Habang nasa biyahe ang dalawa, ay minabuti ni Frank na wag munang tanungin si Iresh patungkol sa nangyari kanina habang hindi pa sila dumarating sa ospital."Ahhh Sir, iliko niyo nalang ho d'yan," pakiusap ng dalaga."Why? Hindi d'yan ang direksyon ng ospital," pagtatakang sabi ni Frank."Iuwi niyo nalang ho ako. Mas makakabuti yun.""But you still in a state of shock kaya we need to go at the hospital," pagkukumbinsi pa nito."No, I need to go home . Mas mag-aalala ang nanay ko pag nalaman niya ang nangyari. Kung pwede sana, ilihim natin ang tungkol sa nangayri."Wala nang nagawa si Frank kung hindi sundin ang dalaga."Pag-uusapan natin bukas kung ano ba talaga ang nangyari sayo," wika ni Frank.Tumango tango nalang si Iresh bilang pag sang-ayon. Nagtungo na sila kung saan nakatira si Iresh. Naawa siya sa babae nang makita ang sitwasyon sa lugar nila.Parang pang squater area ang dating nito o baka nga, squater area talaga 'to. Tumigil ang sasakyan sa isang maliit na bahay. Bungalo
NAGPUNTA si Tyler sa bundok ng KYLEX MOUNT. Yun ang tawag nila sa bundok kahit hindi naman iyon ang pangalan. Malayo layo na rin ang nai-drive niya nang makarating siya sa makitid na daan. Walang mga kabahayan at malayo sa syudad.Lumiko siya bandang kaliwa at tinahak ang naturang daan. It takes 1hr and 15 mins bago dumating sa isang camp. Madali lang ang daananan doon kahit sabihin pang gubat iyon dahil sadyang ipinaayos bilang kampo ng tito niya.As a mafia leader ay pinaglaanan talaga niya iyon ng oras para sa madaliang transaction. Wala rin naman nagagawi doon dahil exclusive for Jetro Madrigal ang bundok na iyon.Jetro Madrigal is a former mafia leader of an Ox Group.Bumaba si Tyler sa sasakyan ng matanaw nito si Luis na nakikipag espadahan sa katunggali nito. Napangiti pa ang binata ng makita ang kalaban na puno ito ng tadtad at patuloy pa rin namang lumalaban para sa kaniyang buhay.Isa ito sa mga traydor ng grupo. Sa madaling salita, isa pala itong spy. Ngunit, sa gaya ni Lui
FLASHBACK“Luis, ipangako mo sa akin na ilalayo mo ang anak ko,” habilin ng amahin. “ Opo, Sir,” mangiyangiyak niyang sagot. “ Hindi dahil sa mamanahin niya kundi tungkol ito sa kaligtasan niya. Nalaman na ng ibang grupo ang tungkol sa anak ko. Siya ang hahawak sa boung kapangyarihan ko. Kayong dalawa. Ngunit, may sasabihin ako—”Huminga muna ng malalalim ang ginoo dahil nahihirapan na ito “ Sir, parating na ang Doktor. You still need to hold on please,” nahulog na ang mga luhang kanina pa nag babadiyang kumawala sa mga matang hindi man lang dinadaluyan ng luha simula ng magbinata ito. “ Isa sa ating kasamahan ang magtatangka sa anak ko upang makuha ang kapangyarihan. Naudlot lang ang pag hahanap ko dahil di ko na kaya. Kung kaya, sayo ko ipagkakatiwala ang lahat pati na ang kaligtasan ng mag-ina ko. May ipapatago ako sayo, at ibigay mo sa anak ko pag nagkita kayo. Bagay na matagal ko ng gustong ibigay simula ng ipinanganak siya ngunit, dahil sa kaniyang ina ay di ako makalapit,” n
( IRESH POV )Palabas na kami ng elevator. Kasama pa rin namin ang batallion ni Boss. Nang makarating na ako sa desk ay inilapag ko na ang aking mga gamit. Pupunta ako sa coffee machine para kay Sir.“Wait Ms. Dimatibag. Pakitimpla rin ang mga bodyguards natin,” sabay kindat nito sa akin. Tumaas ang kabilang kilay ko. Bahagya pang nangingiti ngiti ang mga bodyguards. Nilingon ko sila at agad naman tumingala ang iba sa taas na tila may tinitingnan.Ang ilan ay sa ibang direksyon tumingin. Iniiwasan ang pandidilat ng mga mata ko.“Teka, mag stay ba sila dito? I mean, hanggang dito ba naman? Napakarami nila. Eh maging coffee girl nalang kaya ako!” reklamo ko.“Yes, kaligatasan mo ang pinag uusapan dito,” sagot nito. Akma sana akong sasagot kaso sumibat na si sir, bigla niyang ibinagsak ang pintuan.Wala naman akong magawa. Imbis na magbunganga ay ginawa ko na lamang. Pagkatapos mabigyan ng coffee lahat ay nagtungo naman ako sa loob ng office ni Boss saka inilapag ang kape sa lamesa."Ms
Sa rooftop. Tapos ng kumain si Iresh. Nakatanaw siya sa malawak na syudad mula sa kinatitirikan ng building ng LUCENAS CORPORATION COMPANY. Napakaganda ng tanawin. Ang liliit ng mga bahay. May mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Maraming tao sa labas. Ngunit bawat isa ay may kuwento. Alam niya sa sarili niya na may iba sa mga taong nakikita niya na masaya, yung iba ay nahihirapan at ang iba ay may pinagdadaanan. Every window has its own story ika nga.Nagmuni-muni siya. Iniisip niya kung talaga bang binalikan sila ng ama niya. Kahit matatag siya ay hindi pa rin niya maiwasan mangulila sa amang, ni minsan ay hindi man lang niya nasilayan.Umaasa siyang, totoo ang mga sinasabi ni Mr. Baigon. Na hindi sila nito inabandona. Pero kahit totoo man iyon, ay hindi pa rin nito makakasama ang namayapang ama.Sumungaw ang mga luha sa mga mata niya." Maganda ang tanawin nuh? Nakakarelax sa utak," sambit ng boss ni Iresh na ikinagulat ng dalaga.Manapa ay di niya sukat akalain na magtutungo ito
( IRESH POV )Why did I allow him to kiss me?! Nagmukha akong cheap or should I say...., EASY TO GET! NO WAY!Sabay kalampag sa lamesa ko. Wala na ang mga bodyguards na nakalinya kanina dito sa hallway. Buti naman at natauhan si boss. Imposible naman kasi na may kikidnap sa akin dito sa loob. Inihilamos ko ang aking palad sa sobrang kahihiyan. Sa tuwing naiisip ko ang naganap sa rooftop, para akong binubuhusan ng ice bucket.I dunno if he's telling the truth or should I say, binola bola lang niya ako. Ehhhhhhrrrtt....!!! "Of course Iresh, you should consider that as lies. Wala naman dapat akong asahan doon. Youdon't care about him, self okay?!" sambit ko sa aking sarili. "Is there anything wrong?" tanong sa akin ni kumag na di ko namalayan na nadito na siya ulit sa likuran ko. Nakakainis talaga. "Yes Sir!" Ngumiti ito na parang may ipinapaalala sa akin. That sexiest mistake that I haven't done for my past life. "Ikaw Sir!" asik ko rito. "Ako? Bakit?" "Ikaw? Bakit!? Of course,
(FRANK POV)NAIHATID ko na si Iresh sa kanilang bahay. Senermunan pa siya ng kaniyang ina kaya palihim akong natatawa. Paano ba kasi, kung anu-ano ang sinabi ng kaniyang ina.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...“Anong nangyari sa palda mo?” tanong ng ina ni Iresh.“Ah eh, napunit po nung umupo ako.”“Ano? Bakit? May blade ba doon sa upuan mo? Kahit kailan talaga di ka nag-iingat. Dalaga ka na pero nagdudugyot ka pa. Hay naku! Di ka na nahiya kay Sir Frank.”“Ma naman!” nahihiyang saway sa kaniyang ina.“O ano ngayon? Kahit ilang beses na kitang pagsabihan e di ka pa rin nadadala!”“Bibili nalang ho ako ng bago.”“Oo tapos punitin mo ulit!”Nag walk out na siya at ibinalibag ang pintuan ng kaniyang kuwarto. “Pati yan sirain mo!” pahabol ng kaniyang ina. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganiyan talaga pag di pa nagkaka-boyfriend. Hayyyy kung may manliligaw sana sa kaniya. Di sana, nag-aayos siya," baling niya sa akin. Nangiti nalang ako sa tinuran niya. Mukhang nagpapahiwatig. Di na ata ako mahi
“Hey! Tama na yan Luis. May problema ka ba? Napapasobra ata ang inom mo? Hindi ka naman ganyan,” ani Tyler sa kasama matapos nitong anyayahan magpunta sa Bar.Hindi niya sukat akalain na sasama ito ng ganun kadali dahil kilala niya si Luis. Hindi basta basta sumasama sa Bar. Lumagok muli si Luis ng tiquila.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...Habang kumakain sa rooftop sina Iresh ay nasa kabilang building si Luis. Gamit ang telescope ay kita n'ya kung gaano kasaya ang mga ito sa pananghalian. Nang makita nito ang pagmumukha ni Iresh pagkaharap ay napatigil siya.Pinagmasdan niya ng mabuti ang dalaga. Pamilyar ang mukha niya. Bumalik sa alaala nito ang batang babae na kasa kasama niya noong bata pa ito.Nasa pre-school siya noon at tanging si Mr. Madrigal ang mismong nagpapa-aral sa kaniya pagkatapos siya nitong ampunin. Dahil sa pagiging tahimik nito ay madalas siyang tampulan ng pambu-bully. Pero ipinagsasawalang bahala lang iyon ni Luis. Ayaw niyang magka problema sa kaniya ang butihing Madriga