Share

Chapter 4 - Encounter

HUMANTONG sa isang villa na hugis kabibe sina Vhendice at Safhire. Sa unang malas ay makikitang sophisticated ang villa na gawa sa high-end materials. Cozy and everything but the touch of simplicity remained. Moreover, it was situated on the hilltop overlooking the sea. Parang higanteng kabibe na nasa burol.

"Kaninong villa ito?" tanong niya matapos pag-aralan ang lugar at tinulungan ang agent na ibaba ang mga bagahe nila mula sa sasakyan.

"Sa ninong ko. He's the former city administrator here," sagot ni Vhendice.

"Mukhang wala yatang tao."

"Only a care-taker lives here to watch over the house but he's not around right now. He took a vacation and went back to his hometown somewhere in Visayas."

"Ibig sabihin tayong dalawa lang ang titira dito pansamantala?" Hindi niya napansin na nasa tinig niya ang pag-aalinlangan.

"Certainly," kumindat ito. "Scared?"

"Sa girlfriend mo, oo. Ayaw ko ng iskandalo."

"I don't have one. Women are so afraid to have an affair with me. Baka raw bigla akong mamatay, kawawa sila." Ngumiti ng pilyo si Vhendice.

"No girlfriend? I don't believe you." Inirapan niya ito.

Nainis siya nang tumawa ito. Why is he so attractive? This guy...she hates him! She hates his disarming good looks! She hates his guts! 

She tried to ignore him and gained back her composure calmly. Nandito siya para hanapin ang pumatay kay Ray at pagbayarin. Dapat iyon lang ang iisipin niya. Kailangan niyang mag-focus.

Inipon niya sa isang sulok ng sala ang kanyang mga gamit at nilibot ang paningin. Perfect ang interior design. The grandeur cannot be concealed even with the furnitures purely made of native materials.

"There were only two bedrooms available here at the moment because the other rooms are packed and crowded. Would you like to sleep alone or would you prefer to share my bed? After all, we're here for our honeymoon." Nagsalita si Vhendice mula sa likuran niya. Nanunukso na naman.

"Quit joking." Sinipat niya ito ng nakamamatay na tingin. "Namimihasa ka na."

"We're couples here, Safhire. Why not play along?" Kinindatan siya nito. Sadyang sinasagad ang pasensya niya.

Kung iintindihin niya ang lalaking ito, tiyak tatanda siyang bigla. "Napagod ako sa biyahe. Gusto ko nang magpahinga." Pumihit siya at tinungo ang hagdanan.

"Hey! What about your things here?"

"I supposed you're a gentleman?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"But I can't possibly bring all these alone upstairs."

"Eh, 'di balikan mo. Common sense, agent!" Umakyat na siya at napabungisngis. 

***

"NANDITO na po tayo,ma'am," sabi ng driver ng taxi na sinasakyan ni Safhire.

"Ito na ba ang Victoria's Garden?" aniya.

"Opo." Itinabi ng driver ang sasakyan sa shoulder ng highway.

Kumuha siya ng pamasahe mula sa kanyang purse at inabot rito. "Salamat."

"Walang anuman po."

Bumaba siya. Natanaw niya di-kalayuan ang isang waiting shed. Iyon marahil ang sinabi ni Vhendice. Doon daw siya maghintay. Pupunta sila ngayong araw sa lugar kungsaan nahulog ang sasakyan ni Ray. Halos isang linggo ring pabalik-balik sa police station si Vhendice para makipag-negotiate sa may kapangyarihan bago sila pinayagang makita ang site. 

Private road daw iyon patungong Chrysanthemum mansion, ang ancestral home ng mga Andromida at kasalukuyang naka-off limits. Kahit ang ibang miyembro ng Andromida clan ay hindi basta-basta nakapapasok. Pero himalang nakakuha ng permiso si Vhendice sa tulong ng isang kakilalang malapit sa city administrator.

Tinunton ni Safhire ang kongkretong waiting shed. Alas-dos pa lamang ng hapon. Napaaga yata siya. Alas-tres ang usapan nila ni Vhendice bago ito umalis kaninang umaga. Nakakainip maghintay. Mabuti pa maglibut-libot muna siya. 

Tumawid ang dalaga. Naglakad-lakad. Victoria's Garden is an open garden of pine trees and flower fields. Iba't ibang uri ng mga bulaklak ang nakikita niya. The garden itself is captivating like a sheltered paradise beneath the open sky.

May natanaw na burol si Safhire. Siguradong mula sa tuktok niyon ay magandang pagmasdan ang buong hardin. Para makapunta doon ay kailangan niyang tawirin ang malawak na patag na nababalutan ng Bermuda grass na wari'y luntiang carpet na nakalatag. Mukhang malayo yata pero sulit naman ang tanawin.

Tinawid ng dalaga ang patag. Hiningal siya ng sapitin ang paanan ng burol. Makipot ang daang natagpuan niya paakyat. Nag-umpisa siyang baybayin iyon. Narating niya ang tuktok. May malaking puno ng acasia at iilang pine trees doon. 

Humugot siya ng hangin at pinahupa ang abot-abot na hininga. Humakbang siya papalapit sa punong Acacia. At natigagal nang masumpungan ang lalaking kahit sa panaginip ay hindi niya inaasahang makikita roon.

Her Sleeping Adonis!

But what is he doing here? Could it be that he woke up after she left that day? Sana pala naghintay muna siya.

Sumalampak siya sa lupa na binalot ng carabao grass at malayang pinagmamasdan ang lalaking nakaupo sa usling ugat at nakasandal sa puno. Mukhang nakatulog ito ng mahimbing. Sinusuyo ng hangin at pinaglalaruan ang maitim at malambot nitong buhok na bumabagsak ng malaya sa napakaguwapo nitong mukha.

Suminghap siya. May kung ano'ng natanggal sa puso niya na nagpapabilis ng husto sa tibok nito. Masaya siya at muli niyang nakita ito kahit pa tulog na naman. Parang may nagbago. Now, the aura of life and strength is overflowing on him.

"Mabuti naman. Masaya ako para sa iyo," bulong niyang napapangiti. Natutukso siyang haplusin ang mukha nito at hagkan ang nakapikit na mga mata sa likod ng makukulit nitong buhok na sumasayaw sa simoy ng hangin. Kaya lang, kapag ginawa niya iyon ay tiyak magigising ito. Huwag na lang. 

***

BINUKSAN ni Athrun ang mga mata at nagtagis ng bagang. Just a dream again. That Safhire Magdalene was there just now and that she was kissing his forehead. This is bad. He kept dreaming about that woman lately. He has to see her sooner or else his mind and heart would never cease becoming restless day after day.

Tumayo ang binata at tumingala. Saglit na pinagmasdan ang kalangitan. The weather is just so good. And he still have few more hours before sunset. Pwede pa siyang mamasyal. Binawi ni Athrun ang paningin at pumihit. Tinunton ang daan pababa ng burol.

His next stop will be Sta.Rosa.

Biglang nahinto ang binata nang may naalala. No...he can't take that way down. Baka makasalubong niya ang kanyang mga bodyguards.Tumakas lang siya kaya siguradong pinaghahanap na siya ng mga ito ngayon. He can't certainly have them ruin his day.

Samantala'y panay ang buntong-hininga ni Safhire habang tinatawid ang patag pabalik sa waiting shed. Hindi ulit niya napigil ang sarili na hagkan si Sleeping Adonis. Mabuti na lang at hindi ito nagising. She's the worst. Completely lost by his charms. 

Limang lalaking naka-black suit ang kanyang nakasalubong. They're much more like a personal bodyguards of some high-profile VIP. Napahabol siya ng tingin sa mga ito. Kung hindi siya nagkakamali, ang burol na pinanggagalingan niya ang distinasyon ng mga lalaki. Binawi niya ang mga mata at binilisan ang hakbang.

Pagkalabas ng bukana ng hardin ay kaagad niyang natanaw si Vhendice na naghihintay. He was leaning against an expensive sports model motorbike while toying the keys.

"Kanina ka pa?" tanong niya.

"Fifteen minutes ago. Where have you been?" ganti nitong tanong.

"Naglakad-lakad, tumitingin sa paligid. Napaaga ang dating ko. Na-bored ako."

"You should learn time management," kastigo nito. "Umalis na tayo." He gave her the extra helmet.

Tinanggap niya iyon at isinuot. Si Vhendice ay nagsuot na rin ng sariling helmet saka ito sumakay sa motorbike at binuhay ang makina.

"Let's go."

Umangkas siya sa may likuran nito ngunit hindi nag-abalang humawak sa lalaki.

"Mabilis akong magpatakbo. Baka mahulog ka," babala nito.

Napilitan siyang kumapit sa balikat nito. Kaagad nitong pinasibad ang motorbike. Mabilis nga itong magpatakbo. Pakiramdam niya ay matatangay siya ng hangin kung hindi siya kakapit ng husto rito. Mula sa balikat ng agent ay ibinaba niya ang mga kamay at mahigpit na yumapos sa baywang nito. Ipinikit niya ang mga matang kumikirot dahil sa hangin at sumubsob sa likod ni Vhendice.

Makaraan ang ilang saglit ay napansin niyang bumagal ng kunti ang takbo ng motorbike. Nang buksan niya ang mga mata ay tumambad sa kanya ang pagkaganda-gandang bridge na kanilang binabagtas. 

Wow! This city is just amazing! And she felt, there was more she has yet to see.

Sinapit nila ang portal gate ng private road patungong Chrysanthemum mansion. Saglit silang huminto sa tapat ng guardhouse. Isang guwardiya ang lumabas at lumapit sa kanila.

"Atty. Vhendice Queruben?" tanong nito.

"Yes," sagot ni Vhendice. "And this is my wife Safhire."

"Okay na po,sir. Pumasok na kayo. Tinawagan na kami kanina ng director."

"Thank you."

Sumaludo ang guwardiya bilang tugon.

Mabagal lamang ang takbo nila. At hindi mapigil ni Safhire ang mabatu-balani na naman sa tila mala-paraisong daan. The road was marked by expensive decorative lamp posts, native trees, flower beds and breathtaking center island landscapes. Hanggang sa napadaan sila sa isang kurbada kungsaan agad niyang napansin ang nasirang guardrail. Di-kalayuan pagkalampas nila ay huminto ang motorbike.

"Doon nahulog ang fiancé mo. Sasakyan niya ang sumira sa guardrail."

"Bumalik tayo." She demanded.

"Hindi pwede."

"Bakit hindi?"

"Kapag may nakakita sa atin na huminto sa bahaging iyon, tiyak pagdududahan tayo." 

"Ano pala ang dahilan at nandito tayo? Di ba para makita ang pinangyarihan ng aksidente at makahanap ng clue?"

"Tama. Pero hindi sa paraang iniisip mo. Kapag nahuli tayo ngayon, it will be game over. Hindi ka naman siguro nagmamadali?"

Hindi siya umimik. Muling pinatakbo ng agent ang motorbike. Saan pala sila pupunta kung ganoon? Nilampasan lang nila ang lugar kungsaan naganap ang krimen?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sumunod kana lang Safhire kay Vhendice ng hindi kayo mapahamak
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status