yan, gusto ka niyang ilabas. Huwag kang mag-alala nasabi ko na sa kaniya ang rule mo at walang problema sa kaniya ‘yun.”excited at masayang ani ni mami Gwen na ikinahila na nito kay Bella palapit sa binatang costumer nito na napalingon sa paglapit nila.Hindi maitatanggi ni Bella na gwapo ang lalaking gusto siyang ilabas, sa suot palang nito ay disente at hindi katulad ng mga naunang sa mukha palang ay hindi gagawa ng mabuti sa kaniya.“Hi!” ngiting bati ng gwapong binata kay Bella.“Mr. Sanchez, naririto na ang request niyo. Siya ang pinakamaganda kong host dito sa club na pwede kang samahan at i-entertain, pero nabanggit ko naman ang rule ni Bella.”magalang na ani ni mami Gwen na ikinangiti ng gwapong binata.“I understand, don’t worry Ms. Bella marunong akong sumunod sa rules at hindi ako namimilit ng babae kung ayaw nito. Anyways, my name si Calixto Sanchez, pero you can call me Calix.”saad na pagpapakilala nito na sinuri muna ni Bella ang binatang kaharap niya.“Sige na Bella sumama ka na.” pamimilit ni mami Gwen na ikinabuntong hininga ni Bella.“Okay, mukhang may isang salita ka naman.” Sagot na pagpayag ni Bella na si mami Gwen ang mas higit na natuwa.Nang makalabas sina Bella sa club ay bahagyang siyang nagulat sa ganda ng kotse na dala ng costumer ni Calix na ikinalingon niya dito.“Sayo ang sasakyan na ‘to?” tanong ni Bella na ngiting ikinatango nito.“Yeah, let’s go?”Pinagbuksan ni Calix si Bella ng pintuan na kibit balikat na pumasok na sa kotse ng binata, nang makasakay na sila pareho ay pinaandar na ni Calix ang kotse nito paalis sa club.“So, no touch, no sex pero nagtatrabaho ka sa isang club. Why is that?” ani na tanong ni Calix kay Bella.“Kailangan ko ng pera, ‘yun lang ang maisasagot ko.”“Ang magandang dalaga na gaya mo ay hindi nababagay sa ganiyang trabaho.”“Salamat sa papuri pero hindi mo na ako kailangang pangaralan, okay ang trabaho ko sa club. Saan mo ba ako dadalhin? Kung binabalak mo sa hotel binabala---“Hindi natuloy ni Bella ang sasabihin niya ng malakas niyang marinig ang pagtawa ni Calix na ikinataas ng isang kilay niya.“Tinatawanan mo ako?”“Sorry, hindi ko lang akalain na isang babaeng gaya mo ay marunong magbigay ng banta. Hindi kita dadalhin sa kahit saan na ayaw mo, wala din akong gagawin sayo. Kailangan ko lang ng kasama ngayong gabi dahil ang fiancée ko ay nalaman kong may relasyon sa bestfriend ko.”saad ni Calix.“Seryoso? May ganiyan pala sa totoong buhay, kawawa ka naman pala.” Saad ni Bella.“Huwag mo naman akong kaawaan, malas lang talaga ako sa pag-ibig. Pwede tayong maging mag-kaibigan, kung maisip mo na umalis sa club na ‘yun kaya kitang tulungan.”ngiting saad ni Calix kay Bella.Sa buong gabi na kasama ni Bella si Calix ay buong gabi ay naglabas lang ito ng hinanakit sa fiancée nito, maayos naman itong kausap kaya masasabi ni Bella na hindi masamang maging kaibigan ito.Inabot ng madaling araw ang kwentuhan nila, at nagpahatid na lang si Bella sa bahay niya. Nagulat si Calix sa tinitirhan niya at pinilit siyang bigyan ng maayos na tirahan na tinanggihan ni Bella. Ayaw niyang tumanggap ng tulong sa bago niya lang nakilala at kaibigan, hindi ganun kakapal ang mukha niya.Walang nagawa si Calix kundi ang hayaan si Bella, binigyan nalang niya ang dalaga ng malaking tip dahil sa pagsama sa kaniya at pakikinig sa wasak nitong puso, na buong pusong tinanggap ni Bella.Nang makaalis na si Calix ay pumasok na si Bella at deretsong nagpunta sa higaan niya at dumaretso ng pagkakahiga.“Nakakapagod na gabi pero atleast kumita na naman ako ng malaki.”ani ni Bella na itinaas ang perang binigay ni Calix bilang tip sa kaniya.“Gwapo na mabait pa si Calix, bakit kaya nagawang lokohin siya ng fiancée niya?” ani ni Bella na ikinatayo niya sa kaniyang pagkakahiga upang magbihis ng matigilan siya ng maalala niyang kailangan niya munang umigib ng mga tubig na kailangan niya bukas dahil alam niyang mahihirapan siyang sumingit sa umaga.Pagkabihis ni Bella ay agad siyang lumabas at pumunta sa palikuran niya at kinuha ang dalawang balde na kailangan niya. May kalayuan ang igiban sa kanila at kahit madilim ay wala ‘yun kay Bella dahil madalas na siyang umiigib ng gabi o madaling araw.Nang makarating siya sa poso ay ibinaba na niya ang kaniyang dalang mga balde at akmang magsisimula ng magbomba na manlaki ang mga mata niya ng may isang braso na pumulupot sa bewang niya mula sa likuran at may panyong tumakip sa bibig at ilog niya. Sinubukan niyang kumawala pero nagsisimula na siyang manghina, nagsimula na ring manlabo ang mga mata niya at unti-unti na siyang nakaramdam ng panghihina kung saan pumikit na ang kaniyang mga mata at nilamon na siya ng dilim.DAHAN-DAHAN na iminulat ni Bella ang kaniyang mga mata at napabalikwas nalang ng pagbangon ng bumalik sa isipan niya ang nangyari bago siya mawalan ng malay.“Nasa---“Hindi natapos ni Bella ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kaniyang kanang paa na may bakal na kadena na ikinagulat niya. Agad niya itong hinawakan at pilit na tinanggal sa kaniyiang paa ang kadenang nakakabit sa kanang paa niya pero hindi niya magawa.“Ano ba ‘to? Bakit may ganito ang kanang paa ko?” naguguluhan at nagsisimulang mataranta na ani ni Bella habang pilit niyang inaalis ang kadena.“Kahit anong gawin mo hindi ka makakawala sa kadena na ‘yan.”Natigilan at napalingon si Bella sa boses na narinig niya kung saan mas lalo siyang nagulat dahil hind ilang siya ang nasa basement at nakakadena ang paa. Hindi makapaniwala si Bella na may lima pa siyang mga babaeng kasama na ang iba ay mga umiiyak at ang iba ay tahimik nalang sa mga pwesto nito.“P-paanong…”“…hindi tayo makakaalis sa basement na ‘to maliban nal
ISANG LINGGO ang nakalipas simula ng mangyari ang pagdukot at pagtakas ni Bella sa mga hindi kilalang mga tao na balak siyang ibenta sa mga banyaga. Sa mga araw na nagdaan ay natakot na si Bella umigib ng gabi para sa tubig na kailangan niya, bago siya pumasok sa club ay pinupuno na niya ng tubig ang palikuran niya. Hindi rin niya sinabi sa mga kasama niya sa club lalo ang nangyari sa kaniya, isang linggo na niyang tinatago ang pangyayaring ‘yun sa kaniya, bahagya lang siyang na trauma dahil sa tuwing uuwi siya ng gabi ay pakiramdam niya ay may dudukot na naman sa kaniya, at nakakahinga siya ng maluwag sa tuwing nakakauwi siya sa bahay niya ng matiwasay.Sasapit na naman ang oras ng pagtatrabaho ni Bella, nakaupo lang siya sa papag niya, nakabihis na at hinihintay ang oras ng kaniyang pag-pasok. Hindi maalis kay Bella ang kabahan dahil sa nangyari sa kaniya, pero tinatapangan niya ang kaniyang sarili dahil hindi iyon pwedeng mak-apekto sa trabaho niya. Huminga ng malalim si Bella at n
PAGKASAKAY na pagkasakay ni Elijah sa kotse niyang Toyota Camry na si Radcliff ang asa driver seat upang magmaneho, ay umalis na sila sa hotel na pinuntahan nila kung saan invited si Elijah sa isang birthday party ng isang businessman. At dahil a-attend din ang taong kailangang linisin ni Elijah dahil sa lihim nitong pagbibigay impormasyon sa ibang mafia clan patungkol sa mga transaction ng Vendetta Cartel, ay kailangan nila itong burahin upang maging leksyon na din sa mga magbabalak na traydurin ang clan nila, at si Elijah.Tatlong van ang nakasunod sa kotse ni Elijah kung saan nakasakay doon ang iba niyang mga tauhan, pabalik na sila sa anchorage dahil may malaki silang transaction na magaganap kung saan ipapadala na nila ang mga babaeng kanilang hawak sa mga foreign costumer sa tatlong bansang hawak nila, ang Bogota, Morocco at Bahrain.“Cage has recovered the documents of transaction stolen by Mr. Tucson to us. They also burned the camp of Mr. Tucson, and the gift you are giving
KAKASARADO lang ni Elijah sa folder na kakatapos niya lang basahin, inilapag niya ang folder sa may kaliwang bahagi niya kung saan doon niya nilalagay ang mga natapos niya ng basahin na report sa mga ongoing at finishing project nila sa iba’t-ibang lugar sa pilipinas, at ang iba ay out of the country na project kung saan malakasang mga client ang kumuha sa Prestige Construction Solution.Nakasuot ng reading glass si Elijah habang ang focus ng walang emosyon niyang mga mata ay sa mga chine-check niyang mga reports per department ng kumpanya niya. Bagama’t hindi lang ang Construction Company niya ang hawak niyang negosyo ay hindi niya pinagsasabay ang disente niyang trabaho sa illegal niyang trabaho, ayaw niyang pinaghahalo ang mga bagay sa dalawang negosyong hawak niya. Elijah is a man of order, and he does not want anything or anyone who can messed things he wants in order, sa construction business man niya o sa mafia clan na hawak niya.Pero sa dalawang negosyo na hawak niya, most of
BASANG-BASA si Elijah ng lumabas siya sa banyo ng hotel room, bumagsak ang tingin niya kay Bella na nakaupo sa kama at nakabalot ang katawan nito ng kumot habang humihikbo parin sa takot dahil sa ginawa niya.Naguguluhan si Elijah sa kaniyang sarili kung bakit pinigilan niya ang kaniyang sarili sa gusto niyang gawin sa dalaga ng makita niya itong umiiyak at nagmamakaawa sa kaniya, si Elijah ang klase ng tao na walang pakialam sa ibang tao o sa nararamdaman ng mga ito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit iba ang hatak ng mga labi ni Bella sa kaniya, hindi niya alam kung bakit kanina ay gusto niyang angkinin ang katawan ng dalaga. Malakas na bumuga ng hangin si Elijah sa kaniyang kinatatayuan, at kahit basang-basa siya at tumutulo ang tubig sa suot niyang pantalon ay naglakad siya papalapit sa kama kung saan napaatras ng umupo si Bella sa kama ng makita siya. Kita ni Elijah ang takot sa mga mata ni Bella habang papalapit siya at hindi nalang ‘yon pinansin ni Elijah. Dinampot niya ang
“Now Bella, how does your talking service entertain me.”Nagpangalumbaba si Bella sa kinauupuan niya habang hindi makapaniwalang pinapanuod si Elijah sa ginagawa nitong pagpipirma sa mga documents na dinala sa opisina nito.Hindi niya alam kung bakit pinapunta pa siya ni Elijah sa kumapanya nito kung tutunganga lang siya at walang gagawin kundi maupo sa upuan na binigay para sa kaniya at isang mesa na nakapwesto di kalayuan sa mesa nito. Hindi magawa ni Bella ang talking service niya para mapatunayan kay Elijah na kahit walang sex service ay nae-entertain niya ang mga nagiging customers niya. Pero hindi niya 'yun magawa dahil pinatahimik siya ni Elijah at sinabihan na huwag maingay habang nagpipirma ito ng madaming papel a tinambak sa mesa nito.Mag-a-alas dies na ng umaga at dalawang oras na siyang nakapangalumbaba sa mesang binigay ni Elijah at walang ginagawa. Hindi maiwasan ni Bella na mainip lalo pa at naisip niya na madami siyang gagawin sa munti niyang bahay pero hindi niya maga
MADIIN na nakapikit si Bella habang ang dalawang kamay niya ay mahigpit na nahawak sa kobre kama habang hinahalikan ni Elijah ang kaniyang leeg na dumadako na pababa sa kaniyang bahagyang expose na balikat.Hindi makapaniwala si Bella sa kaniyang sarili na hinayaan niya ang kaniyang sarili na mapapayag sa challenge na ibinigay ni Elijah sa kaniya, alam niyang mali pero nagpadala siya sa mga salita ni Elijah kaya ngayon ay napasubo si Bella dahil pag natalo siya sa pustahan nila ni Elijah, goodbye virginity siya. Kaya kahit libon-libong kuryente ang nararamdaman niya sa mga halik ni Elijah ay pilit niyang nilalabanan na mapaungol sa mga ginagawa nito. Gusto niyang panindigan na hindi siya maaakit sa pangse-seduce ni Elijah sa kaniya, pero ngayon na nasa sitwasyon na siya ay hindi alam ni Bella kung hanggang saan siya tatagal.“Not moaning?” mapang-akit na sambit ni Elijah habang mapang-akit na halik ang binibigay niya nang balikan niya ang leeg ni Bella na siyang iling ang ginawa nito.
NASA BIYAHE na sina Elijah papunta sa safe house ng isa sa mga capos niya na nagkaroon ng problema regarding sa transaction nito sa pagpapadala ng mga epektus na hawak nila, ang mga iyon ay dapat dadalhin sa Brunei at East Timor. Lahat ng mga epektus na hawak nito sa bodega nito ay sinunog at lahat ng tauhan meron ito ay pinagpapapatay, kaya malaking problema ang kinakaharap ng isa niyang capos dahil dalawang araw nalang ay kailangan na nitong maipadala sa dalawang bansa ang mga epektus at nawalan pa ito ng mga tauhan.Habang nasa biyahe sina Elijah ay tahimik lang siyang nakatingin sa bintana, wala sa mga nasunog na epektus ang isipan niya kundi na kay Bella. Ang isa sa pinaka ayaw ni Elijah ay nakikipaglaro siya sa mga babaeng gusto niyang maikama, pero sa isipan niya ay masasabi niyang kakaiba si Bella. Hindi maturing ng isipan niya na katulad si Bella ng mga babaeng naikama niya, malaki ang pagkaka-iba ni Bella sa ibang mga babae na nakasama na niya. May part kay Elijah na ayaw niy